Share

CHAPTER 2 - MISTAKEN IDENTITY

 KAYE

NAGISING ako sa sinag ng araw na nanggagaling mula sa bintana ng kwartong ito. I smile widely when I remembered what happened last night. It was surreal and wonderful. Walang pag-aalinlangan akong nararamdaman sa nangyari, I still feel sore but it’s alright. Medyo nahihiya I heaved a sigh before shifting position para salubungin ang nag-iisang lalaking nilalaman ng aking puso. The only man that I truly loved, my first and definitely my last. 

Nakadapa siya habang natutulog. I run my fingers onto his hair, at lumapit ng kaunti sa kanya, inamoy-amoy ko pa si Jonas at hindi ko maiwasang di kiligin. It’s been 2 years since we started dating and be official pero kahit na kailan hindi humupa ang aking nararamdaman sa kanya. Sa bawat oras at araw kaming magkasama ay mas lalong lumalalim ang aking pagmamahal para sa kanya. 

I heard him groan and was about to shift a position kaya napaatras ako ng kaunti. He is shifting position to face me at habang nangyayari iyon ay parang nag-slow motion ang paligid. I can feel my face is turning red sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman. I am smiling from ear to ear, and can't hide the happiness that I have inside of my heart. Pero ng tuluyan ng makaharap si Jonas sa akin at nagmulat ito ng mga mata  ay nawala ang ngiti ko sa aking mga labi. 

“Who are you?!” Isang ,malakas na sigaw na nagmula sa kay Jonas ang bumati sa akin.

Nagulat ako sa tinuran ni Jonas sa akin. Bakit parang di niya ako kilala? Bigla akong nag-panic mode at natakot to the point na gusto kong mag-hysterical. Agad-agad kong hinugot ang kumot sa aking sarili, clinging to it as if ito ang bukod tanging proteksyon ko sa aking sarili.

“Jo-Jonas,” turan kong nanginiginig at nagtataka.

“You say what?” Napahilamos ng mukha si Jonas.” Oh great! Just great! Fuck!” sunod-sunod na sabi nito.

Nakatingin ako sa kay Jonas, naguguluhan ako ng napatayo siya sa harapan ko at hindi man lang nagdalawang isip na gawin iyon knowing na h**o’t h***d siya sa aking harapan. Nagtataka man ay napairap ako sa angas niya at mas lalong nairita ng hinarap niya ako habang suot-suot na iyong boxers niya at sunod iyong pants niya.

“Who the hell are you?” tanong sa akin nito. Anu ba ang nangyayari sa kay Jonas? Bakit parang hindi siya iyong kaharap ko? Bakit parang hindi niya ako kilala? Pero magkamukha sila. Nanlilisik ang mga mata niya at galit na galit akong tinitingnan. So siya pa talaga iyong may karapatan at  may ganang magalit sa aming dalawa? Grabe siya, ang kapal!

“Ex-Excuse me? Di ko maintindihan ang nangyayari pero Jo-Jonas bakit di mo ako kilala?” nauutal at nakakainis kong sagot sa kanya, nasasaktan na ako. Nakataas ang aking kaliwang kilay habang nanlilisik ang aking mga mata sa galit sa kaharap ko.

Nang ma-i-zipper na ni Jonas iyong pantalon niya ay napahilamos siya ng mukha at napangisi ng pagak habang kagat-kagat nito ang labi niya at napahilot sa sentido nito.

"Ku-Kung nagbibiro ka man di magandang biro iyang ginagawa mo ha."

“Seriously? Don’t act as if you're some kind of an innocent bitch! And will you stop calling me Jonas because I am not that person!” naiiling niyang sabi sa akin na para bang hindi siya naniniwala, it seems like he was thinking na nagsisinungaling ako? The heck! Sasagot na sana ako sa walang hiyang lalaking ito na nasa harapan ko pero pinutol niya ng magsalita siya ulit.

“Tell me, how much?” seryoso niyang tanong at nakapameywang siya habang tinitigan ako na para bang kung sino siya. So hindi siya si Jonas ko? Paanong nangyari kasi magkamukha sila at wala akong natatandaan na may sinabing may kambal si Jonas.Nanlulumo man at di maintindihan ang nangyayari ay sinagot ko ang lalaki sa harapan ko.

“Aba, ang kapal naman ng pagmumukha mo para tanungin ako niyan?” naiirita kong tugon sa kanya na di makapaniwala sa kanyang tinuran.

“Look, wala akong panahon makipag lokohan sa iyo Miss at kung sino ka man wala akong pakialam, “ dire-diretso niyang sagot habang sinusuot na iyong t-shirt niya. “Just tell me how much do you want, to keep your mouth shut about what happened and forget everything, okay?”

Hindi ko alam kung maghuhurementado ang buong systema ko sa sobrang galit sa kaharap ko. But I can feel the sudden range of blood boiling inside of me. Ang kapal ng mukha at napaka bastos ng lalaking ito.Gusto kong magsalita pero umuurong ang dila ko. Galit ako sa katangahan ko, I am supposed to be happy pero bakit biglang naging ganito?

