Share

Chapter 55

MATAPOS makapagpaalam sa anak ay nagbilin lang si Agatha sa mga pinagkakatiwalaan sa Mansyon na mawawala siya ng ilang linggo. Pupunta siya ng Manila upang personal nang makilala ang Board of Directors ng Tolentino Corporation. Bilang investor ay kailangan siyang personal na makaharap ng mga ito.

"Ako na ang magmamaneho," saad ni Agatha. Tumango lang si Tristan. Maliban sa sinasakyan nina Agatha ay may convoy siya na kinalululanan naman nila Paul at iba pa niyang bodyguard. Isa sa unahan at isa sa gawing likuran ng sasakyan nila bilang pag-iingat sa seguridad ng heredera.

"Talasan mo ang pandinig mo, ang pakiramdam. Nasa mundo ka na hindi mo malalaman kung sino ang kaaway at kakampi." Saad ni Tristan.

"Ako pa ba?" Mayabang na sagot ni Agatha na nakatutok ang atensyon sa kalsadang tinatahak.

"Utak, prinsipyo at paninindigan. Itatak mo sa isipan mo ngunit maging tuso ka." Makahulugang turan ni Tristan.

Kumunot ang noo ni Agatha, "Tuso?"

"Papasukin mo ang mundo ng mga mayayaman na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status