Share

Ang mataray na probinsyana (TAGLISH)
Ang mataray na probinsyana (TAGLISH)
Author: Pseudonym

CHAPTER 1

Nang pagkababa ko ng bus ay agad akong nag tanong-tanong kung sino ang nakakakilala kay Aleng Paty, nabalitaan ko kaseng lumipat sila ng bahay kaya kailangan kung mag tanong kung san na sila nakatira ngayon. Walang masyadong signal sa lugar nila kaya di masyadong useful 'yong cellphone.

"Maayong buntag sa imo te!" (Magandang araw sa 'yo!)

Halos mga tao dito puro bisaya, mabuti nalang at marunong ako ng kaunti at nakakaintindi din nga kaunti, bisaya din kase si Mama at saka 'yong Papa ko. Sobrang bata ko pa nong lumipat kami at medyo nasanay ako sa Manila mag tagalog.

"Oh, unsa may ato dong?" (Oh, anong kailangan mo ijo?)

"Alam nyo po ba kung san nakatira si Aleng Paty po?"

"Unsa?" (Ano?)

"Taga manila ka dong? Di ko kabalo masyado og tagalog man." (Taga manila ka ba? Hindi ako masyado marunong ng tagalog)

Ayy oo nga pala nakalimutan ko saglit na dapat mag bisaya ako.

Napakamot nalang ako sa ulo.

"Salamat nalang. Sige mo una nako te." (Sige salamat nalang, mauna na ako)

Habang nag lalakad-lakad at nilinga-linga ang paningin para mag hanap ng taong mapag tatangongan. Napansin ko naman 'yong lalaking nakatayo sa gilid at may kausap sya sa telepono dinig kung nag salita sya ng tagalog kaya napangiti ako. Inantay ko munang matapos sya don sa tinatawagan nya bago ako tuluyang lumapit sakanya.

Mukhang taga dito lang din naman sya at kaseng edad lang sya ni Aleng Paty panigurado. "Excuse me? Kilala nyo po ba si Aleng Paty?"

Si Aleng Paty ay best friend ng Mama ko noon at kaya ko sya hinahanap kase don muna ako makikitira sakanila pansamantala. Gusto ko munang makalimutan si Trixie, baka pag nandon ako ay di ko mapigilan ang sarili ko na may gawin para maagaw sya kay Ken. 

 

Ewan ko ba, minsan kase para akong nababaliw di ko ma-control minsan 'yong emotion ko, kaya 'to ako ngayon gustong makapag isip-isip at i-relax ang sarili.

"Paty? Paty San Fransisco ba kamo ijo?" Oh, mukhang kilala nya nga si Aleng Paty.

"Ah, opo."

"Galing ka bang Manila?" Tanong nito sakin at tumango naman ako.

"Dumeretso ka lang don, tapos kumanan ka. May makikita kang green vallage 'yong may simbahan at street mo lang ang daanan don din sa gilid may daanan na naman tapos may makikita kang maraming kakahuyan, tapos may makikita kang mga magsasaka...hmm, sakanila ka nalang mag tanong ulit kung asan medyo busy ako ijo kailangan ko nang umalis."

"Sige po salamat." Sinunod ko 'yong sinabi ni manong at nandito na ako sa may green vallage, nakikita ko na 'yong sinasabi nyang simbahan...

Oo nga pala dito kami nag sisimba non ni mama at papa noon. Na miss ko tuloy sila bigla.

Biglang humangin ng malakas kaya napayakap ako sa sarili ko, ang sarap talaga ng simoy ng hanging dito.

Umikot-ikot ako habang nag lalakad at di ko namalayang may nabangga ako at bigla kaming natumba. Parang may kakaiba akong nahawakan kaya unti-unti kung minulat 'yong mata ko at nagulat ako kung saan nakahawak ang dalawa kong kamay.

"Yawaaa ka nga animal ka!!" Malakas nya akong tinulak kaya napaupo ako sa mabato na daan, napadaing ako ng kaunti kase masakit 'yong pwet ko dahil natamaan 'yon ng bato.

