Prologue
If you’re destined for each other. No one could make you apart--- pero kapag minsan meron din e. Kapag mundo yung kalaban nyo. Kapag magkaiba kayo. I am Leiton Ash Javier. And I am not a typical human, I guess. I am a fictional character... Gwapong fictional character to be exact. Paano ko nga ba nalaman na fictional character lang ako? ****** Nakatingin lang ako sa mga taong nagkakagulo ngayon sa harapan ko. Bumubulong ang iba, siguro nagtataka sa pagkakapunta ko rito sa loob ng school nila. Ang iba naman ay nakamasid lang at tila nag-aabang ng mababalitaan. I’m in shock too. Kanina lang ay maayos akong umalis ng bahay para pumasok sa eskwelahan pero heto ako’t nangungunot ang noo habang tinitingnan ang mga taong nagkakagulo sa paligid ko. Ang tanging alam ko lang ay nakikita ko sila at nakikita nila ‘ko, ‘yon nga lang ay pare-pareho kaming lito kung paanong bigla na lang akong napunta sa lugar nila na hindi pamilyar sa akin. Hindi ito ang paaralang pinapasukan ko! “Paano kang napunta rito ng ganun-ganon na lang? Pumasok ka ba sa gate? Bakit hindi ka namin nakita?” Anang isang guro sa harapan ko. Napapikit ako at saka nasapo ang noo. Mapapansin ang pagiging iritado niya. Siguro dahil sa pagkakaabala ko sa klase niya ngayon. If I could simply tell him what’s going on, sinabi ko na kanina pa para pare-pareho na kaming malinawan sa nangyayari ngayon. Ang kaso, paano? Ni hindi ko nga maipaliwanag mismo sa sarili ko kung anong problema at nangyayari sa akin ‘to. “Look. I really don‘t know what happened. I just saw myself---” natigilan ako at mariing napapikit muli. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. How can I explain everything to him kung pati ako ay hindi ito ma-explain sa sarili ko? Maniniwala ba sila sa sasabihin ko? Damn it. I really don’t know how to explain this! “What?” Gulong-gulong tanong ng guro sa akin. Pansin ko ring dumadami na ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin ngayon. Mabibilang kung ilan ang lalaki pero ang mga babae ay hindi sa dami. Well, I'm used to it. Masyado akong gwapo kaya ganon pero hindi ‘yun importante ngayon. Ang importante at dapat kong malaman ay kung ano ba talagang nangyayari ngayon sa‘kin at kung nasaan ako. “Paano daw nakapasok dito kotse nya?” Dinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante malapit sa akin. Padami na sila ng padami. Meron na rin akong nakikitang mga guro na taka at nagtatanong rin kung paano ko naipasok ang kotse ko sa loob ng school na nila. Nasa labas pala ang parking lot nila. Iba sa paaralan kung saan ako pumapasok na nasa loob ang parking lot. Nalilito na rin ako kung paano ba talaga ako napunta rito gayong tama naman ang direksyong tinahak ko kanina nang papunta ako sa paaralang pinapasukan ko. “Ewan nga e. May nakakita daw kanina... ang sabi e bigla na lang daw lumitaw yung sasakyan niyang ‘yan. Parang minagic raw o ano.” Sagot naman ng isa pang babae. Habang nag-iisip ng sasabihin sa gurong kaharap ko ay pinakinggan ko na lang muna sila. Maybe their conversation about what happened will help me understand things. “Creepy naman non--” ngumiwi ako at saka lihim na napatango. Is that even possible? Nagpatuloy pa sila sa pagsasalita. “Kaya nga e, pero hindi naman kasi s’ya makakapasok basta dito sa loob sakay ng kotse niya. Sa gate pa lang haharangin na siya ng mga guard diba---” she's right. “Ibig mong sabihin, posibleng minagic nga?” What? Minagic? What the? Uso pa ba ang magic ngayon? “Aba ewan ko. Basta hindi kapani-paniwala. Paanong bigla na lang lumitaw yung sasakyan niya dyan. Ano ‘yun, may portal siyang napasukan tapos diretso sa loob ng school natin?” Nangunot ang noo ko sa narinig at binalingan ang babae. Narinig ko ang tilian nila at napansin kong namula ang pisngi ng nagsalita. Narinig ko din ang inis na singhal ng