Ang PintoSA simula palang ay napapansin ko na ang kakaiba sa kanyang mga ikinikilos, mga katahimikan na lumilikha ng isang maingay na alingaw ngaw na bumabasag sa aking mga tengang nasasabik sa kanyang mga salita. Madalas sarado ang pintuan ng kanyang kwarto, hindi ko man lang narinig maski ang lagitgit nito. Ang dating masayahin at pala-ngiting anak ay napalitan ng mga salubong na kilay, at kadalasang kayamutan, nangyayari ito sa tuwing maghahanap kami ng sagot minsan sa mga kumustahan sa bahay habang nakukuha namin ang oras niya. Nakababang mga mata, at tipid na mga salita, tumitindig na parang isang pinuno sa kung anu man ay 'di naman alam.Masayahin siyang bata bago pa man mangyari ang lahat ng kaganapan, pinalaki namin siyang isang prinsesa, oo isang prinsesa, yakap ko siya nuon sa aking mga bisig habang inaawitan ng mga himig na sa ami
Poseur BuyerNATANAW ko siya sa di kalayuan. Naaninag ko ang imahe ng kanyang katauhan, imahe ng isang nilalang na pilit sumisiksik sa pugad ng mga aninong anghel. Ilang saglit pa ay iniabot na niya ang isang plastik na may puting butil na kinababaliwan ng mga tulad niya, hudyat iyon upang simulan ko nang gawin ang ipinagkatiwala sakin ng batas...ang supilin ang mga nalululong at nagpapakalat ng puting butil na ito. sinumulan kong takbuhin ang direksyon nila, tila isang langit at lupang distansiyang nagbibigay ng pagitan sa amin, sinumulan kong humiyaw at ipakita sa kanilang hilaw na pandinig na ako ay isang pulis.Sa pagkakataong iyon, nagsimula na rin siyang gambalain ng kanyang gising na gising na ulirat, ikinilos sa mabilis na paraan ang kanyang mga paa palayo at sinimulang alisin ang kanyang pagkatao sa kinaroroonan niya, nagmist
Tikom Na HiyawNANLILISIK ang mga mata, nagkikiskisan ang mga ngipin habang nakatitig sa kanyang kapatid, ilang saglit pa'y muli niya itong nilusob ng buong lakas, may kasamang nakakatakot na hiyaw at nakipagbuno siya, habang ang kanyang kapatid ay halos wala ng lakas sa kakasalag sa lahat ng kanyang pag atake. Sa di maunawaang dahilan ay di magawang mapigilan ang gaya niya ng kahit tatlong katao na dominado ng kalalakihan. Habang nakikipagbuno sa kapatid at habang hawak ng dalawang lalaking kapitbahay, makikita sa kanyang mga mata ang pagod at kawala sa kasalukuyang katinuan at napipilitang umayon sa galaw ng katawan na inuutos ng kanyang utak na gawin sa kadahilanan na nasa iba siyang mundo.Ganito ang imahe sa araw-araw na sitwasyon sa tuwing siya ay inaatake ng kanyang sumpong. Sabi nila, siya ay na-engkanto sa 'di malamang dahilan, maaring siya ay tumuk
Hanggang KailanKAGAYA ng nakasanayan, nauna na akong magising bago ko pa marinig ang ilang katok mula sa aming pintuan, alas- dos na ng madaling araw iyon nang tingnan ko ang aming orasan, pinagbuksan ko ang aking mister na halatang pagod na pagod at puyat na puyat mula sa magdamagang operasyon. Tinanong niya agad ang mga bata at sinabi kong maayos naman sila at mahimbing ang mga tulog. Inalis niya ang kanyang suot na jacket at umupo sa sala, kumilos ako upang ipagtimpla siya ng kape at gaya ng nakasanayan, ayaw niyang kumain, sadyang pagod lang siya.. Habang nagtitimpla, tinanong ko muli siya,"Bakit sa kabila ng ginagawa niyo eh kayo pa rin ang mali at kinakasuhan hindi ba kayo na nga 'tong nanghuhuli ng mga kriminal pero kayo naman ang idinidiin?"Eto yung natuklasan kong napasama ang grupo nila sa mga kinasuhan ng kanilang mismong hin
