Share

Chapter 03

CHAPTER 03: Missing

Hitaro P.O.V

Agad kong sinundan si Luther ng binuhat niya ang babae pabalik sa kuwarto kung saan siya kanina. "Hindi ko naman talaga sinasadya, Luth!" napakamot ako sa ulo. "Pasalamat ka pa nga at pinigilan ko siyang tamaan ka sa bungo!"

"I didn't ask for your help."

"Luth naman e'! Paano na lamang si Matchy kung mawala ako sa mundo ng kay dali?" masama niya akong binalingan.

"Shut your f*cking mouth," salubong ang mga kilay niya. "Go and check your damn monkey, kung hindi ay dalawa kayong babawiin ko ng buhay ng kay dali." napalunok ako sa sinabi niya. Binabasa at tinatansya ko pa kung nagbibiro lang ba si Ivanov, but when he look at me side eye. Agad na akong kumaripas ng takbo at agad ng hinahanap si Matchy.

Nadatnan ko siya sa kusina, tumitira na naman ng saging na kinuha ko pa sa likod bahay ni Apollo. Yare na naman ako roon kapag nalaman niyang wala ng halos laman ang limang puno ng saging na tinanim pa niya noong nakaraang buwan. Hindi ko rin naman kasalanan, isa pa, siya lang naman kasi ang may tanim na saging sa isla. Coincidence lang talaga na paborito ni Matchy ang saging niya.

Nakapamewang ako sa harap ni Matchy. "Tsk! Ano bang sabi ko sa'yo? Sabi ko di ba, kapag may operation, huwag kang paladesisyon." Umiling ako nang nginitian ako ni Matchy. "Pasalamat ka nga at wala si Knight, sa malamang na kanina pa niya ako natutokan ng armalite." Tumaas pa yata ang balahibo ko sa braso habang ini-imagine ang senaryo.

"Hitaro!" rinig kong tawag sa akin ni Luther.

"Oh! Bumalik ka na sa kwarto ko ha!" kinawayan lang ako ni Matchy. Nag-aalangan pa akong iwan siya, baka hindi lang saging ang tirain niya, maging ang alak rin yare na talaga ako rito kay Luther kapag iyon ay nangyari. Ruthless pa naman ang mga gago kasi walang girlfriend e', hinahayaan ko na lang lagi, sino bang hindi nakakaintindi? Kaming lalaki rin sa huli.

Saint Acquilles Roman P.O.V

"Tang*na!" malutong na mura ko habang pinapanood ang yate na palayo. Patuloy pa rin ang palitan ng putok namin sa grupo ni Madrid. Tiim ang bagang ko habang pinapanood ang yate, inis kong tinanggal ang face mask na suot. Agad kinuha ang telepono sa bulsa.

"Don," malalim ang paghinga ko, ni wala akong marinig na kahit anong tunog sa kabilang linya. "I...lost her." mariin akong napapikit. Sa pagkakataon 'to ay narinig ko ang pag usog ng upuan.

"What happened?"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Some unidentified La Familia Mafia took her, and were busy fighting with the Madrid team. Hinuha kong binayaran nila ang Italiano o—"

"Or it is possible that they are working in one group." Tumango ako. Dahil tama naman si Boss, posibleng nasa isang grupo lang ang mga ito. "Bring that man to me." napatingin ako kay Madrid.

"Yes, don."

"And don't mention a single word to my son, Acquilles. You need to bring that man to me alive, maybe he can answer the riddle have on my mind."

"Yes, don!"

P.O.V

"Who's that kuya?" Napatingin ako kay Jahari. Napangiti ako nang makita siyang naka pajama pa, agad akong lumapit sa kanya at ginulo ang buhok niya.

"Good morning baby,"

"Uuwi na ba tayo?" nasa telepono ko ang paningin niya. Tumango ako sa kanya.

"Yes, we have our flight tonight for Calle Le Granda."

"Calle Le Granda?" kunot noo na wika ni Jahari. Natigilan ako sa paglakad, binalikan siya nang tingin. Mariin siyang pinaka titigan, I wasn't supposed to have a doubt with her. Pero magmula natagpuan ko siya sa Europa, parang nag iba ang kilos niya.

She looks like my sister but she doesn't act like her...sometimes.

"Yes, baby. Papa is expecting us, or do you want to go straight to the university?"

