Share

CHAPTER 3 - BLESSING BEYOND PAIN

KAYE (1 Week Later)

EXPECT the unexpected as everyone always says and in my case iyan exactly ang nangyayari. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o ikakagalit pero regardless man nang magiging reaksyon ko ay wala pa rin akong magagawa nandito na ito at wala ring magbabago. 

Hindi pa ako nakaka move on sa nangyari at 1 week na rin ang nakalipas nang mangyari ang insidente na kung saan I slept with someone that I thought is my boyfriend. Marahil magkamukha nga sila pero hindi siya si Jonas. 1 week na rin akong di kinakausap ni Jonas. I tried to call him kahit ang pagpunta sa pinagtatrabahuhan niya ay ginawa ko na. I even waited outside his house para lang makipag-usap sa kanya but no Jonas came to face me. 

Hindi rin ako pumasok sa trabaho sa sobrang kahihiyan na nangyari sa akin, feeling ko malapit na akong ma depress. Then I still remember again… the day nang lumabas ako sa kwarto ng hotel na iyon kung saan nangyari ang isang bagay na dapat sana ay ikatutuwa ko but unfortunately isang malaking kahihiyan ko pa.

Hindi nakatakas sa akin ang mapanghusga na mga tingin ni Jonas. Sakto ng lumabas ako sa kwartong iyon ay nasa labas din siya ng kwarto kong saan ako nanggaling, gulat na gulat siya noong una but it was never lasted when he saw how messed up I look like and heard a man’s voice inside the room where I came from. His eyebrows arched na parang nagtatanong ‘what the hell is happening?’

“Jo-Jonas…” tanging tugon ko habang kagat-kagat ang aking labi para pigilan ang sariling umiyak. Napalunok pa ako ng ilang beses. 

I am about to approach him when he step backward habang nakatingin sa akin, from head to toe… na para bang diring-diri siya sa akin? Nagulat ako sa reaksyon niya. 

“I-It’s not what you think it is,” halos pumiyok ko nang sabi “ Hayaan mo akong magpaliwanag, Jo-Jonas...” 

A drop of tears escaped my eyes. Bumalik ako sa kasalukuyan ng aking napagtanto ang mga nangyari. Nakatitig lang ako sa aking cellphone while looking into the pictures that Jonas forwarded to me habang nag-uusap kami kanina. I don’t know how and when those pictures coming from ang alam ko bigla na lang itong kumalat sa mga social media sites. Allaine comforted me since day 1 na nalaman niya ang nangyari at lumabas kasalukuyan ang mga litratong ito. 

Kaya di na rin nakakapagtaka kung bakit masama ang tingin ng mga tao sa paligid ko, kahit kapitbahay namin ay ako ang pinagchi-chismisan and what saddening me the most is that of all people Jonas is the only person next to Allaine who knows me better. Alam na alam ni Jonas na hindi ako ganun. Pero bakit parang ang dali lang para sa kanya na husgahan ako at iwanan? 

“I can’t stand knowing that my girlfriend is associated with a scandal…”

“It simply shows that I still don’t know you yet…”

“Let’s stop this relationship and I’m breaking up with you Kaye…”

Mga katagang paulit-ulit na nagre-replay sa isipan ko. Wala akong alam kong saan nanggaling ang mga litrato, the worst part is that iyong mukha ko lang ang kita pero iyong lalaki na halos kamukha ni Jonas na kasama ko ng gabing iyon ay di kita. Someone posted our pictures on social media. Obviously pinagpyestahan ako ng buong mundo. Kaya ko naman sana itong kahihiyan na ito kung sana man lang nasa tabi ko ang tao na akala ko ay karapat dapat na sa’kin but I guess I was wrong all along and it fucking hurt!

******

-One-Month Later-

NAKATUNGANGA lang ako sa harap ng salamin sa banyo ng maliit na kwartong aking inuupahan with Allaine, habang hawak-hawak ang isang bagay na magpapabago ng buhay ko. Hindi ko lubos maisip na ang isang gabing akala ko ay ikaliligaya ko ay nauwi sa isang pagkakamali at ngayon isa pang malaking dagok sa aking buhay. 

“Kung hindi ka naman sana isang daang tanga Kaye!” Naisagaw ko sa aking sarili kasabay sa paghagis ng pregnancy test sa basurahan. 

Napahilamos ako sa aking mukha ng ilang beses at napasabunot ng buhok. Pagkatapos napasandal ako sa dingding ng maliit na banyong ito, I silently cursed myself because of my stupidity. Habang nakasandal ako sa dingding ng banyo ay siya ring unti-unting panghihina ng aking mga tuhod. Hanggang sa napaupo ako sa sahig, kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

“Anu ba ang naging kasalanan ko bakit kailan itong mangyari sa akin?” humahagulgol kong tanong. Nakayuko ang ulo ko habang pahid-pahid ang aking mga luhang nag-uunahan sa pagpatak sa aking pisngi. Ilang minutos din ang tinagal ng aking hagulhol na iyak ng tumawag si Allaine sa cellphone ko na agad ko namang sinagot.

