Share

Chapter 3

Sir Aciaean.

Tatlong araw ang lumipas simula nang magsimula akong magtrabaho sa isang sikat at magaling na senator sa bansa. Naging maayos naman ang lahat sa tatlong araw na pagtatrabaho ko dito, mababait ang mga kasamahan kong kasambahay. Gano’n din si Alisha. Sa mga kasama ko sa pagtatrabaho si Alisha nga ang naging malapit sa akin, isa na rin sa unang rason ay magkaedad kami at kaming dalawa ang minsang nakakasundo.

Naninibago man sa paligid ay nakakaya ko namang mag-adjust, lalo na’t hindi ako sanay na mawalay sa mga magulang ko. Lumaki akong nasa tabi palagi ang mga magulang,  lumaking sa kanila nakadepende. Kaya rin nahihirapan ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong malayo ako sa tabi nila, ayos lang naman sana na isang buwan lang ako malalayo sa kanila pero isang taon akong magtatrabaho kaya nakakapanibago.

‘‘Ngayon pala ang uwi nila, senator?’’ tanong ko kay Alisha habang nagdidilig ng mga bulaklak. Napatingin naman ako sa kanya, namimitas ito ng mga bulaklak para ipalit sa mga nalayang bulaklak na nasa folwer vase nakalagay.

‘‘Oo, kaya nga dapat napalitan na natin ang bulaklak sa flower vase.’’ Sagot niya at inamoy ang bulaklak na kanyang napitas, marami na siyang napitas na mga bulaklak dahil umaga pa lang nasa hardin na kami.

Sa tatlong araw na lumipas, ngayon ko pa lamang makikita ng personal sila senator. Apat na araw nang wala dito sa mansyon si senator at madam dahil may important event silang dinaluhan, kung saan may kinalaman ito sa trabaho ni senator.

Naikwento ni Alisha sa akin kung gaano kabuti ang mag-asawang Elsher sa kanila—sa aming mga manggagawa ng kanilang mansyon at sa iba pa nilang negosyo. Madaming benefits ang naibigay ng mag-asawa sa manggagawa nila at sa mga tao. Kagaya sa amin, nagsimula si madam sa pagiging kasambahay habang si senator ay naging delivery boy pa ng isang restaurant bago naging successful na senator.

Kilala sila sa pagiging matulungin at may mga mabuting puso, kaya rin hindi natatalo si senator ng basta-basta sa pagtakbo dahil labis ang pasasalamat at suporta ng mga tao sa kaniya. Naikwento niya sa akin na may apat na anak sila senator, na nasa ibang bansa. Nakita ko rin sa picture frames ang mga anak ng mag-asawa, dalawang babae at lalaki, lahat sila magaganda at guwapo may maipagmamalaki talaga.

P’wede na nga silang maging artista.

‘‘Alisha, hindi ko maiwasang matakot,’’ napatingin naman siya sa akin. ‘‘Baka kasi may makitang mali si senator o si madam sa akin na magiging dahilan ng pagkasisante ko.’’

O baka nangangagat sila?

Napasin ko kasing pag masyadong mabait at aso minsan sila iyong mas nangangagat.

‘‘Ano ka ba, nasabi ko naman sa ‘yo na mababait ang mag-asawang Elsher.’’ Umirap pa ito, kalaunan ay bumalik sa pamimitas. ‘‘Hindi rin sila aso para mangagat kaya magdilig ka na d’yan at tulungan mo akong mamitas.’’

M-Mind reader ba itong si Alisha?

‘‘Natahimik ka, Cammie? Iniisip mo na mind reader ako, ‘no?’’ wala akong naging sagot kaya umirap siya. ‘‘Kung ano man iyang mga iniisip mo, hindi iyan totoo, anong akala mo sa akin may power habang sa mag-asawang Elsher aso?’’

‘‘Hindi naman pero baka lang naman kasi,’’ depensa ko.

‘‘Seriously, Cams? Tapusin mo na nga iyang pagdidilig mo, lunod na lunod na ang mga bulaklak kanina mo ‘yan dinidiligan.’’

‘‘Ito na nga, binibilisan na po,’’ ngumiti pa ako ng pagkatamis.

Humagikgik na lamang ako dahil sa sunod-sunod na pag-irap ni Alisha. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi kabahan at matakot, malaki-laki pa at mataas ang interes ng utang na aking  babayaran tapos matatanggal na agad sa trabaho.

