KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil sa biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Nanakbo ‘ko papasok ng banyo at kaagad na dumuwal sa lababo. Napahawak ako sa aking tiyan at kulang na lang ay bumagsak ako sa panghihina dala ng pagsusuka.
‘T*ngina, ang sakit.’Kaagad akong nagmumog at nanlalamyang bumalik sa kama. Naupo ako at saka sinapo ang aking sentido. Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napahiga akong muli at saka mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Napaiyak na naman ako dahil sa panghihina.Nang mahimasmasan ay nagbihis ako para bumili ng gamot sa parmasya. Baka umabot pa ito sa kung saan kung hindi ko iinuman ng gamot. Hindi ko gustong maging pahirap at alagain sa kanila. Nag-jacket ako dahil madilim pa at baka malamigan na naman ang sikmura ko at masuka na naman ako. Gising na sina Mama at Papa pero hindi ko na lang sila pinansin at dire-diretso kong lumabas sa aming bahay.Naglakad lang ako patungo sa pharmacy. Medyo mahaba ang pila kahit madaling araw pa lang kaya naghintay pa ‘ko ng ilang minuto bago ako nakabili ng gamot. Nilagay ko ‘yon sa ‘king bulsa at saka naglakad pabalik sa bahay. Nakakita ‘ko ng bench at nakaramdam ako ng katamaran kaya nama’y naupo muna ‘ko ro’n. Mabuti na lang ay dala ko ang earphones at cellphone ko. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang awiting pinakikinggan ko. Sobrang sarap sa pakiramdam ang ganito na nakaupo lang habang malamig pa ang hanging tumatama sa ‘kin. Naisandal ko na lang ang aking likod sa bench para makapag-relax.Tumayo na ‘ko makalipas ang sampung minuto dahil naalala kong may pasok pa pala ‘ko sa trabaho. Napako ang tingin ko sa isang eskinita nang makita ko ang isang babae at lalaki. Tinanggal ko ang earphones ko at nanlaki ang mga mata ko nang malamang humihingi pala ng tulong ang babae."Tulungan niyo ko! Bitawan mo ko! Tulong!" sigaw ng babae kaya nagmamadali naman akong tumakbo papunta sa eskinita para saklolohan ang babae."Hoy! Anong ginagawa mo?!” tawag pansin ko na ikinatigil ng dalawa. Mas bumilis ang paglapit ko sa kanila nang mahagip ng aking paningin ang kumikislap na bagay na hawak-hawak ng lalaking kawatan."Sino ka ba? Bakit nangingialam ka rito?! Gusto mo rin bang masaktan?!" Napahinto ako sa harapan ng lalaki dahil itinutok naman nito sa ‘kin ang kutsilyo. Doon ko lamang din naisip ang ginawa ko. Inihahain ko ba talaga ang sarili ko sa kapahamakan? Lately, hindi ko talaga ginagamit ang utak ko! Ito na naman yung ugali kong feeling bayani. Nawa'y hindi magkaroon ng butas ang kahit anong parte ng katawan ko ngayong umaga. Umagang kay ganda talaga."T*nga! Sinong gustong masaktan?! Alam mo namang mali 'yang ginagawa mo, ah! Kutusan ko kaya ngala-ngala mo diyaan? Bitawan mo na ‘yang bag niya, makukulong ka sa ginagawa mo!” Hindi ako pinansin nito at hinarap na naman ang babae kaya dali-dali kong hinila ang bag na hawak nito. Ninanakawan niya pala yung babae na mukhang naligaw lang sa lugar na ‘to."Ano ba?! Bitawan mo!” Sigaw ng lalaki sa ‘kin habang nakikipag-agawan sa bag. Ginamit ko ang isang kamay ko para pigilan ang kutsilyo niyang malapit na tumarak sa akin.‘Bahala na si Lord sa akin. Gabayan niyo na lang po ako.’Napatingin ako sa babaeng ninanakawan nitong kawatan. Nanginginig ito at nakatulala lang sa amin at mukhang walang balak tumulong sa akin para maibalik ang bag niya. Mukhang anak mayaman na walang alam.‘Kapag talaga nasaksak ako rito at namatay, dadalawin ko siya.’"Hindi mo talaga bibitawan?!" Sigaw ko sa lalaki at napaiwas dahil nakawala ito sa pagkakahawak ko sa kutsilyo. Tinabig ko ang kamay nito at masuwerteng nahulog ang kutsilyo sa kamay nito. Malakas kong hinila ang bag pero ayaw pa rin nitong magpaawat. Pinapalo ko na nga ang kamay nito ngunit ayaw pa rin.