"KAYDEN!" tawag sa kaniya ni Athena na noon pala ay sumunod pa sa kaniya kasama si Myrtle.Huminto siya sa gagawing pagsakay sa kaniyang sasakyan at nilingon ang dalaga."Gusto ko lang siyang maaliw," napapaluha na sabi nito sa kaniya.Pumihit siya at humarap dito ng tuwid kasabay ang pagngisi. "Hindi kita kailangan para aliwin ang asawa ko. She's not permitted to leave the property. Ngayong alam mo na, leave my wife alone!" paasik at mariing sabi niya kay Athena bago tiningnan si Myrtle na niyan ay namumula ang mga mata dahil sa pinipigil na luha. Kumilos siya upang sumakay na ng tuluyan sa sasakyan."Kayden!" tawag sa kaniya ni Myrtle na siyang nagpahinto sa pagkilos niya. "Naging masaya ka naman ba, ha!?" mapait na tanong nito sa kaniya.Tiningnan lang niya ito pero hindi siya nagsalita bagkus ay sumakay ng kotse at pabalabag na isinarado ang car door.Kinalampag ni Myrtle ang car window."Alam kong hindi ka masaya, Kayden, and you deserve what you're going through!" umiiyak nito
MALAKAS na suntok sa mukha ang sumalubong kay Kayden pagsapit pa lamang niya sa study room ng kaniyang ama.Pasandal siyang bumagsak sa kakalapat lamang na dahon ng pintuan.Napangiwi siya sabay sapo sa kaniyang panga, akala niya ay nabasag na iyon dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok nito sa kaniya."Kayden, you're overdoing it!" nanginginig ang pigil nitong boses dahil sa galit."It's your fault, Dad. I've talked to you about Athena, but you don't seem to have done anything. Inilabas niya si Raven dito. What do you want me to do? Hintayin ang susunod na mangyayari hanggang sa mapunta na lang ako sa sulok at magmukmok dahil ang mga pagsisikap ko sa loob ng maraming taong lumipas manatili lang sa piling ko si Raven will all come to nothing. Iyon ba ang gusto mo?!" pabulyaw at dire-diretsong wika niya sa ama.Nagsaltik ang mga bagang nito habang matalim ang titig sa kaniya."Ibang usapan na ito, Kayden. It's about between you and Athena. Can't you even afford to give me considerati
"I'M serious, Loraine...nakita ko s'ya," giit ni Raven sa kaibigan na kausap niya sa kabilang linya.Nagpatuloy siya sa paglakad palayo sa seafood restaurant na iyon kung saan ay nakita niya si Asher."So anong ginawa mo?" tanong naman nito na bakas sa tinig na hindi pa din naniniwala sa kanyang ibinalita. "Nilapitan mo ba s'ya? Kinausap?""Umalis ako sa restaurant, hindi ko alam pero parang hindi sapat 'yong three years na lumipas to face him again," wika niya bilang tugon sa tanong nito.Narinig niya ang pag buntong hininga nito, siya naman ay napasapo sa kanyang dibdib."Alam mo 'yon, 'yong naramdaman ko nang makita ko s'ya ulit? As I watched him, sa bawat pagngiti niya, sa bawat pagsasalita, at sa bawat pagkilos niya…pakiwari ko huminto sa pag-spin ang mundo!" maluha-luha na wika niya.Hindi niya maintindihan o malaman kung paano ba ipapaintindi dito ang eksaktong nararamdaman niya sa mga sandaling iyan."In love pa rin ako sa kaniya Loraine, at natatakot ako." Nakagat niya ang ib
ASHER let go of her hand at the intensity impact as they fell into the sea water.She felt as if her heart had stopped beating as she continued to plunge under the sea water.Parang namamanhid ang buo niyang katawan at hindi niya magawang igalaw ang kaniyang mga paa't kamay."Raven!" narinig niya ang tawag sa kaniya ng binata pero parang napakalayo ng kinaroroonan nito.She tried to open her eyes that were still closed at that moment. The shady surroundings under the sea opened before her eyes.Natakot siya.Ibinuka niya ang kaniyang bibig upang tawagin si Asher pero pumasok ang tubig dagat sa bibig niya na siyang tila umagaw sa natitira pang oxygen sa kaniyang dibdib.'Asher!' sigaw niya sa pangalan ng binata sa pamamagitan ng kaniyang isip—ah mali, ng kaniyang puso. Oo, sinisigaw ng kaniyang puso ang pangalan nito habang naroon ang matinding takot, ang matinding takot na baka hindi na niya muling makita ang mukha nito, na hindi na niya muling marinig ang boses at mga pagtawa nito.
