Yuhan's POV
Habang naglalakad, nakita ko si Axelle. Agad ko syang tinakbo at hinawakan ang kamay nya.
Natigilan ako sa hindi nya paglingon, parang tumigil ang lahat.
Pumunta ako sa harap nya, ngunit hindi ko binibitawan ang kamay nya, alam ko kasing tatakbuhan nya ako.
"Bitawan moko."
Seryosong pagkakasabi nya habang nakatingin sa malayo.
"Axelle, hindi ko alam ang nangyare. Hindi ko alam ang tungkol kay Kaye..."
Naputol sabi ng sigawan nya ako.
"Binatawan moko sabi!"
Pinilit nyang alisin ang pagkakahawak ko sa kanya kaya binitawan ko sya.
"Gawin mo nalang ang gusto mong gawin, isipin mo nalang na hindi moko nakilala dahil yon na ang ginagawa ko ngayon. Wag mo na ulit akong kakausapin o lalapitan, wag mo ng dagdagan ang pagkamuhi ko sayo."
Sambit nya bago ako iwan na nakatulala. Halos wala
Axelle' POV"Announcement, we will start at exactly 8:00 am. All the students must be at the arena together with their teams, thank you and goodluck."Suot ang aming PE uniform ay nagsimula na kaming maglakad kasama ang grupo ko, nahalata kong kanina pa hindi nag uusap si Zora at Exia.Napatingin ako sa quadrangle, may ten flags sa dulo nito na sumisimbolo sa bawat teams. Mga simbolismo ito ng mga mababangis na hayop, hindi ko alam pero hindi ako natatakot. Palagay ko, dahil to kay Kaye kaya tutuparin ko ang pinangako ko, hindi ako matatakot, hindi na ako maduduwag lalaban na ako at mananalo kami.Pasko ba talaga? Wala man lang sign na pasko na pala, ni isang display, wala. Namimiss kona si mama, hintay lang ma, lalabad nako dito.Lion? Marahil yon ang simbolismo ng Kllrx, mga hambog.Pagkalagpas namin sa isang pader ay nakita na namin ang mga estydyante na pumapasok sa arena."Goodmorning students! The flags from the quadrangle
Axelle's POV Nakaupo ako sa bench habang pinagmamasdan ang mga banderang alam kong paunti unting mababawasan. Bakit nya ginawa yon? Minamaliit nya ba kami? Pinapangako kong pagsisihan ni Zion at nt Kllrx na kami ang kinalaban nila. "Ax, sali ka sa amin!" Napatingin ako kila Cedrick. Naghahabulan sila, nakakatuwa na nakakapag saya sila sa ganitong sitwasyon. Hindi ganon kalakas ang grupo ko, nabawasan pa ng dalawa pero alam kong hindi rin kami mahina. "Cedrick, bakit satingin mo antagal ni Zora?" "Ewan, sigurado naman akong ligtas sya. Top one kaya yon." Sabi nito habang tumatakbo. "Puntahan ko lang sya." Zora's POV Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas. Nagkatinginan kami ni Alexia, halong takot at kaba ang nakikita ko sa muka nya. "Bat antagl nyo? Okay kalang ba Exia?"
Poverty, crimes, and over population. Ilan ito sa mga dahilan ng pagbagsak ng ating bansa, paano kaya ito malulutas at maso-solusyunan?Sa bagong administrasyon ng aming bansa ay layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at masolusyunan ang kahirapan.Napag-usapan ng mga namumuno sa gobyerno ang pagtatayo ng isang paaralan. Paaralang kinatatakutan ng iba, ang iba naman ay tinitignan ang institusyong ito bilang isang bagong pag-asa.Itinayo ang isang malaki— napakalaking paaralan na malayo sa mga tao, malayo sa siyudad at halos iilan lamang ang nakakaalam ng eksaktong lokasyon.Taon-taon ay kumukuha sila ng isang daang mag-aaral sa iba't ibang paaralan sa buong bansa na papasok sa paaralang ito. At sa bawat taon na may guma-graduate ay nadadagdagan ang mga licensed killers sa kanilang bansa, na kung ituring nila ay mga bagong bayani.Criminal haunting ang tawag sa trabahong ginagampanan nila, kung saan nasusubok ang kakayah
Axelle's POVNakatutok ang lahat sa bunutan, sa walang kwentang bunutan. Anong kabaliwan ba ang sumanib sa mga namamahala para magsagawa ng ganitong klase ng kalokohan?"Ax, 'di ka ba manonood?"Napatingin ako sa pabibong nagsalita at sarkastikong sumagot. "Para saan? Magiging kriminal din naman ang mga mabubunot diyan, walang kwenta."Itinuon ko ang na lang atensyon ko sa pagguguhit ng kung ano-anong bagay. Kung pwede lang lumabas sa classroom ay ginawa ko na. Ngunit dahil sa 'tradisyon' kuno nila, dapat daw lahat ay abangan ito.Wala naman talaga akong pakialam, basta hindi ako mabunot. Saka sa milyon-milyong mag-aaral mula sa buong bansa, malabong mabunot ako sa isang daan na 'yan.Hindi talaga ako masyadong nangingialam sa mga bagay-bagay na hindi ako intersado. Normal na sa akin ang pagiging matapang, hindi pala-salita at pagiging committed sa mga ibinibigay na gawain sa akin.Wala namang kakaiba sa akin, norm
