May biglang kumatok sa pintuan kaya naitulak ko siya at mabilis naman akong tumayo pero medyo napadaing pa ako dahil sumakit itong likod ko."S-Sino yan?" Nauutal kong tanong sa kumatok. Binuksan ni James yong pituan at wala namang tao.Napakagat naman ako ng labi dahil nanggigilgil ako don sa kumatok. Panira ng moment eh, bwes*t!Nagkatingan kami ni James pero ako na mismo ang umiwas dahil nahihiya akong tignan sya sa mata lalo na napapatingin den talaga ako sa labi niya at naaalala ko lang ang nangyaring pag halik niya sa akin.Tumikhim ako bago nagsalita. "A-Asan ba yong tubig ko? Diba inutusan kita kumuha ng t-tubig?" Nautal pa talaha ako hayst, masyado kang nagpapahalata na kinakabahan ka Vee! Pano ba naman eh, sinulyapan niya ako at tinignan saglit sa mata.Napakamot siya sa ulo niya bago nagsalita. "Ano kase... nakalimutan ko." Saad nito kaya napakunot ang noo ko kase di ako makapaniwala na nakalimutan niya eh, tanging tubig lang naman inutos ko sakanya!"Vee yong kanina nga pa
"Ahhhh!!! Tulong!!!" Sigaw ko.Ilang segundo lang ang lumipas ay mabilis na lumapit sakin iyong bodyguard ko, napatawa nalang ako ng mahina kase basang-basa pa siya at naka shampoo pa ang buhok niya. Saka naka towel naman siya."M-May p-problema ba Ms. Vee??" Hingal nitong tanong sakin."Ah, ito kase oh! Hindi ko mabuksan." Saad ko sabay bigay sakanya nong garapon."Ito lang? T-Tapos sumigaw ka na??" Kunot noo nitong tanong sakin at para bang hindi makapaniwala."Oo, bakit? May problema ba?" Seryosong tanong ko sakanya, mabilis naman siyang umiling. Binuksan niya yon at dahan-dahang nilapag sa mesa."May kailangan pa po kayo?""Wala na--ay! Oh, right! Nawawala iyong ph care ko pero sa pagkakaalala ko parang nalagay ko yata iyon sa loob ng kwarto mo." Saad ko at ngumiti.Hmm, nangangamoy ph care na iyong buhok niya. Naubos niya kaya?"Ph care??""Yeah, iyong pang ano sa you know." Kinuha ko iyong tinapay at k
"Ano po??" "Ang sabi ko alis! Umalis ka sa bahay namin at wag kanang bumalik!!" "Pasensya na po pero ang daddy mo lang ang may karapatan na magpa-alis sakin." Mahinahon nitong sabi, napangisi naman ako. "Eh, di aantayin ko nalang na umalis ka ng kusa." Mahinang ani ko sa sarili pero mukhang narinig niya iyon. "Hindi po mangyayari iyon." "Really?" Tinignan ko siya sa mata at tumango-tango lang ito. "Kumain na po kayo Ms. Vee, sabi ng dad niyo ipagluto daw po kita." "Hindi na, busog ak--" bigla namang tumunog iyong tyan ko. Napaiwas nalang ako ng tingin kase nag pipigil siya ng tawa ngayon at nakakahiya kase tumunog ang tyan ko. Umupo nalang ako at nagsimulang kumain. "Paki on ng tv." Utos ko sakanya at ginawa niya naman. Pagka on ng tv, lumabas naman ang mukha ni daddy at may mga tao pa sa likuran niya, may interview yata tsk. "Sobrang bait talaga ni Mr. Wisco
"Ang bastos talaga ng bunganga mo kahit kelan! Ba't di ka gumaya sa kapatid mo na mabait--""Na bakla." Mapang-asar nitong saad.Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sakanya."May gusto ka ba sa kapatid kong bakla Vee?" Bulong nito sa tenga ko at naramdaman ko pang hinalikan niya ang balikat ko."A-Ano ba bitawan mo nga ako!" Pilit ko siyang tinulak pero sobrang lakas niya, ipinalibot niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko at mas hinapit iyon papalapit sakanya."Alam mo namang matagal na akong may gusto sayo diba Vee? Ba't ba ayaw mo akong pag bigyan." Hahalikan na niya sana ako kaso may biglang humila sa braso ko at bigla nalang natumba si Belly dahil sa lakas ng suntok ni Bellie sakanya."Ang kapal talaga ng mukha mo Kuya! Subukan mo lang gawin iyon ulit kay Vee mapapatay na talaga kita!" Banta nito kay Belly at hinila ako papasok sa kwarto niya."Bellie!! May araw ka din sakin tandaan mo yang bakla ka!!" Galit na
