"NANAY LYN, nasaan po si Jared?" magiliw na tanong ko sa matanda.
"T-tajiana, bakit naparito ka?" gulat na turan ni Nanay Lyn, siya ang matagal ng kasambahay ng pamilya ni Jared sa kanilang mansyon. Balak ko kasing sopresahin si Jared ngayong araw dahil ika-tatlong anibersaryo namin ngayon bilang magkarelasyon."Gusto ko po sanang i-surprise si Jared. Nandiyaan po ba siya ngayon?"Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Nanay Lyn. "N-nasa itaas, sa loob ng kaniyang kwarto at ikaw na lang mismo ang pumunta ro’n”Kaagad akong tinalikuran ni Nanay Lyn na lubos kong ikinapagtaka. Medyo naninibago ako sa pakikitungo niya sa ‘kin at baka naman masama ang gising kaya’t ipinagkibit-balikat ko na lang.Dala-dala ko ang kahon ng cake at saka regalo ko kay Jared habang papaakyat ako sa hagdan patungo sa kwarto ng aking nobyo. Sobrang lawak ng aking ngiti habang papalapit sa pintuan ng kaniyang kwarto. Ngunit agad ding napawi ang aking ngiti nang nakarinig ako ng kalabog at ungol."Sh*t! Sige pa, Jared. Ooh, gan’yan nga. Hmm. . . Ang sarap! It feels so heaven,” hiyaw ng pamilyar na tinig ng babae na agad nagpakunot sa noo ko."Ang sarap mo, Sandra. . . Ooh, sobra. . .” Naninikip na ang aking dibdib nang narinig ko ‘yon at nanginig din ang aking mga kamay."Bilisan mo—Ahh! Sige pa, Jared!"Sa nakaawang na pinto, kitang-kita ko ang pagniniig nina Jared at ang kaibigan kong si Sandra na nagtatalik. Sa sobrang gulat ko’y hindi ko na napigilang bitawan ang dala-dala ko na nagpabaling ng atensyon nila sa ‘kin."T-taji. . .” usal ni Jared.“B-bes. . .” sambit ni Sandra.Parang nasilihan ang mga puwet nila at dali-daling nagtakip ng katawan pagkatapos bumitaw sa isa't-isa. Natawa naman ako kasabay nang pagtulo ng luha ko."Put*ngina, kailan niyo pa ginagawa sa ‘kin ito? Matagal niyo na ba ‘kong ginag*go?” asik ko at pumasok sa loob ng kwarto ni Jared.Natatarantang nagbihis si Jared ng kaniyang pang-ibaba samantalang si Sandra nama’y nagbalot ng kumot para ipantapis sa hubo’t-hubad nitong katawan. Napayukom ako ng aking mga kamao habang nagtatagis ang aking bagang.‘Ang kakapal ng mukhang gawin nila sa ‘kin ang bagay na ito. Pinagkatiwalaan ko sila pero niloko lang nila ko.’"Let me explain, Taji—" pagsusumamo ni Jared sa ‘kin."Explain what, Jared? Ipapaliwanag mo ba sa ‘kin kung paano ninyo ako ginag*gong patalikod? Sa sobrang kapal ng mukha ninyong dalawa’y tinubuan na talaga ng kalyo!”Sumubok si Jared na hawakan ang kamay ko ngunit dali-dali kong dinampot ang regalo ko at malakas na hinampas sa pagmumukha niya.‘T*ngina, nag-effort pa ‘kong pumunta at gumastos tapos ganito lang pala dadatnan ko? Pakamatay ka na, Jared. Hayop ka! That's the best gift for me right now.’"T-t*ngina ka, Sandra. Put*ngina ninyong dalawa ni Jared! Ang kakati ninyo at sobrang nakakadiri!” sigaw ko.Huminga ako nang malalim at saka ipinikit ang aking mga mata. Gusto kong kumalma ngunit sobrang galit ang namumutawi sa dibdib ko. Baka mapatay ko pa sila sa mga oras na ito kapag hindi ko napigilan ang aking sarili."As a man, may pangangailangan naman akong hindi mo maibigay sa ‘kin kaya hinanap ko sa iba—"Isang matunog na sampal ang ibinigay ko kay Jared. Hindi ako nakuntento, inulit ko pa hanggang sa mamanhid ang kamay ko at mamula ang kaniyang mukha kasabay nang pagdugo ng kaniyang labi.‘Bullsh*t! Anong utak mayroon si Jared? Hindi pa rin kasi papasa sa utak ng talangka.’"G*go ka ba? Wala ka nang maibigay na dahilan? Sapat na ba 'yan para g*guhin mo ‘ko nang ganito? Anong klase kang lalaki kung 'yan lang ang habol mo sa mga babae?! For god sake, Jared! Si Sandra pa talaga?!" bulalas ko."We can fix this. You can be my girlfriend while Sandra is just my f*ck buddy, and if you don't want me to—"Hindi na naman ako nakapagpigil at tinuhod ko ang kaniyang pagkalalaki. Napahiyaw sa sakit si Jared habang nagpapagulong-gulong sa sahig.