Share

AKAS 2

XIANELLE

LUMABAS ako ng maaga para maghanap ng trabaho upang matustosan ang gastusin namin ni Alas para hindi naman kami masyadong pabigat kay Divine.

Tinungo ko ang address ng resto-bar na pinagt-trabahohan ni Divine. Sinabi niyang naghahanap ng waiter ang kanilang manager para sa night shift.

Naisip kung maayos na ‘yon dahil hindi kami dapat na sabay na magtrabaho ni Divine dahil walang mag-aalaga kay Alas.

“Magandang umaga, ho. Ako po si Xianelle, kaibigan ni Divine.” Sabi ko sa guard.

“Pumasok ka na at hinihintay ka na ni Boss.”

Napakaganda nitong resto-bar. Sa lawak at ganda ng desinyo nito halatang mga mayayamang tao ang pumapasok sa ganitong lugar pero hindi ‘yon ganu'n karami ang tao kaya na isip ko na madali lang ang trabaho lalo pa’t kaunti lang naman ang kumakain.

“Ikaw ba si Xianelle?”

Sumalubong sa akin ang isang lalaki. Pinakatitigan niya ako mula ulo hangang paa bago tumingin sa mukha ko at ngumiti.

Tumango ako.

“Kung ganu'n, ako si Marky pwede mo akong tawaging boss Marky. Hindi na ako nagpapaligoy-ligoy pa kailangan mo ng magsimula mamayang gabi dahil kulang na kulang ako sa tao.”

“Talaga? Teka, hindi niyo ba ako hihingian ng school backg—

“May tiwala ako kay Divine kaya hindi na ako magda-dalawang isip na tanggapin ka. Sinabi niya rin na kailangan-kailangan mo ng trabaho, patunayan mo na karapat-dapat ka sa trabahong ito.”

“Salamat, Boss Marky!” Thank you, God.

Sa tuwa ko, yumakap ako sa kaniya. Hindi ko akalain na ganito ka ganda ang magiging araw ko ngayon. Totoo nga na kapag hindi maganda ang kahapon may bagong umaga na may magandang dala.

Tanghali na ng nakabalik ako sa Bahay ni Divine dahil bago ako umalis, itinuro na sa akin ni Dendy—Night shift waiter. Ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nasa harap ng customer. Double sipag, mahabang pasensiya at higit sa lahat ang salitang...

‘Costumer is always right.’

“Xian-Xian!” Sinalubong ako ni Alas ng mahigpit na yakap ng makapasok ako sa loob ng bahay.

“Baby!” Binuhat ko siya at pinupog ko ng halik ang kaniyang mukha at umikot-ikot ako bago ko siya inilapag sa ibabaw ng sofa.

“You look so happy, Xian-Xian!”

Ngumiti ako ng mas ngumiti ang anak ko na para bang nanggigigil na yumakap sa akin.

“May good news ako!”

“Really? Xian-Xian?”

Tumango ako at inilibot ko ang paningin sa buong sala. Wala akong makitang Divine.

“Na saan si Papi?”

Ngumoso sa likuran ko si Alas. Nang lumingon ako nakita ko si Divine na may dala ng tray na may lamang pandesal at gatas.

“Naka-uwi ka na pala, kamusta ang lakad mo?”

Ngumiti ako ng malapad. Tumingin ako sa anak ko na naghihintay ng sagot ko bago ko ibinalik ang mata kay Divine.

“May trabaho na ako! God, hindi ako makapaniwala na mabilis akong tanggapin. Sa katunayan tinuruan na ako ng gagawin ko sa trabaho mamaya.”

“Mamaya? Agad-agad?”

“Oo, pabor nga iyon sa akin upang makapag-ipon na ako.”

Lumapit ako kay Divine at niyakap ko siya bago ko hinawakan ang dalawa niyang kamay.

“Thank you. Thank you so much.”

PAGSAPIT ng alas 6 ng gabi sinigurado ko munang ayos na ang anak ko bago ako umalis ng bahay. Alam ko namang hindi siya pababayaan ni Divine kaya kampante ako na iiwan siya sa gabi.

7:00 PM to 11:15 PM ang shift ko.

First day ko kaya hindi ko kailangang malate. Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng resto-bar na pinuntahan ko kanina, hindi ko mapigilang hindi mapatulala.

Punong-puno ng tao, malakas na musika ang umalingaw-ngaw sa aking tenga. Sigawan at ingay ng mga taong nagsasayawan sa dancefloor.

