Share

CHAPTER 2

"Kinsa na??" (Sino yan)

Si Aleng Paty na ba 'to? Bata palang ako nong huli ko syang nakita kaya syempre medyo nag bago na ang etchura nya kase nga tumatanda na.

"Aleng Paty? Kayo ba yan?" Panigurado tanong ko. Tinitigan nya ako ng mabuti para bang inaalala nya kung nag kita na ba kami ganon.

"Ikaw na ba 'yong anak ni Amanda? Ikaw si Dave tama ba ako ijo?"

"Opo, buti at nakilala nyo po ako." Niyakap ko sya at ganon din ang ginawa nya.

"Ang tagal kita hindi nakita, bata ka pa nong huli kitang makita at nong time na 'yon ay--di bale kumain ka na ba?" Tanong nya at nahihiya naman akong umiling. 

Yong accent nya eh, medyo pang bisaya talaga, yong naging kasintahan nya kase taga Manila at mayaman 'yon pero ang pagkakaalam ko ay nag hiwalay din sila kalaunan dahil nga ayaw ng pamilya nong lalaki kay Aleng Paty.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papasok sa loob, nilibot ko ang paningin ko at kitang-kita ko na 'yong mga design hello kitty tapos halos lahat ng kulay dito sa loob ay pink.

"Yong anak ko kase mahilig sa hello kitty tapos favourite color nya pa pink."

"Nagkaanak po ba kayo ulit? Ilang taon po? 5 or 10 years old?" Nagtaka naman ako ng humalaklak siya ng tawa dahil sa  naging tanong ko.

"Nakong bata ka hindi no! Si Ela ang ibig kong sabihin."

"Ah, si Ela." Sambit ko.

"Naaalala mo pa pala ang pangalan ng anak ko..." Natutuwa nitong sabi.

Pano ko naman makakalimutan si Ela? Andami kaya naming masasayang alaala nong mga bata pa kami. Hinding-hindi ko 'yon makakalimutan.

"Pero sya hindi ka na nya kilala." Kita kong biglang nalungkot si Aleng Paty.

"Bakit naman po?" Takang tanong ko.

"Nagka amnesia kase sya."

"Hay nako sobrang makulit kase na bata saka pasaway. Sumama-sama sya don sa mga pinsan nya sa ilog at ayon tumalon sya tapos na bagok ang ulo sa bato, mabuti nga kase mabilis akong pinuntahan ng mga pinsan nya at ayon nadala namin sya sa albolaryo pero napilitan kaming pumunta sa manila para ipa hospital sya."

Uhm, sya pa naman 'yong ka close ko dito, lagi kaming nag lalaro noon pero simula nang pumunta kami ng pamilya ko sa Manila ay di ko na sya nakita pang muli.

Actually crush ko nga sya noon, sobrang bait nya tapos maganda pa...pero ayon nga bigla ko syang nakalimutan nong nakilala ko si Trixie.

Nag tungo sya sa kusina at ako naman ay sumunod lang sakanya habang bitbit 'tong dalawa kong backpack.

"Halika kumain ka muna, ano nga palang pinunta mo dito?" Umupo na ako sa upuan at nilagay muna sa gilid 'yong dala ko.

"Ahm, may extra room po ba kayo? Gusto ko po sanang manirahan dito pansamantala kung okay lang po sainyo. Hmm, pwede namang rentahan ko nalang po yong kwarto."

"Nako ano ka ba naman Dave, di mo kailangan gumastos! At saka pasensya na kase dalawang kwarto lang 'yong meron kami, malaki nga bahay namin pero dalawang kwarto lang talaga ang meron dito. Hmm, don sa kwarto ni Ela dalawa ang kama at malaki-laki ang spasyo ng kwarto nya kaya pwedeng-pwede ka don, okay lang ba sayo share kayo ng kwarto?"

Magkaibigan naman kami saka okay nga 'yon diba kase magiging malapit na ulit kami sa isat-isa.

"Opo, okay lang."

"Oh, ito kain ka muna antayin ko lang munang makabalik si Ela dito di pa kase 'yon kumakain este kaming dalawa pala, pasensya na dahil bangus lang ulam namin dito."

"Ayos lang po Aleng--"

"Ikaw talagang bata ka tigil mo nang kakatawag sakin na Aleng, Mama Paty nalang kase para na naman kitang anak."

"Sige po Mama Paty," ang awkward pero nakakagaan ng pakiramdam kase feeling ko may ina ulit ako.

"Mama gigutom nako," (Mama nagugutom na ako)

May narinig akong isang pamilyar na boses.