‘Jusko po, ito ba ang taong pinag-aksayahan ko ng tatlong taon? Itong m*libog at t*gang na lalaking ito ang pinag-aksayahan ko? F*ck, sayang three years ko.’"T*ngina ka! Ano’ng akala mo sa ‘kin, stupid to agree with what you wanted? Bakit, sobrang gwapo mo ba, Jared?" Inilipat ko ang masamang tingin ko kay Sandra at kaagad naman itong napakapit nang mahigpit sa kama habang umuusod nang marahan."Ikaw na malandi ka, papatol ka na nga lang at sa boyfriend ko pa talaga! Wala ka na ba talagang hiya sa bokabularyo mo? Mismong kaibigan mo’y g*nago mo, Sandra! Anong klase ka namang kaibigan?”Nanlisik naman ang tingin ni Sandra sa ‘kin. "Ano bang pakialam mo, Taji? Mabuti pa nga ‘ko at kaya kong iparamdam ang langit kay Jared, e ikaw? Tuod ka lang kaya ka niloko—Ahh!"Hindi na natapos ni Sandra ang sasabihin niya nang hablutin ko ang kaniyang buhok at sinabunutan ko siya nang matindi. Akalain mo nga naman na may lakas pa siyang sumagot-sagot sa ‘kin."Kung gan’yan pala kakitid ang isip mo, aba'y hindi na ‘ko magdadalawang isip na ipukpok 'yang ulo mo sa pader nang maliwanagan ka! Kaya kitang dalhin sa impyerno ngayon, g*go! Huwag mo ‘kong hamunin ngayon, Sandra."Inis kong kinaladkad pababa ng kama si Sandra at saka pabagsak na binitawan ang kaniyang buhok at may kumapit pang ilang mga hibla sa ‘king kamay na agad kong ipinagpag. Baka mahawaan pa ‘ko sa pagiging linta. Mag-a-alcohol ako pagkatapos nito."If you don't want to accept my offer, then I’m breaking up with you!” asik ni Jared."Okay, hindi ka kawalan. F*ck you!" nakangisi kong turan at saka dinampot ang cake dahil sayang naman kung hindi ito magamit. "Next time, sa may class ka pumatol, ha? Si Sandra kasi ay panay ang sama lang niyan kung kani-kanino at baka magka-HIV pa kayo pareho pero wala naman na akong pakialam. Gusto ko pa nga 'yon nang madala kayo. Hindi ko rin alam na mahilig kang pumatol sa asal aso at sa mukhang aso. Sobrang ganda ko na, Jared. Bakit naghanap ka pa ng asong katulad n’yan? Tanga-tanga, Amp*ta! Nasa kama na gusto pang mahiga sa papag."With that, itinapon ko sa kanilang dalawa ang cake at tumapon iyon sa buong katawan nila. Tinamaan pa sa mukha si Sandra.‘Deserved.’"Sh*t!""Ano ba, Taji!""Hayan, magdilaan kayo lalo na’t pareho naman kayong mukhang aso. Maglampungan kayo hanggang sa magkasakit kayong makakakati. Bye, f*ckers!" Itinaas ko ang aking middle finger bago pabagsak na isinara ang pintuan ng kwarto. Dumiretso ako pababa ng hagdan at namataan ko pa si Nanay Lyn na nag-aalangang lumapit sa ‘kin ngunit hindi ko siya pinansin at naglakad nang mabilis. Papalabas na ‘ko ng mansyon nang patuloy sa paghabol siya sa ‘kin."Ayos ka lang ba, Taji?" malungkot nitong tanong sa ‘kin kaya naman ngumiti ako."Matagal na po ba ‘kong ginag*go ni Jared?"Hindi nakasagot si Nanay Lyn, yumuko lang ito kaya pilit akong natawa. Biruin mong hindi pa pala ito ang una. Ang galing din magtago ng mga hayop na 'yon sa ‘kin. Gusto kong bumalik sa itaas at durugin ang ipinagmamalaki niyang maliit naman."I guess, silence means yes."Lumabas na ‘ko ng mansyon at dali-daling pumasok sa kotse. Naisandal ko na lang ang likod ko sa upuan at napayukom ako sa ‘king mga kamao at pagak na tumawa. "Best Anniversary gift ever." Pinaandar ko na ang kotse at hinayaan kong dalhin ako nito sa kung saan. Malayo sa mga manlolokong mukha namang mga aso."Is it easier to stay? Is it easier to go? I don't wanna know, oh. But I know that I'm never, ever gonna change.And you know you don't want it any other way." ANG MGA NAGLILIKOT na makukulay na ilaw ay tumatama sa mga taong todo-bigay sa pag-indak sa dance floor. Halo-halo na ang amoy ng alak, sigarilyo at kung anu-ano pa sa paligid. Wala na ‘kong pakialam dahil sanay na ‘ko sa paligid na ganito. "Here's