Landian dito. Landian doon.

Hindi ko akalain na ganito ka sikat ang resto-bar na ito na halos mapuno ng tao. Kung kaninang umaga kaunti lang ang kumakain ngayon naman kabaliktaran.

Nagkamali ako sa inisip kung madali ang trabaho!

“Xianelle! Anong tinatayo-tayo mo diyan?!”

Napapitlag ako ng makita ko si Boss Marky na masama ang tingin sa akin.

“Dalhin mo ang alak na hinahanda ng bartender sa second floor, table 1. Ayusin mo mga V.I.P ang mga ‘yon!”

Sunod-sunod naman akong tumango. Pumasok ako locker room, inilagay ko doon ang bag ko at kinuha ko ang uniform ko.

“Ben, ito na ba ‘yong order ng V.I.P?”

“Oo, kanina pa ‘yan hinihintay doon!”

Inayos ko muna ang tali ng apron na suot ko bago ko kinuha ang tray na may lamang mga iba't-ibang klase ng alak.

Umakyat ako sa second floor. Nilapitan ko ang table ng mga lalaki na nagtaas ng kamay, sigurado akong ito ang um-order ng dala-dala ko.

Hindi pa ako nakakalapit dito ng makuha ng lalaking nasa gilid ang attention ko. Hindi ko makita ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng babaeng dikit na dikit dito.

“Boss, nandito na ang order mo!”

Sumikdo ang puso ko ng tumambad sa akin ang mukha ng lalaking hindi ko akalain na makikita ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng dumapo sa akin ang mata niya para akong kinapos ng hininga at mahigpit ang hawak ko sa tray habang sinalubong ko ang mga titig niya.

It's been a year, the way he look at me it's like the way he look at me before. My heart beat so fast just like what I’ve felt before.

Bumalik ang lahat sa akin. Lahat-lahat...

Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Kung may nararamdaman man ako sa kaniya, galit, puot at hinanakit ‘yon! Kumakabog ang dibdib ko dahil sa galit na itinatak niya sa puso ko.

It's Klint! My ex-boyfriend!

Siniko ng bahagya si Klint ng lalaking katabi niya. “Boss, kung nakakatunaw lang ang tingin mo kanina pa nalulusaw.”

Biglang napalitan ng blangkong expression ang mukha niya. Na wala ang kislap ng mata niya at tiningnan niya ako mula ulo hangang paa sa mababang pamamaraan.

Ngumisi siya bago nilingon ang babaeng nakayakap sa kaniya. Nanlaki ang singkit kung mata ng maglapat ang labi nila ng babaeng kasama niya. Sa hindi ko malamang dahilan nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahilan para umiwas ako ng tingin sa kanila.

“This is your drinks, Sir. Have a nice stay.”

Ngumiti ako sa mga kasamahan niya bago ko isa-isang inilapag sa mesa ang baso na may lamang alak. Hindi ko pa na ilalapag ang lahat ng alak sa mesa meron ng kamay na kumuha ng isang basong kakalapag ko lang.

Sinundan ko ng tingin ang kamay na kumuha no’n hindi nga ako nagkamali, si Klint ang kumuha no’n at malagkit ang mga titig niya sa akin na itinaas ang baso.

“I would enjoy the night if you’ll stay.”

Malakas ang musika pero pumuno sa tenga ko ang malalim na baritono niyang boses. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko para hindi ako makapagsalita.

“How much?”

Anong akala niya sa akin, bayarang babae? Hindi ako pumasok sa ganitong trabaho para ibenta ang sarili ko! I'm here to work as a waitress not a prostitute!

Tumikhim ako. “You can't afford me, Sir.”

ANG pagkikita namin ni Klint ay na sundan ng sundan ng magsunod-sunod na gabi at kung minamalas nga naman ako, ako palagi ang nakatuka na mag serve sa kanila ng mga kasama niya!

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko habang nag-aabang ng taxi. Tiningnan ko ang pambisig kung relo.

11:59 PM

Sa ilang araw kung pagt-trabaho dito sa resto ngayon lang ako inabot ng ganitong oras sa labas at walang masakyan!

Pinara ko ang parating na taxi pero hindi man lang ako hinintuan, wala namang sakay!

“Nakakainis!”

Nagpapadyak-padyak ako sa gilid ng kalsada. Kung kailangan ko pa naman gustong-gusto makaalis sa lugar na ‘to ngayon pa naman ako minalas!

