Lahat ng Kabanata ng A Great Love's Vengeance: Kabanata 31 - Kabanata 40
41 Kabanata
Chapter 31: THE SUITORS
VIER'S POV Minsan talaga naweweirduhan na 'ko sa kapatid kong 'to eh. Alam kong magaling siyang bumasa ng tao. Minsan nga ay inaasar ko pa siya na papasa na siyang face reader sa sobrang galing niya eh.Pero talaga ba? Si Hector, hindi katiwa-tiwala?'Yung mukhang 'yon na parang anghel? Nagsimula na tuloy ako sa pagkuwestyon sa judgment ko sa karakter ng mga tao sa paligid ko. Gano'n ba talaga kahina ang senses ko pagdating sa ganoong bagay? Nasa ganoong pag-iisip pa 'ko nang bigla ko na lang marinig ang pagtawa ni inay na ngayon ay nasa sala para i-entertain muna si Hector habang inaayos ko ang aking sarili. Silang dalawa lang ni Hector ang naroroon kaya sigurado akong si Hector ang nakapagpatawa kay inay ng ganoon. Pero sa pagkakaalala ko, hindi naman magaling na joker itong si Hector base na rin sa hirit niya sa 'min ni Carol kagabi.'Hmm, mukhang nagbaon ng matino at click na hirit itong si Mr. Gentleman ah,' sa isip ko at 'di ko maiwasan ang mapangiti dahil don. Simpleng ef
Magbasa pa
Chapter 32: TO HIM, TO HER
STEFFANO'S POV Hindi ko mapigilan na magdiwang ang kalooban ko habang pinagmamasdan ang bawat reaksyon ni Hector sa bawat pag-agaw ko sa kanya ng limelight habang nagpapa-impress siya kay Vier at pati na rin kay tita Ester. Wala rin naman siyang magawa para pigilin ako dahil nga sa kaharap namin si Vier. The goody goody Maria Clara. On second thought, bagay nga pala sila 'no? Both of them has this goody goody sh*ts na image. But let's not give them the perfect love story. They don't deserve it. Hindi rin naman ako nag-alala na baka palayasin ako ng nanay ni Vier na si tita Ester dahil sa mga pinag-aaasta ko rito. Kanina ko pa kasi nakuha ang loob nito sa pamamagitan ng mga simpleng hirit at konting mga serious thoughts about sa mga single parents na katulad niya at ng mommy ko. Kagyat kong ibinahagi sa kanya ang kwento ko and my relationship with my mom. Pero syempre 'yung mga magaganda lang and konting paawa effect like I never had my mom's full attention and love, which is totoo
Magbasa pa
Chapter 33: FACE OF THE TRUTH
CLOUD'S POV"I never thought, you are as fool as this Montemayor," nangungutya pa rin niyang saad habang iiling-iling na muling pinakawalan ang nakakaloko niyang pagtawa na siyang nagpasimula ng pagkulo ng dugo ko."Do you really think you're high enough huh?," dagdag pa niya habang punong-puno ng pangmamaliit ang bawat salitang binibitiwan niya para sa akin. Halata rin sa kanyang mukha ang pagpipigil niya sa muli niyang pagtawa.'What is it this time?', sa isip ko habang kunot-noo kong inaaral at pinagmasdan ang inaasta niya ngayon sa akin. Mulat ang mga mata sa kung gaano kaliit ang tingin niya sa akin mula pa noon. Pero ramdam ko na sadyang may kakaiba ngayon. "I love your daughter sir and–" Hindi ko pa man natatapos ang gusto ko sanang sabihin ay pumailanlang na sa buong opisina niya ang malakas niyang paghalakhak. Sa parteng iyon ay tuluyan ko na ngang naramdaman ang pag-igting ng mga panga ko sabay sa panginginig ng aking mga kamao. Alam ko naman na dapat ay tinitignan at tinat
Magbasa pa
Chapter 34: NEW LIFE