Hindi ko lubos maisip na naibigay ko ang kaisa-isang bagay na halos pinagkakaingatan ko sa isang walang modong estranghero na ito, na halos kamukha ni Jonas. At si Jonas, iyong totoong Jonas nasaan siya? Hindi naman ako lasing kagabi pero bakit ganito? Paanong nangyari that I end up screwing with an arrogant stranger?I can almost feel the waters that were trying to come out from my eyes pero napatingala ako para pigilan ang pagpatak ng mga ito. 

Ayokong umiyak sa harap ng walang hiyang lalaking ito.Nakita ko siyang hinablot ang cellphone niya sa side table at may tinawagan.

” Iti-text ko sa iyo ang address at ang mga gagawin mo and I want you to come over here, now!”

Halos mapatalon ako sa ma-awtoridad na turan ng lalaki sa kausap niya sa cellphone nito at pagkatapos ay may dinukot siya sa kanyang pitaka, kinuha lahat ng laman na cash sa loob nito at nilagay iyon sa kama kung saan nandun pa rin ako nakapulupot sa kumot dahil sa wala akong saplot sa katawan ko. 

“That’s all that I have right now pero pag kulang pa iyan si Alex na ang bahala sa iyo, “ may diin sa bawat salita niya. “ And I warn you to keep your mouth shut or you’ll be dead!” 

May pagbabanta sa mga sinabi niya bago siya tumungo ng pinto at akmang bubuksan na ito upang umalis ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa huling sinabi ng walang hiya. Hindi ko alam kung bakit umurong ang dila ko sa lalaking ito. Gusto kong sumigaw sa galit dahil nagkakamali siya ng inaakala sa akin. Hindi ako bayaran, jusko mas gugustuhin ko pang magkanda kuba sa paghuhugas ng pinggan sa pinagtatrabahuhan ko kaysa maging bayarang babae na katulad sa iniisip ng h*******k na lalaking kaharap ko.

Nanlilisik ang aking mga mata sa sobrang galit, inis at pagkamuhi  sa kaharap ko, Si Jonas man siya o hindi wala na akong pakialam, basta galit ako. Kaya pinulupot ko ng mabuti ang kumot sa aking sarili at kinuha ang mga perang nilatag nito sa kama. Pagkatapos nun ay napatayo ako sa kama at sinundan ang lalaki. Nang nasa likod niya na ako saka ko binato sa kanya ang mga pera, tumama ito sa likod niya. Nagulat ata siya sa ginawa ko. 

He stood frozen before me, nakita kong tumaas baba ang likod niya, nag flex pa ito then hinarap niya ako. Malalim ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Walang emosyon niya akong hinarap at tinignan, nagkakasalubong ang mga kilay niya at diritso lang ang tingin sa akin. Napaatras ako sa takot pero pilit ko nilalabanan iyon.Pinapalakas ko ang aking loob.

I lift up my chin high at sinalubong ang mga tingin niyang halos kainin na ako ng buo. “I-I’m not what you think I am!”

Matapang kong singhal sa kanya…

“Kaya sa iyo na iyang pera mo at i*****k mo sa baga mo!”

Nararamdaman ko na ang mga butil ng mga luhang namumuo sa ibabaw ng aking mga mata and at any moment alam kong mahuhulog na sila. Kaya nakagat ko ang aking labi para pigilan ang sariling umiyak. Pride na lang ang meron ako kaya ayaw kong makita ng lalaking ito na mahina ako at basta-basta lang na tratuhin na para bang isa akong b****a pagkatapos ng lahat.

Natatakot man I tried to compose myself habang nakikipaglabanan ng tingin sa aking kaharap. Patuloy ako sa pag atras habang ang lalaking ito ay patuloy sa paglalakad patungo sa aking direksyon. Di ko na namalayan na dead end na pa la. Napasandal ang aking likod sa malamig na dingding ng kwartong ito. Wala na akong maaatrasan pa. Napakapit ako sa kumot na nakapulupot sa aking h**o’t h***d na katawan as if my life depends on it.

Napasinghap ako ng maramdaman ang hininga ng lalaki na halos kaharap ko na ngayon, only a few inches ang pagitan ng aming mga mukha, he’s towering me with his height, halos nanliliit ako,kamukhang-kamukha niya si Jonas ko, pero I can tell now na hindi siya ito. Nagsimulang manginig ang aking mga tuhod. Anu kaya ang gagawin niya sa akin? Napapikit na lang ako ng bigla niyang hinampas ang dingding sa aking gilid gamit ang dalawa niyang mga  kamay.

“You’re feisty huh?” He smirked,” Fine, let's see what you’ve got there huh!” mariin niyang turan na ikinatakot ko ng mapamulat ako ng aking mga mata kasabay ng pagsalubong nang mala demonyong tingin ng extrangherong halos kamukha ng nag-iisang lalaking mahal ko.

Comments (7)
goodnovel comment avatar
JHAZPHER
This is the Taglish version meaning a combination of English and Tagalog, if you want to read the full English version, you can check my profile, Thanks!
goodnovel comment avatar
Priscilla Eagleson
is this one audio
goodnovel comment avatar
oluwatosin akande
howcome its not fully and completely written in english ey?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status