Share

Along Pangasinan (tagalog version)
Along Pangasinan (tagalog version)
Author: thatsdarcey

Simula

"Pagkatapos ng concert rito sa coachella, uuwi na ta'yo. Pagod na pagod na ako sa sunod-sunod na concert mo. Pagkauwi naman na'tin, may pipirmahan ka na contract for advertising. Siguro, i-request ko na lang na after a week or two yung shoots. Since, kakauwi lang na'tin nun. Para na rin makapagpahinga ka." Aniya ni Hance, manager ko.

Abala ako sa paglagay ng eyeshadow at pag-aayos ng sarili. Hinayaan ko lang siyang magbanggit ng gagawin ko sa susunod na mga araw. Isang linggo na rin ako rito sa coachella, ngayon ang huling araw at concert ko pa. Balak ko sanang maglibot pa pero gipit na ata ako sa oras.

Gaya ng sabi ni Hance, umuwi kami after ng concert ko. Pagod na ako at gusto ko ng magpahinga pero kailangan ko pang magligpit ng gamit para sa flight. Kanina lang siya nagbook at mamaya-maya ang magiging alis namin. Halos hindi na nga maayos ang paglagay ng mga damit namin sa maleta, hindi rin kasi ako naghire ng personal assistant dahil kaya ko naman na ang sarili ko.

Natulog lang ako sa buong flight dahil sa pagod, ni hindi ko manlang nakita ang mga bituin sa langit at mga ulap. Nasa bintana pa naman ako nakapwesto.

Pagkarating namin sa airport ng pilipinas ay agad akong sumakay sa van na inutos ni Hance na ihanda pagkarating. Natulog lang ulit ako habang papunta sa condo, laging ganuon ang routine ko sa ilang taon na nagdaan. Ang tulog ko ay nasa byahe lang, kapag nasa condo naman ako ay aligaga ako sa kakasagot ng mga tawag ng mga companies o 'di kaya'y mga kapwa ko models at singers.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng magising ko, medyo traffic dahil tanghali na. Napalingon sa akin si Hance at inabot sa akin ang bote tubig at pagkain. Uminom lang ako ng tubig na bigay ni Hance. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha, siguro dahil mukhang pagod na pagod na ako pero kinakaya ko pa rin iyong trabaho ko.

"H'wag mo na ituloy ang law school na sinasabi mo." Aniya.

Hindi ako umimik, noon pa naman ay gusto ko na talagang maging abogado. Siguro ay dahil na rin biktima ako ng pambubulas noong kabataan ako at gusto kong gumanti sa mga kumanti sa akin noon.

Nag-iba ang pananaw ko sa pangarap na iyon habang tumatanda ako. In this year, all i want is justice because i was longing, last year i want something i couldn't explain. Nag-iiba ang rason sa bawat taon na lumilipas. Kaya hindi ko alam kung itutuloy ko ba dahil walang magandang rason, kasi kapag walang magandang rason, hindi nakakagana gawin.

Pero, ilang taon ang lumipas ay parang nawawala iyon sa listahan ng pangarap ko dahil sa tambak na trabaho. Gusto ko pa rin namang ituloy yun pero gipit ako masyado sa oras dahil sa trabaho.

"Hindi ko pa alam, Hance. Tingnan ko next year o kaya next month. Kung kailan na lang siguro ang submission for PHILSAT requirements... hindi ko alam." Nalilito kong aniya.

"Pagod na pagod ka na, Joy. Pahinga ka na, what's the reason for this hardworks? I'm not saying that you don't have to work anymore, but atleast... work enough... 'yung kaya lang ng katawan mo." Sabi niya. "Pero kung gusto mo talagang i-pursue yan ay ayos lang naman sa'kin, kakayanin kong i-adjust yung work mo. Since, i've heard that law school is hard too, you have to focus much more."

"Thanks, Hance."

"Titingnan ko rin kung kailan ang PHILSAT submission and exams. Pati na rin ang mga LAE ng bawat schools. Update kita kapag nalaman ko na, for now. Pahinga ka muna tyaka magfocus ka sa work mo."

Tumango ako.

