MATAAS na naman ang sikat ng araw sa silangan nang magising si Raven kinabukasan.Ikinurap-kurap niya ang namumugtong talukap ng kaniyang mga mata dahil sa pagkasilaw niya sa liwanag ng masiglang araw.Tumingin siya sa side ng kama kung saan nahihiga si Kayden, wala ito roon, mag-isa na naman siyang muli sa kama.Kumilos siya at bumangon ngunit agad rin na napabalik sa pagkakahiga dahil sa biglang pagkahilo.Matagal siyang umiyak kagabi matapos ang nangyari sa kanila ni Kayden sa bathroom. Halos mag-uumaga na rin nang siya ay makatulog, kaya naman hindi na siya nagtataka kung bakit bigla na lang umikot ang paningin niya sa kaniyang pagbangon.Pinalipas niya ang ilang sandali bago muling kumilos at bumangon.Napabuga siya ng hangin nang hindi na muling madama ang pagkahilo.Umibis siya sa kama at nagtungo sa bathroom.Nang sapitin niya iyon ay agad niyang dinampot ang toothbrush niya sa holder at nilagyan iyon ng toothpaste.Akmang sisimulan na niya iyong ikiskis sa kaniyang ngipin nan
ITO na ang huling burol ng Lola ni Kayden at ngayon lamang siya dinala ng asawa niya rito sapagkat hinintay pa nitong kumupas ang pasa sa kaniyang pisngi na tuluyang naikubli ng manipis niyang make up.Napalunok si Raven nang silipin niya ang Lola ni Kayden sa loob ng coffin nito.Medical doctor siya at hindi takot sa patay ngunit naalala niyang paborito nitong apo si Kayden kaya may mga kakatwang bagay ang sumilid sa isip niya habang sinisilip ang matanda roon.Kinapa niya sa kaniyang tabi si Kayne at inakbayan ito bago sinulyapan.Nakita niya sa mga mata nito ang lungkot habang nakatingin sa Lola nito.Tiningnan din niya si Kayden na noon ay nakatayo sa tabi ni Kayne, nakatunghay ito at nakapikit ang mga mata, tila nanalangin.Muli niyang tiningnan ang matanda at umusal din ng maikling panalangin para rito.Pagkaraan ay iginiya sila ni Kayden upang maupo sa unang hanay ng mga upuan doon sa kaliwang bahagi ng silid na iyon, katapat ng kinauupuan ng ama nito kung saan katabi ang espos
TAHIMIK na bumuga ng hangin si Raven habang nakatitig siya sa kisame na natatanglawan ng makulimlim na liwanag buhat sa lampshade.Matagal na siyang nakahiga roon sa kama pero hindi pa rin siya dalawin ng antok, abala ang kaniyang isip sa nabuong plano na nakahandang isakatuparan bukas mismo, sa libing ng Lola ni Kayden, iyon ay ang walang kasawa-sawang pagtakas.Kailangan niyang maging maingat dahil natitiyak niyang ito na ang huling pagkakataon.Kapag nakabalik na sila sa Isla Alcaraz, malabo ng makatakas pa siya.Dapat maisasakatuparan niya ang plano ng maingat at mas matalino sa pagkakataong ito.Nagawa ni Kayden na palabasin na siya ay baliw, hindi niya alam kung ano pang p'wede nitong gawin lalo pa at parang hawak na nito sa mga kamay ang mundo.Bumuntong-hininga siya at nilingon sa kaniyang tabi ang nahihimbing na si Kayden.Kailangan niyang maisilid sa isip nito na bukas, sa araw mismo ng libing ng Lola nito ay wala siyang iniisip na kung anong bagay na lumalabag sa kagustuhan
"HINDI ko gusto ang pananahimik ni Raven," bulong ni Kayden kay Shanna.Naroon sila sa memorial park kung saan ang interment ng kaniyang Lola.Sabay silang napatanaw sa kinaroroonan ni Raven na noon ay inaalalayan ng kaniyang ama sa pag-upo in the first row of chairs, near his grandmother's coffin."I'll keep my eyes on her, Boss Kayden, kaya h'wag kang mag-alala." Paniniyak nito sa kaniya.Napatango-tango siya matapos ang sinabi nito."That's exactly what I want you to do, Shanna. Watch her carefully, ayokong sumakit ang ulo ko before we fly back to Isla Alcaraz tomorrow," madiing bilin niya rito."Aye aye, Boss.""Good," wika niya at saglit pang napapikit habang tumatango.Gusto niyang mainis sa sarili.Masyado siyang napa-paranoid ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit samantalang napakahabang panahon na ang lumipas na ganito ang sitwasyon nila ni Raven, nakampante naman siya noon.Kumilos siya at tinalikuran si Shanna, sila Diego at Albert na bahagyang naka-distansya ay sumuno