Inis nyang pinagpagpag 'yong shirt nya at matalim akong tinignan. Nakasuot sya ng shirt na kulay puti tapos palda nya na hanggang binti...? 

Hanggang balikat lang ang buhok nya at di ko itatanggi na maganda sya at kaseng puti nya si Trixie, teka probinsyana ka ba talaga? Mga nakikita ko kaseng tao dito moreno, morena ganon.

Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko sa may pwetan, inayos ko 'yong dalawa kong backpack. Tumikhim muna ako bago ko sya tinignan sa mata.

"Sorry miss, I didn't mean to touch your back..." napatikom ako ng bibig saglit, hindi nga pala likod 'yon...dibdib nya pala yong nahawakan ko pero kase ang liit kaya nasabi kong likod.

"Unsa imong ingon ha! Abi nimog wala ko kasabot sa imong gi ingon! Peste unsay likod ha, basig gusto ka nga ipakita nako ni sa imo!!" (Anong sabi mo ha! Akala mo ba hindi ko na naiintindihan 'yong sinabi mo! Peste anong likod ha, baka gusto mong ipakita ko 'to sayo)

"Pasensya ka na miss hindi ko sinasadya,"

"Unsay sorry?! Walay sorry-sorry oy!" 

Nagulat nalang ako ng bigla syang lumapit sakin at sinuntok ako sa mukha.

Sh*t! Ang sakit non ah, nag sorry na nga ako diba? Hindi ko naman sinasadya na mahawakan 'yong likod nga nya este...

yang maliit nyang dibdib kamo.

"Aynag pakita sa ako animala ka basin mapatay taka!!" (Wag ka nang mag papakita sakin animal ka baka mapatay kita)

Sigaw nya sakin at dinuro-duro nya pa ako gamit 'yong maliit nyang hintuturo.

Kahit ang bilis nyang mag salita ay naiintindihan ko parin naman sya.

Inis akong tumayo at seryoso syang tinignan. "Sinabing di ko nga sinasadya diba?!" 

"Ha? Unsa imong ingon, animal ko?!" (Anong sabi mo, animal ako)

"Bungol!" (Bingi) 

saad ko at nilagpasan sya pero naramdaman kong may humablot sa buhok ko at nakita ko namang sya 'yon.

"Arayy ano ba!!" Sigaw ko at pilit na tinatanggal 'yong kamay nya na nakahawak sa buhok ko pero nahihirapan pa ako dahil sa bag na nasa likod ko at ang isa ay hawak ko sa isang kamay.

"Ga tagalog-tagalog pa ang animal ay, abi guro niyag wa ko kasabot!" (Nag tatagalog-tagalog ka pa animal, kala mo siguro di ko naiintindihan)

"Hoy Ate Mika kinsa na??" (Hoy Ate Mika sino yan)

Nabaling ang tingin ko don sa tatlong babae na malapit lang saamin, nakatayo sila habang ang mga mata ay nakatingin lang samin.

"Hala patay gyud ka sa imong mama nakipag away nasad ka Mika!" (Hala patay ka talaga sa mama mo nakipag away ka na naman Mika)

Mukhang kaseng edad nya lang 'yong dalawang babae at 'yong isa ay mga nasa 15 or 16 years old palang yata.

"Yawaa tabangi ninyo ang laki oyy! Lantawa louy kaayo, mura nag kamatyanon sayang gwapo raba."  (Tulongan nyo 'yong lalaki! Tignan nyo oh, kawawa para na siyang mamamatay, sayang gwapo pa naman)

Kaibigan nya ba ang mga 'to oh, kakilala lang? Kapitbahay? Baka naman kapatid? Pero di naman sila magka-mukha??

"Dara ramong tulo ako nay bahala ani niya!" (Dyan lang kayong tatlo ako na ang bahala sakanya)

"Sh*t! Ang ingay nyo tulungan nyo kaya ako dito!!" Sigaw ko don sa tatlo.

"Unsa daw?"

"Nakasabot mo JayJay?"

"Murag nag tagalog man ata siya? Murag ana siya nga pasagdan ra daw nato sila, korek ba ko?" 

