" Hey! Umamin ka na kasi na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ang kuya Jacob ko." Jillian teased her. Nasa bahay siya ng mag-asawa kasama ang anak na si Jabez.
Alam na rin ng mga ito ang katotohanan tungkol sa anak niya. Muntik pa ngang suntukin ni Nathan ang binata pero napigilan niya lang. She explained to her big brother that it was all in the past now and admitted that it was her fault because she seduced Jacob. Hindi pa nga sana maniniwala ang kapatid kung hindi lang siya nakiusap rito alang-alang man lang kay Jabez.Hindi naman nagkalabuang muli ang pagkakaibigan ng dalawa dahil natanggap naman ng kuya niya ang lahat pagkatapos niyang ipaliwanang rito ang lahat.Napangiwi siya sa sinabi ni Jillian sa kanya." Umaasa ka pa rin ba na mahal ko pa ang kapatid mo?" Pilit itinatago ang panginginig ng boses. " Matagal na iyon, Jill. I've moved on. Mas mahalaga sa akin ngayon ay ang anak ko kaysa alalahanin ang nakaraan. Mas mabuting ibaon na lang iyon sa limot."Natutuwa ako na okay ka na ngayon, daddy," simula niya sa kanyang ama. "Oo, pinahaba pa ng Panginoon ang aking buhay para makita ko pa ang mga apo ko nang matagal," nakangiting sagot nito. Nasa living room sila ng kanilang ancestral house sa kasalukuyan. Magkatabi ang mga magulang na nakaharap kay Yumi. "Tama ang sinabi ng daddy mo, hija. Masaya kami dahil kasama namin kayo ni Jabez," pagsang-ayon ng kanyang mommy. Matagal na rin silang hindi nagkasama-sama. Kung hindi lang nagkasakit ang ama, hindi pa sila babalik ng Maynila. Nahihirapan siyang sabihin sa dalawa na kailangan na nilang bumalik sa Tagum kasama si Jabez. Tumawag kanina si Cris, ang pansamantalang nag-aalaga ng farm niya dahil inatake sa puso si Aling Pacing. Tumikhim muna siya para alisin ang bara sa lalamunan." Mom, dad " Umpisa niya sa mga ito." Is something wrong, hija?" Tanong ng mommy niya." G-Gusto ko po sanang magpaalam sa inyo." Nakita niya ang pagkunot-noo ng mga magulang." Tumawag po kanina si Cris, iy
"We're going with you to the shop." Pinal na wika ni Jacob sa kanya. " Hindi nga pwede di ba. Makulit si Jabez at ayokong naglalaro siya ng mga bulaklak doon. Mas mabuting dito lang kayo." Katwiran naman ng dalaga rito. " Bakit ba ayaw mo kaming makasama? May gagawin ba kayo ni James doon?" Nagsalubong ang mga kilay ni Yumi sa narinig. " What? Wala kaming gagawin ni James sa shop. Ano ba 'yang iniisip mo. Trabaho ang pupuntahan ko doon." Napakadumi naman ng isip nito. Naisip ng dalaga. " Basta sasama kami sa ayaw at sa gusto mo." Parang sasakit ang ulong napahawak doon ang dalaga. Napakatigas din ng ulo nito. Humigit pa sa kaartehan ng anak nila. Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Yumi ang di pamulahan ng mukha dahil buong akala ng mga taga-roon ay asawa niya si Jacob, Ngiting-ngiti naman ito sa tuwing binabati ng mga taong nakakasalubong nila. Enjoy na enjoy din si Jabez na ipakilala ang ama sa mga kapit-bahay nila. "
" Kuya, pupunta ba si Jacob ngayon? " Excited niyang tanong sa nakakatandang kapatid. " Ewan ko. Pag-aaral nga ang atupagin mo diyan, bata ka. " Supladong sagot nito sa kanya. Napasimangot ang dalagita. Lagi naman siyang sinusupla ng kuya Nathan niya. Matanda ito sa kanya ng pitong taon . Twenty-two na ito pero kung tratuhin siya ay parang mas bata pa sa kanya. Sumimangot siya. Kapag ganito ang tono ng kapatid ay hindi niya talaga ito makausap ng matino. Kaya naman iniwan na lang ito ni Yumi. Ipinagpatuloy niya ang paggawa ng assignment sa trigonometry. Sisiw lang iyon sa dalagita. Wala siyang problema sa studies niya dahil likas naman siyang matalino. Kabilang pa nga siya sa top three sa school na pinapasukan niya. Inspirasyon niya yata si Jacob . She cannot wait to grow up and have him as her boyfriend. Pangarap niya iyon. Kaya nga inaabangan niya ang pagpunta nito sa kanila araw-araw." Hey, bud !" Hindi siya nagkakamali ng dinig. Boses iyon
Naghahabol ng hininga si Yumi nang makarating sa silid niya. Agad niyang isinara at ini-locked ang pinto ng kanyang kwarto nang makapasok. Nakadama siya kanina ng matinding kaba. Akala niya ay hahalikan siya ng binata nang masukol siya nito sa sink area ng kitchen. Ngunit tumigil ito sa tamang oras. Pabagsak siyang humiga sa kama at kinuha ang paboritong unan na si tweety bird. Niyakap iyon at ibinaon ang mukha roon habang nagtitili sa sobrang kilig na kanyang nadama. Hindi niya akalaing makikita niya ito sa bahay nila. Ano kaya ang ginagawa nito kasama ng kuya Nathan niya? Hinubad niya ang ipinatong nitong t-shirt sa pantulog niya. Sinipat ang sarili, saka lang niya nabistahan ang suot na pantulog. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. She was wearing her sexy lingeree. Kaya pala ganoon na lang ang tingin ng lalaki sa kanya. Pinamulahan siya ng mga pisngi sa naisip. Dinala niya sa ilong ang hawak na pang-itaas ng binata. Inamoy-amoy niya iyon. She co
