Share

Admiring the Star
Admiring the Star
Author: weirdestbookworm

Prologue

"Dad, how many times do I have to tell you that I would never marry that guy named Brian and will never be!?" my voice raised.

Hindi pa ako nag-taas ng boses sa mga magulang ko pero ngayon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Paano ba naman kasi, i-arrange marriage ba daw ako sa Brian na 'yon dahil may utang na loob sila sa pamilyang iyon? How dare them for forcing me to marry Brian for the sake of their 'utang na loob?'

Just wow! Sinali pa talaga ako!

"Lower your voice, Azara! Don't make me mad!" my father's voice roared making me roll my eyes.

"How dare you for doing this! How dare you for deciding whom I'll marry! And lastly, how dare you for controlling my whole life!" I shouted at the top of my lungs. I clenched my fists while looking at my parents. "Alam niyo ba kung ano ang pakiramdam ng kino-control ng sariling mga magulang? Alam niyo ba kung ano ang pakiramdam ng hindi maka-gawa ng sariling desisyon? Para akong ibon na nakakulong sa isang hawla! Gustong-gusto kong makalaya at lumipad pero hindi ko magawa dahil nakakulong ako!"

I glared at them.

"Nakakasawa na rin ang ganito," humina ang boses ko. "Buong buhay ko, kayo palagi ang nagdedesisyon para sa sarili ko. Ni minsan ba hindi niyo naisip kung ano ang mararamdaman ko?" nakita ko si mommy na nag-iwas ng tingin habang si dad ay nanatiling galit ang tingin sa akin.

Ano pa nga bang aasahan ko? Ganiyan naman siya palagi. Palaging galit sa akin. Iniisip ko nga kung anak niya ba talaga ako. What if ampon ako?

Sana nga ampon na lang ako.

Tumalikod ako sa kanila. Pero bago ako umalis, may sinabi ako sa kanila na sigurado akong magkakatotoo. "Remember this. Simula ngayong araw na ito, hindi ko na kayo hahayaang mag-desisyon para sa sarili ko. Because starting today, pinu-putol ko na ang koneksiyon ko sa inyo."

Hinarap ko sila at ngumisi. "Sige lang, i-tuloy niyo lang ang paghahanda para sa kasal na 'yan, sigurado naman akong hindi kayo magtatagumpay,"

After that day, hindi na ako umuwi sa'min pero nababalitaan ko pa rin naman ang nagaganap sa bahay dahil sa pinsan kong si Avera. Tulad na lang ng balitang tuloy pa rin ang kasal.

And the day came. May pinadala pa talaga ang magaling kong ama na baklang makeup artist para ayusan ako. I'm annoyed, yet I still made myself calm. It's okay Azara, you have plan to stop that shit.

"Bongga! Ang galing ko talaga!" saad noong bakla matapos akong ayusan. He walked to where the white gown is. "Sigurado akong bagay na bagay sa iyo ito." humarap siya sa akin habang hawak-hawak ang gown. "Suot mo na!" excited na wika nito bago i-abot sa akin.

Walang gana ko iyong kinuha bago pumasok sa bathroom ng condo ko.

"Congrats mukha ka ng tao!" pumalakpak pa ang bakla matapos kong lumabas ng banyo.

Pinakita ko sa kaniya ang kamao ko. "Pag-ito tumama sa mukha mo, magmumukha kang ginahasa ng pitong engkanto." tumiklop siya sa narinig at tahimik na nag-sign of the cross.

Matapos sa walang kwentang bangayan namin ng bakla ay sumakay na agad ako sa kotseng pinadala nila. Nadatnan ko si Avera sa loob na nakangiti sa akin.

"Nando'n na ba?" mahinang tanong ko para hindi marinig ng driver. Tumango siya bilang sagot kaya kampante akong sumandal sa upoan.

Nakarating kami sa labas ng simbahan. Pinagbuksan ako ng driver habang inalalayan naman ako ni Avera papunta sa harap ng pinto.

"Mag-iingat ka sa balak mo, Azara." bulong ni Vera sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Namalayan ko na lang ang sariling naglalakad na papuntang altar kasama si daddy at mommy. Tumingin ako sa harap at nakita si Brian na nakangiti habang nakatingin sa amin. Pakitang-tao ang gago!

Nang makalapit kami ay tinapik ni dad ang balikat ni Brian bago ako panlakihan ng mata. Ngumiti naman si mommy sa akin pero hindi ko sila pinansin.

"Magiging akin ka na rin." bulong ng gago pero ngumisi lamang ako.

"In your dreams."

Sinimulan na ni father ang seremonya. Si Brian ay nakangiti habang ako ay nakangisi.

"Brian Hernandez, do you take, Azara Veal, as your wedded wife in sickness and in health?"

"I do." he answered, smiling.

"Azara Veal, do you take, Brian Hernandez, as your wedded husband in—" before he could continue, I already cut him off.

Lumaki ang ngisi ko, "I don't," nagulat ang lahat sa naging sagot ko, including Brian and my parents together with his family.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon na tumakbo na palabas ng simbahan. I thought runaway brides are only in movies, sa totoong buhay rin pala.

Kung iisipin ay pwede namang hindi na ako sumipot sa kasal at tumakas na lang agad but I like games, and I like to see what's their reaction so I did this even though it's complicated because anytime they can catch me.

Katulad na lang ngayon na hinahabol na ako ng mga tauhan ni dad. Mabagal akong tumatakbo dahil sa gown ko kaya walang pag-alinlangan kong pinunit iyon hanggang sa tuhod ko. Napatingin ako sa suot kong boots. I wear this instead of sandals para hindi na ako mahirapang tumakbo ngayon.

Naalala ko pa ang sinabi ng baklang makeup artist. "Are you crazy? My gad! Bakit boots ang suot mo?!" but instead of answering him, ngumisi lamang ako.

Unti-unting nakikita ko na ang pinaglalagyan ng big bike ko na inutos ko kay Vera. My buddy! Nang makalapit ay tumalon ako pasakay bago 'yon paandarin at pinaharurut. Tiningnan ko ang mga humahabol sa akin sa side mirror na unti-unting nagiging maliit sa paningin ko.

Magdidiwang na sana ako nang makitang may humahabol sa aking sports car. Walang iba kun'di si Brian. Dahil doon ay nakakunot noo kong binilisan ang pagpapatakbo pero nakakahabol siya.

"Stop this shit, Azara, and marry me!" sigaw nito.

"Make me!" I shouted back. Nakakainis! Mas mabilis ang makina ng sports car niya kesa sa big bike ko kaya siya nakakahabol. Darn it!

Imbes na magdere-deretso sa sementong daan ay lumiko ako papunta sa isang mabato at kakahoyan na daan. Akala ko ay deretso na ito ngunit nainis ako nang makitang putol ang daan. Isang bangin na ang kakahantungan kung dederetso ako ay malalim na sapa.

Lumingon ako kay Brian at nakita siyang nakangiti sa akin as if I'm gonna stop and marry him instead but it's a big no! Kung ipapakasal lang din naman ako sa taong hindi ko mahal ay mas mabuti pang i-deretso ko na lang ang big bike ko sa bangin, so I did.

Bago ako tuluyang mahulog ay narinig ko pa ang pagtawag ni Brian sa akin.

Sinalubong ang aking katawan ng malamig na tubig ng sapa. Pinikit ko ang aking mata at hinayaan ang sariling lumubog sa kailalim-laliman nito bago ako tuluyang nawalan ng malay.

And just like that, I ended my life.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status