Katulad ng sabi ni Hance. Dalawang linggo ang nakalipas ay nagshoot kami dahil sa pinirmahan kong contract sa isang sikat na brand rito sa bansa. Naging mabilis ang shoot dahil naging maayos naman ang flow. Ang problema na lang ay ang editing. Pupunta rin ako sa event nila once na nalaunch ang advertisement at ang bagong product. Siguro baka next week na iyon.

Pagkarating ko sa condo ko ay sumalubong sa akin si Jun, nakaputing long sleeve pa ito at nakatupi pa sa balikat, nakamaong rin ito na halatang kakagaling lang sa school. Pumunta siya sa gawi ko ng makita niya akong pumasok.

"Musta, ate?" Malambing niyang aniya, habang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin dahilan para hindi ako makahinga.

"Ayos lang, tao pa rin." Pilosopo kong aniya.

"Hindi halata ah!" Asar niya kaya kinurot ko siya sa bewang dahilan para mapaigik siya sa sakit.

"Hindi ka tao kasi mukha kang dyosa, ganuon yung ibig kong sabihin."

"Sipsip ka!" Sabi ko at humalakhak siya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at naupo ako sa sofa, tinanggal ko ang shoes ko at siya naman ay abala sa kaniyang ipad.

Inabot niya ang ipad sa akin, ang akala ko may ipapabili siyang gamit ngunit pinakita niya lang ang grades sa akin. Tumulo ang luha ko ng makitang walang halos mababa sa 95.

I'm not pressuring him to get a higher grades, i want to enjoy his highschool but also he needs to balance the enjoyment.

"Ang taas nito, dahil diyan. Ililibre kita!" Masayang sabi ko.

"Gawan mo rin ako nung bracelet katulad kay kuya Hance. Gusto ko nun."

Nabigla ako ron, hindi ko inaasahan na yun lang ang gusto niya.

"Sige, gagawan kita mamaya, anong gusto mong pagkain? Kailangan madami! Kailangan na'ting nagcelebrate!" Tumawa siya sa paghihisterya ko.

"Anything ate, basta filipino foods!"

Hindi na rin kami nakakapagbonding ng kapatid ko, lagi na lang siya mag-isa rito sa bahay. Gusto ko rin siyang dalhin sa mga world tours ko ngunit tumatanggi siya dahil sa school, pero kapag may summer break naman siya ay sumasama siya sa akin.

Si Hance rin ang nag-aasikaso kay Jun, may nag-aalalaga rito kapag wala ako. Minsan ang mama ni Hance ang nagbabantay o minsan mga kapatid ni Hance.

Isang linggo ang lumipas, may event rin akong dadaluhan kasama si Hance mamayang gabi, sa advertisement na pinagshoot ko. Umaga pa lang ngayon kaya naglinis linis muna ako ng condo, pagkatapos ay gumawa ako ng macrame bag na madalas kong ginagawa kapag walang trabaho.

Late na kami nakarating sa event ni Hance kaya nagmukha tuloy kaming papansin, ngumiti lang ako ng simple lang. Naiilang dahil madaming mayayaman na nakatingin sa akin.

Hindi na sumama si Jun dahil marami raw siyang gagawing schoolworks. Hindi na ako nagpumilit pa dahil priority niya iyon.

"Good evening, Mr. Caldivar!" Masaya kong bati, humalakhak siya.

"Nandito ka rin pala Joy! Napakapormal mo naman para hindi kita kabardagulan noong highschool." Aniya.

Namangha ako sa deretsong pananagalog niya, dati ay baluktot pa iyon dahilan na madalas ko siyang pagtrip-an.

Walang nakarinig sa usapan namin dahil medyo malayo kami sa mga bisita, pero nakatingin pa rin sila sa gawi namin.

"Nakita mo na ba?" Makahulugan kong tanong sa kaniya. Umiling siya.

"Hindi pa, sabi ay nandirito raw sa pilipinas. Pero ng makarating ako rito ay nasa U.S. naman raw."

Humahalakhak ako. Ngumuso siya.

"Puntahan ko lang si Mr. Famiego. Kapag may time, we might hang out... nang barkada." Tumango siya at kumaway.