"Asa man ka gikan ha? Ganiha ra taka gipangita!" (San ka ba galing ha? Kanina pa kita hinahanap)

"Si Jayjay man jud gitawag ko niya--hala yawa kinsa mana sya Ma?! Imong uyab? Wala man gani koy uyab Ma tapos ikaw naa!" (Si Jayjay kase tinatawag nya ako--hala yawa sino yan Ma? Jowa mo? Wala mga akong jowa tapos ikaw meron)

Nakatalikod ako ngayon kaya di ko makita 'yong mukha nya pero alam kung ako ang tinutukoy nya. F**k! Jowa? Sa tingin nya ba jo-jowain ko 'yong best friend ng Mama ko?! Tapos may anak pa ah. Di pa naman ako nasisiraan ng bait hayst, medyo praning na pala si Ela ngayon ano.

Tumayo at nilingon sya, nanlaki naman 'yong mata ko.

"Imong baba Ela sige rakag pamalikas! Kusion taman ka karon!" (Yang bunganga mo Ela laging nag mumura! Kukurutin talaga kita)

Wait? Mika? Ela? Mikaela? Naalala ko na Mikaela mga pala full name nya, teka wag nyong sabihin na sya 'yong Ela as in ang Ela na kilala ko dati? Ang Ela na naging kaibigan ko? Tapos mabait pa? 

Mukha ba yang mabait? Unang kita nga namin halos patayin na nya ako?! Ang sakit-sakit pa nga nitong buhok ko dahil sa pagkakahila nya.

Napahawak ako sa ulo ko sabay napailing-iling. Oo nga pala nagka amnesia sya sabi nga ng Mama nya at posible din namang mag bago ang ugali nya dahil don... mukhang hanggang ngayon di pa sya nakakaalala.

"Grabe Mama na, nangutana ra gani ko kung kinsa na sya?! Kabalo baka nga natagbuan na nako sya ganiha tapos bastos kay sya Ma iyang gi hawiran akong totoy!!"

Nagulat naman ako sa sinabi nya kay Mama Paty, ba't ang daldal nya. Alam nya namang di ko sinasadya 'yon eh! Nag mumukha pa akong manyak sa paningin ng mga tao dito kung lahat nalang pag sasabihin nya.

"Imong totoy?" (Yong dede mo) 

Takang lumapit yong Mama nya at sinilip 'yong shirt nya.

"Wala man kay totoy nak," (Wala ka namang dede anak)

Natatawang sabi ng Mama nya kaya mas lalong bumusangot 'yong mukha nya.

"Joke lang baby ko," niyakap sya ng Mama nya at hinampas pa 'yong pwet na parang bata.

"Sandali lang ipakilala ko muna sya sayo anak, sya si Dev naging kaibigan mo sya dati." Wika ng Mama nya at tumango-tango naman sya na para bang wala sa sarili at ilang segundo pang ay nanlaki 'yong mata nya.

"Ha? Kana akong na amego?" (Ha? Yan naging kaibigan ko)

Nakakaintindi naman pala sya ng tagalog eh, pero imposible namang hindi diba?

"Dev? Di ka naman pamilyar sakin oy!"

"Normal nagka amnesia ka nga eh." Pilosopo kong saad.

"Saba ra jud dara, labayon takag plato ron!" (Tumahimik ka dyan, babatuhin kita ng plato tamo)

"Ayy! Murag pamilyar gyud diay ka! Ikaw ba tong butiki sa ibabaw adtong butong namo sa gawas?" (Ayy! Parang pamilyar ka nga talaga! Ikaw ba 'yong tabili sa ibabaw ng coconut tree)

Tanong nya sabay humalakhak pa ng tawa.

"Ela tumigil ka na! Hali na pagkaon na dari." (Halika na kumain ka na dito)

Umupo na ulit ako at uupo na sana sya pero nilingon nya muna ako, tinarayan nya ako bago umupo. Nag iba nga talaga sya noon kase ang friendly nya, siya pa nga 'yong lapit sakin ng lapit para bang linta kung makadikit sakin. Tapos ngayon para na siyang buwaya na lalamunin ka kapag lumapit ka lang sakanya.

"Dito muna titira si Dave, Ela anak. Share muna kayo ng kwarto ha." wika ni Mama Paty narinig ko namang napamura si Ela.

"Unsay share Mama? Ay pag ingon na dadto nimo sya ipatulog na sya sa isa ka kama?" (Anong share Mama? Wag mong sabihin na don mo sya ipapatulog sa isang kama)

"Dalawang kwarto lang meron tayo diba at dalawang kama ang meron ka kaya don na muna sya."