Tang*na ang bobo, di ko alam mapanaket na pala mga tao dito ngayon. Kung alam ko lang sana pala di na ako pumunta dito pero dahil nandito na ako, wala akong choice kundi ang mag stay.

"Akong pasabot kay tabangi ko ninyo! Taysa inyo ning amega??" (Ang ibig kung sabihin ay tulungan nyo ako. Sandali kaibigan nyo ba 'to)

"Hala nganong nakabalo ka mego?" (Hala bakit mo alam)

"Tulungan--tabangi sako oyy nabuang na inyong amega!!" (Tulungan nyo ako, nababaliw na 'yong kaibigan nyo)

"Peste gi tawag og buang atong amega!" (Peste tinawag na baliw 'yong kaibigan natin)

"Hala sige tiwasi na Mika, patya nalang na oyy para way samok!" (Hala sige Mika ipag patuloy mo yan, patayin mo para wala nang manggugulo)

"Unsa man gusto kag tabang? Pag saba lang Ate Mika naa rami dari ha!" (Ano gusto mo ba ng tulong? Sabihin mo lang Ate Mika nandito lang kami ha)

Saad nilang tatlo at nag tawanan pa. 

T-Tang*na? 

Di pa ako nakakarating sa bahay ni Aleng Paty pero mukhang mamamatay na ako.

"Ginoo ko! Gi unsa man intawon na ninyo nang laki! Hoy ikaw Mika ba badlongon kay ka ha! Isumbong jud taka sa imong mama!" (Dyos ko! Anong ginawa mo dyan sa lalaki! Hoy Mika napakapasaway mo talaga! Isusumbong talaga kita sa mama mo!"

Napalingon ako sa matandang lumapit sakin at inawat pa 'yong walangyang babae na sumabunot sa buhok ko.

"Luh! Grabe si Tiya Remy, wala man gyud tuyua. Aynag saba ni mama heheh unsa man gusto kag tabangan taka sa imong gi bitbit?" (Grabe si Tita Remy, di ko naman sinasadya. Wag ka nang mag sumbong kay Mama heheh gusto mo bang tulungan na kita dyan sa dala mo)

S****p din eh, no.

"Asus ikaw jud ginabuhat rana nimo para dili taka isumbong. Oyy dong pasensyae jud kaayo ani ni Mika. Buotan mani sya nga bata...pero depende lang lagi. Mika pag sorry sa iya!" (Ginagawa mo lang yan para di kita isumbong sa mama mo eh, ijo ako na ang humingi ng tawad para kay Mika. Mabait naman 'tong bata...pero depende nga lang. Mika mag sorry ka nga sakanya)

"Hala ngano man! Wala kaha koy sala, siya noon oh, gihawiran niya akong totoy Tiya Remy!" (Hala bakit naman! Wala akong kasalanan, sya nga eh hinahawakan nya 'yong dede ko Tiya Remy)

"Unsa??" (Ano)

Nanlaki 'yong mata nila habang nakatingin sakin na para bang manyak ako sa paningin nila? Napakagat ako ng labi at iniisip kung pano ko ipapaliwanag sakanila ang nangyari.

"W-Wala man jud tuyua, matumba man meng duha dayon nahawiran nako 'yang likod--este iyang to....to...totoy..." (Hindi ko sinasadya, bigla kaming natumba dalawa tapos nahawak ko ang likod nya este 'yong dede nya)

Nahihiya pa talaga akong sabihin 'yong word na yun.

Bigla naman silang nagtawanan yong mga kasama niya at yong matanda natawa rin. "Sus Mika wala man kay totoy nganong maulit man ka, pasalamat gani ka kay nahawiran ni mego imoha. Swerte kaayo ka oh, gwapo kaayo siya." (Mikaela wala ka namang dede bakit ka magagalit, pasalamat ka nga kase mahawakan nya 'yong sayo. Napaka swerte mo oh, kase sobrang gwapo niya)

Saad nong kaibigan nya siguro yun, di ko masyadong maintindihan 'yong mga sinasabi nya.