Nang gumawi ako kay Mr. Famiego ay maraming nakalibot sa kaniyang mga business man, umarko ang iilang mga kilay ng kasama niya. Lalo na't yung mga babae.

"Joycelyn!" Aniya at saka bumeso. "I already watched the advertisment and it went good. I was surprised when Director Tiara said the shoot was only one to two takes."

I smiled. "I didn't expect that, Mr. Famiego, medyo sabaw ako this past few days dahil sa pagod na rin. Akala ko nga marami hong mali, ayaw ko rin mapagod yung staff."

Humalakhak siya. "The rumors are right, huh? You are a good person and professional. Thank you for accepting the project. Hindi ako nagkamali ng pagpili."

"Thank you for choosing me."

"Please enjoy the party. We prepared it for you."

My eyes widened. "Wow... thank you."

The next day is horrible. Kinaumagahan palang ay kinatok na ako ng walang humpay ni Hance, alas otso palang ng umaga at nambubulabog na siya. I know he will tell bad news this morning dahil hindi niya tinigilan ang pintuan sa pagkatok.

"My god! Joyceleyn!" Kumunot ang noo ko, pumasok siya sa condo at nagpapalakad lakad sa buong sala. Natataranta na rin ako sa inaakto niya.

"Bakit? Anong meron?--"

"The agency-- filed a fucking lawsuit!" He exclaimed. "Dapat sinabi na nila na hindi pwedeng mag indorse kay Mr. Famiego and guess what?! They fucking added the years without informing us!"

"The years? Anong years, Hance?" My hands were trembling because of the news he said, hindi ko alam ang gagawin ko. I don't want to go to jail! Sino bang may gusto mapunta ron!

Nakita kong lumabas ng kwarto si Jun, nagkakamot pa ng mata ito. Halatang bagong gising. Ngumiti siya sa akin at yumakap.

"Magluluto lang po ako ng agahan." Sabi niya at humiwalay sa pagkakayakap. Tumango na lang ako at hinayaan siya sa gagawin niya.

"Na magta-trabaho ka sa kanila! But, don't worry. I'll fix this, i'll do something to breach the contract."

Sunod-sunod akong tumango, hindi ko rin alam ang masasabi ko. I know, Hance will do something to resolve the conflict, sa ngayon maghihintay lang ako ng gagawin niya at magiging resulta kasi wala akong alam rito. Kaunti lang ang alam ko sa batas.

Naupo ako sa sofa, hindi ako makaisip ng matinong idea.

"Kukuha ako ng abogado... i choose the best one! Para sure win." Natatarantang sabi ni Hance habang nagtitipa sa cellphone.

Mabilis kumalat ang balita tungkol ron, ang akala ko ay sekreto lang iyon pero talagang pinalabas pa ng agency. Nakadagdag rin yun ng kaba at takot ko. Hance stayed in my condo and informing me about what happened outside, marami na rin daw na reporters ang nasa lobby ng building.

Naamoy ko na ang niluluto ni Jun, kumakalam na ang tiyan ko pero hindi ko pa rin mapigilang mag-alala sa mga nangyayari sa akin ngayon.

"We should get away from here." Seryoso niyang sabi. Kanina pa rin siya pabalik-balik ng lakad.

"Maybe we have to stay here for awhile, hanggang sa humupa ang issue."

"Hindi huhupa 'to. Mukang pinapahiya ka ng agency. Pagkatapos ka nilang abusuhin nung nagsisimula ka palang sa carreer tapos ngayon hinihigpitan na nila ang pagtali sayo dahil marami ng brands ang kumukuha sayo. Lalaban tayo." Imporma niya.

Gusto kong bumawi ngayong araw kay Jun, this past few months was tiring. Gusto ko muna magpahinga kahit isang araw, gusto kong isulit man lang ang isang araw kasama ang kapatid ko. But the fate doesn't allow me to do that.

"Ang bango ng luto mo, Jun! Nakakagutom naman iyan!" Natatawang sabi ni Hance.

"Fried rice po, malapit na maluto at makakain na po tayo!" Sagot ni Jun na nasa kusina.