your drink, Ma'am." Tumango lang ako sa waiter at kaagad na itong umalis. Mabilis kong ininom ang isang baso ng alak sa harapan ko. Humagod ang mainit na likido na medyo mapakla ang lasa sa ‘king lalamunan. "Bullsh*t! Pangatlong beses na nangyari sa ‘kin ito! Ano bang kulang sa ‘kin? Puwede na nga ‘kong lumaban sa Miss Universe sa ganda kong ito!" malakas na loob kong sigaw lalo na’t hindi naman ako maririnig ng mga tao rito dahil sa lakas ng tugtog. ‘Kung gusto ninyong magsaya, hayaan ninyo ‘kong mag-senti dito. Sapakin ko kayo kapag umangal kayo sa ‘kin. Walang basagan ng tr
"UHMM. . ." Naimulat ko ang aking mga mata nang naramdaman ko ang palad na patuloy na humahaplos sa ‘king hita. Unti-unti kong nasilayan ang makisig na mukha ng lalaking nakilala ko sa club. "I’m so glad that you're awake now," anas niya. Hindi naman ako makasagot dahil dala na rin sa kalasingan. "I'll make sure you'll enjoy this."Sinunggaban naman niya ‘ko ng halik na agad kong tinugon. Sumiklab ang init sa buo kong katawan nang dahil sa kaniya. Unti-unting naglumikot ang kaniyang mga kamay sa katawan ko at hindi niya pinalampas na himasin ang aking kaselanin at pisil-pisilin ang aking mga malulusog na dibdib kahit natatakpan pa ito ng damit. Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng aking damit para tumbukin ang aking dibdib na natatakpan ng bra. Hindi ko napigilang lumiyad nang dahil sa init ng kaniyang palad nang hinubad niya ang aking saplot.‘Sh*t, what the heck is he doing?’"Ahh. . .” ungol ko at hindi ko na makilala ang aking sarili. Tila binabaliw ako ng mga kamay niya.
DAHIL SA SIKAT ng araw, nagising ako mula mahimbing kong pagtulog. Nakaramdam ako nang matinding pananakit ng aking ulo at saka ng aking katawan, ‘Napaaway ba ‘ko kagabi?’ Niyapos ko ang unang nasa tagiliran ko at inamoy ito kagaya ng aking nakasanayan ngunit agad akong napatigil nang nakaamoy ako ng panlalaking pabango. Kinapa ko ang unan sa kabilang gilid ko ngunit nagtaka ako kung bakit ang tigas nito. Kaagad kong idinilat ang aking mga mata at halos mapatili ako nang nakita ko ang isang lalaki sa loob ng aking kwarto. ‘Ano ba’ng nangyari kagabi at may katabi akong lalaki?!’Unti-unting itinaas ko ang kumot na nakapulupot sa ‘king katawan at saka sinuri ko. Agad na nilukob ng takot nang makita na wala siyang saplot. Naipikit ko ang aking mga mata habang mariin ang hawak sa kumot. Hindi ako t*nga para hindi malamang may nangyari sa ‘ming dalawa nitong lalaking mahimbing ang tulog sa tabi ko. Isang patunay ang pananakit ng pagkababae ko. ‘F*ck you, self! May nakapasok sa bataan
PAGKALIPAS ng dalawang buwan, nagtitipa ako ngayon sa keyboard ng aking gamit na desktop nang bigla kong nakaramdam ng hilo. Napahinto ako sa ‘king pagtatrabaho at saka sinapo ang aking ulo. Kanina pang umaga ko nararamdaman ang sakit ng aking ulo at nakalimutan ko namang uminom ng gamot. ‘Sh*t kang ulo ka, kapag hindi ka pa umayos ay tatanggalin kita, char!’Sumandal ako sa ‘king upuan at ipinahinga ko muna ang sarili ko. Para kasing tumitibok ang sentido ko habang umiikot ang paningin ko. Wala pang ilang minuto ay kinalabit na ‘ko ng aking katrabaho at kaibigan kong si Khloe. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Khloe sa ‘kin at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.Tumango naman ako."Oo, medyo nahihilo lang ako." Nag-aalalang lumapit ito sa ‘kin at saka sinalat ang aking noo para tignan kung may lagnat o mainit ba ako. "Dapat nag-absent ka na muna ngayon." Umiling naman ako. "Kaya ko naman at sayang din ang isang araw na bayad sa ‘kin, Khloe."Napabuntong hininga naman ito sa itinuran. k
KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil sa biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Nanakbo ‘ko papasok ng banyo at kaagad na dumuwal sa lababo. Napahawak ako sa aking tiyan at kulang na lang ay bumagsak ako sa panghihina dala ng pagsusuka.‘T*ngina, ang sakit.’Kaagad akong nagmumog at nanlalamyang bumalik sa kama. Naupo ako at saka sinapo ang aking sentido. Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napahiga akong muli at saka mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Napaiyak na naman ako dahil sa panghihina.Nang mahimasmasan ay nagbihis ako para bumili ng gamot sa parmasya. Baka umabot pa ito sa kung saan kung hindi ko iinuman ng gamot. Hindi ko gustong maging pahirap at alagain sa kanila. Nag-jacket ako dahil madilim pa at baka malamigan na naman ang sikmura ko at masuka na naman ako. Gising na sina Mama at Papa pero hindi ko na lang sila pinansin at dire-diretso kong lumabas sa aming bahay. Naglakad lang ako patungo sa pharmacy. Medyo mahaba ang pila kahit madaling araw pa l
MATAPOS akong kausapin ng binatilyo ay nagmamadali akong dumiretso sa cafeteria. Pagkatapos kong bumili ng gusto kong pagkain ay nagmasid ako at hinanap ang lamesang inookupa nina Jenniecah at Khloe. Nakita ko naman agad ang mga ito dahil kinakawayan ako ng mga ‘to para matawag ang aking pansin."Ang akala namin wala ka ng balak bumaba para kumain." Napansin kong hindi pa nila nagagalaw ang pagkain nila kaya napakunot ang noo ko. ‘Hinintay ba nila ko?’"Bakit hindi pa nababawasan 'yang mga pagkain niyo? Kanina pa kayo rito ah…""Malamang, hinihintay ka namin diyaan. Mamaya kapag kumain agad kami, magtampo ka kasi hindi ka hinintay." Pairap na sabi ni Khloe kaya napangisi na lang ako. Inismiran lang ako ni Jenniecah. Umupo na ko at saka lang sila nagsimulang kumain kasabay ko. "Thank you sa paghihintay. Kaya rin ako natagalan kasi may biglang humarang na lalaki sa ‘kin kanina doon sa hallway." Pagbibigay alam ko sa kanila at natigilan naman sila sa pagsubo. Nabaling ang tingin nila
"ANO NA, TAJI? Pabitin ka talaga? Wala ka talagang sasabihin? Hindi ka na talaga iimik hanggang mamaya? Hindi ka magpapaliwanag?" Sabik na tanong ni Jenniecah sa ‘kin habang bumabalik kami sa kaniya-kaniyang desk para magsimula ng magtrabaho. Sumasakit ang ulo ko dahil sa lalaking 'yon."Bakit ganon kalagkit tumitig sa'yo ang big boss natin, Taji? Nauna ka na bang mang-akit? Bakit hindi mo kami inaya? Maramot ka! Share your blessings dapat tayong tatlo lagi!"Si Khloe habang nagwawala sa upuan niya. Napayuko naman ako sa desk ko at hindi ko na malaman ang dapat kong unang gawin o kaya sabihin. Sapakin ko na lang kaya mukha ni Khloe para maunawaan niya ang mga sinasabi niya. "Naku talaga! Kaya pala palagi kang ganiyan kapag pinag-uusapan namin si big boss ah, kilala mo naman pala kaya ayaw mo ipalandi sa amin ni Khloe—" Napatigil bigla sa pagsasalita si Jenniecah kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Akala ko buong araw na ‘ko nitong bubu
"HOY, TAJI! Bukas na 'yan! Over na over time natin! Tatlo na lang tayo rito!" Hinila ako ni Khloe sa kuwelyo kaya napaangat ako sa aking kinauupuan. Halos mapamura ‘ko dahil muntikan pang magulo ang ginagawa ko sa computer.‘Puwede naman silang mauna, bakit nga ba nandito pa rin sila?’“Bakit ba nandito rin kayo at nag-oover time? Mauna na kayo umuwi, gusto ko pang tapusin ‘tong ginagawa ko bago umuwi.” Nai-stress na sabi ko at saka ginulo ang buhok ko. Natawa naman ang dalawa sa ‘kin dahil sa inaasta ko."Wala pa namang deadline 'yang ginagawa mo, Taji. Bakit ba napaka-sipag mo ngayon? Para kang t*nga diyaan, mag-isa ka lang nagtatrabaho." Aniya Jenniecah kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ewan ko ba sa sarili ko, kanina pa masama ang timpla ko at anytime ay sasabog na talaga ako."Anteh ko, wala ng bayad ‘yang over na over time mo! Nagsasayang ka lang ng oras dito!” Si Khloe kaya napatigil din ako at napaisip. Bakit nga ba ‘ko nag