Bata pa lang ay pangarap na ni Chase ang makasali sa isang organisasyon kung saan s'ya ay magiging isang ganap na secret agent. Samantalang hindi naman ganoon ang pangarap ni Ezra dahil pag do-doctor naman ang gusto nito.
Kambal man sila ay magkaiba pa rin ang kanilang gusto, pero madalas na iisa lang ang tumatakbo sa kanilang isipan na parang bang nababasa nila ang iniisip ng isa't-isa. Ang pamilyang Mendivel ay kilala dahil na rin sa yaman at nagkalat na negosyo sa bawat panig ng bansa.
"Ezra, alam naman nating simula bata pa tayo ay pangarap ko na 'to" may inis sa boses ni Chase habang isa-isang inilalagay sa backpack ang mga gamit na dadalhin n'ya para sa unang misyon.
"Chase, Masyadong delikado 'to! Paano kapag napahamak ka doon!?" Sa inis n'ya ay napakamot nalang s'ya sa ulo nang di-oras at inagaw ang mga gamit na planong dalhin ng kakambal.
Second year highschool na sila sa isang sikat na paaralan sa siyudad ng Manila. Laking gulat n'yang nakasali na pala ang kakambal sa organisasyong matagal na nitong pinapangarap.
Kaya pala noong nakaraang taon ay hindi ito magkanda-ugaga para sa pag-aaral habang kasabay noon ay ang training sa Black Crystal Revolution. Kung hindi n'ya pa ito nahuli sa aktong pagpunta sa organisasyon ay malamang hindi din sasabihin ni Chase ang tungkol rito.
Isang linggo na ang nakalipas pero walang Chase ang nakabalik. Puno ng pag-aalala ang pamilyang Mendivel dahil sa pagkawala ng anak. Puno naman ng kaba ang dibdib ni Ezra dahil nangako pa ang kakambal nitong makakabalik pero hanggang ngayon ay wala pa ito.
"Anak, Ezra., wala bang sinabi sayo ang kakambal mo kung saan s'ya pupunta? Alam nating lahat na sayo lang hindi magsi-sikreto si Chase,"
Umiiyak na ang mommy Emerald n'ya habang ang daddy n'ya at ang nakatatandang kapatid na si Shan ay abala sa pakikipag-usap sa mga pulis.
"Mom-"
Hindi pa man s'ya nakakapagsalita ay may pumasok na dalawang lalaki at napahinto ang daddy n'ya sa pakikipag-usap sa kapulisan. Maging ang mommy n'ya ay doon napunta ang atensyon sa panauhing bagong dating.
Nakasuot ang mga ito ng puting t-shirt at pinatungan ng black leather jacket habang nakapantalon ito ng itim. May suot rin itong itim na sumbrero. Sa tingin n'ya ay nasa mid 30's na ang dalawa. Kung hindi s'ya nagkakamali sila ang kinuhang private investigators ng daddy n'ya para mahanap si Chase.
"Magandang umaga sa inyo Mr. and Mrs. Mendivel. Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Napag-alaman naming sumali ang anak n'yong si Sanford Chase Mendivel sa Black Crystal Revolution. Ang organisasyong ito ay tumatanggap ng mga request sa ibang tao tulad na lang ng pagliligtas o pagtatanggol sa mga taong nangangailangan. Ang bawat miyembro ang naaatasang gumawa ng misyon. Mahigpit na training ang pinagdadaanan bago tuluyang maging kasapi ng organisasyon. Tumutulong sila sa mga nangangailangan lalong-lalo na sa mahihirap. Nitong nakaraang buwalamang ay naging ganap na kasapi si Chase at nitong nakaraang linggo nama'y ang unang misyon n'ya. Pero sa kasamaang palad may posibilidad na maaaring patay na s'ya.." lintaya ng isang private investigator habang ang isa namang walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha habang nagmamasid.
Parang libo-libong kutsilyo ang tumarak sa dibdib ni Ezra ng mga oras na 'yon. Para siyang sinampal at nabingi sa narinig.
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha n'ya habang ang mommy n'ya ay nawalan ng malay dahil sa narinig. Umiiyak na sinalo ng daddy n'ya ang ina nito. Habang ang kuya Shan naman n'ya ay nakatulala. Ito ang pinaka masakit na araw para sa mga Mendivel at ito rin ang araw na sana ay ipagdiriwang ni Ezra at Chase ang kanilang kaarawan.
