Share

Ace and Diamond
Ace and Diamond
Author: Pennieee

Chapter 1

Savannah Arabella Williamson

Chapter 1

"Twinkle, twinkle little star, how I wonder what you are..."

Masayang kumakanta ang walong taong gulang na si Savannah. Nasa silid siya sa ikalawang palapag ng kanilang mansion at hinihintay na dumating ang kaniyang ina. Sinabi nito na tatapusin lang ang paglilinis sa kusina. Tuwing gabi kasi ay kinakantahan siya ng kaniyang mama upang makatulog ngunit hanggang ngayon ay wala pa ito.

"Teddy bearbear, pupuntahan ko na ba si mama? hanggang ngayon kasi ay wala pa siya."

Napatingin si Savannah sa labas ng bintana, malakas ang ulan at natatakot na rin siya sa kulog at kidlat. Tinakpan niya ang kaniyang mga tainga nang isang malakas na kulog ang marinig niya.

Kinanta niya ang paborito niyang nursery rhyme, iyon kasi ang kinakanta ng kaniyang ina pantanggal sa takot niya sa kulog at kidlat.

"T-Twinkle, twinkle little star—

Napahinto siya sa pagkanta nang makarinig muli ng malakas na kulog. Hindi na niya kaya ang takot niya. Tumayo siya at binitbit ang kaniyang teddy bear upang bumaba, siya na mismo ang pupunta sa kaniyang mama dahil sa takot niya.

"Mama?"

Nasa kalahati pa lang siya ng hagdan nang mapatigil siya. Nabitawan niya ang teddy bear na regalo sa kaniya ng mga magulang nang makita niya ang katawan ng mga ito sa baba ng hagdan.

Naliligo sa sariling mga dugo at wala nang buhay.

"M-Mama? p-papa?"

Dahan-dahan na nilapitan ni Savannah ang mga magulang. Umangat ang kaniyang kamay ngunit tumigil iyon sa ere nang makita na kumalat ang dugo ng mga ito papunta sa kaniyang paanan.

"P-papa..."

"M-Mama..."

Nanginginig ang kaniyang mga kamay, nilingon niya ang paligid.

"H-Hindi! Mama! papa!" sigaw niya.

Philippines, 2028

Nagising si Savannah na nakaangat ang kaniyang kamay sa ere. Napapikit siya ng mariin. Labingwalong taon na ngunit ang nangyari sa kaniyang mga magulang ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan.

Parang kahapon lamang iyon nangyari. Ang imahe ng mga ito na naliligo sa sariling dugo ay palagi niyang panaginip.

Dahan-dahan siyang bumangon, hinawakan niya ang kaniyang noo nang makaramdam ng pagkahilo.

"It's been twenty years, Mom... Dad... and justice still hasn't been served for both of you."

Sa edad na walong taong gulang ay kinaya niya ang mawalan ng mga magulang sa hindi katanggap-tanggap na dahilan. Masaya ang pamilya niya noon, maalaga ang kaniyang mama at ganoon rin ang kaniyang papa. Punong-puno ng pagmamahal ang mga ito para sa kaniya ngunit ang masayang pamilyang iyon ay naglaho lamang ng isang gabi.

Their family is rich, Williamsons' is in the line of billionaires in the Philippines.

Wala siyang kaalam-alam noon na ang kaniyang ama ay nakatanggap ng maraming death threats dahil sa nalalapit na pagsalin dito ng lahat ng ari-arian ng angkan nila. Nagulo ang lahat nang mamatay ang kaniyang mga magulang, ang pagsasalin ng ari-arian ay hindi na itinuloy dahil sa desisyon ng kaniyang lolo bilang pagbibigay respeto sa kaniyang namayapang ama.

Her grandfather, Salvattier Gustavo Williamson, a powerful man in the business world and the head of the Williamson family, took care of her after her parents passed away. Siya lamang ang nag-iisang apo nito dahil ang kapatid ng kaniyang papa na si Marlon Wlliamson ay walang anak kahit pa dalawa na ang naging asawa nito.

Kaya't nang mangyari ang karumal-dumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang ay ipinadala rin agad siya ng kaniyang lolo sa Hawaii upang masigurado ang kaniyang kaligtasan.