‘Gipit na gipit yata si kuya.’"Bitawan mo na sabi!""Kapag hindi mo ko pinaalis dito, makakatikim ka sa ‘kin!""Sa'yo ba 'yan?! Kukutusan na kita, kuya! Magnanakaw ka!" Napapikit ako nang makitang nasagad ko na ang pasensiya niya at ambahan na ko nito ng suntok.‘Mukhang mabubugbog pa ko ngayong umaga, malas naman.’"What the hell are you doing?!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Sa sobrang taranta ng magnanakaw ay nabitawan nito ang bag kaya napaupo ako sa sahig dahil panay hila pa rin ako. Tumakbo ang magnanakaw sa kabilang kanto at hindi ko na nakita pa. Napatingin ako sa babae at pinilit kong makatayo habang paika-ika para lang makalapit dito. Tulala pa rin hanggang ngayon."Okay ka lang ba, miss?" Tawag pansin ko rito at naluluhang tumingin ito sa akin."T-thank you...you saved me." Naiiyak na sabi nito at ngumiti lang ako."Ito na yung bag mo, sa susunod maging maingat ka dahil maraming kawatan dito—""Honey!" Natigilan ako sa pagsasalita dahil itinulak ako sa tabi ng nagmamadaling lalaki at saka sinapo nito ang pisngi ng babae. Alalang-alala ito habang sinusuri ang kalagayan ng babae kung may galos o nasaktan ba ito. Napatulala naman ako nang mapagtanto kung sino ang lalaking dumating."Are you okay? nasaktan ka ba?" Hindi 'to puwede, pinaglalaruan na naman ba ‘ko ng tadhana? Umaapaw naman ang kamalasan ko ngayong araw simula kahapon."I'm okay, salamat at tinulungan niya ko..." Nakangiti sa aking sabi ng babae bago yumapos sa lalaki. Kaagad akong nilingon nito at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niya rin kung sino ako."T-taji....""Jared." Sa lahat ng puwede kong makita ngayon, bakit siya pa? Nakakainis talaga ang tadhana.‘Teka nga, bakit ibang babae na naman ang kasama niya? Hindi ba't si Sandra ang bagong kinakasama nito?’"Magkakilala kayo?" Gulat na sabi ng babae kaya ngumiti na lang ako rito dahil hindi ko na gustong magtagal pa."Alis na ‘ko, mas maging maingat ka na lang sana sa susunod at maging alerto kapag mag-isa ka, Miss.." Nakangiting payo ko at tumango naman ito. “Thank you very much for saving me…”"T-taji, let me explain. Let's talk—" Balak pang magpaliwanag ni Jared ngunit tumalikod na ‘ko at namulsa sa jacket na suot ko."Babaero talaga, g*go.....”Si Sandra pa ang kasama niya nang huli kaming magkita tapos ngayon naman, ibang babae na?! Honey pa ang tawagan. Pero ano nga bang pake ko? Buhay niya 'yon at dapat wala na kong pake roon. Labas na ako at problema na lang nila 'yong mahaharot sila.Hanggang bahay ay hindi ko maiwasang mainis. Kahit na galit na galit ako sa ginawa nila ni Sandra sa ‘kin, hindi ko rin naman maaatim na matuwa na niloloko na rin siya ng hayop na si Jared dahil alam ko ang pakiramdam ng niloloko."Totoo pala yung once a cheater, always a cheater. Ang lakas manloko, mukha naman siyang tsonggo.." Dumiretso ko sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. Pagkabukas ko ng ref ay tubig lang sana ang kukunin ko pero natakam ako sa namataan kong black forest cake na nakalagay doon.Inilabas ko 'yon dahil kagabi pa ko natatakam sa cake. Kumuha ako ng isang platito at tinidor at saka kumuha ng isang slice.