gurong nasa harapan ko. “Lol, posible ba ‘yon? Sa libro lang may ganon hahaha.” Sambit naman nung isa. Medyo bulong na ‘yon dahil siguro sa paglingon ko sa kanila. “Kaya nga, grabe na ‘yan hahaha.” Natahimik ako at saka pumikit muli. Saksakan ng daldal ang gurong nasa harapan ko. Hindi ko tuloy alam kung may nakuha man lang ba akong ideya sa usapan ng mga babae sa gilid ko dahil sa tingin ko’y mas naguluhan lang ako dahil sa mga sinasabi nila. Idagdag pa ang guro sa harapan ko na ubod ng daldal at parang ilang minuto na lang ay sasabog na. “Sabihin mo na lang kasi.” he said. I shut my eyes tightly. Ano ngang sasabihin ko? “Paano ka nga ba kasi talagang napunta rito? Aba'y nagulo ang klase dahil sa bigla mong paglitaw. Ano bang nangyayari dito?!” Inis na sigaw niya at saka ako sinamaan ng tingin. I sighed. HINDI KO NGA ALAM! BWISIT KA! gusto ko sanang isigaw sa mukha niya. Pinili ko na lang na umiling. Ayokong maging bastos sa harapan ng isang guro o bastusin siya pero hindi ko din mapigilan ang sarili kong mainis sa kanya. Alam kong hindi siya basta basta maniniwala sa akin kapag sinabi kong basta na lang akong napunta rito ng hindi ko alam. Isa pa, wala din naman kasi akong alam na paraan para ipaliwanag sa kanya ang nangyayari. Ni isang ideya ay wala akong alam kaya paano maayos ang problemang ‘to? “I don't have any clue about what is really happening right now. Nagulat din ako---” hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita kaya mabilis akong tumalima sa kanya. I let him speak kahit pa ako ang hindi niya binibigyan ng pagkakataong makapagsalita. “Toy, mukhang niloloko mo naman ako e. Teacher ako ‘toy ha at ‘yung klase ko naabala dahil sa'yo.” saad nito kaya napamaang at natawa ako. Wala po akong balak makipaglokohan sa inyo. Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon. Kanina pa ako nagpipigil pero hindi ko na talaga kayang tiisin ang lalaking ‘to! Ni ang pagpaliwanagin ako ay hindi naman niya kinukonsidera kaya mas naiinis ako. Nagpamaywang ako bago ako tumingala sa langit. I need to calm down. Habang nakatingala ay nakita ko ang asul na langit. Iyon lang ata ang hindi nag-iba kasama ang malamig na dampi ng hangin at masarap na amoy nito. Ang mga lugar, tao at gusali rito ay hindi pamilyar sa akin... pero ang langit... walang pinagbago. Nakapagpapakalma pa rin. “Aminin mo na lang na illegal mong ipinasok ang kotse mo rito. Kasabwat mo siguro yung mga nagsabing basta ka na lang lumitaw ano. Magician ka ba ‘toy ha? ‘Wag mo nga akong pinaglololoko.” Puno ng sarkasmong sabi niya. Mariin ko siyang tinitigan. If I can only explain my side to him, I would... but fuck! I can’t, okay? I fucking cannot! Kung ang langit at hangin ay nakapagpapakalma. Ang mukha at boses naman niya ay nakapagpapakulo at nakapagpapainit ng dugo. Nagmura na lang ako ng walang tunog. Hindi ko pwedeng dagdagan na naman ang inis niya. Wala kaming mapag-uusapan at maaayos kung pareho kaming naiinis at iritado sa nangyayari. Ilang minuto pa ang lumipas pero umiiling na lang ako tuwing magtatanong ang guro. He will just pissed me off. Sinabi ng wala akong alam sa nangyayari ngayon, e. Ang kulit! Paulit ulit lang din ang sinasabi niya kaya mas lalong nakakairita. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makapagtitiis sa kanya. Pansin ko rin ang pagiging malakas ng boses niya. It feels like he wants me to embarrassed to every student that are watching us. Nakakapikon at nakakawala ng bait sa katawan. “Leiton...” natigilan ako sa narinig. Ano ba talagang nangyayari?! Akala ko walang nakakakilala sa akin pero bakit may isang tumatawag ngayon sa pangalan ko? Nag h-hallucinate ba ‘ko dahil sa stress o baka naman naiisip ko lang na may tumawag sa akin kahit ang totoo ay wala naman? Nababaliw na ba ako? Nananaginip ng gising? Nakatulala sa