Share

Anna
Anna
Author: Lady Kimmy

Kabanata 1

This story is  a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner and therefore don't exist.

Any recemblance to actual person's, living or dead or actual events is purely coincidental

No part of this publication maybe reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

1

HUMAHANGOS ako sa pagtakbo dala dala ang mga baunan ng kanin at ulam, kahit mabuhangin ay hindi ko ito pinansin. Ang mahalaga maabutan ko si itay, mangingisda na naman kasi ito at sa kasamaang palad naiwan nito ang baunan, mamayang hapon pa dadaong ang bangka nya kaya kailangan nya talagang mag baon. Mas binilisan ko ang takbo ng makita itong papasampa na sa bangka.

" Itay! Itay! Sandali!!!"

Malakas kong sigaw. Napatingin naman ito sa akin at kumunot ang noo. Ilang sandali pa at nakarating din ako sa kanya na hinihingal.

" Anna! Sinabi ko naman sayong wag kang tatakbo baka madapa ka! Ikaw talaga." Sermon nito.

" T-tay, n-naiwan nyo po kasi" hinihingal kong sabi sabay pakita ng baunan nito.

"Oo nga pala!" At napahimas ito sa noo. Kinuha naman nito at nilagay sa bangka.

" Salamat anak, bantayan mo ang mga kapatid mo ha! At ako'y aalis na." Tinapik ako nito sa balikat bago sumampa.

"Sige tay, aalis na ako."

Kumaway pa ako bago umalis. Hindi na ako tumakbo dahil mabilis akong hingalin.

Ilang minuto din bago ako makarating sa bahay. At ang mga kapatid ko ay busy sa mga anu anong ginagawa. Umupo ako kay ate Anne na busy sa paggawa ng polseras gamit ang mga bato na pinulot nito sa tabing dagat, binibinta nito ng limang piso o sampo, tulong na din kina itay.

"Tulungan na kita ate" sabi ko sabay kuha ng mga gagamitin.

Si ate Anne ang panganay samin 27 na ito at single pa. Sunod si kuya Angelo 25 at may asawa't anak na. at ang ikatatlo ay si ate Ariana, 23 single. at ikaapat naman ako 17 sunod sakin si April na 15 at ang bunso ay si Ian or pronounced as ayan na 8 taon.

"Sasama kaba sakin mamaya?" Napatingin naman ako kay ate Anne ng magsalita ito. Napaisip ako kung sasama ba. Pupunta kasi ito sa bayan at magbibinta ng polseras at kuwentas na gawa nito.

"Titingnan ko ate, at kung hindi man puwedi namang sumama si April, wala naman yang ginagawa" napatingin naman kaagad si April na busy sa pag lalagay ng make up.

"Ate Anna! Sasama ako kay Carmen eh" nakasimangot na sabi nito. Napataas naman ako ng kilay.

"Para ano? Mamimingwit ng boyfriend? Ang bata mo pa, at ano yang sa mukha mo make up? Saan naman yan galing Aber?"

Nakataas parin ang kilay ko. Kahit si ate Anne ay napailing nalang. "Hayaan mo na. Kaya ko naman"sabi ni ate.

"Pero ate!" Dinilaan lang ako ng maldita kong kapatid. Mabait naman ito pasaway lang.

"Alis na ako baka hindi pa ako makaalis mamaya." Saka ito nag martsa paalis.

"Hindi mo sana hinayaang gumalak ang malditang iyon ate!" Naiinis kung sabi.

"Hayaan mo na, alam na nya ang ginagawa. At bakit hindi ka sasama sakin?"

Napabuntong hininga nalang ako. Napakabait talaga ni ate Anne.

"Tutulong ako kay inay mamaya, ang daming nagpalabada sa kanya." Hindi na ito nagtanong at busy na sa ginagawa

Paalis na si ate at sumakay ng bangka. Ito lang naman ang sasakyan para maka alis sa isla, napapalibutan kasi ng tubig ang buong isla at kailangan mo pang sumakay ng bangka papuntang bayan, ito ang pinakamaliit na isla dito sa Isla Verde.