‘Yummy!’Habang sumusubo ako ng cake, napaisip ako sa mga bagay-bagay. Mabuti na lang at hindi ko sinunod ang gustong ipagawa sa akin ni mama. Kahit anong mangyari ay hindi ako magmamakaawang balikan ako ni Jared dahil isang malaking sampal sa akin ‘yon at sa napakataas kong pride. It's a no for me.Dahil naalala ko na naman ang mga pangyayari kanina, hindi ko na tinapos ang pagkain dahil nawalan na ako ng gana at kaagad umakyat sa kuwarto para maligo at mag-ayos para sa pagpasok ko sa trabaho. Nakakawalang gana talaga pagmumukha ni Jared.Matapos mag-ayos ng sarili, bumaba na ako para umalis at pumasok sa trabaho. Natigilan lang ako sa paglabas dahil bigla akong tinawag ni ate Lhayzel."Tajiana!” Lumingon ako rito. Nasa kusina pala ito kasama ang mga magulang namin. Malungkot ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Nakonsensya naman ako."Ate?""Mag-almusal ka muna bago ka pumasok sa trabaho." Nakangiting aya nito pero umiling na lang ako. Napatingin ako sa relos ko at kahit maaga pa, hindi ko na ginustong sumabay pa sa kanila."Hindi na po ate, salamat na lang..." Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Tipid itong ngumiti bago bumulong sa aking tenga."Pag-uwi mo, pasok ka muna sa kuwarto ko. Marami akong pasalubong sa'yo, hindi ko na naibigay kagabi...." Nakangusong sabi nito at natatawang tumango ako. Nagpaalam na ko rito maging kila mama't papa kahit na may tampuhan kami.Matapos kong i-park nang maayos ang sasakyan ko, sumakay ako ng elevator para makapasok sa loob ng gusali. Akala ko tahimik na ang araw ko ngunit pagkabukas pa lamang ng elevator ay nakita ko na agad sa dulo ng hallway si Sandra.‘What a good day talaga!’Binalewala ko na lang at naglakad ako pasalubong dito dahil ito lamang ang daan. Nilagpasan ko na ito ngunit hinila pa rin nito pabalik ang braso ko kaya lihim na lang akong napamura.Tumingin ako rito at tinaasan ako nito ng kilay kaya napatawa ko at hinila pabalik ang braso ko. Iba talaga ang tapang ng mga ahas."How’s your life without Jared and I? Miserable?" Tanong nito habang natatawa pa kaya napamaang ako."Perfect and peaceful. Sino ka ba? I'm perfectly fine without you and Jared. Hindi kayo kawalan sa buhay ko at hinding hindi ako magiging miserable dahil lang sa inyong dalawa.""Well, si Jared ang kawalan sa'yo, hindi iba? Paano na ang business niyo, Taji? Wala na kayo ni Jared.." Mapang-inis na sabi nito kaya ngumisi ako."Ano namang kinalaman mo doon? Naapektuhan ka ba? Mind your own f*cking business, Sandra." Natatawang sabi ko at tatalikuran na sana siya pero humabol pa ito."Kaya lang naman kayo nagtagal ni Jared dahil para lang sa business ninyong gustong gusto mong maisalba. In short, manggagamit ka lang din!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi nito dahil nasagad na ang pasensiya ko. I guess, sisirain ko na lang talaga ang araw ko."You have no right to talk about that, wala kang alam dahil ang alam mo lang ay mang-sulot at mang-ahas! Hindi mo ko katulad, Sandra. Kaya huwag na huwag kang magsasalita sa harapan ko!""Feeling anghel ka pa rin talaga hanggang ngayon—""Ako? Feeling anghel? Pagtitimpi ang tawag dito. Baka gusto mong magkamayan kayo ni satanas ngayon? Pakilala na ba kita? Gusto mo?" Walang emosyong turan ko at natigilan naman si Sandra at bahagyang napaurong."Sana sa ilang taon mong pagiging plastik sa akin, sana nakilala mo kung paano ako magalit. Tigilan mo ko, Sandra. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo kapag ibinalik ko lahat ng mga ginawa mo sa akin." Hindi ito nakasagot kaya lihim akong napangisi.