Nakatayo si Sunday sa tapat ng bintana ng kanilang maliit na apartment sa New York. Tumatawag ang nakababatang kapatid niyang si Sebastian. Kinakabahan s'ya dahil siguradong tapos na ang operasyon ng inay nila kaya ito tumatawag.--"Kamusta ka na ate?" bungad sa kaniya ng kapatid."Okay lang naman ako. E ikaw at si inay? Kamusta kayo? Kamusta ang operasyon niya?" Tinatambol sa kaba ang dibdib niya.-- "Tapos na ang operation niya, hinihintay na lang namin s'yang magising. Makakauwi ka na dito ate. I miss you na." Nakahinga s'ya ng maluwag, napakagandang balita no'n. "I miss you too and inay. Mag-iingat kayo d'yan. Alagaan niyo s'ya huh? Nasaan pala si bunso?" -- "Kasama s'ya ni tatay. Umuwi muna sila kasi may school pa s'ya bukas. Ako muna ang magbabantay kay inay." Napatungo s'ya. Miss na miss na niya ang mga ito ngubit kailangan niya pa ring mag-stay. Sigurado s'yang malaki pa ang utang ng itay niya na ipinangdagdag sa operasyon ng inay niya sa puso. -- "Uwi ka na ate dito huh?
Suot ang isang puting v-neck shirt, ripped jeans, at itim na sombrero, pumasok si Matteo sa mall na malapit lang sa tinutuluyang unit.Naka-hiatus siya ngayon mula sa pagmomodelo. Matapos lumabas ang issue na nabuntis niya ang kasamahang model ay umalis siya ng bansa.He is now in New York. Pabor naman sa kaniya ang pagpapahinga muna dahil nakakapagod din ang kaniyang trabaho kahit na ang magpagwapo lang sa harap ng camera ang kaniyang ginagawa."What color she like?" tanong niya kay Elizabeth sa kabilang linya. "Pink? Okay, got it."Bibisitahin niya ang Mama niya mamaya. Dito na ito tumira matapos makipag-divorse sa Papa niya. That was fifteen years ago pero binibisita pa rin niya ito kapag may pagkakataon.At ngayon ay ibibili niya ng regalo ang tatlong taon niyang kapatid. May nakita s'yang pink na brecelet na maganda ang disenyo. "This is beautiful."His hand froze at napatingin sa babaeng inabot ang kulay pink na bracelet na sana ay kukuhanin niya. Mukhang nag-iisa na rin ito."
Tinawanan ni Lorenzo si Matteo. He got rejected for the first time!"Fuck you." Hindi maitago ni Matteo ang pagka-insulto at sobra iyong nakakahiya at nakakainis. Sa unang pagkakataon ay may tumanggi sa kaniya at isang waitress pa. Sobrang kapal naman ng mukha nitong tanggihan s'ya. Sino ba ito?Inalala niyang maigi ang mukha nito dahil parang pamilyar. Hindi naman s'ya nabigo dahil agad pumasok sa utak niya kung saan ba niya ito nakita.Kung gano'n ay ito iyong babae kanina sa mall. Ha! Pagkakataon nga naman. Pangalawang beses na s'ya nitong ininsulto. Kailangan niyang makaganti.Tawa lamang naman ng tawa si Lorenzo at umiiling-iling pa, gustong-gusto yata nito ang kaniyang pagkapahiya sa sarili."She's unbelievable. Your charm didn't work to her," pang-aalaska pa nito.Masama niyang tiningnan ang kaibigan. "You see." Lumagok s'ya ng anim na beses sa bote at saka tumayo.Hinanap agad ng mga mata niya ang waitress na iyon na sobrang lakas ng loob na tinanggihan s'ya. Hindi niya ito pal
An inch away from the small woman, Matteo lowered down his head and level his lips inch from her ears. "You can't get away from me this time," mapang-akit na bulong niya sa babae na ikinasinghap naman nito. Siguradong kahit ang pagbulong lang niyang 'yon ay nagbigay na ng kakaibang pakiramdam sa dito.Humarap ito sa kaniya. Isang maling kilos dahil dumikit ang maumbok nitong dibdib sa kaniyang katawan.Biglang lumayo sa kaniya ang dalaga nang mapagtanto iyon. "W-What do you want to talk with me?" nanginginig ang boses nito at hindi makatingin ng diretso sa kaniya.Kung hindi lang pula ang ilaw sa loob ay makikita ang pamumula ng maganda nitong mukha.Napangisi si Matteo. Gusto niya sanang mas tuksuhin pa ito dahil natutuwa s'ya sa pinapakita nitong reaksyon, ngunit pinili na lang niyang umupo na lang sa pahabang sofa na naroon at dumekwatro. May oras pa para doon."You left just like nothing happened."Kita niya ang paghigpit ng hawak nito sa gilid ng palda. "K-Kung wala ka ng ibang