Ezra's POV It's been ten years simula noong mawala si Chase and today is supposedly our 24th birthday celebration but I don't want to celebrate it. Simula nang mawala s'ya ay ayoko ng mag celebrate ng kahit na ano 'cause it remind me the day he never comes back. Napatingin ako sa cellphone na nakapatong sa table katabi ng laptop ko ng mag-ring ito. It's my mom. Alam kong kukulitin na naman n'ya ako, pero mas maganda atang magtagal nalang ako dito sa office o kaya mag-reason out nalang? Matapos kong i-send sa email ang report ko para sa mga natapos kong misyon ay pinanuod ko ang panibagong video na ipinadala sa akin ni Dia. Kuha ito sa CCTV footage malapit sa mall tungkol sa pag dukot sa anim na taong gulang na bata at iba pang nawawalang kababaihan. Mukhang, ito ang panibagong misyon ko. "Captain Sierra?" Napaangat ako ng tingin ng makita si Justin na hawak ang isang mug. Tinanguan ko lang ito ng mailapag n'ya sa table ko ang kapeng dala at ibinalik ang tingin sa lapto
Ezra's POV MAS dumarami pa ang miyembro ng Black Crystal Revolution at Oo legal ang ginagawa namin. Alam din ng gobyerno ang tungkol sa amin pero walang nakalalabas na impormasyon tungkol sa mga miyembro at iba pang bagay. Ang kasalukuyang Commander ngayon ay si Commander Nazi. S'ya ang pumalit kay Commander Alvazar na mismong tatay n'ya pero namatay ito dahil sa isang misyon. May hinahawakang sagisag ang organisasyon at ito ay ang literal na Black Crystal. Ang sino mang miyembro ng black organization o kung sino man ang may masamang hangarin ang makakakuha noon ay manganaganib ang organisasyon na matagal na pinagka-ingatan ng dating Commander. Nananatili ang itim na kristal sa loob ng organisasyon. Madaming lasers, CCTV at agents na naka-bantay rito. May bawat patibong na nakalagay sa paligid at hindi ito makukuha ng basta-basta. Hawak-hawak ko ang mga papeles na naglalaman tungkol sa kakambal ko. Kung anong misyon ang gagawin n'ya at kung saan dapat siya pupunta, pero nakala
Justin's POV Shutaneeees! Ang daming gwapo ditey! Ay s***a teka? Ba't disconnected na si Captain? Nag alisan na ang iba pang nandito at ang iba ay nakahandusay na sa sahig pero keribels dahil willing akong magpa-gahasa sa kanila hihihi. "Itaas mo ang kamay mo at h'wag kang gagawa ng kahit na anong bagay!" naramdaman ko ang matigas na bagay na nakatutok sa aking ulo. Oh, ang babastos ng mga iniisip n'yo ha? Baril 'yan hindi ano... "Umutot pwede? Hihihi." ngumiti ako ng napakatamis kahit na nakatalikod pa ako sa kanila. "Humarap ka dito!" Agad akong napaharap at Oh-lah-lah! ang yummy naman nito. Super gwapo grabe lungs! "Tangina Flare, h'wag ka namang manakot." sabat naman ng isa pang pogi! "Tsk, epal." "Hoy sinong kasama mo rito?" Maangas na tanong naman sa akin ng isa pang bagong dating. Nakatayo kami dito sa gitna ng venue kung saan dapat ibi-bid ang mga babae. Ano ba 'yan. Dapat pala sa hotel kami eh! "Ah, eh...ako lang mga gwapings! Hihihi." malandi kong sabi at kumi
Ezra's POV Nang makita kong isinakay na si Justin sa sasakyan ay agad ko itong sinundan hanggang sa makarating sila sa isang building o para bang isang hide out. Ilang minuto pa akong naghintay pero bigla na lang may dumating na mga armadong kalalakihan at pinalibutan nila ang buong hide out. Sigurado akong kalaban nila ang mga 'to. Nainip na ako sa kakahintay na baka pumasok sila sa loob ang kaso wala, mga nagbubulungan pa kung susugod pa ba sila o hindi. Mga baliw diba? Ako na mismo ang sumugod sa kanila hanggang sa binaril ako ng isa pero imbes na ako ang tamaan 'yung kasamahan n'yang nasa likod ko ang nabaril. Tsk, kailangan ko atang i-seminar ang mga 'to para naman mag-upgrade ang shooting skills. Nang maubos ko silang lahat tsaka na ako pumasok sa loob, marahas ko pang binuksan ang pinto at mukha pa silang gulat na gulat sa akin. Nakita ko naman si Justin na nakaposas pa at para bang enjoy na enjoy dahil puro lalaki ang mga kasama. Mukhang hindi basta-basta ang mga 'to.