‘Tapang-kuting ka lang pala.’"And it's Tajiana for you. Don't you f*cking dare call me Taji again. Mas mainam kung hindi mo na babanggitin ang pangalan ko gamit ‘yang napakadumi mong bibig.” Naglakad na ko paalis doon at lihim akong napangisi habang inaalala ang reaksyon niya. Akala mo kung sinong demonyita at matapang sa harapan ko, wala naman palang binatbat. Palibhasa, pag-aligid lang kay Jared ang alam nito at pang-aahas."Poor Sandra, hindi niya alam na pati siya, niloloko na rin ng so called ‘f*ck buddy' niya. Saksakan ng landi, hindi naman nabigyan ng label. Bukaka lang nang bukaka kahit wala namang kasiguraduhan.”"Alam mo ba, kagabi pa ‘ko napapaisip kung anong itsura ng big boss natin...." Naririnig kong sabi ni Khloe. Mukhang nagdadaldalan na naman sila ni Jenniecah kahit oras ng trabaho. Napailing na lamang ako habang pinagpapatuloy ang pag-aayos ng mga papeles."Oo nga, ‘no. Bakit kaya big boss ang tawag sa kaniya? Ano kaya yung big sa kaniya?" Tanong ni Jenniecah habang napapahagikgik nang mahina. Si Khloe naman ay pigil ang pagtawa, mukhang naintindihan din ang ipinahihiwatig ni Jenniecah."Loko ka talaga, Jenniecah! Hindi naman 'yon ang iniisip ko! Ayan tuloy, naiimagine ko rin ngayon!” At nagtawanan silang dalawa. Hindi ko maiwasang matawa rin kaya napatingin sila sa akin. Napaayos naman ako ng upo at mahinang umubo."Ikaw, Taji? Sa tingin mo, anong itsura ni big boss natin?""Ngayon pa lang lalabas ‘yon at haharap sa tao dahil wala pa raw nakakakita sa kaniya. Maliban na lang siguro sa mga nakakataas sa atin." Pagbibigay ng impormasyon ni Jenniecah kaya napaisip naman ako.‘Ano nga bang itsura ni big boss?’"Sa tingin ko? Hmm..." Nag-iisip na sabi ko at pokus na pokus naman ang dalawa sa akin, naghihintay sa sasabihin ko."Siyempre, matandang lalaki na. Yung may panot, poknat o kaya palagas na ang buhok. Maraming wrinkles at kulubot na ang balat— Basta, matanda na yung itsura..." Natawa naman ang dalawa sa sinabi ko. Inaakalang nagbibiro ako. Ano bang naiisip nila doon sa big boss? Bata pa?"Oo nga, 'no. Paano pala kapag matanda na?" Turan ni Khloe na hindi na maipinta ang mukha."Yuck, Khloe, pinagpapantasyahan mo yung gurang na pala nating big boss!" Dagdag ni Jenniecah kaya nagtawanan kami habang lukot ang mukha ni Khloe. Edi naiimagine mo rin ngayon."Excited kayong makakita ng gurang!"Breaktime na at naiwan ako rito sa desk ko dahil sa tambak na trabaho. Kanina pa naunang kumain sina Khloe at Jenniecah habang ako ay patayo pa lang sa kinauupuan ko.Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria sa baba, hinihilot ko ang sentido ko dahil nagsisimula na naman akong mahilo. Nanindig ang balahibo ko sa batok na para bang may nagmamasid sa akin kaya inilibot ko ang aking paningin at dumako iyon sa isang lalaking naka-formal attire.Saglit ko itong pinakatitigan at nagulat ako nang maalalang siya ang lalaking lumabas sa itim na sasakyan kahapon. Kaagad akong napaatras nang maglakad ito papalapit sa akin."Excuse me, ma'am, can I ask you some questions?" Kumalma ako nang magsalita ito. Tumango ako para makaalis na ako at makalayo na rito."Are you Tajiana Caprice Fuentes?" Nangunot ang noo ko habang tumatango. Humawak ito sa earpiece niya at parang may kinausap.‘Hindi naman ako maki-kidnap dito, hindi ba? Nasa loob ako ng building. Marami namang magiging witness, in case.’"How are you ma'am?" Kahit nalilito, sumagot na lang ako."I'm perfectly fine...." Tumango-tango ulit ito saka tumingin sa itaas kaya sinundan ko ang tingin nito. Nakatingin ito sa isang cctv habang tumatango."Confirmed, sir, siya nga po." Nagpaalam ito at umalis na sa daraanan ko. Litong-lito ko kaya hindi na ko nakagalaw sa kinatatayuan ko. Wala sa sariling napatingin ulit ako sa cctv at nangilabot ako nang maisip na may kanina pa nakatitig sa akin doon at sinusuri lahat ng galaw ko.MATAPOS akong kausapin ng binatilyo ay nagmamadali akong dumiretso sa cafeteria. Pagkatapos kong bumili ng gusto kong pagkain ay nagmasid ako at hinanap ang lamesang inookupa nina Jenniecah at Khloe. Nakita ko naman agad