Nagising ako nang may maramdamang kung anong malambot sa labi ko. Napamulat ako ng mata at napaubo ng tubig. Napatigil lang nang may magsalita.
"Mabuti at gising ka na." baritonong saad nang isang lalaki. Nang mag-angat ako ng tingin ay nanlaki ang mata ko ng mapamilyaran ang mukha nito, hindi ko nga lang matandaan kung saan ko siya nakita.Maputi ang kaniyang balat, may magandang pangangatawan, magandang hugis ng panga, makapal na kilay, matangos na ilong at manipis ngunit mapulang labi. Ang style ng kaniyang buhok ay katulad ng mga koreanong nakikita ko sa tv. Ang kaniyang asul at singkit na mata ay bahagyang natatabunan ng kaniyang bangs na basa.All I can say is, he's so handsome and hot. Kahit sinong babae na makakakita sa kaniya ay mapapanganga, maliban sa akin. Gwapo siya ngunit hindi ako basta-bastang naa-attract sa panlabas na anyo, kaya nga wala akong naging boyfriend dahil ang papangit ng mga ugali ng mga lalaking gustong manligaw sa akin. That's why I have the reason to reject them, hindi sila karapat-dapat."Don't look at me like I did something strange to you, thank me instead because I saved you from death." masungit na saad nito bago tumayo. Tinaasan niya ako ng kilay. Nang hindi ako sumagot ay mahina siyang umasik bago tumalikod at nagsimulang maglakad.Doon lang ako nabalik sa sarili at agad na tumayo. Ngayon ko lang din napansin na nasa may dalampasigan pala kami. Basa din ako.Then I realized something. Did he just saved me? Kaya pala basa siya."Hoy sungit! Sandali!" hindi niya ako pinansin kaya tumakbo ako para habulin siya. Hinarangan ko siya kaya kumunot ang kaniyang kilay at noo."Get out of my way." mariing turan niya pero umiling ako.Unti-unti ng nagdidilim ang paligid kaya napatingin ako sa araw na lumulubog na bago i-balik sa lalaki ang aking atensiyon."Anong lugar 'to?""Palawan." nanlaki ang mata ko. Gano'n kalayo ako napadpad? From manila to Palawan. Nice, sigurado akong hindi nila ako matutunton."Anong petsa ba ngayon?""November 20," so tatlong araw akong nagpapalutang-lutang sa dagat bago ako mapadpad sa islang 'to. Wews, buti buhay pa'ko.Hay, thank you, Lord!"Wala ka ng i-tatanong?" biglang saad nito."Meron pa. Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ko. Nakita ko ang panliliit ng mata nito kaya mas lalo siyang naging singkit."Eros." tipid na sagot niya. "Ikaw?""Aza. Nice to meet you, Eros sungit." nilahad ko ang kamay ko para sana makipag-shake hand pero pinagkatitigan niya lamang iyon bago naglakad.Did he just refused? First time in my history na tinanggihan ako. Damn that Eros!"Teka!" nilingon niya ako na magkasalubong ang kilay."Ano na naman?""Ang sungit mo naman!" ngumuso ako kaya napaiwas siya ng tingin. Eh? "Hinalikan mo ba 'ko?" walang hiyang tanong ko kaya nanlaki ang singkit niyang mata. Gague! Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at ang hyper ko ngayon."W-What are you talking about?""Eh kasi naalala kong may malambot na dumampi sa labi ko kanina bago ako magmulat ng mata. Hinalikan mo 'ko?"I heard him cussed before brushing his hair using his fingers. "I didn't. Ang assuming mo naman, sini-cpr lang kita.""Pero nagdampi 'yong labi natin!" pakikipag-talo ko bago hinawakan ang aking labi. "First kiss kita!" gulantang na saad ko.I saw him smirk. "Same.""So, first kiss natin ang isa't isa?!""Gano'n na nga," sagot nito na parang wala lang bago naglakad na ulit.Napatingin ako sa langit na madaming bituin bago napabuntong hininga. "Nagugutom na 