“Are you lost, baby?”

Halos masuka ako ng marinig ko ang familiar na boses mula sa likuran ko. Lintik! Ito na naman ang h*******k na ‘to!

Inikot ko ang mata ko bago ako humarap sa kaniya.

“Ano ba talagang kailangan mo sa akin at hindi mo ako tinantanan?!”

Wala na kami sa resto off duty na ako at wala ng costumer is always right na ‘yan dahil buwisit na buwisit na ako sa pambabastos ng animal na ‘to!

“You.” He smirked. “You’re body, your egg cell to be exact.”

“Ano bang pinagsasabi mo?!”

Laglag panga ko siyang pinaningkitan ng mata. Na ikuyom ko ang kamao ko hangang dahil sa galit na nararamdaman ko sa kaniya.

“Give me a daughter.”

Pagkatapos niya akong buntisin noon at hindi panagutan ngayon hihingin niya sa akin ang bagay na iyan na para bang walang nangyari noon!

“Hayop ka!”

Awtomatikong gumalaw ang kamay ko para sampalin siya pero agad naman niyang na iiwas ang mukha na mas lalo kung ikinaiinis ng husto.

“Yes, I am.” He proudly said.

“Sa dami ng babaeng dinadala mo dito sa resto bakit hindi sila ng buntisin mo?!”

“Oh, come on. Xianelle. Don't flatter yourself. Let’s just say that they are not suitable to the mother of my children.”

Nagsindi siya ng sigarilyo bago sumandal sa magara niyang sasakyan bago tumingin sa akin.

“Then, you got a wrong person!”

Bumuga siya ng marahas na hangin. Tumaas ang sulok ng labi niya bago tumingin sa mata ko.

“I manage the Pendilton Empire but Don Leon didn't give me the full authorization of the company, In short, hindi pa naililipat sa pangalan ko ang company.”

“And so? Ano namang kinalaman ko sa company na ‘yan?”

“He want a heiress from me.”

Kumunot ang noo ko. “Ano?!”

“Don Leon and your father are close friend. He doesn't like a heiress from the other woman. He want a heiress from the Daza family.”

“Bakit hindi si Alexa ang anakan mo, Daza naman siya ah?!”

“If she’s Henry Daza’s daughter, why not?”

Mas lalo akong nakaramdam ng matinding inis sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at dinuro ko siya.

“And you want to impregnate me because I am Henry Daza’s daughter?!”

“Mismo!”

“Sira ulo!”

Gusto ko siyang hampasin ng bag ko pero para saan pa? Kung anak lang naman ang pag-uusapan mayroon na kaming Alas pero bakit kailangang maging babae pa?

Hindi ba dapat na lalaki ang dapat na maging tagapag-mana?

“I want a daughter from you, name your price.”

“JUSMIYOMARIMAR! Bakit hindi mo pagbigyan?”

Nanlumo ako sa sagot na nakuha ko kay Divine pagkatapos kung sabihin sa kaniya ang napag-usapan namin ni Klint kagabi.

“Ikaw na bakla ka! Kaibigan ba talaga kita?!”

“Hoy! Hoy! Hoy! Bruha... Wag mong question-in ang pagkakaibigan natin dahil hindi ‘yan ang issue!”

Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom bago umupo sa upuan sa harapan ko.

“Isipin mo, ah. Bibigyan mo siya ng anak at malaking pera ang kapalit. Magkakapera ka at maipapagamot mo si Alas!”

“Oo, nandoon na tayo sa malaking pera ang kapalit pero kailan mo ako nakita na ibenta ang katawan para sa malaking halaga?”

Mahal ko si Alas pero mahal ko rin ang sarili ko. Kung mayroon man akong pagmamahal sa sarili ko ‘yon ang irespeto ko ang sarili ko.

“Hindi naman ang ibebenta mo! Gagamitin ka niya para mabigyan mo siya ng anak! Teka, sinabi mo na ba sa kaniya ang tungkol kay Alas? Hindi ba gusto niya ng anak sa iyo?”

Minsan na iisip kung nakakatulong ba sa akin ang baklang ‘to o pinapabigat lang ang dinadala ko?

“Sympre, hindi. At wala akong balak sabihin sa kaniya. Isa pa, babae ang hinihingi niyang anak sa akin! Nagtataka nga ako kung bakit babae pa ang hingiin niyang tagapag-mana kung pwede namang lalaki?! Tsk! Ang dami-daming babae na pwede siyang bigyan ng anak, bakit ako pa ang napagdiskitahan niya?”