ang mga ito dahil kinakawayan ako ng mga ‘to para matawag ang aking pansin."Ang akala namin wala ka ng balak bumaba para kumain." Napansin kong hindi pa nila nagagalaw ang pagkain nila kaya napakunot ang noo ko. ‘Hinintay ba nila ko?’"Bakit hindi pa nababawasan 'yang mga pagkain niyo? Kanina pa kayo rito ah…""Malamang, hinihintay ka namin diyaan. Mamaya kapag kumain agad kami, magtampo ka kasi hindi ka hinintay." Pairap na sabi ni Khloe kaya napangisi na lang ako. Inismiran lang ako ni Jenniecah. Umupo na ko at saka lang sila nagsimulang kumain kasabay ko. "Thank you sa paghihintay. Kaya rin ako natagalan kasi may biglang humarang na lalaki sa ‘kin kanina doon sa hallway." Pagbibigay alam ko sa kanila at natigilan naman sila sa pagsubo. Nabaling ang tingin nila
"ANO NA, TAJI? Pabitin ka talaga? Wala ka talagang sasabihin? Hindi ka na talaga iimik hanggang mamaya? Hindi ka magpapaliwanag?" Sabik na tanong ni Jenniecah sa ‘kin habang bumabalik kami sa kaniya-kaniyang desk para magsimula ng magtrabaho. Sumasakit ang ulo ko dahil sa lalaking 'yon."Bakit ganon kalagkit tumitig sa'yo ang big boss natin, Taji? Nauna ka na bang mang-akit? Bakit hindi mo kami inaya? Maramot ka! Share your blessings dapat tayong tatlo lagi!"Si Khloe habang nagwawala sa upuan niya. Napayuko naman ako sa desk ko at hindi ko na malaman ang dapat kong unang gawin o kaya sabihin. Sapakin ko na lang kaya mukha ni Khloe para maunawaan niya ang mga sinasabi niya. "Naku talaga! Kaya pala palagi kang ganiyan kapag pinag-uusapan namin si big boss ah, kilala mo naman pala kaya ayaw mo ipalandi sa amin ni Khloe—" Napatigil bigla sa pagsasalita si Jenniecah kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Akala ko buong araw na ‘ko nitong bubu
"HOY, TAJI! Bukas na 'yan! Over na over time natin! Tatlo na lang tayo rito!" Hinila ako ni Khloe sa kuwelyo kaya napaangat ako sa aking kinauupuan. Halos mapamura ‘ko dahil muntikan pang magulo ang ginagawa ko sa computer.‘Puwede naman silang mauna, bakit nga ba nandito pa rin sila?’“Bakit ba nandito rin kayo at nag-oover time? Mauna na kayo umuwi, gusto ko pang tapusin ‘tong ginagawa ko bago umuwi.” Nai-stress na sabi ko at saka ginulo ang buhok ko. Natawa naman ang dalawa sa ‘kin dahil sa inaasta ko."Wala pa namang deadline 'yang ginagawa mo, Taji. Bakit ba napaka-sipag mo ngayon? Para kang t*nga diyaan, mag-isa ka lang nagtatrabaho." Aniya Jenniecah kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ewan ko ba sa sarili ko, kanina pa masama ang timpla ko at anytime ay sasabog na talaga ako."Anteh ko, wala ng bayad ‘yang over na over time mo! Nagsasayang ka lang ng oras dito!” Si Khloe kaya napatigil din ako at napaisip. Bakit nga ba ‘ko nag
NAKAUWI naman ako nang matiwasay sa bahay at lahat ng tao sa bahay ay tulog na maliban na lang kay ate Lhayzel na kanina pa ata nakangiti mag-isa sa sofa. Nang makita ako nito ay mas lalo pang lumawak ang ngiti nito at nanakbo papalapit sa ‘kin."Over-over time ka ngayon bunso ah." Pamamansin nito. Magkakaugali talaga sila ni Khloe at Jenniecah kaya napapalibutan ako ng mga may sinto-sinto."Ikaw? Over-over puyat ka rin diyaan ah.""Siyempre, hinihintay kita, tara sa kuwarto dali! Papakita ko na mga pasalubong ko sa'yo galing Thailand!" Bago kami umakyat ay sinigurado ko munang nakasara at nakakandado ang pintuan at gate. Tahimik kaming umakyat ni ate dala ang isang buong chocolate cake na binili niya raw kanina. "Ayaw mo bang kumain ng kanin? Mag-init muna tayo ng makakain mo—""Hindi na ‘ko kumakain ng kanin sa gabi. Dapat nga tulog na ‘ko ngayon.""Mabilis lang naman! Kuwentuhan mo lang ako tungkol sa buhay mo rito eh!"