'ko," napahawak pa ako sa tyan ko habang nakanguso."Come with me then, I'll treat you." gulat akong napatingin kay Eros na nasa harapan ko na pala. Akala ko ay umalis na 'to."Sige!" excited na saad ko bago sumunod sa kaniya.Bago kami pumuntang kainan ay nagpunta na muna kami sa isang pamilihan ng damit para magbihis dahil basa kami. Binigyan ako ni Eros ng dress ngunit tinanggihan ko iyon at pumili ng mas komportable. I chose this oversize shirt paired with a white short na hanggang sa tuhod ko. Pumili lang din ako ng simpleng tsinelas and I'm done.Napailing na lang si Eros sa akin at nagbihis na rin. Humingi siya ng plastic bag para lagyan sa basa naming damit bago kami dumeretsong karinderya.Ang cool pala sa islang napadpadan ko. Walang malalaking gusali rito dahil nandoon pa daw iyon sa malayo. Kailangan pang sumakay ng bus para lang marating iyon."Ang sarap!" halos mabulunan na ako dahil sa pagsubo ko ng sunod-sunod pero wala akong pakealam. Ang sarap kasi ng pagkain dito. Parang hindi nakakasawa kung palaging kakainin."Takaw," rinig kong komento nito ngunit hindi ko siya pinansin.Napatihaya na lamang ako nang matapos na. Napahimas din ako sa tyan kong busog na busog. Kung kaya pa nga lang ng tyan kong malagyan pa ng pagkain ay kakain pa 'ko ng madami kaso hindi na e. Baka masuka lang ako sa sobrang kabusugan.Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Eros kaya napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin ito sa mga platong wala ng laman. Grabe, ang dami ko palang nakain. Kung sabagay, ikaw ba naman ang walang kain ng tatlong araw. Psh, 'wag niyo kong punahin, gutom lang talaga ako."Diyan ka lang, magbabayad lang ako.""Okey-dokey!" pina-bata ko pa ang boses ko at sumaludo sa kaniya pero umirap lamang siya at tumalikod na. Ginagaya ko lang naman si Anya e! Sama ng masungit na 'yon."Tapos na kitang i-treat, aalis na 'ko. Mag-ingat ka na lang." bungad nito nang maka-balik kaya napanganga ako. Ano raw?Wala nga akong alam sa lugar na 'to tapos iiwan niya ako?"Hala! Teka! Sasama ako sayo!" dali-dali akong tumayo at lumapit sa kaniya. Napataas ang kilay niya sa akin. "Wala akong alam sa lugar na 'to!" pagtatapat ko sa kaniya."Ano naman?""Ampunin mo 'ko!" his jaw dropped. "Sige na please!" pagpupumilit ko."Ayoko! Ang takaw mo kaya!" tanggi nito kaya napakunot ang noo ko. Ano namang kinalaman no'n? "Baka hindi pa naggagabi ay ubos na stock ng pagkain ko!"Aba, gago 'to ah!Walang nagawa si Eros kun'di ang ampunin ako. Ano nga bang magagawa niya sa kakulitan ko hindi ba? Hindi sa nagmamayabang ako pero sa dalawampu't tatlong pagka-buhay ko sa mundong ito ay wala pang tumanggi sa akin maliban sa masungit na lalaking nakapamulsa ngayon habang naglalakad. Psh. "Hoy, sungit! Hintayin mo 'ko—! Aray, bwesit na 'to!" gague! Ang sakit ng paa ko. Walang hiyang batong 'to! Sa inis ay sinipa ko iyon kaya malapit matamaan si Eros. Buti na nga lang at malapit sa paa niya lang nag-landing ang bato. Phew! Muntik na ako do'n ah! "Pag ako talaga natamaan, humanda ka!" banta nito kaya nanlaki ang dalawang magaganda kong mata. Hala! How did he know? Nakatalikod kaya siya! Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Instinct." mayabang nitong sagot na para bang nabasa niya ang tanong sa isip ko. "Edi wow," bulong ko. "Bilisan mo. Lumalalim na ang gabi, may nanghahablot pa naman dito bigla-bigla." dahil sa sinabi niya ay napatakbo ako palapit at hinawakan siya ng ma