"Mr. Famiego contacted me. Ang sabi niya ay siya na ang hahanap ng abogado, dahil muka raw personal ang rason ng agency mo. Nakakuha na ako ng abogado n'ong tumawag siya kaya tumanggi ako." Sabi niya. "Mamayang gabi na'tin makakausap. Kapag wala na ang mga reporters sa lobby."

Tumango ako at hindi na nagtanong pa.

Nang mag-umagahan kami ay sunod-sunod ang natatanggap na tawag ni Hance. Hindi niya pinansin dahil puro reporters lang raw iyon, pati rin si Jun ay nagtataka na rin sa nangyayari.

"Lalabas ka ba ngayong araw, Jun?" Tanong ni Hance. Umiling ito sa kaniya.

"Hindi naman po, wala po kaming group project."

Nakahinga ng maluwag kaming dalawa ni Hance. Alam ko, kapag lumabas si Jun ay pagkakaguluhan siya ng maraming tao, mabuti nalang at wala siyang pasok ngayon at rito na lang siya mag-stay sa condo muna.

Naglinis lang kami ng condo ni Hance at naglaro ng xbox habang hinihintay ang abogadong kinuha ni Hance na darating mamayang gabi. We even made a macrame bag and paracord bracelets.

"Hala nabuhol!" Natatarantang sabi ni Hance kaya tinignan ko ang gawa niya n'ong macrame bag at inayos iyong buhol.

Si Jun ay abala sa paggawa ng bracelet, nagstream rin sila ng musics ko sa spotify. Kapag medyo hiphop ang song na nakaplay ay sumasayaw pa sila habang pinagpapatuloy iyong ginagawa. Medyo naibsan rin ang takot na naramdaman ko kanina.

Pagkarating ng hapon ay sinabihan kami ng receptionist na wala na raw ang mga reporter, kaya medyo nakahinga ako ng maluwag ron. Medyo maingay rin sa social media ang pangalan ko kaya iniwasan ko munang gumamit n'on.

"Darating na si Attorney in less than one hour. Pati rin si Mr. Famiego at ang asawa niya na si Doc. Alexis at ang kapatid niya na si Attorney Caldivar."

Umawang ang labi ko ng marinig ko iyong binalita ni Luke, hindi ko inaasahan na si Atty. Caldivar ang hahawak ng kaso ko. Ang alam ko, mapili ang abogadong iyon kumuha ng kaso.

"Si Atty. Caldivar ang hahawak ng kaso ko?" Tanong ko upang makasiguro.

Minsan ko na rin itong nakita sa events. Maganda siya at medyo nakaka-ilang siyang kasama dahil sa itsura nitong ma-awtoridad.

"Hindi, partner siya n'ong kinuha kong abogado."

Kumunot ang noo ko. Nakita kong bigla siya natuliro sa tanong ko. "Edi sino pala ang abogado ko?"

Biglang may kumatok sa pintuan ng condo kaya napatingin kaming dalawa ron, si Hance na ang nagprisintang magbukas non at ako ay nanatili lang na nasa sofa nakaupo.

"Pasok kayo." Imporma ni Hance sa panauhin, napatayo ako. Nakita ko si Doc. Alexis ang unang pumasok sunod ang asawa nitong si Mr. Famiego.

"Magandang gabi sainyo." Saad ko, ngumiti si Doc. Alexis at bumeso sa akin, ganoon rin si Mr. Famiego.

"Good evening." Nabigla ako sa boses ni Atty. Caldivar. Agad ko siyang dinaluhan, napahinto lang ng makita ko ang taong nasa likod niya.

"Good evening, I'm Atty. Benencio." Ngumiti ito ng pilit sa akin, napatingin ako kay Hance at umiwas ito ng tingin sa akin.

He’s wearing a white longsleeve polo while two buttons open, the sleeve are folded unto his elbow. Partnered with black trousers... like the usual pants he wear... before. His body features grown more, that makes a lot of women lay their eyes on him. His eyes were so dark... like before. His hair was in clean cut... like he used to.

"Nice meeting you... again, Ms. Lopez." He smiled at me as he greet me. 

I saw again the person I loved and planned to myself that i'll be married to him...

...years ago.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status