"Ma wag kang mag tagalog...ay samoka dili kayo ko kasabot na! (Nakakainis naman di ko maintindihan ng mabuti!"

"Sige na Ela," pabalik-balik lang ang tingin ko sakanilang dalawa.

"Mama! Dili ko oyy mo layas jud ko dari sa balay ba!" (Ayoko nga sige lalayas talaga ako dito sa bahay)

"Sige lumayas ka! Ang tanong san ka naman pupunta aber? May pupuntahan ka ba?"

"Kay Papa, mo adto ko kay Papa!" Pupunta sya sa papa nya?

"Ela!"

"Joke lang naman." Nag simula na ulit syang sumubo at nakanguso pa 'yong labi.

"Oh, lantaw-lantaw man ka nako? Gwapa ko? Sus kabalo ko oy daghan nag ingon sa ako og ingana." (Oh, tinitingin-tingin mo sakin? Maganda ba ako? Sus alam ko 'yon maraming nag sasabi sakin ng ganyan)

Napakurap-kurap nalang ako sa sinasabi nya. Yung word na gwapa lang ang naintindihan ko. Di bale na nga lang...ay wait parang naiintindihan ko na yong sinabi nya.

Kala nya ba tinititigan ko sya kase maganda sya? Oo maganda naman talaga sya pero--ay basta ang hangin nya masyado!

"Ang kapal naman ng mukha mo, paki bawas-bawasan ah." Mahinang saad ko.

"Unsa?!"

"Baga kay kag nahong," (Ang kapal ng mukha mo)

"Normal naa diay nahong nga nipis! Ka bugo ba kaayo nimo oyy!!" (Normal meron bang mukha na manipis! Ang bobo naman)

Ba'tsobrang mainitin 'yong ulo nya.

"Oh, ano ba yan Ela! Ba't ka ba nang aaway ha!"

"Siya man jud ma oh!" (Sya kase ma oh)

Sabay tinuro nya pa ako.

"Tumigil ka na, tapusin mo na yang kinakain mo dahil may gagawin pa tayo."

"Samok ba kaayo sigeg tagalog, mo dugo man sad atong ilong ani nga!" (Nakakainis naman tagalog ng tagalog, dudugo talaga ilong ko nito)

Dinig kong pagkausap niya sa sarili nya.

Nang matapos kaming kumain ay dinala ako ni Mama Paty kung saan 'yong kwarto ni Ela.

"Malaki-laki naman 'yong kwarto nya...ah, oo nga pala ibang-iba 'yong mga bahay dito kesa don sa Manila--"

"Okay lang po ako sa ganito Mama Paty, di na naman ibig sabihin na nakaranas lang ako ng maginhawang buhay don ay mag iinarte na ako. Kung nandito lang si Mama paniguradong papagalitan ako non."

"Ano nga palang trabaho mo don sa Manila?" Tanong nya.

"Nag tayo po ako ng sarili kong business don."

"Oh, may business ka pala don eh, di bakit nandito ka? Sinong mag babantay non?"

"Ahm ano po, may kakilala akong gustong bumili non at sa ngayon ay siya muna 'yong mag babantay habang wala ako hanggang sa katapusan ng buwan, isang buwan ko po sanang balak pumarito and then kung magugustuhan ko ay bibili ako ng lupa at mag tatayo ng sariling bahay dito at kung hindi naman ay babalik ako sa manila at di ko na itutuloy ang pag benta sa companya ko."

Sa totoo lang si Steven 'yong tinutukoy ko kanina na kilala ko, interesado kase talaga sya don sa business ko at nag kausap kaming dalawa...sa tingin ko naman ay magkaibigan na kami.

"Oh, dapat pala maganda ang gising mo dito araw-araw at sisiguraduhin kong papasayahin ka namin dito para naman rito ka na tumira habang buhay." Masayang saad ni Mama Paty kaya natawa ako.

"Sa susunod na bukas fiesta na dito kaya mas lalong masaya, maraming mga pakain at palaro na magaganap tapos may mga sayawan pa."

"Mukhang masaya nga 'yon dahil maraming tao ang mag tipon-tipon." Saad ko rin.

"Ilagay mo muna yang bag mo sa loob dahil ipapakilala muna kita, marami-rami din dito ang hindi na nakakakilala sayo at syempre may iba din na na-mi-miss ka na." 

Nilagay ko lang ang bag don at sinundan si Mama Paty palabas ng bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status