VIER'S POV Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo ni Carol sa building ng The Lounge para ipasa ang aming mga resume. Sure naman kami na matatanggap kami kaya hindi na kami nag-aalala pa sa pagpunta roon. Nakapag-resign na rin si Carol sa pinagtatrabahuhan niyang fastfood chain na sa totoo lang ay matagal na lang daw niyang pinagtitiisan kahit pa sankakarampot niyang sinusweldo roon. Mahirap nga raw kasing makahanap ng maayos na trabaho ngayon dito sa Pinas."Bakla, ano nga pala 'yung dapat ay sasabihin mo sakin nung isang gabi?," tanong ni Carol habang makasakay na kami ng jeep na nag-aantay pa ng ibang pasahero. "May kinalaman ba 'yun sa paglalasing mo?" Oo nga pala. May problema nga pala ako. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon which was actually good. Thanks to Hector. Nang dahil kasi sa kanya kaya kahit papaano ay nakalimutan ko 'yung nakaraan ko na punong-puno ng matitinding sakit at pagtitiis. Nang dahil din sa kanya kaya nakikita ko ngayon ang maayos na buhay na maibi
Magbasa pa
Chapter 35: PAINFUL KIND OF LOVE
CLOUD'S POV Para akong bumalik sa nakaraan ng dahil sa mga nalaman ko mula sa tinitingala ng lahat na si don Benjamin. Parang hindi totoo. Para bang mga kasinungalingan lang ang mga iyon, pero bakit naman siya magsisinungaling? At kung sisimulan kong isipin ang lahat mula sa simula ng inakala kong pag-asenso ko, talagang posible nga ang mga ibinunyag ng don. At halos durugin ako ng katotohanang iyon. Lalo na ang pride at buong pagkatao ko. Pati na rin ang pangarap ko na pinagsikapan at pinaghirapan kong makamit. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang sakit na lumalamon sa akin. Sakit na ibinigay sa akin ng mga taong inasahan ko na aalalay sa akin at inakala kong kakampi at kaagapay ko sa buhay. Mga sakit na kahit pa sa paglipas ng mahabang panahon ay nananatiling nakabaon sa aking sistema. Nagmaneho lang ako ng nagmaneho hanggang sa matagpuan ko na lang muli ang sarili ko sa lugar na ito. Sa Bulacan. Hindi ko rin namalayan kung gaano ako katagal nagmamaneho para makarating
Magbasa pa
Chapter 36: LOVE AND PAIN
VIER'S POV Halos buong araw akong naging tampulan ng pang-aasar ng lahat ng kasamahan namin dito sa resto matapos akong puntahan dito ni Hector para bigyan ako ng welcome gift daw niya para sakin na flowers at chocolates. Medyo nahiya at nailang pa nga ako sa ginawa niyang iyon. Pinagtinginan na kasi kami ng mga tao rito na bago ko pa lang namang nakikilala. Maging ang mga tao sa katabi naming shop, mapa-empleyado o customers man na naroroon na nang mga sandaling iyon ay nakatingin din sa aming dalawa na para bang kami ang main event ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko rin ay iniwasan na akong utusan o pagtrabahuhin ng mga kasamahan ko rito gaya ng nararapat lang naman dahil empleyado pa rin naman ako dito sa resto mula nang malaman nila na nililigawan ako ni Hector na CEO nitong building. Mukhang lalo lang tuloy na nainis sa akin si Miss Claire sa unang araw ko sa trabaho. Paminsan-minsan ko pa nga siyang nahuhuli na nakatingin sa akin ng masama dahil na rin siguro sa halos hindi
Magbasa pa
Chapter 37: THE UNEXPECTED ALLY
CLOUD'S POV"Anong oras mo pa ba balak bumangon d'yan ha?," bruskong tanong sa akin ng isang boses na hindi ko mapagsino nang mga sandaling iyon. Pamilyar sa akin ang boses niya. Pero dahil na rin siguro sa kagigising ko lang at napupuno pa rin ng matinding pagkirot ang ulo ko, kaya hindi ko magawang alalahanin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Hindi ko rin naman agad na maimulat ang mga mata ko dahil nga sa sakit ng ulong nararamdaman ko para sana makita ko na kung sino ang lalaking iyon. But one thing's for sure, hindi iyon si Steffano. "Lakas din ng amats mo eh 'no?," may tono ng pambubuska niyang pagpapatuloy nang makaupo na ako, senyales na gising na talaga ako. I heard him chuckled at ramdam ko rin ang panggigigil niya sa akin sa tono pa lang ng pananalita niya. "Biruin mo, matapos mong ilaglag ang grupo namin sa PhilDance, eh bigla ka na lang susulpot dito sa Bulacan na parang kabute at parang walang nangyari?" Disappointment can be heard with every words he say