Axelle's POVIsang black na van ang inabutan namin ni Kaye sa labas ng gate ng Lockwood University. Magkasama kami dahil naabutan niya akong naglalakad.Pareho kaming tig-dalawang bag, ngunit halata sa bag namin ang pagkakaiba ng estado namin sa buhay. May kaya sina Kaye kaya naman medyo maarte ito.Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nang makarating sa room ay bumungad sa amin ang isang babae at dalawang lalaki na mukhang alalay niya."Goodmorning, Section A of Grade 11. I am Ms. Tilly and these guys are my assistants," pagpapakilala nito nang makaupo kami ni Kaye.Pumunta 'yong babaeng si Tilly sa gitna. Tuwid siya kung tumayo habang suot ang kanyang heels. She's wearing a black and white business woman attire. Malinis rin ang buhok niyang nakabrush-up."We are here to clear things out. Ms. Esguerra and Ms. Horrie, please stand up."Tumayo si Kaye habang tinitignan ang reaksyon ng mga kaklase namin. Tumingin din siya sa akin n
Kaye's POV"Goodmorning students!"Bumati rin ang lahat sa nagsalita. Buong akala namin ay si Mr. Hanay siya ngunit hindi. Isang babaeng kung titignan ay mataray at professional. Pawang puno ng confidence ang pagkatao niya sa tayo pa lang, pati na rin sa pananalita."Today is the day where you'll learn all the things that you have to learn and all the abilities that you have to begin," sambit nito habang nililibot ang buong entablado. Sa bawat salita niya ay tumitingin siya sa mata ng bawat isa."Sa likod niyo, mga lamesang naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa inyo upang makapagtapos."Tumingin ang lahat sa ground, may mga lamesang pinagdugtong-dugtong at napakahaba nito. Ang ibig sabihin niyang makatutulong?"Ang mga lamesang 'yan ay naglalaman ng mga sumusunod; mga kutsilyo, mga lubid, mga matatalim na gamit, at kung ano-ano pa."Sandali, ibig niya bang sabihin, habang suot namin ang magagandang uniform na ito, mag-aagawan kam
Yuhan's POV Kailangan ko siyang mahanap. Bukas magsisimula na, kailangan naming maging maingat. Naglalakad ako ngayon pababa ng hagdan mula sa dorm. Tahimik ang paligid, halos parang haunted nga ang ambiance dito, marahil dahil magsisimula na ang unang gabi at lahat ay takot na takot. Habang naglalakad ay muli kong nakasalubong ‘yong dalawang babae, umiwas sila at nang bahagya akong makalampas sa kanila ay nagsalita ito. “Lalabas ka? Para pumatay?” tanong ni B-2 o Axelle Esguerra, habang pinipigilan siya ni B-34 o Kaye Horrie. Napangiti ako sa sinabi niya ngunit hindi ako lumingon. “Maybe,” saad ko at nagpatuloy sa paglalakad. Walang mangyayari sa mga babaeng ‘yon kung patuloy silang magpapasakop sa takot. Buong buhay ko ay ganito na, bale ang pasok ko dito is like hitting two birds with one stone. Una, hindi ko na kailangang magtago pa sa tuwing may papatayin ako, at kikita pa ako. I work as a private killer ng isang mayamang k
Axelle’s POV Siya? Muli akong tumingin sa field, naglakad siya papalapit kay A-45 na putol ang braso at iniinda ang sakit at kirot nito. Ranking:A-16 — 170 — 1st placeA-83 — 135 — 2nd placeA-99 — 100 — 3rd place “Bakit ba ang hilig mong mang-agaw?!” sigaw ni A-99 kay Alexia Quezada o A-16. Pinugutan ni A-16 ng ulo si A-45 kaya naman ganoon ang nangyari sa scores ng ranking. Lahat ay nabigo, akala nila isa kina A-99 at A-45 ang mananalo pero biglag sumingit ang isang ‘to. Nakakadalawa na siya ngayong araw pa lang, hindi nakapagtatakang siya ang nangunguna. Sino kaya si A-83? “Halika na,” pag-aaya sa akin ni Kaye. Medyo nandidiri pa siya sa nangyari pero pinipilit niyang tanggapin ang sitwasyon. Sa paaralang ito, libre ang pagkain. Pwede kang pumunta sa canteen to pick foods, nasa sa iyo rin kung papasok ka sa subjects. Pero kami, hindi dapat maging relax dahil hindi namin alam kung sino ang nakabunot sa a