hangin? Napapikit ako at humarap na lang kung saan ko narinig ang boses na ‘yon. Tumambad sa akin ang isang nakamaang na babae. I think she's 16 years old. Nagtaas ako ng kilay pagkatapos ay kumunot ang noo. Matangkad siya at maganda ang katawan. Bagay sa kanya ang uniform niyang blue checkered skirt at necktie, isang long sleeve na kulay puti at coat na kulay abo. Para siyang nakakita ng multo sa reaksyon niya. Nakamaang ang makurbang bibig habang nanlalaki ang mga mata niyang singkit at parang hindi humihinga. Even her eyes look strange. Parang nagtutubig sa hindi ko alam na dahilan. But then I manage to answer. “Who are you? Do I know you?” Tanong ko pero tanging paglunok at paglaki lang ng mata niya ang nakita ko. Naglakad ako pero hindi mawala wala ang kunot sa noo ko. Titig na titig lang siya sa akin pero ang mga mata ko ay lumilibot sa paligid na nadadaanan ko. I'm wandering my eyes in the place. In this school full of gossip monger students. Tumigil ako at saka ulit siya hinarap. Napalunok siya kaya lihim akong napangisi. I just wanna smirk. Hindi naman siguro masama ‘yon dahil sa nakikita kong reaksyon niya. Is she attracted to me? Gwapong gwapo kaya napapalunok habang titig na titig sa akin? Pinanliitan ko siya ng mata bago ipinilig ang ulo. “Why am I here?” Tanong ko ulit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit iyon agad ang natanong ko but the thought of her knowing my name tells me she knows me that's why I asked her that question. Pakiramdam ko’y masasagot niya iyon... kung hindi siya titig lang sa akin ngayon. She’s just staring at me and it annoys me even more. Hindi man lang siya magsalita at sumagot sa tanong ko. I badly need an answer right now. She should say something so I can leave this place, immediately. “This is not my place.” Dagdag ko at inilbot ang mata sa mga parte ng school bago humarap ulit sa kanya. This time, tinitigan ko na s'ya. “Tell me. Where am I?” Tanong ko ulit sa kanya. Huminga siya ng malalim bago sumagot sa tanong ko. Mukhang nag-aalangan pa siya pero sigurado akong magsasalita na rin s’ya. Thank goodness. Akala ko ay tititig lang siya sa akin at maghihintay na lang akong matunaw dahil sa titig niya. She’s cute, though. But I need answers. “You’re here in the r-real world?” She said almost asking me. Ako na nga 'yung nagtatanong parang sa akin pa rin itatanong ang magiging sagot niya. Damn it. I’m so annoyed as fuck. Napaawang ang bibig ko. “You're a w-wattpad c-character?” Patanong na sambit niya ulit. Napataas ang dalawang kilay ko. Is she crazy? What did she just say?! I'm a wattpad character? What is wattpad and what character is she talking about? Nangungunot ang noo kong marahang tumango. Not convinced of what she told me but still nodded my head. Hindi ko alam kung nababaliw ba siya sa kagwapuhan ko o ano kaya niya nasasabi ‘yan. Is she spacing out because I’m in front of her? “Oh?” Tanging nasabi ko na lang. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. I just comb my hair with my hand after looking at the old man teacher who seems interested on what we were talking about earlier. Iniwas ko lang ang tingin ko sa guro bago tumingin sa nasa harap ko. Lilipat pa sana ang tingin ko nang hindi makatakas sa paningin ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Nakita ko pa ang paglipad ng mga kamay niya roon at marahang hinaplos ang pisngi bago tiningnan ang basa sa kamay. Para bang hindi siya makapaniwalang tumutulo ng luha ang mga mata niya. Nag-iwas siya ng tingin pero kalaunan ay nagsunod sunod ang tulo ng mga luha niya. Mas lalong nangunot ang noo ko. Questions are now on my mind, seeking for their own answers. Bakit siya umiiyak ng gan’yan? Nanatili siyang nakatitig sa akin. I just stared at her and I felt my heart beat and its not on it’s normal beats. I don't know