Nagtaka ang binata kung bakit nahihilo siya. Isang bote pa lang ng beer ang nainom niya pero pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng ulirat. Doble na ang paningin sa dalawa. " Kuya Jacob, okay ka lang? " Tinig iyon ni Jillian." Ano ba tong pinainom niyo na beer sa akin, ang lakas ng tama eh? " " Beer 'yan galing sa fridge mo oi. " " Kawawa naman ang, sweetheart ko. " Hindi na narinig ni Jacob ang sinabi ni Yumi dahil nakatulog na ito. " Wala ka naman pa lang binatbat, kuya. " Panunudyo ni Jillian sa natutulog na kapatid. " Ilipat na natin siya. " Suhesyon ni Yumi.Pinagtulungan nilang ilipat ang binata sa silid nito at inihiga sa kama. Hinubad nila ang suot nitong t-shirt and shorts at itinira ang boxers nito. Naghubad rin siya ng kanyang mga damit, tanging undies lang ang iniwan niya. Saka tumabi sa binata. Nakaunan ang ulo niya sa lalaki habang nakahawak siya sa hubad na dibdib nito. Ang braso nito ay nakayakap sa bewang niya at ang isang paa nito ay nakadantay sa mga paa niya
Matapos makausap ang kaibigan ay nakadama ng guilt si Yumi. Labag sa kalooban niya ang pumunta sa birthday party ng kuya nito because of one reason, makikita niya doon si Nancy na magiging sweet kay Jacob. Siguradong masasaktan na naman ang puso niya sa dalawa. Di ba nga't nagalit ng todo si Nancy sa kanya sa ginawa niya kay Jacob. Baka kung ano pa ang gawin ng babae sa kanya kapag nakita siya doon sa party. Pero baka magtampo naman ang bestfriend niya kapag hindi siya pumunta. Wala na siyang pagpipilian pa. " Bahala na. " She muttered bago ipinikit ang mga mata para matulog. Araw ng biyernes ay maaga siyang sinundo ng kaibigan kasama ang driver ng mga ito. Hindi kasama si Jacob ng mga ito. " Wala si kuya, sinundo iyong girlfriend niya. " Nakasimangot na wika ni Jillian sa kanya. Nakadama siya ng pagkadismaya. She had prepared everything from her travel outfit to the actual beach party. Hindi na lamang siya nagkomento pa rito. Nagpasya siyang sumakay sa L-300 van na dala ng kaibiga
" Yumi hija, gusto mo bang sumama magmalling?" Tinig iyon ni Aling Pacing. Matandang dalaga na namamahala sa bahay bakasyunan nila sa Tagum city. Ang lugar kung saan siya tumira sa nakalipas na anim na taon. Ginawa niya iyong mini flower farm. Sa nakalipas na dalawang taon ay nagawa niyang mapalago ang flower farm sa tulong ni Aling Pacing at mga apo nito. Nakasanayan na niyang mamuhay ng simple kasama ang mga taga roon. And she adapted their lifestyle. " Hindi na po muna aling Pacing. Mas gusto ko pong tumao dito sa flower farm natin. Kayo na lang po muna ang magmalling nila Ana."Magalang sa sagot niya ito. " Sigurado ka bang okay ka lang rito, hija? " Paniniguro nito. " Opo aling Pacing. Kaya ko na rito tumao, saka nandiyan naman si Cris at Tato sila ng bahala magkarga ng mga flower pots natin sakali mang may bumili." Nakangiti niyang sagot sa matanda. " Kung iyan ang gusto mo hija, sige maiwan ka na namin." " Sige po, mag-iingat po kayo." Kanina pa nakaalis ang maglola nang du
" Wala kang karapatang gawin iyon sa akin! " Nanginginig ang katawan ng dalaga sa galit na nadama. Wala itong karapatang halikan siya. Ni hindi sila magkasintahan para gawin iyon ng binata. Marahang hinimas-himas ni Jacob ang pisnging nasaktan. Hindi makapaniwalang magawa iyon ng babe sa kanya. Inis na kinuha ni Yumi ang cellphone sa bag para tawagan ang ina. Ngunit maagap siyang napigilan ng lalaki. " Ako ang inutusan ni tita na sumundo sa'yo. " Perio tinaasan lang ito ng kilay ni Yumi. " I better ride a taxi. " Irap niya sa binata. Akma na siyang bitbitin ang mga gamit ngunit mabilis pa sa alas cuatro siyang nahawakan nito. " Ako ang maghahatid sa'yo sa bahay niyo. " Matigas ang boses ni Jacob. " Ayoko! Hayaan muna ako. Di ba sabi mo ayaw mo akong makita, bakit ngayon atat kang ihatid ako sa amin? I am not your responsibility, right ? So, hayaan mo ako! " Pagkatapos ay tinanggal niya ang kamay ng lalaki pero nanatili itong nakahawak sa kanya. " I