Dagdag na kuwentoSERYE(Bonus Story)UMAGA ng sabado ay may natuklasan na namang bangkay ng tao sa di gaanong kalayuan mula sa amin, agad akong bumangon at tinawagan ang aking kaibigan na si Tonton upang mapuntahan namin ang nasabing bangkay. Pagdating namin doon ay pungkulan ang mga taong nakikiusyoso, naroon na ang mga taong barangay at mga pulis upang mag imbestiga.Tanaw namin ni Tonton mula sa aming pwesto ang nasabing patay, nakabuka ang dibdib nito at wala ang mismong puso. Nakaraang linggo lang ay may natagpuan ding bangkay sa kabilang barangay kung saan ito naman ay nakabigti sa puno ng niyog ni Mang Teban, pang walo na ang taong ito sa mga natatagpuang patay sa aming bayan.Ayon sa mga bali-balita ay sangkot daw sa ilegal na droga kaya pinatay, pero malabo ito dahil isa sa mga natagpuan ay isang pastor na kaibigang matalik pa man ng aking magul
About the AuthorIpinanganak siya noong Hunyo 18, 1983, nagkamuwang sa magulo at abalang lungsod ng Maynila. Nakapag-aral ng Elementarya at Hayskul sa Sta. Mesa sa Maynila. Taong 2000 ay nanirahan sa lalawigan ng Kabite. Nagtapos sa kursong Kriminolohiya at naging lisensiyadong Kriminologo, sa kasalukuyan ay may masayang pamilya, kapiling ang butihing may bahay at tatlong mga mabubuting mga anak. Naninirahan sa lungsod ng Dasmarinas. Nagsisilbi bilang isang Public Servant sa papel na tagapagpatupad ng batas. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang lipon o koleksiyon ng mga tula at ito ang una sa dalawa niyang librong inilathala. Patuloy na magsusulat at ipakilala pa ang mga kuwento ng nakakarami sa pamamagitan ng malayang pagsusulat.Facebook Page: https://www.facebook.com/Manunudla-Blog-106343067862828/Wattpad: @manunudla
Halumaling PAWIS na pawis, tila nasa loob ako ng isang kubol na ‘di iniikutan ng kahit anong presensiya ng hangin, sumisiksik at pinipilit makisama sa kakayahan ng isang sisidlang limitado ang liwanag upang maaaninag nito ang kapaligiran at tila sabay-sabay umaangat ang hamog mula sa aming mga katawan. Lahat kaming apat na yaon ay nagkukumpulan sa sisidlan na iyon habang hawak ang isang palarang nakatupi nang pahaba at niluluto ang ilalim nito na siyang naglilikha ng puting usok sa ibabaw na tila diyamante para sa mga gaya kong hayok dito. Bawat isa sa amin ay nilalanghap ang bagayna yaon na parang mga biik kung humigop upang direktang ipasok ito sa mga utak namin na awang na at dapat nang lagyan ng krudo upang umandar ulit ang mundo. Tila, naghahapunan kami sa kawalan, pansamantalang gumagawa ng sariling mga teatro na kami ang siya
HaplosNAUNA pang magsiga ng kahoy si Mila bago pa ang tilaok ng mga tandang sa kanilang kapitbahay. Lumulutang ang usok ng mga panggatong upang lutuin ang aalmusalin ng kanyang mga kapatid. Pagkatapos magluto ay agad niyang isinaladsad ang mga bulaklak ng sampaguita na kanyang ilalako sa simbahan mamaya, Sariwa ang mga ito at mamasa-masa pa ng tubig buhat nang dalhin ito ni Mang Rudio kaninang alas-dos ng madaling araw. Agad din niyang ginising ang dalawang maliliit na kapatid upang maligo at maghanda sa kanilang pagpasok. Dinala ni Mila ang yupi-yuping takore upang isalin sa timba nang mamatay ang lamig nito at tinulungang maligo ang bunsong pupungay-pungay pa habang ang isa'y nag-aayos ng kanilang almusal. Sabay-sabay silang nagbitaw ng panalangin at kumain.Tatlo na lamang silang magkakasama sa kanilang munting barong-barong, ang kanilang