Earth isn't fair, sa susunod lipat na lang akong Mars, tamang tsismisan with alien and friends.

Natawa at naiiling na lamang ako sa mga naiisip na kalokohan.

‘‘Nakausap mo na ba si madam, Alisha?"

Tumango ito. "Oo, mabait si madam, ‘yon nga lang ang nakakapagtaka. Ang bait ni senator at madam pero ‘yong isa nilang anak ay hindi ko alam kung saan nagmana.’’

‘‘Bakit naman?’’ tanong ko, hindi ito naikwento ni Alisha sa akin.

‘‘Ubod ng kasungitan ang isang anak niyang lalaki, hindi ko nga rin alam saan ‘yon nagmana o kung anonf pinaglihi ni madam.’’

Lumipat muli ito ng puwesto. ‘‘Ma-attitude ang lolo Aciaean natin, pinaglihi siguro sa sama ng loob ni madam.’’

Natawa naman siya pati na rin ako. ‘‘Si Sir Aciaean pa lang ba ang personal mong nakita, Alisha?’’

‘‘Si Sir Aciaean pa nga lang iyong naabutan ko no'ng makapasok ako dito.’’ Napaisip naman ako. ‘‘Bakit mo pala nasabi na masungit siya?’’

‘‘Nasabi ko lang, bakit ba?’’ baka ikaw ang may attitide na ugali, napairap na lang ako.

‘‘Pero seryoso, narinig ko lang na maldito daw si Sir, nahalata ko naman ‘yon no’ng nakita ko siya personally. Usap-usapan nga na babaero raw si sir pero syempre hindi tayo sure, usap-usapan lang naman.’’

‘‘You mean playboy si Sir?’’ tanong ko, e, gusto kong gawin na english.

‘‘Oo, ginawa mo lang english but hindi talaga ako sigurado, maaaring playboy nga siya maari namang hindi.’’ Napairap na lang siya.

‘‘Pero g’wapo si sir, sayang nga at masama ang usap-usapan tungkol sq kan’ya.’’

Sino at saan kaya si Sir Aciaean doon sa picture na nasa frames.

Napatango na lamang ako. Sayang nga ang kag’wapohan kung hindi naman kaaya-aya ang ugali.

‘‘Cammie!’’

‘‘Alisha!’’

Sabay naman kaming napalingon ni Alisha sa likuran nang pareho kaming tinawag ni Ate Easter.

‘‘Po?!’’ patanong na sigaw ni Alisha.

‘‘Halina kayo!’’ hindi na kami sumagot at isa-isa niligpit ang mga gamit na dala namin.

Dala-dala ni Alisha ang mga bulaklak na napitas niya kanina habang dala ko naman ang ginamit namin panlinis.

‘‘Bakit niyo pala kami tinawag, ate?’’ agarang tanong ni Alisha nang makalapit na kami kay Ate Easter.

‘‘Hindi pa kasi kami tapos, ate.’’ Dagdag niya. 

‘‘Pati na rin ako, Ate.’’ Pagsang-ayon ko dahil may natitira pang walang dilig na bulaklak.

‘‘Bukas niyo na lang iyon tapusin, ang importante ay mapalitan niyo na ang laman ng flower vase.’’

‘‘Dahil pauwi na sila madam, kaya dalian niyo na.’’

Nataranta naman kami sa narinig kaya dali-dali naming tinungo ang mga flower vase. Isa-isa kung kinuha ang mga nalayang bulaklak habang si Alisha ay ang naglalagay ng bagong bulaklak. Muntikan niya pang mahulog ang isang flower vase sa pagmamadali, buti na lang talaga at naalalayan ko dahil kung hindi baka tanggal na kami.

Pawisan kami nang matapos naming linisin at palitan ng laman na bulaklak ang mga flower vase, ganoon din ang mga kasamahan kong kasambahay na naglilinis sa paligid. Lima lamang kaming kasambahay dito sa mansyon kaya kinakailangan ang tulungan para matapos agad lalo na at malawak ang mansyon. Mabuti na lamang talaga at hindi na pinapalinisan ang ikatlong palapag, pinapalinisan lang ‘yon kapag may gaganaping okasyon dito sa mansyon o may mga bisita.

‘‘Maligo na tayo, baka maabutan tayo nila senator na ganito ang mga hitsura," napatingin naman kami kay Ate Easter, mayamaya lang ay sumang-ayon.

