Share

Chapter 60

"NAMIMISS ko ang anak ko Tristan," Nilingon ni Agatha ang pinsan na ginising niya lang mula sa mahimbing na pagkakatulog para sabihing uuwi sila ng Villa Agatha.

"Wala namang problema, pero ala-una talaga ng madaling-araw, Agatha?" Naiiling na ipinikit ni Tristan ang mga mata, inaantok pa siya.

"Ako naman ang magmamaneho hindi ikaw," ani Agatha na nginitian ang pinsan. "Matulog ka na lang gigisingin na lang kita kapag nasa Zambales na tayo."

Masunurin naman ito na inayos pa ang pagkakasandal ng likod. Nasa gawing unahan nila ang kotse na minamaneho ng mga bodyguard ni Agatha. Mas gugustuhin niya kasi na dalawa lang sila ni Tristan ang magkasama sa iisang sasakyan.

Naglalakbay na ang diwa ni Agatha habang nagmamaneho. Iniisip niya pa rin ang namagitan sa kanila ng ama ng anak, ang pag-alok ni Khevin na gawin siyang girlfriend. Talaga ba? Iba pala talaga ang nagagawa ng pera. Kung dati ay isinusuka siya nito, bakit tila nag-iba na ang ihip ng hangin?

Napangiti sa sarili si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ruth Rendon
bakit gusto siyang ipapatay ni Oliver samantalang parang kuya Niya na ito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status