why and what’s the problem with my heart. Hindi naman ito ganito. Tumitig ako sa mga mata niyang tuloy pa rin sa paglabas ng mga luha. Nanindig ata ang balahibo ko dahil sa nakikita sa kanya. ...and in that moment, I just suddenly want to wipe her tears. I don't know why but I felt like her tears are breaking my heart into small fucking pieces. I asked myself while seeing her wiping the tears falling on her cheeks. Can we really fall in love with a person in just by a moment? And it was also answered by my mind in that day. Yes. If something strange is happening and if we’re meant to fall from that person. We’ll gonna fall even in just a second... Even we like it or not. That day I just realized how lucky I am for being able to see her. The one who owns the hands that created me. Even if it was just her hands, I’m thankful... because without her hands maybe I will never see her.Chapter 1StoryAgad kong niligpit ang mga gamit sa desk ko nang marinig ko ang tunog ng bell. Umalis ang teacher namin sa math pagkatapos magpaalam sa amin. Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko at animong nagpapaunahan sa paglabas ng classroom. Hindi ko na lang sila pinansin at isinilid na lang sa loob ng bag ko ang mga notebook na ginamit ko kanina.“Sabay na tayong mag-lunch.” agad kong nilingon si Zarren nang magsalita siya. I didn’t say a thing but I manage to nod my head.Well, there’s no problem with it. Isa pa ay sanay naman kaming magsabay kumain since naging magkaklase kami noong grade 7.We’re grade 10 students right now at sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi na kami nagkahiwalay pa ng classrooms na pinasukan. Palagi kaming magkaklase kaya siguro ganito na lang kami kalapit sa isa’t-isa.
Chapter 2ConfusedHindi ko alam kung ano bang magiging reaksyon ko habang pinapanuod ang mga babae kong kaklase. I shut my eyes tightly.Damn it! Hindi ko na alam ang gagawin kooooo!Kung pwede lang magpapadyak at gumawa ng sarili kong ritwal, ginawa ko na kanina pa!"Kasi naman ‘diba, ilang buwan din s’yang hindi nagparamdam tapos OMG! May isusulat na pala siyang bago. Grabe... Ang galing niya talaga!” halos mapangiwi ako habang pinakikinggan ang usapan ng mga kaklase ko.Mas lalo tuloy akong kinabahan. Paano kapag nalaman nilang ako ang sumulat sa mga paboritl nilang libro? Baka hindi nila ako tigilan sa pagtatanong ng mga pwede ko pang isulat na mga kwento.I let out a heavy sigh. Nasa room na ako pero ang utak ko’y parang nasa restroom pa rin. Hindi ko lubos maisip at mapaniwalaan ang na
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Sakto rin naman na naroon na si Zarren kaya hindi ko na kinailangan pang magpapanis ng laway. Siya lang kasi talaga ang kumakausap at pumapansin sa akin sa school.Hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa pagiging top 1 ko sa klase o dahil lang sa fact na ayaw nila sa akin. Maybe because they thought I will be mad if they talk to me o baka naman sa isiping baka maabala lang nila ako kaya hindi na lang nila ako kinakausap, o kahit ang batiin man lang sa umaga.Well, I’m used to it... but still. I want to be friends with them also. It’s just that I don't know how will I approach each one of them.“Ano, ayos ka na ba? Ayos na ulo mo? Wala ka ng tama ngayon?” sunod sunod na tanong ni Zarren sa akin.“Tigilan mo nga ako Ang aga aga namb-bwisit ka na naman!” humalakhak siya at ginulo ang buhok ko.Inirapan ko naman