Namilog ang mata ni Divine at napatakip sa kaniyang bibig na ikinakunot ng noo ko.

“Oh my god! Hindi kaya mahal ka pa rin niya kaya ikaw ang gusto niyang anakan?”

Pinaningkitan ko ng mata si Divine at kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kaniya ang pagmumukha ni Klint kasama ang babaeng dahilan kung bakit niya ako tinalikuran.

“Kilnt Axis Salvador and Alexa Daza is now officially engaged—Walang hiya kapatid mo?!” Mapakla akong ngumiti. “Pinsan.”

Ibinalik ko sa bag ang cellphone ko at tumingin sa kaniya ng seryoso.

“Lilinawin ko lang sa iyo! Gusto niya akong buntisin dahil anak ako ni Henry Daza! Matalik na kaibigan ni Daddy ang Don Leon na sinasabi niya! Kung kapatid ko lang si Alexa, bakit hindi?”

Hindi ko alam ang namagitan sa kanilang dalawa bago kami nagkaroon ng relasyon. I only knew he's a playboy and in his nature I know he had a lot of girls but I never imagine that my cousin is the one he feel in love!

“Kung ganu'n kaya ka jinowa ng jowabells mo dahil anak ka ni Henry Daza? Kahit si Alexa ang mahal niya ginamit ka niya para makuha ang company na gusto niya?”

Namilog ang mata niya. “Anong sagot mo?”

Kahit hindi niya deritsong sabihin alam kung tinutukoy niya ang alok ni Klint.

“Pag-iisipan ko.”

PAYAPA ANG trabaho ko ngayong gabi dahil wala ang assungot na halos gawin akong katulong sa ginagawa nito sa akin. Pero hindi ibig sabihin no’n, nakalimutan ko na ang pinag-gagawa niya at ang gusto niyang mangyari.

Sa kalagitnaan ng pags-serve ko sa costumer, nagvibrate ang cellphone ko tanda na may tumatawag.

Kinabahan ako ng makita kung si Divine ang tumatawag. Agad ko itong sinagot.

“Hello, Divine?!”

[“Xianelle!—

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya agad akong lumabas ng resto-bar.

“Divine, bakit? Anong nangyari? Ah?”

[“Xianelle, si Alas isinugod sa hospital!”]

“A-Ano?!”

Nagmamadaling bumalik ako sa loob ng resto at hinubad ko ang uniform ko at kinuha ko ang bag ko sa locker ko.

“Saan ka pupunta? Ah? Hindi pa tapos ang shift mo!” Siya sa akin ni Boss Marky.

“Boss, kailangan ko pong puntahan ang anak ko!”

“Hindi pwede! Nakita mo naman na maraming tao! Kung lalabas ka sa pintong iyan ngayon mismo, bukas na bukas wag ka ng babalik!”

Mahalaga sa akin ang trabaho’ng ito pero walang katumbas na halaga para sa akin ang anak ko!

“Divine! Anong nangyari? Na saan si Alas? Bakit? Bakit—

Niyakap ako ni Divine. Nanginginig ang mga kamay ko na hindi ko alam ang gagawin ko ng makapasok ako sa hospital.

“Inaasikaso na siya ng doctor, magiging maayos rin siya.”

Tumango ako. “Kanina ka pa hinihintay ni Alas. Puntahan mo na...”

Pinahid ko ang mga luha na naglalandas sa pisngi ko bago pa man ako makapasok lumabas ang doctor na lalaki.

“Doc, kamusta ho ang anak ko?”

Huminga ito ng malalim bago ako binigyan ng tipid na ngiti. “He’s okay now. Masyado lang siyang na pagod o kaya nakaramdam ng matinding excitement kaya siya na hirapang huminga.”

“Doc, hindi mamatay ang anak ko hindi ba?”

“He’s dying, Missis. Mahina na ang kaniyang puso, at kapag sumuko na ang katawan niya, wala na akong magagawa. Kailangan niyang sumailalim sa heart transplant sa mas lalong madaling panahon.”

Hindi ko matanggap ang sinabi niya. Sunod-sunod akong umiling bago tumingin sa doctor.

“Doc, magkano ang kakailanganin?”

“2 Million.”

Nanlumo ako sa laki ng pera na kakailanganin. Hirap na hirap nga akong kitain ang dalawang libo sa isang araw saan naman ako hihila ng ganu'ng kalaking pera?