"Sabihan mo ang ate Ariana mo pag uwi nya na singilin si aling Angging ilang linggo nang hindi nagbabayad yun"

Tumango lang ako. Nang makaalis ang bangka ay saka ako pumunta sa tubig at naligo sandali.

Nandito kami ni nanay kina ante Babeng. Yong magpapalabada.

"Ito anak, dalhin mo. ako na ang kukuha ng bedsheet."

Inabot nito ang basket na puno ng mga lalabahin. Binuhat ko ito at dinala sa likod bahay. Hindi naman mayaman si ante babeng pero hindi katulad namin medyo angat sila sa buhay dahil nasa abroad ang anak nito. Sinimulan ko na ang paglalaba. Habang busy sa paglalaba dumating si inay na bitbit ang limang bedsheet na sobrang kapal! Parang nahihirapan pa ito sa bigat. Kaya kaagad akong tumayo at tumulong.

"Inay naman! Sana sinabi mong marami ang bubuhatin mo para natulungan kita!"

Nakasimangot kong sabi. Tumawa lang ito.

"Kaya ko naman Anna anak"

Pinagtulungan namin ni inay ang paglalaba at tatlong oras bago kami natapos. Pagod na pagod kami kaya nagpahinga muna kami sa sala ng bahay ni ante Babeng. Ilang sandali dumating din ito dala ang perang ibabayad samin.

"Ito Langring, 200 salamat, sa susunod ulit."nakangiting sabi nito. Tumango lang si nanay saka kami umalis. Habang naglalakad nag salita ako.

"Nay, hayaan nyo balang araw makakahanap din ako ng magandang trabaho at hindi nyo na kailangang maglabada ng ganuon ka dami at hindi na rin mangingisda si itay!" Nakangiti kung sabi. Tinapik lang nito ang balikat ko.

"Wag kang mangarap ng sobra anak dahil baka bumagsak ka, napakasakit noon" paalala nito. Hindi na ako nagsalita pero itinatak sa isip ang paalala nito.

Nang makauwi ay nadatnan namin si ate Ariana na busy sa pagluluto.

"Nariyan na pala kayo nay, sandali lang patapos na ito"

Saka itinuon ang atensyon sa pagluluto.

Naalala ko naman ang habilin ni ate Anne.

"Ate Ariana, singilin mo daw si aling Angging sabi ni ate Anne ilang linggo na daw iyong hindi nagbabayad."

Tumango lang ito.

Saka ako pumasok sa kwarto namin. Kaming anim na magkakapatid ay magkakasama sa lapag, walang kama dahil hindi naman kami mag kakasya at masyado nang masikit. Hindi naman kasi kalakihan ang bahay.sa totoo lang parang bahay kubo lang nga ito sa liit, pero kahit ganuon masaya naman kami. Humiga ako sandali para magpahinga, nakakapagod din kasi. Marami akong pangarap para sa pamilya ko at para matupad yun kailangan kong magtrabaho sa maynila pero hindi ko alam kong matatanggap ako kung sakaling mag apply ako at wala akong pinag aralan kaya mahirap makipag sapalaran. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ng tinapik tapik ako ni inay.

"Anna, anak gising na kakain na." Sabay yug yug sakin. Napadilat ako at napahikab.

"I-inay" sabi ko nalang dahil humikab ulit ako.

"Talagang antok ka, sige matulog ka nalang ulit at iiwanan kita ng pagkain" Iyon nalang ang narinig ko dahil nakatulug ulit ako dahil sa pagod.

Nagising ako ng gabi na at nandyan na si itay. Tinawag ako nito sinabing kumain na. Tapos na silang kumain kaya dumulong ako sa maliit naming kusina at inihanda ang kakainin.

Nang matapos ay sinilip ko sila inay na busy sa pagkukuwentuhan kasama ang itay.

