PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop.Tanaw niya ang dim light sa loob ng coffee shop na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience doon.Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop.Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden.Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa lamang ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan.Nagpatuloy siya sa makisig niyang paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang sa kaniya ay nakatuon.Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. K
"OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito."What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan.Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama.Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip.Balisa ito at tila may kintatakutan.Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito."I thought you weren't coming…" umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak.Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap."Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito.Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang mapansing tahimik doon sa kanilang pagbungad."Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito."Pinagbakasyon ko sila noong
PININDOT ni Raven ang doorbell sa condo unit ni Father Asher.Araw ngayon ng linggo at galing siya sa Saint Benedict Parish Church. Doon niya piniling magsimba para saksihan ang pagmimisa ni Father Asher at makausap tungkol kay Dynel, ngunit ibang pari ang naabutan niya dahil sa hapon pa pala ang schedule ng misa nito ngayong linggo. Isa sa sakristan sa simbahan ay sinabi na hindi pa ito umuwi sa presbytery kaya malamang nasa condo ito. Sa tulong naman ng kaniyang ina ay nalaman niya ang address ng condominium kung saan ito nakatira.Muli niyang pinindot ang doorbell at sa pagkakataong iyan ay bumukas ang pintuan.Bahagya pang nagulat si Asher nang mapagbuksan siya."H-Hi…" nabulol pa nitong bati sa kaniya habang ikinukubli ang katawan sa tuwalya na nasa batok nito.Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Katatapos nitong maligo at nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit nito."Hello…" wika niya sabay ngiti ng manipis."Akala ko ang cleaner," natatawa na sabi nito. "H
NAKALIPAS ANG ISANG TAON"TAYO bilang tao, will never run out of problems as long as we live in this world," mahinahong wika ni Father Asher habang nakatayo siya at nagsesermon sa harapan ng mga taong naroon sa loob ng simbahan. "Because problems are part of life as human beings, but we should still learn to be calm. Kung may problema ka imbes na magalit ka o magmaktol sa buhay ay ipikit mo ang iyong mga mata, manalangin ka sa Diyos ng mataimtim. Sapagkat ang lahat ng bagay rito sa mundo ay kontrolado Niya. Sabi nga sa bibliya, hindi Niya pahihintulutan na makapangyari ang mga pagsubok sa ating buhay kung ito ay higit sa ating kakayahan." May diin ang bawat salita niya.Pinunas niya ang pawisang mukha at saglit na huminto sa pagsasalita habang iginagala ang mga mata sa mga taong naroon at tahimik na nakikinig sa sermon niya."Tanungin nga po natin ang ating mga katabi kung nananalig sila sa Diyos, na ang problema o pagsubok na kinakaharap ay kaya nating lampasan," nakangiting sabi ni
NATIGILAN si Karl nang mapasukan sa kanilang silid ang asawang si Amanda na hila ang dalawang malaking maleta.Huminto ito at sinalubong ang tingin niya, namumula sa luha ang mga mata nito."This...relationship has long been ruined," garalgal ang tinig na sabi nito, napakalungkot. "I should have done it before."Humakbang siya at lumapit sa malawak na kama, naupo siya sa gilid niyon at tumanaw sa labas ng glass-wall window."Hindi kita pipigilan kung iyan ang nais mo." Patay ang kaniyang emosyon, walang bakas ng pagsisisi at panghihinayang.Narinig niya ang mahinang ingay ng pag-iyak nito, bakas doon ang labis na pait at kabiguan.Kagat nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kaniya at umiiling.Tiningnan niya ito. "I love you, Amanda. But he is everything to me. I would rather lose you, than lose him to me." Nanatiling normal ang kaniyang ang boses sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya."And Athena is everything to me as well," wika nito sa mapait na tono. "Pero pinabayaan mo siy
PARANG sasabog ang dibdib ni Kayden dahil sa napakabilis at napakalakas na pagtibok ng kaniyang puso dulot ng abot-langit na kaligayahan ngayong nakakulong sa mga bisig niya ang malambot na katawan ni Raven habang tinutugon nito sa kauna-unahang pagkakataon ang kaniyang mga halik.Ipinikit niya ang mga mata, nag-iinit iyon dahil sa namumuong mga luha.Kanina lamang ay nangangarap siya sa hindi na mabilang na pagkakataon na mangyari ito at ngayon ay heto, nagaganap na ito hindi sa loob ng isang pangarap o panaginip kun'di sa realidad na bagama't hindi kayang isang larawan ng madilim niyang paningin ay nauunawaan naman ng nag-aalab niyang damdamin.Gumalaw ang dila niya at ginalugad ang loob ng bibig ni Raven at muntik na niyang mapigil ang paghinga ng gagarin nito ang ginawa niya kasabay ang masuyo at sunud-sunod nitong pagsinghap.Parang ngayon pa lamang ay napupuno na ng kaluwalhatian ang pagkatao niya.'Raven!' hiyaw ng puso't isipan niya, wala siyang pagsidlan ng kaligayahan.Daman
©ALL RIGHTS RESERVED 2022 ITINAAS ni Kayden ang itim na tela na nakakuwintas sa kaniyang leeg upang takpan ang ibabang bahagi ng kaniyang mukha mula sa matangos niyang ilong paibaba. Kasunod ang dalawa niyang bodyguards ay humakbang siya papasok sa simbahan. "Boss Kayden, huminto tayo sandali upang makapag-isip ka pa," narinig niyang sabi ni Albert buhat sa likuran niya. "Mayroon pa ba akong dapat na isaalang-alang para mag-isip?" mapait niyang tanong dito. Hindi ito sumagot bagkus ay malungkot na nilingon sa tabi nito si Diego habang patuloy sa paglakad pasunod sa kaniya. Nang sapitin nila ang mayor na pintuan ay iniligid niya ang namamasang mga mata sa loob ng simbahan. Ilan lamang ang mga taong naroon at lahat ay abala sa tahimik na pananalangin. Humakbang siya at nagpatuloy sa paglakad palapit sa confessional booth na yari sa kahoy habang nakatitig doon ang namamasa niyang mga mata na puno ng pagkapoot. Sumunod pa rin ang dalawa pero pagsapit sa unang hanay ng pew benches a
NANATILING nakatitig sa puting kisame si Raven habang sinisikap na hindi kumawala sa lalamunan niya ang mga ungol habang papalapit sa kaniyang kasukdulan. Habang si Kayden ay abala ang balakang sa pagitan ng kaniyang mga hita. Ito ang parusang binibigay nito sa kaniya sa mga paggawa niya ng kasalanan o tuwing sasalungat siya sa gusto nito. Napakagat-labi siya nang kusang kumislot ang kaniyang balakang kasabay ang pag-arko ng katawan niya habang gumuguhit ang nakababaliw na kiliti sa loob ng kaniyang puson at pagkababae. “Ahhh…ahhh…” magkasunod na ungol ni Kayden at mas binilisan pa ang paggalaw ng balakang nito habang tila ba nababaliw.Nadama niya ang init ng inilabas ni Kayden sa loob ng kaniyang impis na puson, kasunod niyan ay ang unti-unting pagbagal ng paggalaw ng balakang nito. “Ahhmm…” nanlalatang ungol pa ni Kayden bago tuluyang huminto sa pagkilos. Humihingal itong bumagsak sa kaniyang tabi, naliligo sa sariling pawis at nanlalata. Kaagad siyang kumilos at umibis sa k