While growing up away, Savannah became more aware of the dangers surrounding the Williamson family's life. She then learned a secret, that her grandfather had established an organization dedicated to their family's protection.

The Williamson Organization was protecting the family for the past forty years.

Everything was difficult for her—the days and nights without her parents, the kisses her mother used to give her before bedtime, her mother's voice, and her dad's laughter when she danced for them. She missed all of it, but she couldn't do anything. She was just eight years old, unable to protect them or even herself.

Nanginig ang mga kamay ni Savannah, she immediately get up and took her medicine. He took a pill for her to calm down. Sa tuwing maaalala niya ang nangyari sa nakaraan ay nagrereak kaagad ng hindi maganda ang katawan niya.

She suffered from anxiety, she was depressed and also she couldn't go to the crowd.

She has demophobia.

Nalaman lamang iyon ng kaniyang lolo nang nasa Germany na siya. She's just nine years old when it happened. Kasama niya sa Hawaii noon ang kaniyang Nana Pransya at ang Butler Denver niya. Napansin ng kaniyang mga tagapag-alaga ang pagbabago sa kaniya tuwing nasa public places siya kung saan maraming tao. Nagpapanic siya at nahihirapan huminga.

It was tough, the adjustments she had to make. She couldn't even visit beautiful places to relax because she was afraid of crowds that might trigger her phobia. It was incredibly challenging, but Savannah still grew up as a beautiful and fearless person.

She is courageous and dauntless. What happened in the past made her what she is right now.

Nangako siya sa sarili niya, na siya mismo ang hahanap sa taong nagpapatay sa kaniyang mga magulang.

"Savannah?"

Napatingin siya sa pinto ng kaniyang silid nang marinig ang boses ng kaniyang Nana Pransya. Tumayo siya at naglakad upang pagbuksan ito.

"Your lolo is waiting. Nais niyang sabay kayong mag-agahan," sabi ni Nana Pransya.

Bumilog ang kaniyang mga labi. Oo nga pala, narito na siya sa Pilipinas. Dalawang linggo na nga pala simula nang dumating siya.

"I am still mad at him for lying to me to go home, Nana Pransya," sabi niya at tumalikod. Lumapit siya sa closet at kumuha siya ng cardigan at isinuot iyon.

Nagsinungaling kasi ito sa kaniya para lamang mapauwi na siya. After twenty years of staying in  Hawaii, his grandfather wanted her to go home and because she's working there already she can't just leave everything. And although she works from home, but she enjoys it.

Ngunit nabago ang desisyon niyang huwag umuwi nang tumawag ang doctor nito. Sinabi ng doctor na may malalang sakit ang kaniyang lolo. Without thinking twice, Savannah immediately book a flight to Philippines that night and only to find out that her grandfather lied just for her to go home. Hindi pala talaga doctor ang nakausap niya, kung hindi ang kanang kamay ng kaniyang lolo na si Gaston.

But I can't resist him.

When she arrived, her grandfather cried in front of her. After twenty years, they could finally live together. Salvattier talked to her about her parents' case, explaining that the killer still hadn't been caught.

He was honest that he's still afraid for her safety but Savannah told his grandfather that she's not the eight years old girl anymore. Kayang-kaya na niyang ipagtanggol ang sarili niya sakaling may mangyaring masama sa kaniya.

She learned physical self-defense and became proficient in using a gun.

Ayaw na niyang mawalan ng mahal sa buhay dahil lamang sa mga taong sakim sa kapangyarihan.

"Pero bababa ka naman, hindi ba?"

Nilingon niya ang kaniyang nana habang nagtatali siya ng kaniyang buhok. She saw her smiling.

"Opo."

"Hindi ko rin naman matitiis ang lolo, Nana Pransya."

Yumuko si Nana Pransya at nauna na itong lumabas ng kaniyang silid. Nang maitali niya ang kaniyang buhok ay kinuha niya sa ibabaw ng lamesa ang kaniyang cellphone.

"It's 7:00 o'clock in the morning. Ano naman kaya ang gagawin ko sa mansion na ito sa buong araw?"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
action/rom po ba ito author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status