Magbasa pa
Chapter 38: THE PAST AND THE PRESENT
VIER'S POV Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla dahil sa tanong na 'yon ni Carol. Hindi pa naman kami ni Hector pero ilang araw ko na ring pinag-iisipan ang tungkol doon. Palagay ang loob ko sa kanya at magaan din siyang kasama. Yun nga lang eh ilang pa lang naman ang nakakalipas mula nang makilala namin siya at ilang araw pa lang rin mula nang ipaalam niya sa akin ang kanyang interes at espesyal niyang pagtingin sa akin. Magiging napaka-easy to get ko namang babae kung kaagad kong tatanggapin ang sinasabi niyang pag-ibig niya para sa akin. Pero sa isang banda, naiisip ko na rin na hindi na rin naman ako bumabata. I, of course, need a partner to be with in the future. Kaya napapaisip na rin ako."Uy! Ano? Kayo na?," pag-uulit pa ni Carol sa naitanong na niya. Hindi ko alam kung curious lang ba talaga siya o parang dismayado sa nararamdaman niya na maaari kong isagot sa tanong niya."H-hindi pa naman–.""Hindi pa naman!," mataas ang tonong pag-uulit niya sa kasasabi ko lang. Bigl
Magbasa pa
Chapter 39: WAY TO YOU
CLOUD'S POV Walang humpay at paulit-ulit ang ginagawa kong pagbibilin ngayon kay Steffano patungkol sa mga dapat niyang gawin sa pagpapatakbo nitong restaurant at pati na rin ang mga bagay na dapat na niyang tigilan mula sa araw na ito, kagaya na lang ng panglalandi niya sa halos lahat ng mga babae naming staff. Iyon ay kahit pa kanina ko pa napapansin na hindi naman niya pinakikinggan ang lahat ng sinasabi ko. Well, sabagay nga naman. Kung pagpapatakbo at pagpapatakbo lang din naman nitong maliit naming business, I am so sure that he can handle it. He's great pagdating sa kusina at pati na rin sa pakikipag-usap sa mga clients, pero 'yung pagiging babaero at kalandian niya? Uh, that's another thing. One thing na kadikit na 'yata talaga ng pagkatao niya. Kaya kailangan ko talagang idildil sa kanya, o mas tama 'yatang sabihin na, kailangan kong ipaalala sa kanya ng paulit-ulit ang mga dapat na niyang iwasan o bawasan sa pag-alis ko. He needs some focus from now on."Have you lost you
Magbasa pa
Chapter 40: A PERFECT DATE
VIER'S POV Day off ko ngayon at naisipan na rin ni Hector na ayain akong lumabas for a date. Ayon kasi sa kanya ay hindi raw kasi masyadong nakakapag-usap sa tuwing may trabaho ako. Iyon ay kahit pa nga halos araw-araw pa rin naman kaming nagkakasama lalo na tuwing hinahatid niya kami ni Carol pauwe. Hindi ko tuloy napigilan na muling makaramdam ng labis na tuwa na halos magpatalbog sa dibdib ko. Halos prinsesa na niya ako kung ituring sa araw-araw. Bumibisita siya sa restaurant kapag naroon lang siya sa building at kung naman may trabaho o meeting siya sa ibang lugar ay sinisigurado pa rin niyang makakarating siya para ihatid kami pauwi. Minsan nga ay nakakaramdam na rin ako ng matinding hiya sa kanya dahil kahit sobrang pagod na siya ay pinipilit pa rin niya na maihatid kami ni Carol. Parati niya ring ipinapaalala sa akin na mahalaga ako at karapat-dapat na alagaan ng husto kaya raw ganoon na lang kung protektahan niya ako.Such a sweet gesture from a real gentleman like him."B
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status