"Malalaki na sila, pero tingnan mo ang buhay natin ni walang asenso kahit araw araw pa tayong kumayod wala pa rin, mahirap parin sa daga."

Sabi ni inay. Nalungkot naman ako. Kung may maitutulong lang sana ako pero wala. Hindi naman kami nakatapos ni high school ganuon din ang mga kapatid ko. Pati si kuya Angelo palalamunin pa nila itay haaay! Kahit may sarili nang pamilya.

Hindi na ako nakinig at pumunta ng kwarto at sinilip ang alkansya. Siguro marami rami na din ito, tinago ko ulit ito baka makita pa ni kuya Angelo at hiramin.

KINAUMAGAHAN ay busy na ang lahat sa kanya kanyang trabaho. Si itay mangingisda. si ate Anne magbibinta sa palengke, si kuya Angelo naman ay magkakargador si ate Ariana naman ay raraket daw at kami ni nanay maglalabada na naman. Ang maiiwan nalang sa bahay ay si April at Ian.

"Mga anak, aalis na ako malapit ng sumikat ang araw. April anak. Bantayan mo si Ian hindi puro lakwatsya ang inaatupag." Sermon nito kay April. Umirap lang ang huli.

"Samahan na lang kita tay. Sa bayan ako pupunta baka pwedi mo akong ihatid muna sa daungan." Sabi ni ate Anne. Umalis na ang mga ito at kami nalang ni nanay ang naiwan umalis na din kasi ang iba kong kapatid. "Dalian mo anak, baka mainip ang ante Nancy mo, may pupuntahan pa ito." Nilingon ko si inay at tumango lang bago kinuha ang mga dadalhin saka kami umalis.

Sa daan ay nakasalubong namin si Tiyo Nestor, may dalang malalaking isda.

"Wow naman Nestor! Ang lalaki niyan ah!" Namamanghang sabi ni inay saka sinipat ang mga malalaking isda.

"Kaya nga Lagring, may mga bago kasi kaming lambat, sabihan mo naman ang asawa mo na sumama samin sa susunod."

Tumango lang si inay, binalingan lang ako ni Tiyo bago umalis.

"Anna, aalais na ako." Sabi nito. Ngumiti lang ako bago sumunod kay inay.

Maraming labahin kaya nagsimula na kami. Si inay sa mga damit ako naman ang sa pangbaba katulad ng mga pantalon na malalaki. Sa totoo lang masakit na ang mga kamay ko sa walang tigil na pagkuskus ilang araw na sunod sunod na paglaba buti sana kong kunti lang pero hindi! Napakarami na pagnatapos hindi kana makatayo! Pero magrereklamo pa ba ako? Si inay nga alam kong may iniinda ding sakit hindi lang sinasabi. Napabuntong hininga nalang ako.

"Ayos ka lang nak?" Nakakunot noo nitong sabi habang patuloy parin sa paglalaba. Tipid lang akong ngumiti.

"Ayos lang po nay, ako pa ba?"

Pagbibiro ko na ikinatawa nito. Nang matapos sa napakaraming labahin ay binigyan kami ni ante Nancy ng 300. Napatitig ako dito at napaisip. Worth it ba tong 300 sa napakadaming labahin? Pero wala naman kaming karapatan na mag reklamo sa hirap ng buhay kahit 100 nga okay na. Napabuntonghininga nalang ako at napasulyap kay inay na nakatingin pala sakin, bakas ang lungkot sa kulubot nitong mukha at awa na din. Lumapit ako sa kanya at nakangiting iniabot ang pera.

"Pasencya na anak ha, ito lang ang kaya naming ibigay ng ama mo."

Lumapit ako sa kanya ng makita ko ang luha nito, kaagad ko siyang niyakap.

"Nay, kahit ganito ang buhay, basta masaya tayo at sama sama kaya wag na po kayong malungkot at umiyak." Alo ko dito dahil mas lumakas pa ang iyak nito.

