Share

Kabanata 06

Maya maya nakarating na sila sa Blazer Home, ang pinaka High Class na Model nang Blazer Home, ang Cottonford na unit na nakuha ni Winston Lawrence

Ibat ibang mga Negosyante ang pumupunta dito, para makita ang ibat ibang uri na magagandang Bahay sa Blazer Home

At samahan pa nito ang napaka Gandang tanawin na makikita sa gilid ng Blazer Home

Ang Villa na ito, ay masasabing napaka ganda sa lahat ng mga Villa sa buong Newheaven

Kaya nang dumating si Winston at Arnel sa Lugar kung nasaan ang Bahay na nakuha ni Winston

Agad silang nag Park sa isang VIP Park sa loob ng Villa

Ngunit nang bumaba si Winston nang sasakyan ay dito naisip ng mga tao sa paligid na, isang mahirap lang ang mga ito na nag papanggap na mayaman

Kaya dito sinita ng isa sa mga nag babantay ng Villa sila Winston at Arnel

“Hoy, tumigil kayo, at sinong may sabi na mag parking kayo dito sa VIP Parking”

Sabi ng isang lalake na malaki ang Braso at Dibdib nito,

Kaya naman si Arnel ay walang nagawa kundi yumuko nalang ito, dahil bukod sa mahiyain ito, takot din ito pag dating sa mga rambulan

Kaya dito, hinawakan ni Winston si Arnel at nilagay nito sa Likuran ni Winston

“Bakit! anong masama kung dito kami mag Park sa VIP!”

Sagot ni Winston Sa isang lalake na Malaking katawan,

Dahil ang lalaking ito ay isang Gym Instructor

Kaya naman ganito nalang kalaki ang katawan nito, at kaya mas lalo pa ito naging mayabang sa lahat ng mas maliit na katawan sa kaniya

“Hindi kaba nakaka intindi nang isang salita, umalis na kayo dito, at wala akong paki kung sino man ang may ari ng sasakyan ninyo,

Isauli ninyo na yan, para hindi na ito masira ko, dahil kung hindi, dudurugin ko yan sa harapan ninyo”

Mayabang na sinabi nang isang lalake na Gym Instructor

Dahil ang alam nito ay hindi sila Winston ang may ari ng Kotse at isa lang silang Driver nito

Kaya nang kumuha ito ng Tubo nang bakal, para hampasin ang Kotse ni Winston,

Dito na biglang sumugod si Winston para protektahan ang kaniyang sasakyan

Dahil sa 1st time nito magkaroon ng sasakyan, kaya pipilitin nitong ingatan ang kaniyang Kotse

Kaya nang hahampasin na nito ang Kotse ni Winston,

Agad naman sinugod ni Winston ang Gym Instructor at nang mahawakan nito sa Leeg at sa Braso nito ay sabay pinilipit ni Winston ang kaniyang Balikat

Na siyang dahilan nang pagka pilipit ng Leeg at Braso ng Gym Isntructor, at ito ay natumba sa Lupa,

“Bibigyan kita ng Babala!,

mahawakan mo lang ng iyong balat ang kotse ko, babaliin ko na yang pinaka mamahal mong Braso na puro Muscle ng Hangin ang laman”

Matigas na pagkakasabi ni Winston sa lalaking puro Muscle,

Kaya nang makita ito nang iba pang kasama ng Lalakeng puro Muscle

Agad silang sumugod kay Winston nang Biglang may Sumigaw na Boses Babae sa Likuran ng mga Guard

“itigil ninyo yan,”

Sigaw ni Miss Daisy Anne Santos sa mga Security Guard na gustong makipag rambulan kay Winston

Kaya dito na tinulungan ng mga kasamahan ang lalakeng Instructor,

At dito nag salita ang lalakeng Gym Instructor

“Siya po Miss Santos ang nag simula ng Gulo,”

Sabay turo ng lalaking naka hawak sa Leeg at Braso na muntik nang mabalian

“Sa may VIP Parking Lot sila nag Park,” mahinahong sinabi ng lalakeng puro Muscle

Kaya nang pag tingin ni Miss Daisy Anne Santos sa Kotse at kay Winston,

Dito niya naisip ang sinabi ng Manager ng Aspire Financial Bank, “na isang lalake ang naka Persia Benz ang pupunta sa Blazer Home

At ang May ari nang bahay ay naka suot ito ng isang parang Pulubi”

Kaya dito na nito napag tanto na, ito ang may-ari ng High Class Model ng Blazer Home.