LahawTUMATAKBO siyang umuwi sa kanilang tahanan, mabilis pumasok sa kanyang silid at isinara ang pinto. Umupo sa sulok at nagtakip ng kanyang tenga habang umaaligid ang maiitim na mga anyong bumubulong sa kanya. “ Jayson, Jayson, mabaho! “Jayson ampon!Jayson tanga!Umiikot sa kanyang pandinig ang mga salitang ito mula sa mga itim na nilalang na nagsasayawan sa kanyang paligid. Nagtitimpi siyang pilit habang mariin na pinipikit ang mga mata at tinatakpan ang mga tainga upang hindi ito makita’t makarinig. Ilang saglit pa’y naglaho na ang mga anyong yaon at muling tumahimik ang silid. Marahan niyang inalis ang kanyang mga kamay sa kanyang tenga at dahan-dahang iminulat ang mga mata, pinagmasdan ang kapaligiran at muli siyang tumingin sa bintanang bukas gaya ng nakagawian, sumasabay sa tahimik na pagkakataon habang natulo
Babae“Nahulog ako sa mga bulaklaking mga bigkas, mala-langit na pangako na hindi ko napansin sa huli ay inuuod na tangkay at nabubulok na petalya na siya nang kumanlong sa akin habang buhay."HINDI na naman ako mapakali, ramdam ko ang takot sa aking katawan, nanginginig pa ako habang di alam ang gagawin. Nakatingin sa pintuan at balisa sa bawat tunog na naririnig ko. Kahit napakalakas na ng ikot ng bintilador, tagagtag ang aking pawis sa kung anong pwedeng mangyari pagdating niya. Ilang oras palang nakalilipas mula ng bagsakan niya ako ng telepono, pinagtatalunan namin ang aking pag-alis saglit upang mamalengke at inakusahang pinuntahan ko daw ang tindero ng karne na si Pareng Kudo na gusto ko daw talaga noon pa man. Buti at wala ang aking anak at nasa kanyang Lola dahil kung hindi ay masasaksihan niyang muli ang mga pangyayari. Napatingin ako
PulaHINDI ko na mabilang kung ilang araw at gabi ko nang nakakapiling ang mga matatayog na sanga at damong aking hinihigaan at inuupuan, mga basang lupa at putik na tila nagiging parte na ng aming mga hapong mga katawan. Nagiging bahagi kami ng mundong itong na nasa kasulok-sulukan ng kagubatan at sa nakalululang tuktok ng kabundukan ng Sierra Madre na minsan ng naging alamat sa mga kwento ng kakamanghang pagkilala rito. Isang mahabang kabundukang nilikha umano ng mga kakaibang elemento at pinamamahayan ito ng mga kakila-kilabot na mga nilalang na siyang naghahari harian umano ng mahabang panahon at sa aming kaisipa'y sumasabit dito ang pagkamangha sa lugar na yaon. Naging panang-galang ang kabundukang ito laban sa mga delubyong bagyong sumusubok tahakin ang sentrong kapitolyo ng bansa kabilang na ang maynila, naging mapagpalang kamay na siyang
Lilim Sa Dapit-HaponDAHAN-DAHAN kong binuksan ang pinto, sumaglit ang katiting na liwanag mula sa labas at marahan ko itong inagapan at isinara habang tumitingin sa isang mahinang buhay na nakaratay sa kama ng karamdaman. Tahimik akong tumungo at nagmasid sa malungkot at madilim-dilim na silid, dinig ko ang panaka-nakang patak sa suwero at payapang hangin na kanyang inilalabas. Lanta na ang bulaklak sa mesa at ilang tuyot na prutas na nagmistulang altar at ilang piraso ng mga biskwit na nakahandusay sa paligid nito. Katabi nito ang ilang mga papel, resibo at mga kasulatang patungkol sa ahensiya ng gobyerno upang makangalap ng salaping pang-tustos sa kanyang kalagayan.Sa wakas at napagmasdan ko siya nang malapitan, nakapikit ang mga lubog na matang lumalarawan ng mahaba at napakatagal na digmaan na kanyang hinarap. Bakat ang kanyang