UMIIKOT ang mundo ni Khevin Tolentino sa pagpapatakbo ng negosyong ipinamana sa kanila ng kanilang mga magulang. Lima silang magkakapatid at walang hilig sa negosyo ang apat niyang mga kapatid na may kani-kaniya ng buhay sa abroad at matagumpay na din sa larangan ng mga piniling propesyon at career. Naiwan sa kaniya ang pamamahala sa naglalakihang Hotels sa Baguio at ilang Travelling Agency na nasa iba't ibang panig ng bansa.
"Kuya, uuwi lang ako kapag ikakasal ka na." Ani Scarlet sa kabilang-linya, fashion-designer sa New York ang bunso nilang kapatid."Soon," naiinis niyang sagot. Palibhasa may asawa na ang dalawang sumunod sa kaniya at kapwa-may mga anak na. Sa edad niyang beinte-nuebe, ano nga ba ang inaasahan ng pamilya niya kundi lumagay na sa tahimik?"Magpropose ka na kasi kay Cassandra." Umikot ang eyeball nito saka itinaas ang hawak na kopita ng champaigne."Ang aga mong mag-alak, Scarlet!" Sita ni Khevin, over-protective silang lahat sa nag-iisang Princesa ng mga Tolentino. Tumawa lang si Scarlet."Kuya Khevin naman, hindi na ako teen-ager! Baka nga mauna pa akong mag-asawa sa'yo." Nakangiti nitong biro. "Ano? Kelan ka magpu-propose kay Cassandra?"Natigilan si Khevin, ni minsan hindi sumagi sa isip niya na pakasalan ang long-time girlfriend na si Cassandra Monteverde, isang sikat na supermodel na may naglalakihan ng billboard sa kahabaan ng Edsa, endorser ng mga branded clothes at sapatos, LDR sila ni Cassey at bihira ang komunikasyon dahil nga pareho silang busy sa trabaho."No! Hindi ka pa pwedeng mag-asawa, bunso! At wala pa rin naman ako planong mag-asawa."Napahalakhak si Scarlet, pero natigilan nang makita ang babaeng nakatayo malapit sa pinto ng silid ng kuya nito. Kumunot ang noo ni Khevin, nilingon ang tinitingnan nito. Si Agatha."Who is she?" Tanong ni Scarlet."Hindi ka ba marunong kumatok man lang?" asik nito sa katulong, mabilis naman itong nakalapit at tumingin kay Scarlet na kasalukuyang ka-videocall ni Khevin."Hi Ma'am! Artista ka po?! Ang ganda-ganda mo naman!" Ang luwang ng ngiti ni Agatha."Oh, hi! Sino ka?" Nagtatakang tanong ng dalaga."Agatha!" Gigil na sita ni Khevin sa katulong na tila manhid na yata sa galit niya. "Maid ko!" baling nito kay Scarlet na napapantastikuhan. Pansin agad nito na hindi nito gusto ang babae."No, it's alright Kuya. Wow! Ang pretty ng maid mo. Sigurado ka bang katulong mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Scarlet."Iwan mo na ako." asik ni Khevin kay Agatha."Mamaya na Sir, nag-uusap pa kami ni Ma'am-""Scarlet ang name ko!" sagot ng kapatid ni Khevin na naaaliw sa reaksyon ng kuya niya na halatang naiinis kay Agatha."Ang ganda mo Ma'am Scarlet," saad ni Agatha. Tila mabilis naman niyang nakuha ang loob ni Scarlet na napangiti pa."Thank you!""Tapos na ba kayong mag-usap? Magpapahinga na ako." Inis na tanong ni Khevin."Matagal ka na bang maid ng kuya Khevin?" Hindi nito pinansin ang kuya Khevin niya, mas interesado na siyang makilala ang magandang katulong.Tila komportable namang umupo si Agatha malapit kay Khevin at handang makipagkwentuhan ng matagal sa kapatid nito. Napahagikgik si Scarlet nang makitang dumistansya rito ang kuya niya."Five months na ako dito, Ma'am Scarlet. Alam mo Ma'am buti ka pa mabait." Humagikgik pa si Agatha. Natawa naman ang kausap nito. Nanlaki ang mga mata ni Khevin at gigil na tinapunan ng masamang-tingin si Agatha. Nakagat nito ang pang-ibabang labi na pasimpleng nagpalutang ng dimples nito."Talaga, bakit masungit ba ang Kuya Khevin ko?" Tanong ni Scarlet.Tumingin muna si Agatha sa binatang Boss saka tumango habang impit na humahagikgik. Inis na tumayo si Khevin at tumalikod. Nakakagigil talaga si Agatha, aniya sa isip. Akalain niya bang nagawa pa nitong kaibiganin ang kapatid niya?Bumaba si Khevin sa ikalawang palapag ng Mansyon, at nang masalubong si Aling Lydia ibinilin niyang kunin ang cellphone. Magpapalipas muna siya ng inis sa hardin."INADD mo sa facebook ang kapatid ko?" Naiiling