Share

Chapter Fifteen

Parang batingaw sa simbahan na dumagundong sa pandinig niya ang tanong na iyon ni Dmitri. Umilap ang kanyang mga mata.

Siya, magseselos? Bakit siya magseselos sa mukhang belyas na iyon na ipinaglihi ata sa sawa at may lahing tuko?

Kung makapangunyapit talo pa ang linta na gustong sumipsip ng dugo.

Alam niyang hindi magandang manlait ng kapwa, pero husme hindi niya mapigilan.

She can't contain her annoyance.

Sa tuwing maiisip na si Lita at Dmitri sa isang mainit na tagpo sa madilim na apat na sulok ng silid ay talaga namang tinutubuan siya ng sungay. Kulang na nga lang ay manakit siya.

Kulang na lang ay sakalin niya si Dmitri sa mga oras na iyon.

Girl pangitang-pangita ang pagseselos mo. Naninibugho ka 'wa ka naman "K" as in karapatan, bulong ng isang bahagi ng isip niya.

Mabilis siyang umiling nungkang aminin niya iyon sa lalaki.

Para ano? Pagtawanan siya nito at ni Lita?

"Hell, no!" Tinabig niya ang braso ni Dmitri at marahang itinulak upang makawala sa pagkakakul
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status