Masama ang loob kong sumalampak sa sofa. Paano ba naman kasi, ayaw akong samahan ni Eros bumili ng damit sa pamilihan. Sinasabi niyang, "Malaki ka na, kaya mo ng bumili mag-isa." Sinong hindi maiinis do'n? Wala ba siyang puso? Hindi ba siya naaawa sa akin? Sabagay, hindi nga iyon naging mabait sa akin maawa pa kaya. Psh! Himala na nga lang at pinayagan akong patirahin sa maganda niyang bahay. "Hindi kita pinatira rito para tumunganga ka lang diyan, you should wash the dishes, clean the house, cook for me, and do the laundry in exchange." ayan na naman siya. Nag-susungit na naman, tsh. Kailan ba magiging mabait 'to? "Samahan mo na muna kasi ako sa pamilihan!" nagmamaktol na saad ko ngunit ang gago ay umirap lang. "Please, Eros, please!" 'nagmakaawa-look' ako ngunit wala lang iyon sa kaniya dahil nakuha niya pang umirap. Agh! Saan ba 'to pinaglihi ng nanay niya at ganito makapag-sungit? Oh baka naman sa akin lang siya nagsusungit at sa iba ay mabait? Kung gano'n ay anong kasalanan k
Nang-aakusa akong nakatingin kay Eros na ngayon ay hindi mapakaling nakaupo sa sofa habang ako ay nakatayo sa harap niya. Namewang din ako at tinaasan siya ng kilay. "Explain yourself!" utos ko sa kaniya na naging dahilan para mapakamot siya sa kaniyang batok. "U-Ughm.. k-kailangan ba talaga?" natatarantang saad nito. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso which is I find it cute. Taranta yarn? Pinapa-explain lang e. "Oo! You must because that was unexpected. Nag-susungit ka sa akin tapos bigla-bigla na lang mangyayakap? Are you gagoing me?" ako naman ngayon ang tinatarayan siya. "I'm not worried about you, okay? Nag-aalala ako dahil baka may mangyari sayong masama tapos konsensiya ko 'yong mapipinsala mo kasi kargo kita." sa bilis ng pananalita niya ay nakuha niya pang umirap. Ang kanina lang na natatarantang mukha ay naging seryoso. "Don't look at me like I committed a crime. That's all what I'm worried about." sabay lakad nito papuntang hagdan. "Tapos na akong kumain, kumain
Tinanghali na ako ng gising. Kaya nang makababa ako ay hindi na nagtaka nang makitang may pagkain ng nakahain sa mesa pero walang Eros. Hindi ko alam kung nasaan ang masungit na 'yun basta ang alam ko lang ay nilantakan ko na ang pagkain. Habang kumakain ay may narinig akong mga yabag palapit. Nakita ko si Eros na madungis. Para siyang bata na katatapos lang mag-laro. Psh. "Dugyot mo!" agad na komento ko ngunit inirapan niya ako bago dumeretso sa may lababo para maghugas ng kamay. "Sa'n ka ba galing?""Outside." "Ginawa mo do'n at ang dungis mo?" tinapos niya muna ang paghuhugas ng kamay bago ako harapin. "Nagbungkal ng lupa," sagot niya at naglakad palabas ng kusina. "Maliligo na muna ako." paalam niya na ikinakunot ng aking noo. Kailan pa siya natutong magpaalam? Bago 'yun ah! Nag-improve na ang masungit na 'yon. Buti naman! Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinggan. Binuksan ko pa ang bintana para pumasok ang preskong hangin galing sa labas. Napatigil ako nang makit
Sa isang linggong pakikitira ko sa magandang bahay ni Eros kasama ang mga kaibigan niya ay unti-unti akong nagiging komportable sa kanila lalo na kay Andrei na palagi akong kinukulit.Katulad na lang ngayon. "Gusto mo 'no?" asar niya sa akin kaya napakunot ang aking noo. Sino? "Ha?""Gusto mo siya?" ngumisi siya sa akin ng nakakaloko habang ako ay nagtataka lang siya tinitingnan. Pinagsasabi ng makulit na lalaking 'to? "Sinong siya ba?" nagsisimula na akong makaramdam ng inis dahil sa ngisi niyang hindi ko maintindihan. Sa totoo lang, itong lalaking 'to ang una kong naka-close sa kanila dahil sa pagiging makulit at pagiging feeling close niya sa akin. Kahit na naguguluhan ako minsan sa kilos niya at nawe-weirdohan ay tanggap ko pa rin naman siya. 'Tsaka, alam niyo bang minsan ay para siyang bading? Hihi. "Siya," nakakalokong saad pa din nito. This time, my brows knitted while looking at him. "Alam mo, hindi kita maintindihan. Sino bang siya na sinasabi mong gusto ko?" imbes na s