Tumango siya."Y-Yes kuya, may I? I think I'm good at staying at the university, saka na ako magpakita kay Papa, you know...it was kind of bad last time." napamulsa ako sa bulsa. Tumango ako sa kanya.

"Okay, we'll go straight to the university. I'll explain to Papa if I go back home."

"Thank you kuya!" she hugged me, as I hugged her back. There is that strange feeling again, the damn tingling sensation in my stomach.

"What the f*ck Jairus?!" I scolded myself as I entered my room. Napunta nga lang ang atensyon ko sa phone ko nang tumunog ito. "Machanidas." I greeted my cousins.

"V," nanahimik ako nang marinig ang problemado niyang boses.

"What is it?"

"Y-You need to come back..." kunot ang noo ko nang mamatay na ang telepono. Dahil sa tawag na iyon ni Machanidas ay napaaga ang pag alis namin ni Jahari. I wonder what it is this time.

Divina Jaslene Prado P.O.V

Nang magising ako ay umiikot pa rin ang mundo ko. Hindi dahil sa hampas at alon ng karagatan, kundi ay dahil bitbit ako ng lalaking kumuha sa akin na parang isang sako ng bigas. "What the f*ck?! Put me down!" nagpupumiglas ako. He groaned when I punched his back. "Ano ba! Saan niyo ako dadalhin ha?! Anong kailangan niyo sa akin?! Ibalik niyo ako sa Calle Le Granda!"

Kahit anong suntok ko sa kanyang likod, sabunot sa kanyang buhok. Hindi natinag ang lalaki at tuloy lamang ang lakad niya. Hindi ko alam kung nasaan na kami, marahil ay nasa Europa na nga. Napakagat ako sa labi, sinubukan kong kapkapin ang patalim ko sa bandang dibdib. Pero ganoon na lamang ang inis ko at naghihiyaw na ako sa reklamo ng mapag tantong, sa malamang ay tinangay na nila lahat ng gamit ko. Hilong hilo man dahil sa posisyon ko ay pilit kong inaninag ang lugar, pakanan at pakaliwa ang liko ng lalaki. Nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang lugar sa tulong ng bukas na bintana.

Rinig ko pa rin ang mapanganib na hampas ng karagatan. Hindi ko alam kung saang parte kami ng Europa, pero ang maisip na malayo na ako sa Calle Le Granda, sa bagay na iyon ako nangangamba. Ni wala akong narinig na balita kila Kuya nung nasa unibersidad na ako, gayong wala na ako sa lugar, napaka imposibleng makarinig sila ng balita sa akin ngayon. Ni hindi nila alam na ganito ang sinapit ko sa three stages na dapat kong ipasa. Inis akong napa hilamos sa mukha.

Paano na ang misyon ko? Ano ang mangyayari sa akin rito? Hindi ako takot mamatay, handa akong mawala sa mundo, pero hindi ko kayang maglaho nalang ng bigla na walang paalam sa mga kuya ko...ni hindi kaya ng konsensya kong hindi ako nagtagumpay sa misyon na ibinigay sa akin ni Boss...ni tito.

Umamba ako ng suntok at tadyak kahi pa may tali ang kamay ko. Pero mabilis ang reflexes ng lalaki sa harap ko. Nangisi siya sa akin habang tinaas ang dalawang kamay sa ere, ani mo'y sumusuko. "Easy!" He chuckled. Tinaas ko ang gitnang daliri ko sa kanya. Hindi siya ang lalaking kasama ko sa yate kanina, ibang mukha na naman ang nasa harap ko.

"Who the f*ck are you? What the effin' f*ck do you want from me?!" cool lang siyang napamulsa. Kahit kumikinang ang mata niya ay masama pa rin ang tingin ko sa kanya. Nang humakbang ako ay umatras siya.

I can freely move, cuz obviously they didn't tie my legs. Ang dalawang kamay ko lang ang nakatali. Dahil sa pag atras na ginawa niya, ramdam kong hindi niya o wala siyang planong saktan ako. Kaya ng sinubukan kong tumakbo, malikot ang mga mata ko. Hindi ko ramdam ang presensya niyang nakasunod sa akin, nakakapagtaka man pero wala na akong pakialam. Ang nasa isip ko lang tumakas, kahit tumalon ako sa karagatan, basta makatakas lang.