 [“O, anu na? Kumusta ang resulta?” tanong ni Allaine.]

Humugot ako ng malalim na hininga, napakagat pa ako ng labi bago sumagot. I pressed my lips and started to speak. 

“Po-Positive,” tanging tugon ko sa tanong ni Allaine. Muntik pa akong pumiyok and I’m about to cry again. 

Natahimik kaming dalawa, walang may nagsalita maliban sa buntong-hininga ni Allaine na makailang beses kong naririnig sa kabilang linya.Tumayo ako ng maayos habang nakatingin nang diretso sa  salamin , nakatitig sa aking sarili na walang expression. Pero habang pigil na pigil ako sa aking mga luha na umaambang na naman sa pagpatak ay nagsisimula ring manikip nang aking dibdib sa sobrang sakit at parang may barado sa aking lalamunan.

 I don’t deserve this pero bakit kailangang mangyari ito sa akin?

Napatakip ako ng aking bibig nagbabakasaling di mahalata ni Allaine sa kabilang linya but then narinig niya pa rin. 

[“Don’t worry, makakaya natin ito Beks huwag kang mag-alala, ako ang bahala.”]

“Na-Natatakot ako Beks, paano kung di ko pa la kaya? Paano kung tama talaga sila na ang tanga ko at wala akong mararating sa buhay dahil sa ganito ang nangyari sa akin!” naiiyak kong sabi habang pigil hininga ako sa sobrang sikip ng aking dibdib.

 Ang mga luha ko ay nagsimula nang lumandas muli sa aking pisngi habang humihigpit ang hawak ko sa cellphone ko. 

[“Anu ka ba Beks, huwag ka ngang ganyan, naku, ikaw pa ang tatag mo kaya!” ]

“Be-Beks ang sakit lang kasi, bakit ba kailangan sa akin mangyari ito? Bakit ako pa?”

[“Beks naman…sige lang iiyak mo lang iyan nandito lang ako,” malungkot na tinig ni Allaine.]

Napasinghap ako at napapunas ng ilong gamit ang likod ng aking palad. Kasabay ng pagpahid ko sa aking mga luha na patuloy pa rin sa pagtulo, ni wala yatang balak na huminto. Pero kahit papaano nababawasan ang paninikip ng aking dibdib. 

“Beks, maraming salamat dahil nandyan ka pa rin at hindi mo ako iniwan.”

[“Okay lang iyon, kaibigan mo ako kaya asahan mong dadamayan kita sa kahit na anong bagay pa iyan.”]

Sasagot pa sana ako ulit ng biglang nagsalita ulit si Allaine. 

[“ Siya nga pa la mag impake ka ng mga damit natin diyan tapos hintayin mo ako ha, pauwi na rin ako.” ]

“Ha-ha, bakit mag-iimpake?”

[Ba-basta ipapaliwanag ko pagdating ko, sige na Beks end ko na muna ito…trust me magiging okay ang lahat.”]

Biglang pinutol ni Allaine ang linya at napatigil na rin ako sa pag-iyak. Nagtataka ako bakit mag-iimpake ako? Anu ang connect nito sa pag-uusap namin at sa sitwasyon ko? But whatever it is alam ko na may pina plano ito at kahit papaano may tiwala naman ako sa kay Allaine. Lately I noticed na malalim rin ang iniisip niya at nahihiya rin ako dahil nakita ko ang pag-alala niya sa akin at sitwasyon ko.

Sa katunayan siya nga iyong nag udyok sa akin na bumili ng pregnancy test kasi nakita niyang namumutla ako at madalas na nagsusuka tuwing umaga. Even though I hate the idea dahil ayaw kong mag-isip ng ganun, maybe because I can’t accept the fact that I will be able to bear a child from someone who I don’t know pero dahil nga mapilit si Allaine ay ginawa ko na rin. Hindi ako titigilan ni Allaine pag hindi ako bumili ng pregnancy test.

******

NANG matapos akong mag-impake ay timing na may kumatok sa pintuan habang tinatawag ang aking pangalan. Tamad akong tumayo mula sa pagakakupo sa kama at dumiritso sa pintuan. 

“Sino ba iyan?” tanong ko sa kumakatok sa pintuan. Hindi ito sumagot kaya ng makarating sa pintuan ay binuksan ko ito ng marahan at nagpasilip sa labas. 

Tanging ulo ko lang ang nakalabas sa pintuan at nagulantang ako sa isang lalaking naka black suit, unti-unting tumaas ang ulo ko para tingnan kung sino man ito. 