SapantahaWALA kang makikitang kakaiba o anumang espesyal sa kanya, lumalarawan tulad ng mga karaniwang bato na dinadaluyan ng tubig-tabang sa mga ilog kung saan-saan. Siya ay may katamtamang tangkad, may pagka kayumanggi ang kulay ng balat na gaya ng nakakarami. Di kapansin pansin sa anuman meron sa kanyang pisikal na kaanyuan at pagkatao. Tulad namin, isa rin siyang may pangarap at nagpapatuloy sa buhay ng mundong ito. Mula sa malawak na lupain ng Cagayan lumaki ang tulad niya, musmos na nabigyan ng magagandang alaala ng kanilang nayon, kabilang sa mga kilalang tribo ruon. Nagtapos siya sa Kolehiyo sa kurso na may kinalaman sa kompyuter, galing sa pamilya ng mga nagseserbisyo sa gobyerno, lumaki sa piling na isang retiradong pulis na ama at isang pampublikong Gurong Ina. Isacm siyang taong puno ng mga pangarap at nagnais na makabuo ng isang
Sa Aking Mga Mata“Hinahawi ako ng mga nagliliparang buhangin ng disyerto, napupuwing sa 'di maunawaang butil ng mga bago. Nagdidiliryo sa isang larawang di malinaw kung ano, sumasagwan sa tuyot na sapa at nangingisda ng sagot sa malamyang ilat."Mula sa mga mata ng isang bata.DUMAPO ang isang insekto sa nalalanta ng bulaklak matapos mapagod magsasayaw sa bombilya na nagbibigay ng liwanag sa tabi ng ataul. Hindi magarbo ang kabaong na nakalatag doon sa aking harapan, isang kulay puti na yari sa mumurahing kahoy at hindi pantay ang pagkakapintura at litaw dito ang hayagang pagmamadali. Sa ibabaw ng kabaong ay nakapatong ang isang garapon na pinaglalagyan ng iilang pirasong perang papel at barya na di mo man mabibilang pero alam mong di ito kalakihan. Mapapansin din dito ang isang mumunting ribon kung saan nakasulat ang aking ngalan, katangi
Mga Bakas Mula Sa Kanyang Mga BisigBinubuhay ng aking gunita ang isang sandali na naghahabulan kami ng aking kapatid na babae sa paligid ni Ama at Ina habang sila ay nag-uusap, mapapansin doon ang malungkot na kaganapan. Sa paglalaro ay pinilit kong magtago sa mga bisig ni Ama upang di mahuli ng aking kapatid na babae, sa loob ng mga bisig na iyon nakita ko ang kabuuan ng larawan sa pagitan ng aking mga magulang, isang kabuuan ng paghihiwalay.HINDI ko lubos maunawaan pero alam kong kalungkutan iyon. Muli akong nilipad ng gunita ng hinabol ko si Ama habang palabas sa aming tahanan, nagmistulang tutang naghahabol at lumalaro sa isipan ko ang isang tanong, lumingon si ama at kinaskas ang aking ulohan at kinarga habang may binibigkas ng diko na matandaan kung ano, muli, ay nagpatuloy lumayo hanggang sa mawala ang kanyang pagkatao't imahe sa masikip n
Sandali Sa Iba Pang Mga SandaliMAGDIDILIM na nang siya'y makabalik sa kanilang tahanan, sumasabog sa kalangitan ang kahel na siyang tuluyang sumasakop sa patulog nang liwanag nang araw na iyon. Katulad ng dati, tahimik niyang binuksan ang kinakalawang na tarangkahan. Sa sobrang kalumaan nito ay di maiwasang makalikha ng ingay habang binubuksan, ngunit maingat pa rin niyang ginalaw ito at isinara pagkatapos. Sa loob ng kanilang tambalan mapapansin ang napag-iwanang garahe, nagtatayugang mga ligaw na damo at halata ang kalumaan ng bahay, tinatawag ito ng mga taga-roon na bahay ng kastila.Madalas din maging tampulan ng mga kwentong kahindik-hindik ukol sa mga pinamamhayan ng mga lamang lupa't mga kaluluwang namamahay dito. Gawa sa mga kahoy na bintana at butas-butas na kisame, mga inaamag na haligi at nagkakalumot na mga sahig at semen