Sa pag liko ko ay may na bunggo ako, nangiwi ako sa sakit sa pagkakasalampak ko sa sahig. Isang pares ng sapatos...dalawang pares ng sapatos...pangatlo, ang siyang tumigil at nakatayo sa harap ko. When I look up, agad akong pinanlamigan sa kaba nang makilala sila. Ang dalawang lalaki sa yate kanina, at panibagong mukha na naman. Napunta ang mata nila sa aking likuran, nang marinig ang tawa ng lalaking buhat buhat ako kanina. Sinundan niya rin pala ako.

Sino ba ang mga taong 'to?! Ano ang kailangan nila sa akin?!

Travis Blade Sirius Arguillan P.O.V

Costellano is one of Calle Le Granda's most powerful, well-known La Familia Mafia. We don't have many enemies, maybe because we're the only ones here. The Costellano family is the only mafia here in Calle Le Granda, which is why we haven't fought that much. But if we go outside the city, Costellano has many enemies in different parts of the country.

The top three gangs worldwide are the Kazuki Gang, the Quillano Gang, and the Votchit Gang.

The top five are La Familia Mafia, the Harianian Family, the Faniyang Family, La Castellia de Mafia, the Costellano Family, and the Yoshimoto Grande Mafia.

I am part of the Costellano Family. I am not handling a higher position, not the same as my brother Machanidas, one of Capo's captains. I am just one of the soldiers in his crew. "What do you mean boss gave Jas a special mission? And what mission?!" kunot na wika sa akin ni Machanidas.

Natahimik ako sa tanong niya, napatiim bagang siya at mas lumapit sa akin. Pikon na pikon na ang mukha. "Trav," seryosong tawag niya sa pangalan ko. Mas matanda ako sa kanya, bilang panganay sa kanilang dalawa ni Jaslene. I always put everything intact, lahat ng desisyon nila sa akin pa nga minsan kinokonsolta.

Kaya ngayong malamang may ganitong lihim sa amin si Jaslene. Siguro nga hindi dahil sanay akong laging kinokonsolta, palagi na magsasabi sa akin ang dalawa. Napabuntong hininga ako at seryosong pinakatitigan si Machanidas. Nasa likuran lang niya ang tatlo, tahimik na nakikinig sa amin. Kahit mag away kaming kapatid, alam ko namang hindi pa pa-gitna ang tatlo.

"Let's wait for V." matigas ang ulo ni Machanidas. Hinawakan ako nito sa balikat.

"Putang*na naman Trav! Ni hindi na nga ako mapakali na hindi siya pumasok sa main campus si Jas, tapos ngayong nawawala siya sasabihin mong may misyon siya?! Sabihin mo na ngayon kung ano ang misyon niya!" umiling lamang ako at tinalikuran siya. Kailangan kong sabihin sa kanilang lahat sa presensiya ni V, dahil siya lamang ang makakapagsabi ng solusyon sa kinahaharap naming problema.

Nang marinig ko ang ring ng phone ni Machanidas, ay hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya. "V-V, you need to comeback..." rinig kong pagmamakaawa ni Machanidas kay V na nasa kabilang linya.

Divina Jaslene Prado P.O.V

Masama ang tingin ko sa apat na lalaking nasa harap ko. "Siya na ba 'to?" rinig kong tanong ng lalaking bumuhat sa akin pabaliktad kanina. Ang lalaking bagong mukha sa kanyang tabi ay tumango.

"What do you think, Knight? Kamukha naman niya ang babaeng nasa litrato," may kung ano silang tinignan sa phone niya bago ulit tumingin sa akin. Umikot ang mata ko sa kanila, obviously they are talking about me.

"Tanga ba ang mata mo, Apollo? Ang layo nga niya sa litrato e', hindi naman niya kamukha. Pero kita ko ang resemble kay Zero," nagkibit ang lalaki. "Puwede na, puwede na siyang maging asawa ni Boss."

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Pero dahil sa katagang 'Boss' ay mas kinabahan ako at nagduda. "A-Ano ba talaga ang kailangan niyo sa akin? Sino ba kayo? Kung inaakala niyong isa ako sa anak ng mga katunggali niyo, nagkakamali kayo! Hindi ako ang taong hinahanap niyo!" sure na sabi ko sa kanila. Una, ngayon lang ako pumasok sa isang transaksiyon. Ni hindi pa nga ako nasali sa madugong labanan, nasa bahay lang ako lagi. Laging monitor ng dalawang kapatid kong lalaki.