Chapter 4DestinyPagkalabas na pagkalabas ko ng restroom ay naglakad na agad ako papunta kung saan nando’n ang kumpulan ng mga tao. Even if I don’t know what to say when we saw each other. Gagawin ko pa rin ‘to. After all, he’s still my responsibility. Mga kamay ko ang gumawa sa kanya kaya dapat lang na ako ang magligtas sa kanya sa mga tanong ng mga taong nakapalibot sa kanya... Kung siya nga si Leiton.Habang papalapit sa lugar kung nasaan sila ay nangungunot ang noo ko. My heart is skipping a beat so fast. Pakiramdam ko ay nakipaghabulan ako kanina at nang huminto ay sobrang hiningal at halos hindi na makahinga.Tumigil ako saglit at tinanaw siyang nakikipag-usap pa rin kay Sir Mario. Confusion and irritation is evident to Sir Mario’s face. Siguro dahil sa pagkaka istorbo ng klase kaya siya iritado ng gan’yan.Napatingin ako sa lalak
Chapter 5Hurt“Dapat kasi sinabi mo d’yan sa kaibigan mo na puntahan ka na lang sa bahay nyo at doon ka na lang hintayin.” sambit ni Sir Mario na inis na nakatingin kay Leiton.Nasa principal’s office kami ngayon. Nandito kami para ipaliwanag ang nangyari kanina. Sinabihan ko naman na si Leiton na kung pwede ay hayaan na lang akong magpaliwanag.Nahihiya kong tiningnan si Sir Mario. “Pasensya na po talaga. Hindi ko rin alam na maiisipan niyang pumunta dito at gumawa ng gulo. Sorry po.” bagamat iritado pa rin ay tumango na sa akin si Sir Mario. Ang principal naman ay nakamasid lang at nakikinig sa amin. Hinayaan niya kaming magsalita at ipaliwanag ang mga sides namin.“Why would I wait for her to come home if I can fetch her here in your school? Paano kung may emergency---” agad akong napapikit nang magsalita si Leiton. Ang sabi ko, ‘wag iimik e!
Chapter 6FightsMabilis akong sumakay sa front seat ng sasakyan ni Leiton bago malalim na bumuntong hininga.I can’t take this anymore! Patagal ng patagal mas naiisip kong dapat maayos ko na ang lahat ng nangyayari ngayon, kahit na wala pa akong ideya kung paano ako magsisimula sa pag-aayos ng kung anong nangyayari between me and Leiton.“Oh, nasa’n na ‘yung lalaki kanina?” pumikit ako at isinandal ang ulo sa upuan at saka nakapikit na umiling.“Hindi siya sasama.” tanging sambit ko at nilingon siya. “Ituturo ko na lang sa’yo ang daan since hindi naman ako marunong magmaneho.” saad ko. Tumango siya habang kita ko ang kunot sa noo niya.“Syempre... And to be honest, I won't let you drive my car, anyway kaya ituturo mo talaga.” he muttered. Napatingin ako sa kanya at
Chapter 7ControlledNakarating naman kami agad ni Leiton sa bahay. Sinalubong rin kami ng maraming tanong nila Nay Carmen at Tay Karding. Tinanong nila ako kung sino si Leiton na pinakilala ko namang kaibigan ko at galing pa sa ibang bansa. Naniwala naman sila.Medyo nag-guilty ako sa pagsisinungaling pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang totoo dahil hindi naman sila maniniwala. Mas mabuti na ring sinabi kong galing sa ibang bansa si Leiton kaya hindi na sila nagtanong pa tungkol sa kan’ya. Pag pahingahin ko daw muna si Leiton sa guest room na ginawa ko naman kaagad.“Saang bansa nga ako galing? Sa America. Woah, nice choice huh.” habang nag-aayos ng matutulugan niya ay narinig ko ang pang-aasar ni Leiton sa gilid ko.Maayos naman ang guest room dahil laging nalilinisan pero walang bed sheet at comforter ang kama kaya naglabas ako.
Chapter 8BreakfastKinabukasan ay mabilis akong lumabas ng kwarto para kumain ng breakfast. Tumawag si mommy kagabi pero agad ding naputol ang tawag dahil may meeting pa pala sila.I understand them also because it isn’t easy to handle a rising company. Gustong gustong magkaroon ng mga magulang ko ng sarili nilang kumpanya na unti-unti ng natutupad ngayon kaya naman mas ginagawa ko ang lahat para intindihan sila. Although that means that they will be gone from my side. Para din naman sa pamilya namin ‘yon so I don’t know if where I should be mad of.Kagabi din ay nagpaalam na ako sa adviser ko na aabsent ako for straight one week. B’yernes kahapon kaya sa darating na lunes hanggang b’yernes ay aasahan na nilang wala ako sa mga klase nila. They asked me why. Kung may sakit ba daw ako o may mahalagang pupuntahan? I told Sir Mario that I have to do important things.Pumaya