"Pag hilom ra jud dara Jayjay, gwapo ba jud na iyang nahong nga murag tabili??" (Tumahimik ka nga dyan Jayjay, gwapo ba yan eh, mukha namang butiki)

"Tabili? Ano 'yon?" Takang tanong ko sa sarili. Gwapo ba ibig sabihin non? Oh, baka naman pangit?

"Pasagdi nalang na Mika, wa man jud siguro niya tuyua." (Pabayaan mo nalang Mika, hindi nya naman siguro sinasadya)

Anong siguro? Hindi ko naman talaga sinasadya.

"Sige mo una nami dong, Mika hali na basin gipangita naka sa imong Mama og kamong tulo hali na pud! Mga badlungon jud kaayo mo ba!" (Sige mauna na kami ijo, Mika halika na baka hinahanap ka na ng mama mo at saka kayong tatlo hali na rin kayo! Mga pasaway talaga kayo)

Umalis na silang lima at ako naman ay naiwan ditong mag isa. Hmm, don sila dumaan sa daan na dapat tatahakin ko. Siguro dapat nag tanong ako don sa tinatawag nyang Tiya Remy ba 'yon?

Inayos ko muna 'tong buhok ko, nagulo tuloy ito dahil sa babaeng yun! Hayst, ang sakit niyang manabunot ah? Ganito pala ang feeling na masabunutan ng isang babae? Pano nalang kaya si Ken at Trixie na laging nag aaway saka nag sasabunutan talaga? Hay ewan ko nalang kung di ma i-stress si Ken sa sakit ng buhok niya.

Nagsimula na akong mag lakad ulit hanggang sa nakarating ako don sa may mga magsasaka.

"Maayong buntag, kaila ba mo ni Aleng Paty?" (Magandang umaga, kilala nyo po ba si Aleng Paty)

"Ah, si Paty? Deretso lang diha unya naa dayon kay makita nga mga balay, kanang dako nga balay iyaha na." (Ah, si Paty? Deretso ka lang don tapos may makikita kang mga bahay, yang makikita mong malaking bahay sakanya 'yan)

_

"Ito na ba 'yon?" Tanong ko sa sariling. 

Malaking bahay daw kase. Yung iba na bahay dito maliit lang yong iba naman tama lang tapos 'to lang ang naiiba sa lahat. Basta ito lang yung bahay na malaki compare sa iba.

Kumatok don ng ilang beses hanggang sa may nag bukas.

"Kinsa na??" (Sino yan)

Si Aleng Paty na ba 'to? Bata palang ako nong huli ko syang nakita kaya syempre medyo nag bago na ang etchura nya kase nga tumatanda na.

"Aleng Paty? Kayo ba yan?" Panigurado tanong ko. Tinitigan nya ako ng mabuti para bang inaalala nya kung nag kita na ba kami ganon.

"Ikaw na ba 'yong anak ni Amanda? Ikaw si Dave tama ba ako ijo?"

"Opo, buti at nakilala nyo po ako." Niyakap ko sya at ganon din ang ginawa nya.

"Ang tagal kita hindi nakita, bata ka pa nong huli kitang makita at nong time na 'yon ay--di bale kumain ka na ba?" Tanong nya at nahihiya naman akong umiling. 

Yong accent nya eh, medyo pang bisaya talaga, yong naging kasintahan nya kase taga Manila at mayaman 'yon pero ang pagkakaalam ko ay nag hiwalay din sila kalaunan dahil nga ayaw ng pamilya nong lalaki kay Aleng Paty.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papasok sa loob, nilibot ko ang paningin ko at kitang-kita ko na 'yong mga design hello kitty tapos halos lahat ng kulay dito sa loob ay pink.

"Yong anak ko kase mahilig sa hello kitty tapos favourite color nya pa pink."

"Nagkaanak po ba kayo ulit? Ilang taon po? 5 or 10 years old?" Nagtaka naman ako ng humalaklak siya ng tawa dahil sa  naging tanong ko.

"Nakong bata ka hindi no! Si Ela ang ibig kong sabihin."

"Ah, si Ela." Sambit ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status