Napansin kong pinagpawisan talaga ako, siguro sa pagmamadali. Ganoon  rin sila Alisha na sumang-ayon kay Ate Easter, pawisan rin siya at may putik pa ang suot niyan uniporme. Napatingin din ako kay Ate Wester, kapatid ni Ate Easter, gulo-gulo ang buhok ganoon din ang hitsura ni Ate Ading.

Lahat sila ay mas nakakatanda sa amin pero ang gusto nilang itawag namin sa kanila ay ‘‘Ate’’, wala pa naman silang mga asawa at anak kaya ganoon na lang daw ang itawag. Ang mas nakakatanda sa kanila ay si Ate Easter, siya rin ‘yong may mas maraming trabaho, siya ‘yong mas kabisado ang mansion at mas matagal nang namamasukan dito bilang isang kasambahay. Si Ate Wester ay kapatid ni Ate Easter habang si Ate Ading naman ay anak ng natulungan ni madam. Nakapagtataka man kung bakit lima lamang kaming kasambahay ay hindi na namin inalam.

‘‘Magandang hapon, madam at senator,’’ isa-isa naming pagbati sa bagong dating na mag-asawang Elsher. Binati kami nito pagbalik habang ngumiti.

‘‘Good afternoon,’’ bati niya pabalik. ‘‘Kumusta ang trabaho ninyo dito?’’

‘‘Maayos naman, madam, wala pong nangyaring masama. Ito nga po pala si Cammie," sabay turo sa akin kaya napatayo naman ako ng maayos. ‘‘Siya po ang pumalit kay buntis, madam.’’

Ngumiti si Madam sa akin kaya kahit kabado ngumiti ako pabalik.

‘‘Glad to meet you, Cammie, ayos ka lang ba dito? Wala ka namang problema?’’

"O-Oo naman po, madam, wala naman pong nangyari dito.’’ Nautal pa ako sa kaba. ‘‘Mababait naman po ang mga kasamahan ko at hindi po mahirap ang trabaho.’’

‘‘That is good to know,’’ tinungo niya ang sofa at saka nilapag ang kanyang bag sa kaharap nitong lamesa na maliit. ‘‘I'm tired, you can all take a rest na.’’

Nakahinga naman kami ng maluwag bago yumuko’t nagpasalamat. ‘‘Thank you, madam.’’

Kung gaano kabait si madam sa kuwento nila Alisha mas doble siguro sa personal. Ang gaan-gaan ng presensya ni madam, hindi makikitaan ng kasungitan. Kahit na may edad na ito ay parang kasabayan lamang nila Ate Easter, ang sarap pag masdan ng ngiti niya walang halong panlilinlang. Habang ganoon din si senator, umalis nga lang agad ito kanina matapos kaming batiin pabalik.

Napakawalang hiya ng mga iniisip ko kanina. Ang ganoom kaamo na mukha, mangangagat? How could me think like that kanina? Ang judgmental mo, Cammie!

Napailing na lamang ako sa sarili, kanina takot na takot ngayon hangang-hanga.

Aalis na ako sa earth, sabu nang lilipat na talaga ako sa Mars at doon sa mga alien and friend ako manghuhusga!

Sabay naming tinungo ni Alisha ang kwarto namin nang sumenyas si Ate Easter na puwede na kaming umalis, habang si Ate Wester ay kumukuha ng maiinom nila Madam.

‘‘Sa mga anak ni madam, Alisha, si Sir Aciaean pa lang ba ang nakita mo?’’

‘‘Nope, nakita ko na rin ‘yong bunsong babaeng anak nila. Nakalimutan ko nga lang pangalan niya pero siya talaga iyong masasabi kong mabait kaysa kay Sir Aciaean.’’

‘‘Bakit?’’

Humagikgik siya kaya mas nagtaka ako. ‘‘Hindi ko rin alam pero mabait talaga 'yon.’’ Napailing na lamang ako sa babaeng ito.

‘‘Sandali lang, tumatawag si tita,’’ tinanguan ko lamang siya bago siya lumabas.

‘‘Hindi pa pala ako nakatawag kay Mama,’’ bulalas ko.

Nakapag-usap kami ni Mama, wala si Papa kasi may pinuntahan. Hanggang ngayon may mga pumupunta pa rin sa bahay upang maningil sa lumalaki naming utang. Sa susunod pa na linggo ako makakapadala sa kanila at sa susunod na linggo pa talaga sila makakabayad. 

To be continued.

(*.*)msidlemind.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status