na huminto sa pagkain si Khevin. Nakangiting tumango si Agatha. "Gusto mo Sir, pati ikaw?" Nagsalubong ang kilay ni Khevin at inis na tiningnan ang dalaga."Boss mo ako, at isa pa hindi ako gumagamit ng social media." asik ni Khevin rito. "Talaga Sir?! Eh, sino ito?" Ipinakita ni Agatha ang socmed account nito na "Tolentino Khevin". "Ini-stalk mo ba ako?" Tumango si Agatha."Add kita Sir, sige na please..." "Tigilan mo ako." Naiiling na tinapos na ni Khevin ang pagkain at tumayo para pumasok sa opisina. Nakadama ng panghihinayang si Agatha, tiyak maghapon na naman niya itong hindi makikita. Pero nakakailang hakbang pa lang ito, lumingon ito. "Magbihis ka, samahan mo ako sa opisina." Mariing utos nito na nagpaingos kay Ashley na papalapit sa kanila. Inirapan ito ni Agatha saka tinapunan ng ngiting tagumpay.Nakaupo siya sa tabi nito habang nasa loob ng sasakyan, tahimik lang naman ito at nakasuot ng shades kaya hindi alam ni Agatha
HINDI magkandaugaga si Agatha sa dami ng pinabitbit na gamit ni Khevin. Gustong-gusto talaga siyang pahirapan ng binata, tila naaaliw pa itong pagmasdan ang katulong na halos madapa na. "Sir, tulungan ko na ho si Agatha." Boluntaryong saad ng driver. "Hayaan mo siya," sagot ni Khevin. Tumango na lang ang driver na hinintay na makapasok sa loob ng kotse ang dalaga. "Sir, bukas ulit isama mo ako ha!" Nakangiting saad ni Agatha nang makaupo na sa tabi ng amo. Naiiling na sinulyapan ni Khevin ang dalaga na parang natuwa pang nahirapan. "Sir?" Pangungulit ni Agatha. "Ayoko ng makulit Agatha," malamig na asik ni Khevin rito. Hindi na nga napapagod sa pangungulit, napakadaldal pa. Aniya sa isip. Pero natuwa siya ng konti na maayos na itong magdamit at hindi na mukhang kalapating mababa ang lipad. Kung hindi niya marahil alam ang pinagmulan nito, iisipin niyang disenteng hampas-lupa. "Sir-" untag ng dalaga. Inis na nilingon ito ni Khevin. "Ahm, pabale ng ten-thousand." Ani Agatha."Wh
MAS maayos ang OOTD ni Agatha nang magpaalam ito sa mayordoma ng mansyon para mag day-off, maging si Aling Lydia ay natuwa na hindi na revealing ang suot nito. "Kelan ang balik mo, Agatha?" Tinig na nagpalingon kay Agatha, saka napangiti ng maluwang. "Ay! Di pa ako nakakaalis Sir, miss mo na agad?" Ani Agatha saka pilyang nginitian ang amo. Bahagyang natigilan si Khevin, "Oo nga, bakit nga ba niya pinag-aaksayahan ng oras ang katulong?". Ngunit mabilis ding nakabawi. "Aling Lydia, kapag hindi nakabalik sa takdang-araw si Agatha sisantehin n'yo na." Mariing utos ni Khevin. Tumango lang ang mayordoma, lihim na napangiti. Dama niya na may kakaiba sa binatang-amo. "Sir Khev!" Tawag ni Agatha rito, ni hindi man lng ito lumingon. Umingos si Agatha, sinadya niya pa namang maging simple kahit iritable na siya sa suot niyang simpleng t-shirt at skinny-jeans. Hindi ito ang Agatha na "Apple of the eye" ng Club na pinipilahan ng mga lalakeng natatakam sa kaniyang alindog. Binago niya ang pana
"IPASOK mo na lang kaya ako sa Mansyon," ani Ligaya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng ayos ni Agatha. "Anong meron?" Itinaas ni Agatha ang binti at ipinatong sa upuan. "Bakla, mukha ka ng matinong babae alam mo ba 'yun!" tili nito. Naiiling na itinali ni Agatha ang may kulay na buhok."Kukunin kita kapag Misis Tolentino na ako." Saad ng dalaga saka naghitit-buga ng usok mula sa vape. "Hindi mo pa ba nasisilo ang puso ni pogi?" Natigilan si Agatha, aminadong hindi talaga umuubra ang kalandian niya sa binatang CEO. "Bumalik ka na lang kaya sa Club, mas malaki naman ang kinikita mo sa mga suki mo." ani Ligaya. Napabuntong-hininga si Agatha, kahit naman yata buong-buhay siyang chum*pa ng lato-latong kulubot hindi niya pa rin matatapos bayaran ang pagkakautang nila kay Madam Magda. Baon sa utang ang pamilya niya rito, sugarol kasi ang kuya Oliver niya at isinanla nito ang titulo ng lupa nila rito. Ang itay niya, matagal ng nakaupo sa wheelchair mula ng ma-stroke dahil sa