Yes, they train me to use deathly weapons. Pero hindi ibig sabihin noon professionals na ako sa lahat, I'm still learning... I am new to this. Ngayon lang ako makipag laban sa ibang La Familia Mafia, sanay akong ang mga kuya o tauhan ng mga Costellano ang kalaban, and that's still a break games, kumbaga libangan lamang.

Kaya ngayong parang mataas na rangko na La Familia Mafia ang kaharap ko. Na sa isang segundo o minuto ay nasa Europa na ako, sa tinatawag nilang La Castellia. Ngayon ko lang napagtantong, bata pa ako. I can only defense my self but I am not still safe.

Nilagyan nila ng tali ang kamay at paa ko, marahil ay sinisiguradong hindi na ako makakatakbo sa pagkakataong 'to. Umupo ang lalaking tinawag na Apollo. Ngumiti siya sa akin. "Hindi kami nagkamali sa pagkuha at paglayo sa'yo, marahil noon ay palpak kami." Kunot noo ako sa sinabi niya. "Pero noon lang 'yon, dahil ngayon ay tiyak naming ikaw na nga...ikaw na."

"Stop using her energy dork. Come on, patulugin mo na 'yan. Malapit na tayo sa isla."

"Wai—" nanlaki ang mata ko nang takpan nila ng panyo ang ilong ko. Agad in-absorb ng katawan ko ang drugs na nakapaloob sa panyo, agad naghina ang katawan ko.

V  P.O.V

Agad kong tinangunan si Jahari, I horn twice before I'll drove to the left hallway part of the university. I'm in Palacia a house exclusive to La Mafia Elitia. Nasa control room sila, we use the room for private purposes in line still with the Family business. Nasa labas ng hagdan pa lamang ay inaabangan na ako ni Machanidas, tinangunan ko siya.

Nang pumasok na ako ay halos kumpleto sila, I even saw the ladies. Si Saint lang yata ang wala, sabagay ay palaging sa tabi lang ni Papa ang kinaroroonan niya. Agad akong umupo sa swivel chair na nasa unahan. "What is it?" agad na tanong ko sa kanila at hindi na nagpaligoy ligoy pa.

Napatingin ako sa pinsan kong si Travis, I still don't know why he likes to do the work for our family. Siguro ay nagmana siya kay Tita Dawn, she was part of the Tito's crew kahit noong parte siya ng familia. "Jaslene is missing," si Travis. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean? Hindi ba siya sumali sa entrance exam?"

"Yes, she took the exam pero hindi namin siya nakita sa main campus."

Tumingin ako kay Machanidas. "You mean, she did participate in taking it, but she wasn't entered the main campus yet? Is that even possible? Kung hindi siya nakapasok sa main campus, where is she now? And how come she is missing?" hindi makapaniwalang wika ko sa kanila.

"It is possible, V. If they were in El De Grande."

"El De Grande? You mean that secret annex inside the university?" tumango sa akin ang mga pinsan. I tap my finger at the table.

El De Grande.

Secret annex.

Kumunot ang noo ko, sa pagkakataon lang 'to nangyari ang ganitong tagpo. Students, not entering the main campus. Yes, it is not possible if the main campus is in different location. Pero hindi, El Granda main campus is in Calle De Granda. Kaya bakit kailangang dalhin ang istudyante sa El De Grande?

Napatingin ako kay Travis. Maybe, this was the administration work. Noon pa man, may haka haka na sinasabing administration playing a dirty game here. I wasn't able to affirm that that was the case, because while I'm here at university everything for me is convenient and convincing.

But now that my cousin is missing. "Did Jas mention anything?"

Umiling si Machanidas. "Wala siyang nasabi sa akin, pero sabi ni Kuya. Jas, took a mission from boss." His pertaining to Papa.

"Mission? What mission?" I know that Papa can ask a mission to anybody in our family. But to know that he ask personally to Jaslene. Ni hindi pa nga bihasa si Jaslene sa kalakaran ng Mafia. Anong misyon ang binigay ni Papa, sakanya?

Tumikhim si Trav. "I know that tito gave you a punishment for sticking your nose to family business," tumango ako sa kanya. Kaya nga pinadala ako ni Papa sa Europa, dahil sa kagustuhan kong ma handle lahat ng business inside our La Familia. "ilang taon na rin nang mangyari ang pangtangkang abducted kay Jahari, kaya dahil roon ay mas humigpit pa ang security."

"Yes, I know that I still remember it."

"But Jas lied to us, V." nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Jahari is missing too, your sister is missing and tito ask Jas to find her."

What the f*ck?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status