"Salamat anak, napakabuti mo talaga. Swerte kami ng ama mo dahil may anak kaming napakaganda at napakabait."

Tumahan na din ito. Napangiti nalang ako at humiwalay na.

Iginaya na ako ni inay palabas para makauwi na.

Gabi na at sama sama kami sa hapagkainan. Dahil maliit lang ang bahay ay maliit din ang mesa kaya si inay at itay at si Ian lang ang nakaupo sa mesa. Kami naman nila ate Anne at Ariana at April ay sa bangkong mahaba nakaupo. Galunggong ang ulam at magana kaming lahat sa pagkain. Swerte na siguro kung makakapag ulam kami ng karne, sa napakamahal na mga bilihin hindi na namin yun afford. Sa labada nga mga 500 na ang pinaka mataas na ibinibigay at ang isang kilong karneng baboy ay nagkakahalagang 350. Nag iipon pa kami para sa pag aaral ni April. Mag te third year na ito sa pasukan kaya kailangan naming magtulungan, kami wala na kaming balak na mag aral si April nalang ang aming itatawid. Pero ang pinakamalungkot pagnakatapos na ito ng high school hindi na ito papasok sa college katulad namin.

Nang matapos kumain ay nag ayos na kami ng mga sarili para matulog.

"Ate pakisabi kila itay at inay na sa kabilang bahay lang ako at manonood nang TV."

Sabi ni April. Hindi na ako nito pinasalita dahil kaagad iyong tumakbo. Napailing nalang ako, pagkatapos kung makapaghilamos sa labas dahil nanduon ang poso ay kaagad akong nahiga. Nakahiga na din sila ate Anne at ate Ariana.

"Maglalaba ba kayo bukas?" Sabi ni ate Anne. "Hindi te, sasama ako sayo bukas" tumango lang ito at hindi na nagsalita.

"Saan si kuya Angelo te?" Tanong ko.

"Sa asawa nya bati na ulit sila" si ate Ariana ang sumagot. Hindi nalang ako sumagot. Ano pa bang bago? Laging nag aaway, magbabati din naman. Buti nga at para bawas sa palalamunin. "

"Balita ko nandito na si Mar, yung best friend mong lumipat sa maynila. Kahapon lang daw nakarating."

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang sabi ni ate Ariana.

"Talaga? Hala! Miss na miss ko na siya!" Excited kong sabi.

"Ate Anne! Sasama ako bukas sa bayan!"

Masaya kong sabi at niyakap pa ang bewang ni ate Anne. Si ate Anne kasi ang nasa gitna.

"Dapat nga makipagkita ka duon baka naman may pasalubong ka." Tugon ni ate Ariana.

"Si ate talaga! Kahit wala na. Basta magkita lang kami ulit!"

"Sasama ka ba sa kanya? Diba sabi mo pagnakadalaw siya dito sasama kana sa kanya at duon ka sa maynila maghahanap ng trabaho?" Sabi ni ate Anne na nakapikit.

"Titingnan ko ate, wala akong pamasahe" malungkot kong saad.

" May naipon ako, hiramin mo nalang muna saka mo na bayaran" sabi nito.

"Talaga te! Yes! Salamat te!" Niyakap ko siya ulit.

"Matulog kana, gabi na Anna!" Saway nito. Nakangiti akong natulog. Sa wakas makakapunta na din akong maynila. At matutupad ko na ang pinapangarap ko para kina inay at itay at sa mga kapatid ko.

//  Please Comments or vote po para maramdaman  ko naman ang mga presents niyo at mapasalamatan.😘❤️🙏

Please vote comments and share and don't forget to follow me on my account Lady Kimmy thank you!

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Gina Bangibang
mgnda po ang story author..nkkrelate aq ...
goodnovel comment avatar
Lynne Sadile
napaka makatotohanan tlaga ...
goodnovel comment avatar
Marlon Collado
nice story I like it ...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status