ABALA ang lahat sa mansyon, may bisita kaya mas dinoble pa ang pagsisipag ng mga katulong maliban kay Agatha na relax at nakangiti pa. Dapat mas maganda siya ngayon. Nag-ayos siya, nagpahid ng liptint at eyeshadow, blush-on na pangmalakasan. Kailangan niyang palutangin ang kakaibang ganda. "Agatha, nagmake-up ka ba?" Kumunot ang noo ni Aling Lydia nang iabot sa kaniya ang tray ng pagkain ng Boss. "Aling Lydia naman, wala ho ito hindi ho ako nag-ayos man lang," Aniya kahit halata naman dahil putok na putok ang blush-on. "Magbehave ka ha, baka mapahiya si Sir Khevin sa bisita niya," paalala nito saka napailing. Pilyang kinindatan ito ni Agatha. Kilala na siya ng mayordoma na likas ang kakulitan, masisisi niya ba ito? Eh, likas naman talaga siyang masama. Gusto niyang mapangiti sa sarili. Masama bang mangarap para sa kinabukasan ng pamilya? Kailangan niyang matuto ng kagandahang-asal kahit hindi siya sanay. Marahan siyang kumatok sa pinto ng library room ng Boss. Wala siyang narinig
"AGATHA!" may diin na saad ni Khevin, umupo na kasi ang dalaga sa upuang nasa harap ng dalawang kaibigan. Komportable na tila katropa lang. "No, it's alright Khev. Mas gusto pa nga namin na mas makilala siya." sagot ni Exodus na halatang natipuhan agad si Agatha. Nginitian ni Agatha si Khevin. "Sir naman, gusto ko naman s'yempre makilala ang mga friends mo." "What?!" Naiiling na humugot ng malalim na hangin si Khevin. Napangiti ang dalawa niyang kaibigan. Naiinis siya sa malalagkit na tingin at sulyap ng mga ito kay Agatha, na tila gustong-gusto naman ng katulong niya. Parang gusto niyang hilain si Agatha palayo at yugyugin ng matauhan, ang landi kasi. "Alam mo Sir Atom, kung hindi mo naitatanong-" natigilan si Agatha nang mapansing parang bubuga na ng asupre ang amo niya. "Sir Khev, nagseselos ka ba?" prangkang tanong ni Agatha, napahalakhak sina Atom at Exodus dahil sa tinuran ng dalaga napatingin kay Khevin at naaliw sa nakikitang pagkayamot nito sa dalaga. "Agatha, please
"HINDI nagkakasakit ang isang Agatha Buenamente." Saad ni Agatha sa sarili bago tuluyang nawalan ng malay. Mahihimatay na lang dahil sa panghihina at mataas na lagnat, pero mas mataas pa rin sa pangarap niya ang pride niya. Kahapon pa masama ang pakiramdam niya ngunit binabalewala niya.Natatarantang inalalayan siya ng mga kapwa-katulong na maihiga sa folding-bed na naroon. Inaapoy ng lagnat si Agatha at paos na ito dahil sa malalang ubo. Mabilis nilang tinawag si Aling Lydia. "Dadalhin natin siya sa ospital."Sa gitna ng pagdedeliryo ay tumanggi ang dalaga, ayaw niya magpa-injection at ayaw niya ng lasa ng ano mang gamot. "Agatha, ayaw ni Sir Khevin ng matigas ang ulo." ani Aling Lydia habang nilalagyan ng bimpo ang noo niya. Balot na balot ng kumot ang dalaga. Si Sir Khevin ang kailangan ko hindi gamot-" anas ni Agatha sa gitna ng pagdedeliryo. Nailing na napangiti ang ilang kasambahay. Hindi lingid sa lahat na pinagpapantasyahan nito ang Boss nila. "Mamamatay na ambisyosa pa
NAPABUNTONG-HININGA si Khevin, hindi siya mapakali. Napapamura siya sa isip, ginugulo ni Agatha ang isip niya. No! Hindi ang gaya ni Agatha. Pilit niyang nilalabanan ang bumabangong damdamin para sa dalaga. Pumikit siya para pilit na burahin ang imahe nito sa isipan. "Damn!" Napatayo siya mula sa higaan saka hinagilap ang cellphone. Idinayal ang numero ng dalaga. Mabuti na lang pala at makapal ang mukha nitong ipilit na i-save sa phone niya ang numero nito. Nagriring pero hindi sinasagot. Hindi siya mapakali. Lumabas na siya ng silid para pumunta sa mini-bar na nasa ikalawang palapag ng mansyon. "Aling Lydia!" tawag niya sa mayordoma. Tumalima naman ito. Napabuntong-hininga ang binata. Paano ba magtanong ng hindi siya pag-iisipan ng kung ano pa man dahil sa nakita nitong pakikipaghalikan niya kay Agatha? "Sir?" "Nevermind," Binalingan niya ang baso ng alak. Palihim na napangiti si Aling Lydia, kilalang-kilala niya na ang amo. Alam niyang may gumugulo sa isipan nito. "Si Agatha h