"Yayy! Malapit na ang pasko!" nae-excite na saad ni Andrei habang pumapalakpak. "What's your plans on Christmas, dre?" tanong ni Keo kay Eros na tahimik na kumakain. Nag-angat ito ng tingin bago nagkibit balikat. "I don't know. Maybe we'll just go to Lola Melly's house. Kayo?""Uuwi kami sa mga bahay namin. We'll celebrate Christmas at home. Babalik na lang kami dito pagkatapos." si Yuro ang sumagot. "How about you, Aza?"I swallowed the food first before answering. "I don't know." "She'll come with me. We will be joining Lola." napatingin ako kay Eros nang magsalita ito at nginitian siya. I thought he forgot about me. Umirap lang siya bilang tugon sa ngiti ko. Sungit! "Sana all," tukso ni Andrei sa'kin. "You'll meet his grandma na, Aza. Isn't it exciting?" kinunotan ko lang siya ng noo bilang sagot. Ano naman? Mame-meet ko lang naman lola niyang strikta tapos pagnakita ako, hindi niya ako magugustuhan kaya papahirapan niya ako kapag wala si Eros. Dapat ko na bang i-ready ang sar
Nakakamangha ang ganda ng bahay ni Lola Melly. Pagkatapos naming kumain, inilibot agad ako ni Eros sa kabuoan ng bahay. Sa likuran ay matatagpuan ang mga iba't ibang uri ng bulaklak. Kahit na gabi ay maliwanag pa rin dito dahil sa Christmas lights na nakapalibot sa mga puno. May mesa rin doon at dalawang upoan. Kung gusto mong mag-tea ay pwede ka doon. Malamig dito dahil sa mga puno. Ang sarap mag-relax. Malamig na ang simoy ng hangin kaya napag-desisyonan na naming pumasok sa loob. Pumunta kami doon sa isang pintuan na kulay itim. Nang makapasok, napanganga ulit ako dahil sa mga paintings na naroon. Ang iba ay naka-dikit sa dingding. Ang iba naman ay nasa gilid lang, nakasandal. Magaganda 'yon pero isa lang ang nakaagaw ng atensiyon ko. Hindi ito kasing laki ng nandidito pero masasabi kong iyon ang pinakamaganda sa lahat. Nilapitan ko iyon at hinaplos ang mukha ng dalagang babae kasama ang ka-edad lang nito na lalaki. Maganda ang babae gano'n din ang lalaki. Napatingin ako kay Er
"Hoy Eros!" sigaw ko nang tumalikod ito at astang lalakad. Tinatanong ko pa e pero bigla naman tumatalikod! Bastosan lang ganoon! Hindi ko siya mahawakan para pigilan dahil basa ang kamay ko. Mamaya magalit pa. Masungit pa naman 'to! "I'm asking you, Eros! Huwag mo 'kong talikuran!" reklamo ko pero nakalabas na ito ng kusina kaya napasimangot ako at pinagpatuloy na lang ang ginagawa. Pagka-arrange ko ng mga plato, tinuyo ko agad ang basang kamay bago dali-daling lumabas ng kusina para hanapin si Eros. May pa "I want you to cook for me forever." nyenye pa siya riyan, hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin. Asshole! "Huli ka!" tawa ko nang makita siya sa likod bahay na pa-chill-chill lang habang nakaupo sa duyan. Nang akma siyang tatayo ay pinigilan ko siya habang nakakunot ang noo. "Iniiwasan mo ba 'ko?""No!" mabilis na agap niya. Nangunot din ang kaniyang noo habang nakatingin sa 'kin. "Why would I be?""Kasi.. dahil kanina?" hindi sure na sagot ko bago ibinalik ang nakak