SANDALING naestatuwa si Kayden nang makita ang ayos ni Raven nang makapasok sa bathroom gamit ang master key.Namutla siya at mabilis na binalot ng magkahalong takot at pag-aalala nang makitang paluhod itong nakaupo habang hawak ang piraso ng bubog sa kaliwang kamay at pinagmamasdan ang kanang pulsuhan kung saan sumisirit ang dugo."Raven!" hiyaw niya nang matauhan kasabay ang paglapit dito at kaagad na inagaw ang bubog sa kamay nito saka inihagis sa malayo rito."Let me die, Kayden!" mapait nitong sabi. "Just let me die!"Tiningnan siya nito. Hilam ang mga mata nito sa luha na patuloy sa masaganang pagdaloy.Matigas siyang umiling kasabay ang pagkilos at binuhat sa kaniyang mga bisig ang nanlalata nitong katawan."I won't let you die, Raven, dahil ikamamatay ko rin kung mawawala ka! Maiiwang mag-isa si Kayne, at hindi mo iyon gustong mangyari, hindi ba!?" napaiyak na tanong niya habang nagmamadali sa paghakbang palabas doon.Muntik pa siyang madulas sa dumanak nitong dugo sa sahig.M
GUMALAW ang talukap ng mga mata ni Raven at nang tuluyan niya iyong buksan ay ang doktor ang kaniyang nakita, kasama nito ang isang nurse na abala sa pagtingin sa vital sign niya.Agad na napilas ang manipis na ngiti sa labi nito nang makitang gising na siya."Ipinagpapasalamat kong gising ka na," mahinahong sabi nito sa kaniya.Hindi siya nagsalita dahil nadarama niya ang labis na panlalata ng kaniyang katawan at ang pagkadismaya sa isip na hanggang sa sandaling iyan ay buhay pa siya."Your suicide attempts by cutting the wrist artery put your baby in danger right there in your womb," diretsong wika nito na tila bombang sumabog sa kaniyang pandinig."A-Ano?" nanginginig ang boses na tanong pa niya."You're pregnant, Mrs. Alcaraz," mariing sabi nito, seryoso.Nasapo niya ang kaniyang bibig upang pigilan ang mapahagulhol ng iyak. Pakiwari niya ay gumuho ang kaniyang mundo, gusto niyang panawan muli ng ulirat.Buntis siya at hindi niya iyan matanggap.Nasapo naman niya ang kaniyang dibd
PAKIWARI ni Kayden ay huminto ng mahabang sandali ang pagtibok ng kaniyang puso matapos marinig ang balita ni Doc. Hernandez.Nawawala raw si Raven at hindi ito mahagilap sa loob at labas ng ospital na iyon.Bumakas ang matinding pagkabahala sa kaanyuan ng ama niya habang nakatitig sa kaniya. Habang sila Amanda at Athena ay tahimik na nakamasid lamang.Nang makabawi siya ay nagmamadali niyang tinungo ang private room ng ospital kung saan naka-admit si Raven upang tiyakin na hindi mali ang balitang dala ng doktor, at ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang wala nga roon ang asawa at tanging hospital gown na lamang na hinubad nito ang kaniyang nakita.Tiim bagang niyang kinuyom ang kaniyang mga kamao upang pigilan ang paglukob ng galit, panlulumo, at sakit sa kaniyang pagkatao.Gusto niyang magsisigaw ngunit sinikap niyang pigilan ang kaniyang sarili. Kinimkim niya iyong lahat dahilan para sumikip ang kaniyang paghinga.Nasapo niya ang nananakit na dibdib kasabay ang panlalabo n
DAHAN-DAHANG iminulat ni Raven ang kaniyang mga mata at ang pamilyar na kisame ang namulatan niya, ngunit agad din siyang napapikit dahil sa pagkasilaw sa maliwanag na paligid.Pinakiramdaman niya ang sarili, ang kaniyang katawan. Mas mabuti na ang kaniyang pakiramdam ngayon, hindi na siya nanlalata at nahihilo.Si Asher, bigla itong pumasok sa alaala niya dahilan upang imulat muli ang kaniyang mga mata."Raven!" tawag ng pamilyar na boses sa pangalan niya pero hindi niya nagawang tugunin."Raven!" tawag pang muli sa pangalan niya na sa pagkakataong iyan ay tatlong boses na magkakasabay.Dahan-dahan niyang dinala ang tingin sa mga tumatawag sa kaniya.Saglit siyang natigilan bago napaiyak nang makita niya ang kaniyang mga magulang at ang kaibigan na si Loraine.Tinangka niyang bumangon pero pinigilan siya ng dextrose na nasa kaniyang kamay.Napatingin siya roon habang ang mga magulang niya ay dumulog sa kama na kaniyang kinahihigaan at sabay na dumukwang para yakapin siya.Muli ay nat