Kaya dito agad lumapit si Miss Daisy Anne sabay yumuko ito,

“pa-Pasensya na po Mister Lawrence, Hindi ko po kayo agad nabati”

Nang makita ito ng Lalakeng puro Muscle,

Nag salita ito,

“Miss Daisy Anne, ang taong iyan ay isang hamak na Driver lang at mukang pulubi”

Kaya nang marinig ito ni Miss Daisy Anne Santos ay dito muling lumapit si Miss Daisy Anne sa lalake at sabay

Clap Clap Clap

Tatlong malalakas na sampal ang tumama sa Pisngi ng lalakeng puro muscle

“Manahimik ka Jayson Torres, hindi mo na ginalang ang isa sa pinaka malaking Investor ng Blazer Home

Kaya kung Ayaw mong matanggal sa Trabahong ito, matuto kang gumalang sa Costumer”

Kaya nang marinig nito, na si Winston ay siya pala ang may ari ng unit na Cottonford na isang High Class Model ng Blazer Home

Ay agad itong nag patirapa sa lupa, kasama ang ilang mga Security Guard

“Boss hindi na mauulit, patawarin muna ako, hindi ko alam na ikaw pala ang VIP Costumer”

Nag mamakaawa itong humihingi ng Sorry kay Winston Lawrence,

Kaya nang marinig ni Winston ang Apat na Security Guard na nag mamakaawa

Agad nitong sinabi sa Apat na

“Pagbibigyan ko kayo, ngunit sa isang Condition, sa akin na kayo direktang mag tra-trabaho”

Kaya nang marinig nang Apat ang Condition ni Winston, ay dito na nag paalam ang apat kay Miss Daisy Anne Santos

Na sila ay lilipat kay Winston bilang bagong Amo ng mga ito,

Dahil wala naman magawa si Miss Daisy Anne Santos sa Request ni Winston Lawrence

Hindi na ito, nag Reklamo pa, dahil naisip nito na, madali lang naman mag request nang panibagong mga Security Guard sa Security Agency

Kaya ang tanging sinabi lang nito sa Apat na Security Guard

“Ano pa nga ba magagawa ko, eh dahil mga napaka pasaway ninyo, kailangan ko narin kayo palitan”

Sabay ngiti nito sa Harap ni Winston Lawrence

Ngunit sa Pagkakataong ito, si Winston ay matagal nitong tinitigan si Daisy Anne Santos

Na Para bang nahuhulog na ang luob nito kay Daisy Anne Santos.

Dahil 6:30 pm na nang hapon, mabilis na pinaliwanag ni Daisy Anne Santos

Ang tungkol sa Villa na para sa lahat nang mga Owner sa Blazer Home, at kung ano ang mga Batas sa loob ng Villa

Kaya matapos na ipinaliwanag sa kaniya ang tungkol sa Villa, dito na sila Pumasok sa Loob ng High Class Model na Bahay ni Winston

Ito ang Unit Cottonford ang Pinaka maganda sa lahat ng unit sa Blazer Home

Kaya dito ay isa isa ipinakita ni Daisy Anne ang bawat sulok at kwarto ng Cottonford,

Kaya pagka lipas ng Isa't Kalahating Oras ( 1 ½ )

Dito na nag paalam si Daisy Anne Santos kay Winston Lawrence, para umalis na ito sa Villa Blazer Home

Kaya dito sinabi ni Winston na, “May masasakyan kapa ba sa pag uwi mo”

Kaya nang sinabi ni Daisy Anne Santos, na kailangan lang nito mag Commute

Dito na inutusan ni Winston Lawrence si Arnel na ihatid nalang ito, hanggang sa kanilang bahay,

Kaya naman dahil 8:00 pm na ng gabi, si Daisy Anne Santos ay hindi na muling tumanggi pa,.

Kaya sa pagkakataon ito, Hinatid na ni Arnel si Daisy Anne

At si Winston na pumasok na, sa Luob ng Kaniyang Unit, at dito iniisip ni Winston,

Kung sa paanong paraan nito dapat mapalago ang kaniyang Pera,.

Comments (12)
goodnovel comment avatar
Aj Villegas
pasensya na, Ngayon lang ulit Ako makakapag upload, tinapos ko Muna Kasi Yung Isang kwento, nalilito Kasi Ako Sa Mga Pangalan at Lugar ng bawat Bida sa magkabilang kwento, hehehe thanks sa pag aabang,
goodnovel comment avatar
Jayson Dimapilis
oo nga. bwct na author
goodnovel comment avatar
Gino Cabantao
next episode Po salamat
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status