“Sino po sila?” nagtataka kong tanong dito.

Sinalubong ng lalaki ang aking tingin at ngumiti sa akin. The guy is an old man nasa 50s niya na yata, he is wearing an aviator na kulay black rin.

“Good afternoon, Miss Kaye ako po si Richard pasensya na sa abala pero nandito po ako dahil pinapasunod po kayo ni Miss A. “ 

“Wha-what sinong Miss A iyan di ko siya kilala at bakit ako sasama sa inyo?”

Naguguluhan ako at nagtataka sa mga pinagsasabi ng lalaking ito at di ko kilala ang Miss A na sinasabi niya pero instead na sagutin ako ay diri-diretso itong pumunta sa pintuan at binuksan ito ng maluwag. Pumasok ang lalaki sa kwarto namin ni Allaine kaya nataranta ako at natakot lalong-lalo na ng diretso siya sa mga bags na inimpaki ko kanina. 

“Te-Teka anu ang ginagawa mo?”

“Ipagpaumanhin mo po. Gaya po ng sabi ko Miss Kaye pinapasundo po kayo ni Miss A, at itong mga gamit mo ay ilalagay ko sa sasakyan para makaalis na po tayo.”

“Mawalang galang na po pe-pero di po–” naputol ang aking pagsasalita ng maka received ako ng call galing sa kay Allaine ulit.

“Beks–”

[“ Beks alam kong naguguluhan ka pero sumama ka na sa kay Richard… hihintayin kita at ipapaliwanag sa iyo ang lahat.”]

Sasagot pa sana ako ng naputol na naman ang kabilang linya. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa cellphone ko. 

Grabe talaga itong si Allaine, di ko siya maintindihan…

Kahit nagtataka at di mapakali ay napatingin ako sa kay Richard na buhat-buhat na ang dalawang bag ng gamit namin ni Allaine. Ngumiti ito at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto ng halos malampasan niya na ako ay nag salita ito.

“Hihintayin po kita sa labas Miss Kaye, sige po.” aniya at diri-diretso na sa paglabas. 

Napayuko na lang ako bilang pagsang-ayon. Wala din naman akong choice after all at may tiwala naman ako sa kay Allaine.

*****

NAKATULOG ako sa byahe at wala akong ideya kong ilang oras ang byahe namin ni Richard pero ng magising ako ay halos papasok na kami sa isang malaking bakal na gate. Napaupo ako ng maayos at napasilip sa kay Richard na nagmamaneho. Ng ma-i-park na ang sasakyan ni Richard kinain ako ng kaba na hindi ko alam kung bakit.

Huminto ang sasakyan sa isang mala mansion na bahay. Pinatay ni Richard ang makina, nagtanggal ng seatbelt at bumaba diretso sa pintuan sa likod at pinagbuksan ako. Alinlangan man ay lumabas akong manghang -mangha sa paligid at sa laki at ganda ng mansion na nasa aking harapan. 

Napatingin ako sa paligid,malamig ang hangin walang polusyon, maraming matatayog na mga puno ang paligid, obviously wala na kami sa syudad naputol ang aking pag-iisip ng magsalita ulit si Richard. 

“Pasok na po kayo sa loob Miss Kaye, naghihintay na po si Miss A sa inyo at ako na po ang bahala sa mga gamit niyo.” sabi nito sabay yuko sa aking harapan at pumunta na sa likod ng sasakyan para kunin ang mga bags namin ni Allaine. 

Nagsimula akong maglakad patungo sa malapad na pintuan. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ay huminga muna ako ng malalim sabay abot ng doorknob pero bago ko pa ito mabuksan ay bigla itong bumukas at inuluwa nito si Allaine.

“Beks!” naka smile na salubong ni Allaine sa akin at niyakap ako ng mahigpit. 

Medyo nagulat ako sa bungad niya pero sinuklian ko rin siya ng yakap kahit naguguluhan pa ako sa mga nangyayari. Habang yakap ko si Allaine ay napapanatag ang aking loob. Nagpapasalamat ako sa Diyos na may matalik akong kaibigan na hindi ako iniwan kahit nawala na sa akin ang lahat-lahat.

“Miss A,diretso lang ba ito sa kwarto ni Miss Kaye?” si Richard, nanlaki ang mga mata ko sa narinig. 

Si Miss A at si Allaine ay iisa?

Comments (9)
goodnovel comment avatar
JHAZPHER
This is the taglish version meaning a combination of English and Tagalog, if you want to read the full English version, you can check my profile, Thanks!
goodnovel comment avatar
JHAZPHER
This is the taglish version meaning a combination of English and Tagalog, if you want to read the full English version, you can check my profile, Thanks!
goodnovel comment avatar
JHAZPHER
This is the Taglish version meaning a combination of English and Tagalog, if you want to read the full English version, you can check my profile, Thanks!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status