MATAPOS ni Kayden sumilip sa kaniyang Lola ay sa home mini bar siya dumiretso.Sa kalagayan ng pag-iisip niya ngayon ay tiyak na mahihirapan siyang kunin ang kaniyang tulog, kaya naman kumuha siya ng baso ng wine sa freestanding wine glass cabinet.Pumili siya ng hard wine sa hanay ng mga alak na naroon sa wine credenza.Kumuha na rin siya ng cube ice at nilagay iyon sa wine glass upang matiyak na hindi mabilis na mawawala ang lamig noon.Matapos niyang masalinan ng sapat na dami ng alak ang wine glass ay ibinalik niya ang bote ng alak kung saan niya iyon kinuha.Binitbit niya ang ang wine glass na may laman palabas doon sa home mini bar pabalik sa kaniyang bedroom suite.Nang sapitin niya ang silid ay agad siyang napatingin sa malawak niyang kama, bakante iyon.He looked at the bathroom 's closed door.He sipped wine from the wine glass he was holding before walking closer to the bedside cabinet to get the master key.Sanay na siya kay Raven, ugali na nitong mag-locked sa bathroom ka
MATAAS na naman ang sikat ng araw sa silangan nang magising si Raven kinabukasan.Ikinurap-kurap niya ang namumugtong talukap ng kaniyang mga mata dahil sa pagkasilaw niya sa liwanag ng masiglang araw.Tumingin siya sa side ng kama kung saan nahihiga si Kayden, wala ito roon, mag-isa na naman siyang muli sa kama.Kumilos siya at bumangon ngunit agad rin na napabalik sa pagkakahiga dahil sa biglang pagkahilo.Matagal siyang umiyak kagabi matapos ang nangyari sa kanila ni Kayden sa bathroom. Halos mag-uumaga na rin nang siya ay makatulog, kaya naman hindi na siya nagtataka kung bakit bigla na lang umikot ang paningin niya sa kaniyang pagbangon.Pinalipas niya ang ilang sandali bago muling kumilos at bumangon.Napabuga siya ng hangin nang hindi na muling madama ang pagkahilo.Umibis siya sa kama at nagtungo sa bathroom.Nang sapitin niya iyon ay agad niyang dinampot ang toothbrush niya sa holder at nilagyan iyon ng toothpaste.Akmang sisimulan na niya iyong ikiskis sa kaniyang ngipin nan
ITO na ang huling burol ng Lola ni Kayden at ngayon lamang siya dinala ng asawa niya rito sapagkat hinintay pa nitong kumupas ang pasa sa kaniyang pisngi na tuluyang naikubli ng manipis niyang make up.Napalunok si Raven nang silipin niya ang Lola ni Kayden sa loob ng coffin nito.Medical doctor siya at hindi takot sa patay ngunit naalala niyang paborito nitong apo si Kayden kaya may mga kakatwang bagay ang sumilid sa isip niya habang sinisilip ang matanda roon.Kinapa niya sa kaniyang tabi si Kayne at inakbayan ito bago sinulyapan.Nakita niya sa mga mata nito ang lungkot habang nakatingin sa Lola nito.Tiningnan din niya si Kayden na noon ay nakatayo sa tabi ni Kayne, nakatunghay ito at nakapikit ang mga mata, tila nanalangin.Muli niyang tiningnan ang matanda at umusal din ng maikling panalangin para rito.Pagkaraan ay iginiya sila ni Kayden upang maupo sa unang hanay ng mga upuan doon sa kaliwang bahagi ng silid na iyon, katapat ng kinauupuan ng ama nito kung saan katabi ang espos
TAHIMIK na bumuga ng hangin si Raven habang nakatitig siya sa kisame na natatanglawan ng makulimlim na liwanag buhat sa lampshade.Matagal na siyang nakahiga roon sa kama pero hindi pa rin siya dalawin ng antok, abala ang kaniyang isip sa nabuong plano na nakahandang isakatuparan bukas mismo, sa libing ng Lola ni Kayden, iyon ay ang walang kasawa-sawang pagtakas.Kailangan niyang maging maingat dahil natitiyak niyang ito na ang huling pagkakataon.Kapag nakabalik na sila sa Isla Alcaraz, malabo ng makatakas pa siya.Dapat maisasakatuparan niya ang plano ng maingat at mas matalino sa pagkakataong ito.Nagawa ni Kayden na palabasin na siya ay baliw, hindi niya alam kung ano pang p'wede nitong gawin lalo pa at parang hawak na nito sa mga kamay ang mundo.Bumuntong-hininga siya at nilingon sa kaniyang tabi ang nahihimbing na si Kayden.Kailangan niyang maisilid sa isip nito na bukas, sa araw mismo ng libing ng Lola nito ay wala siyang iniisip na kung anong bagay na lumalabag sa kagustuhan