"Hindi ako papasok, pakisabi na lang kay Madame Frost. Tingin ko ay lalagnatin ako." Namaluktot si Sunday sa kama niya at nagkulubong."Sige, no problem. Kain ka na lang d'yan at uminom ng gamot.""Sige, ingat."Pagkarinig niyang lumapat ang pinto pasara ay nagtatadyak siya sa kama. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam niya, dahilan lang niya 'yon para hindi pumasok."Ano bang ginagawa ko..." Nagpaikot-ikot s'ya sa kinahihigaan habang patuloy pa rin s'ya sa pagtadyak. Nababaliw na s'ya.Bakit ba nagpatianod na naman s'ya at bumigay na naman sa Matteo na 'yon.Mabilis siyang bumangon paupo. Nakakahiya s'ya!Mali, mali talaga ang ginawa niya. Hindi pa s'ya tapos sa paglabas ng inis niya sa sarili ay may nag-doorbell naman."Sino naman ang pupunta dito ng ganitong oras?" Tumayo s'ya at lumapit sa pinto, ngunit natigilan s'ya sa pagpihit nang marinig ang boses ni David sa labas. "Sunday!" Nag-alinlangan s'ya kung bubuksan ba niya o hindi. Huminga s'ya ng malalim at pinihit ang sera
May lagnat pa si Sunday na pumasok kinabukasan. Hindi s'ya nagpapigil kay Shaina kahit parang nanay ito na sinisermonan s'ya kanina. Kailangan niyang magtrabaho at kumita ng pera. Isa pa ay lagnat lang ito. Ininuman naman na niya ng gamot kaya maya-maya lang ay magiging maayos na ang kaniyang pakiramdam."Oh, you're the new hired?" Nagulat s'ya sa biglaang pagsulpot ni Matteo sa tabi niya. At para yatang mas tumaas ang kaniyang lagnat. Anong ginagawa nito dito? Narito ba ito para mang-inis? At paano nito nalaman na nandito s'ya? At paano din nito nalaman na bago s'ya sa shop na ito? "Narito ka ba para bumili?" tanong niya sa mahinahon na boses. "No," sagot nito at sumunod sa kaniya papasok."Kung gano'n ay anong ginagawa mo dito? Narito ka ba para mang-inis?""Nandito ako para sa'yo."Natigilan naman s'ya sa pagrere-arrange ng bulaklak at nilingon ito."What?" tanong nito sa kaniya. Nakaupo na ito sa sofa at may hawak ng magazine.Hindi s'ya sumagot at itinuloy na lang ang ginagawa.
Panay ang lingon ng mga kababaihan sa gawi ni Matteo. At kahit ang mga babaeng nasasalubong niya ay napapatitig pa sa kaniya.Sino ba naman ang hindi? Matteo's looking hot in his sweat all over his body from his morning jog. Basang-basa ang kaniyang manipis na puting t-shirt na humalik na sa kaniyang katawan na nakakaagaw pansin sa mga babaeng nakakasalubong niya. Bumabakat kasi dito ang mahulma niyang abs. Idagdag pa ang basang-basa niyang buhok.Tumigil s'ya sa pagtakbo at uminom ng tubig mula sa bottled mineral water."Hi." Sumabay sa kaniya ang isang magandang babae."Hi babe," sabi naman niya at saka ito kinindatan na ikinangiti nito ng malapad."Wanna join me?" may inabot itong isang maliit na papel at pinasadahan pa nito ang pawisan niyang braso gamit ang dulo ng daliri nito. She even bit her lower lip at nauna na sa kaniya. Fvckboy as he is, he smiled as he look at her round butt cheecks while running. Sa tingin niya ay sinasadya talaga nitong mas iyugyog pa ang sarili sa pagt
Nakaupo si Sunday habang naghihintay ng oras na isara ang shop. Nagbabasa s'ya ng magazine pero lahat ng binabasa niya ay hindi rumirehistro sa utak niya.-- 'Are you one of his flings? Fvck buddy?!'Sa higpit ng pagkakahawak niya sa isang page ng magazine ay nagusot na pala ang dulo nito. Kanina pa paulit-ulit sa utak niya ang sinabing 'yon nung 'Alessandra'.Napabuntong-hininga s'ya at saka isinarado ang magazine. Baka nga totoo ang sinabi nito. Pero hindi.. she's not a fling... she's not a fvck buddy of anyone. Siguro nga ay nagkamali s'ya pero hindi niya tatanggapin ang ganoong inaakusa sa kaniya. Nagkataon lamang na nangyari ang ganoon sa kaniya. Si Matteo lang ang nakaangkin sa kaniya at 'yon ang pagkakamali niya. Nadala lamang s'ya ng kaniyang emosyon dahil sa ginawa ni David. Tumingin s'ya sa salamin at inayos ang pagkakatali ng kaniyang mahabang buhok sa gilid ng kaniyang ulo at saka ito sinuklay. Tumingin s'ya sa wrist watch niya at nakitang magaala-syete na ng gabi. Oras n