Ezra's POV Nang makapagbihis ako ay agad akong lumabas ng kuwarto at naabutan ko pang inaayos ni Cody ang dala n'yang bag na punong-puno lang naman ng mga pagkain. "Edi sana, dinala mo na buong bahay." komento ko at nilagpasan s'ya, imagine naglagay pa s'ya ng unan at kumot. Nang makita ko ang kotse n'ya ay napairap nalang ako sa kawalan. Paano ba namang hindi? car trip lang daw pero ultimo lotion, shampoo at sabon may dala pa! "Oh? Wag mo 'kong tingnan ng ganiyan, pang emergency lang ang mga 'yan." agad itong sumakay sa kotse at ako pa ang gagawing driver. Tsk "I want to go doon sa medyo magubat, kasi I'm gonna take some videos and pictures." inirapan ko lang ito at agad na pinaandar ang sasakyan habang s'ya naman ay hinahanda ang camera'ng dala. "Para saan ba 'tong kalokohang gagawin mo?" Iritable kong tanong at ngumisi naman s'ya. "Duh?! It's 3:00 am challenge nga! Wala ka kasing alam sa ganito dahil you're always busy with your work! daig mo pa ang militar na halos hindi
Ezra's POV Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari doon sa muntik ng pagpatay sa lalaki na dinala sa gubat, napansin ko namang naging okay na si Cody at bumalik na s'ya sa pagiging pabibo n'ya. Napagpasyahan ko rin na bumili ng condo unit para doon ilipat ang mga gamit ko at hindi na masyadong mag-usisa si Cody. "Siswang, sure ka na ba ditey sa condo unit na ito? Deal na talaga diz?" Maarteng saad ni Justin at napairap nalang ako. "Kailangan ko 'to para hindi na maghinala 'yung magaling kong kapatid.." malamig kong saad habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa hallway. Nang makarating na kami sa tapat ng condo unit na napili ko, nakita ko pa ang palinga-linga ni Justin sa paligid at siguro'y nagbabakasali s'yang maghanap ng lalaki rito. In-enter ko na ang passcode para makapasok kami at literal naman na napanganga si Justin nang makita ang kabuuan sa loob. "Iyang kapatid mo kasi ang galing maka-radar! Daig pa 'yung training dog eh!" Komento nito kaya naman
Ezra's POV "Baka naman gusto mong bilisan?"Mataray kong saad habang nakatayo dito sa rooftop at sinusundan ng tingin si Justin na kunwari ay bibili ng ipinagbabawal na gamot pero ang totoo ay set-up 'to para mahuli sila. "Don't worry Cap. Parang BDO lang 'yan, we find ways!" Tatawa-tawa nitong saad sa kabilang linya na suot n'yang earpiece. Hindi ko alam kung anong konek ng pinagsasasabi n'ya sa mga oras na 'to. Kahit kailan talaga puro katarantaduhan! Napairap nalang ako ng wala sa oras. Nakalapit na s'ya sa lalaking nakasumbrero at may dala pang attaché case. Nang buksan n'ya ito ay puro droga nga ang laman. Tsk, Bakit ba handa silang magbenta ng ganiyan kesa ang piliing magtrabaho ng marangal? Alam ko namang hindi ka kaagad aangat sa buhay pero atlis maayos ang trabaho mo hindi ba? Nang maisarado na ni Justin ang attaché case ay agad n'yang inihampas ito sa lalaking nasa harapan n'ya at naging alerto naman ang iba n'yang kasamahan at sinugod si Justin. Dinampot ko naman a
Ezra's POV Umuwi muna ako para makapagbihis. Dito na rin ako sa condo dumiretso dahil magtataka naman sila mommy kung makikita ang itsura ko na animo'y kagagaling lang sa giyera. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang gumawa ng robot na 'yan. Inaalam pa ni Tito kung ano ang mga naka-program sa kaniya. Kung titingnan, mukha lang itong normal na tao, hindi naman din s'ya ganoon kabigat. Si Vladimir ba? Pero kung s'ya man- bakit? Para ano at para saan? Sa pagkakaalam ko ay madami namang tauhan ang isang 'yon! Kung s'ya nga ang may gawa n'yan ganoon na talaga s'ya ka-desperado! Agad akong pumasok sa bathroom at isa-isang tinanggal ang damit sa katawan. Binuksan ko rin ang shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa akin. Mahihirapan kami sa pakikipaglaban kung ganito ang kalaban! Hindi naman forever ang bala sa baril namin, napapagod din kami. Pero kung katulad n'ya na may kahinaan hindi naman din ganoon kahirap. Ang problema paano kung marami pang katulad ni Android Roward? Hindi magi