“Excuse me.” Paalam ng doctor.

Kinalma ko ang sarili ko at inayos bago ko binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang anak ko na nakahiga sa hospital bed.

Sumilay ang munting ngiti sa kaniyang labi ng makita ako. Umupo ako sa upuan na katabi ng kama niya at hinawakan ko ang kamay niya.

“How are you, baby?”

Mangiyak-iyak kong hinalikan ang kamay niya habang nakatingin ako sa kaniyang mukha.

“Nandito na si Xian-Xian...”

Pilit kung pinipigilan ang luha ko dahil ayaw kung makita ako ng anak ko na mahina ako. Dapat akong maging malakas at matatag para sa kaniya.

“Xian-Xian...”

Hinaplos ng maliit nitong kamay ang pisngi ko.

“Wag ka ng malungkot. I'm okay, I'm strong...”

Tumango ako.

“Sympre, mana ka sa akin. Wag kang susuko ah? Gagawa ng paraan si Xian-Xian para gumaling ka.”

Kung kailangan kung magtrabaho ng walang pahinga gagawin ko.

“Xian-Xian, hindi ba sinabi mo sa akin, good boy go to heaven? Kaya kapag kinuha na ako ni Papa God, I’ll be your guardian angel...”

Awtomatikong umagos ang mga luha ko sa aking pisngi. Nginitian ako ng anak ko pero may isang butil ng luha ang naglalandas sa kaniyang pisngi na kaagad niyang pinunasan.

“Wag kang malungkot, Xian-Xian kasi palagi kitang babantayan. Hindi kita pababayaan, hindi ka na mahihirapan... Xian-Xian, gusto kong maging masaya ka. Mahal na mahal kita, Xian-Xian...”

Tuminggala ako at ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko para pigilan ang pagluha ko.

“Anak, wag ka namang magsalita ng ganiyan. Hindi mo kailangan pumunta sa langit para maging guardian angel ko. Ang gusto ko, dito ka lang sa tabi ko... Dito ka lang anak ko...”

Hindi ko kayang mawala siya sa akin!

“Ikaw na lang ang meron ako, baby, ikaw ang kasiyahan ko. Ikaw ang lahat-lahat sa buhay ko. Ikaw lang sapat na ako, please, baby ko... Mahal na mahal kita! I love you so much, baby... Promise me, you won't leave me. You won't leave, Mama.”

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinalik-halikan ko siya sa ulo bago ko siya tiningnan sa mukha.

I fall in love with him so hard when the first time I saw him. He's all I need, he's all I want to be with. I love him to the moon and back!

“Wag ka ng umiyak, Xian-Xian, iiyak rin ako...”

Ngumiti ako at ginulo ko ang buhok niya bago siya muling niyakap.

“Hindi na, hindi na iiyak si Xian-Xian, basta promise mo na hindi mo ako iiwan.”

“P-Promise, Mama... I love you too.”

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sarap sa tenga ang tawagin niya akong mama. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang siya ang dahilan kung bakit ako na bubuhay sa mundong ito.

“DALAWANG MILLION?! Kahit limang taon kang magtrabaho sa resto hindi ka kikita ng dalawang million!”

Nagdadabog na umupo si Divine bago tumingin sa akin ng seryoso. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko na rin alam kung saan ako kukuha ng pang gastos.

“Wala na akong trabaho.”

Bago ko pa makalimutan na sabihin sa kaniya. Wala na akong babalikang trabaho ng umalis ako ng gabing iyon kaya ito ako ngayon back to zero na naman.

“Jusko! Paano na tayo niyan?! Paano ang pampagamot ni Alas?”

“Maghahanap ako ng bagong trabaho na may mas malaking sahod.”

Inirapan ako ni Divine. “Hindi mo na kailangang maghanap. Bakit hindi mo pa kasi tanggapin ang alok ng jowabells mo?”

Pinaningkitan ko ng mata si Divine.

“Alam mo, sis, hindi pera ang usapan dito kundi buhay, buhay para sa buhay. Bibigyan mo siya ng isang supling plus Alas will be cured.”

Bibigyan ko siya ng anak pagkatapos niyang ayawan si Alas? Paano kapag nakabuo na kami saka niya na naman ako iwan sa ere?

“Hindi ako aso pagkatapos mabuntis ipapamigay ang anak. Divine, hindi ko masisikmura ka ipamigay ang anak ko!”