"TAJI?"Kumatok si ate Lhayzel sa pintuan kaya nabalik ako sa realidad at kaagad na tumayo para pagbuksan ito. Ngumiti ito sa ‘kin at binuksan ko nang malawak ang pintuan para papasukin siya."Pasok ka, ate."Pumasok nga ito sa kuwarto ko at naupo sa kama ko. Sumunod ako rito at naiilang akong umupo sa tabi niya dahil pinagmamasdan ako nito."Akala mo ba hindi ko alam?""A-ang alin?""Buntis ka, alam ko."Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at kaagad akong kinabahan. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko para maiwasan ang panginginig ng mga ito."P-paano mo nalaman? Kanina lang—""Napapansin ko at naririnig ko ang palaging pagsusuka mo, Taji. Nung una hindi ko naman talaga naisip na buntis ka pero lagi kang nahihilo at nag-crave ka sa mga pagkain na hindi mo naman madalas kinakain."Natahimik ako sa sinabi nito. Napapansin niya pala ang pagbabago sa akin, paano pa kaya ang ibang tao? Kailanga
PAGOD na pagod akong naglakad papuntang parking lot. Nauna na ako kina Khloe at Jenniecah dahil nga sa sinabi ni Xence. Pinuntahan ako ni Torn kanina at sinabing kailangan kong umuwi dahil susunduin daw ako ni Xence pagkatapos kong mag-impake ng mga gamit ko.Inaantok ako habang nagmamaneho ngunit pinilit kong dumilat kahit na mahirap. Kaagad kong pinark nang maayos ang kotse pagkarating ko sa bahay. Bubuksan ko na sana ang gate nang biglang bumukas ito at makita ko sina mama't papa kasama si ate Lhayzel na masayang masaya at may dalang mga bagahe at nakaayos na para bang aalis ang mga ito."Taji....""Saan ang punta niyo po?" Nakangiti ngunit nalulungkot na sabi ko."N-nag-aya kasi si mama na magpunta sa Palawan at bisitahin sina lolo't lola, Taji. Hindi mo ba nabasa yung text ko sa'yo? Gusto mo bang sumama? Hihintayin ka namin dito para makapag—""Hindi na, ate… Enjoy na lang kayo."Pilit ang ngiti sa labing sabi ko.
MAINGAT kong sinapo ang tiyan ko at pinakatitigan ito. Napangiti na lang ako sa kaisipang magkakaanak na pala ako. Sana maging lalaki ang magiging anak ko para kapag masundan man, maipagtatanggol niya ang mga nakababata niyang kapatid. Wait, sinabi ko bang kapag masundan man?! Hindi ako 'yun."Ilang months na?"Tanong ni Xence na nakapagpabago ng mood ko. Hindi niya alam kung ilang months na? Ibig sabihin iniisip niya pa rin na hindi sa kaniya ito at nagtatanong pa siya kung ilang buwan na?"Two months pregnant na ‘ko, okay lang kung iniisip mongg hindi sayo 'to. Nag-one night stand tayo, dapat talaga hindi na kita iniistorbo dahil nung gabing 'yon, tapos na dapat ang ugnayan natin sa isa't isa. Hindi ko pinahalagahan ang sarili ko nung gabing 'yon. Alam kong pumapasok din sa isip mo na paano kung hindi lang ikaw ang naka-s*x ko last two months kaya feel free na ipa-DNA test ang bata kung hindi ka totally naniniwala sa akin—""Alam kong
“ILANG taon ka na ba?” Wala sa sariling naitanong ko kay Xence at napatikhim naman ito bago sumagot sa tanong ko. “Turning 29. How about you?”“26.”“Woah, I'm 3 years older than you?”“Oo, tanda mo na pala.. Egol naman..” Bulong ko at biglang napakunot ang noo ni Xence. Napatakip naman ako ng bibig dahil mukhang napalakas ang bulong ko.“I heard that, Bellissima.”“Ah, narinig mo ba? Edi mabuti.”“What do you mean by egol?”May kaunting accent na sabi ni Xence kaya natawa ko. Tunog mayaman talaga. “Wala, huwag mo na lang intindihin mga pinagsasasabi ko kapag hindi mo maintindihan. Alien language hehehe..”“Bellissima.” Pagbabanta nito kaya napataas ang kilay ko.“Sinong tinatakot mo?”“I am not scaring you. Sabihin mo na kasi, please?” Nagpapa-cute na sabi nito kaya napangiwi na lang ako. Ang laking tao pero hilig palang magpa-cute? “Ibig kong sabih