"Tumahimik ka nga dyan!" Pabulong kong sigaw sakanya at tumingin sa paligid."Vee, may problema ba?" Tanong ni Elena."Ito kase eh, pahamak." Sabay turo ko kay Keven."Ms. Vee masama yang ginagawa mo, isusumbong talaga kita sa dad mo.""Really?" Bagot kung tanong.May naisip naman ako bigla kaya binalik ko lahat ng kinuha ko at sinabihan ko rin iyong mga kaibigan ko."Oh, binalik na namin kaya hindi ka na mag susumbong ah?""Mabuti po ang ginawa niyo Ms. Vee, di po talaga ako mag susumbong kase ibinalik niyo naman lahat ng kinuha niyo.""Nagugutom na ako, kumain muna tayo." Aya ni Rhea."Right! Nagugutom na din ako." Saad ko at palihim na ngumisi."Kita ko yang ngisi mo, may balak ka na naman yatang hindi maganda."Nang tumalikod na si Keven ay kumuha ako ng dalawang lipstick at pa-simpleng nilagay iyon sa bulsan niya. Pagkatapos kong mailagay yom ay inakbayan ko siya at um-acting na parang walang gin
Tumango-tango lang siya at umalis. Kumain na ako pagkatapos ay may kung sino namang tumawag sa phone ko. Unknown number lang nakalagay don. "Hello, sino ito?" [Vee, Vee miss ko na iyong amoy mo.] Bigla naman akong kinilabutan dahil don. "Belly?! Baliw ka na ba talaga!!"" [Oo, baliw nga ako. Noon pa ako baliw na baliw sayo Vee.] Para naman akong masusuka sa boses niya. Umu-ungol ang gagu! May ginagawa yatang kakabalaghan ang lalaking ito! "Ang kapal naman niyang mukha mong tumawag sakin! Kapal di ka pa tumigil sasabihin ko ang lahat sa daddy ko at ipapapatay kitang gagu ka!!!" Sigaw ko at tinapon ang phone ko sa kung saan. "Baliw talaga!" Inis kong hinampas-hampas ang kama ko. "Ms. Vee, okay ka lang?" "Dito ka na ba talaga titira ha?!!" Sigaw kung tanong para marinig niya. "Yon po ang sabi ng daddy niyo. Kapag may kailangan ka Ms. Vee, nandon lang ako sa kabilang kwarto." Dinig kong sabi niya at wal
"Kung makapag taas ka nang boses sakin ah! Sino ba ang boss mo huh, ikaw o ako?!!" Inis kong tanong sakanya."Bakit sinabi ko bang ako?" Taas kilay nitong tanong kaya mas lalong uminit yong ulo."Aba! Attitude kang bakla ka!! Ano gusto mo ba ng away huh?" Hinahamon nya ba ako? Pwes para sabihin ko sakanya hinding-hindi ko sya aatrasan! Kahit mag sabunutan pa kami ngayon lalabanan ko talaga sya, tsk!Huminga ito ng malalim bago ulit nakipag titigan sakin. "Ms. Vee hindi po kita hinahamon ng away, wala po akong planong patulan ka. May respeto naman ako sa mga matatandang kagaya mo po." Magalang pa nitong wika at ngumiti sakin ng malapad."What? Matanda? Fyi lang huh, 26 years old palang po ako Mr. James!""Yeah, I know.""Tapos?" Kunot noo kong tanong."Tapos...?" Ginagaya nya ba ako?! Nang-aasar ba sya
Nagising ako ng may marinig na kalabog dito. Unti-unting kong minulat ang mga mata ko at nagulat nang may makitang lalaki na nagwawalis dito sa loob ng kwarto ko.Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.Mukhang di pa yata nito napansing gising na ako kase patuloy lang ito sa paglilinis at kumikimbot-kimbot pa sya para bang may pinakikinggan syang kanta kaya ito sumasayaw-sayaw nang ganyan. Ewan ko kong matatawa ako sakanya, para syang bakla sa galaw nya pero hindi naman sya mukhang bakla.Napailing na lamang ako ng maalala kong itatanong ko pa pala sa lalaking ito kung sino at anong ginawa nya sa loob ng kwarto ko."Anong ginagawa mo?" Seryoso kong tanong at kunot noo akong tumitig sya."Hoy, kinakausap kita! Anong ginagawa mo dito?"Inangat nito ang tingi