Kahit kailan hindi ko gugustuhin na mawalan ng anak. Hirap na hirap man ako kay Alas pero hindi ko minsan man inisip na ipamigay siya.

“Isipin mo na lang ang magiging kinabukasan ng anak mo, sa ikakabuti ni Alas. Hindi naman siguro kukunin ng jowabells—

“Ex-boyfriend!”

Kanina pa kasi siya jowabells ng jowabells ni hindi nga ako minahal ng hayop na ‘yon.

“Oo na. Ex na kung Ex! Pero seryoso ako, mas magiging maganda ang kinabukasan ng supling na iluluwal mo! Knowing your ex, his a multi-billionaire and your daughter will be his heiress!”

Gagawin ko ang lahat para madugtungan ang buhay ng anak ko. Kaya sa paghahanap ko ng maayos na trabaho at dahil na rin sa malaking pera ang kakailanganin ko.

Paano si Alas, hindi niya ba maibibigay ang mga kayang ibigay sa batang hinihingi niya sa akin? Anak niya naman si Alas, ah?

Kusang dinala ako ng aking mga paa sa tapat ng Pendilton Empire kung saan nagt-trabaho si Klint bilang CEO. Hindi naman siya mahirap hanapin dahil nagkalat ang larawan niya sa internet maging sa magazines.

Isa pa sinabi niya sa akin na siya ang namamahala ng Pendilton Empire. Sa sobrang lawak at tayog ng building na ito dito niya pa naisipan magtrabaho, hindi pa ba siya na kontento sa kung ano ang meron ang Salvador?

Negosyante nga naman, pera ang bumubuhay.

“Hi, Miss. Good morning. I'm here to see Mister Klint Axis Salvador, is he's in his office?”

Kunot-noong tiningnan ako ng babaeng nasa front desk. “Pardon, ma'am?”

Anong klaseng empleado ba ‘to? Kung hindi niya kilala ang sarili niyang boss?

“Does the CEO of Pendilton Empire is here?”

Nag-angat ang tingin nito sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. Kung makapagtaray naman ang babaeng ‘to hindi niya nga kilala ang boss niya!

“Do you have an appointment ma'am?”

“No, but I—

“I’m sorry, Ma'am, you need to set an appointment first before you talk Mr. CEO. Come again if you already have an appointment.”

I deeply breath to calm myself. “Miss, Can you at least tell him that I am Henry Daza’s daughter?”

Biglang natigilan ang babae pero agad rin namang inikot ang mata.

“Oh, I'm sorry, ma'am, pero hindi na ‘yan bebenta. Masyado ng gamit na gamit ang linyahan na ‘yan.”

“Excuse me?”

“Hindi lang ikaw ang babaeng pumunta rito at nagsabing anak ni Henry Daza.”

Laglag panga akong natigilan. At sino namang walang hiya ang gagamit ng pangalan ng Daddy ko para makita lang ang Klint na ‘yan?

Napahilot ako sa sentido ko habang nakapikit ang mata. “Okay, can you please tell him that Xianelle is here?”

Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin na naka-awang ang labi.

“Oh, god. I'm sorry, ma'am. Wait a minute.” Kinuha niya ang telepono sa tabi niya at ilang beses na nagtitipa bago inilapat ito sa tenga.

Ilang saglit akong naghintay bago ko na tanggap ang go signal niya. Hinatid niya pa ako sa elevator.

“This way ma'am, Mr. CEO is on the 15th floor.”

Tahimik lang ako sa loob ng elevator hangang sa makarating ako sa 15th floor.

“You may come in, Miss.”

Lumabas ang isang pamilyar na lalaki na sa tingin ko ay secretary ni Klint. Kung hindi ako nagkakamali siya ang palaging kasama ni Klint sa resto-bar.

Pumasok ako sa nag-iisang pinto. Sakop niya ang buong floor kaya malaki at malawak ang kaniyang opisina. Mula sa sahig, sa kisame kitang-kita ang makapigil-hiningang ganda ng Manila.

Sa gitna ng malapad na bintana nandoon ang desk table ng CEO. Napalunok ako ng makita ko siyang naka-upo sa unahan ng desk niya at nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay.

“I’ve been waiting for you.”

May kislap ang kaniyang mga mata at nginitian ako.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko bago na upo sa upuan.

Tumikhim siya dahilan para mapatingin ako sa mukha niya. Nagsalubong ang mata naming dalawa at hindi nakaligtas sa mata ko ang pagsilay ng ngisi sa labi niya.

“Why don't you start to undress?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status