Lahat ng Kabanata ng Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]: Kabanata 71 - Kabanata 80
83 Kabanata
CHAPTER 71: Where is Erin?
Lumabas si Erin ng tarangkahan ng kanyang bahay nang ilang ulit na maglaro sa kanyang tainga ang doorbell ng kanyang tirahan. Bumungad sa kanya ang galit na anyo ni Tanya. Hindi ito nag-iisa at may kasamang ilang miyembro ng pulisya. “Tanya?” tanong ni Erin. “Paalisin n’yo ang babaeng ‘yan! Heto ang patunay na bahay at lupa ito ng kapatid ko. Technically, sa magulang ko nararapat ang bahay na ito at tumira ang walang hiyang iyan sa bahay nang hindi nagpapaalam sa amin!” wika ng babae. Umasim ang mukha ni Erin. Nilingon niya si Lacey na yumakap sa kanyang binti, kita ang takot na nakalarawan sa kanyang anak. “Lumayas kayo rito! Layas!” wika ng babae. “Mommy…” usal ni Lacey na nagsisimula nang umiyak. “Tanya, sa akin ibinilin ni Zach ang bahay niya. Nagpaalam ako sa daddy mo bago ako bumalik sa bansa na titira ako rito sa bahay ni Zach. Pinayagan ako ng magulang mo,” paliwanag ni Erin. “Well, hindi na maganda ang relasyon mo sa magulang ko! Ang kapal ng mukha mo na manatili
Magbasa pa
CHAPTER 72: Abducted
Nakalarawan ang kakaibang ngiti sa pisngi ni Anna Lerman habang naroon siya sa cruise sa South Harbor. Nagniningning ang kanyang mga mata habang nakatingin sa malawak na karagatan sa maliit na bilugang bintana, dinadama ng labi ang iniinom na alak. Ilang saglit pa ay nagbukas ang pintuan ng silid. "Miss, Erin has been escorted by our staff," wika ng isang tauhan. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at saka tinungo niya ang daan patungo sa silid kung saan naroon si Erin. Simpleng trick lang ang kanyang ginawa at maayos na inihatid sa kanya ang babae. Nagkalat ang napakaraming tauhan sa loob ng cruise kaya imposible na makatakas si Erin. Hindi rin naman niya papayagan na makaalis ito nang basta. Samantala, sa loob ng isang silid, dama ni Erin ang pagkahilo. Kanina ay pinukpok siya ng baril sa ulo ng lalaking may mahabang pilat sa pisngi para siya mawalan ng malay. Nakatali ang kanyang mga kamay sa likuran para pigilin ang kanyang pagkilos. May kadiliman na sa labas ng cruise at
Magbasa pa
CHAPTER 73: She Is My Woman
"Where have you taken Erin?" ang narinig ni Orion na asik ni James kay Anna habang naroon sila sa isang hotel sa Berlin. Nakakuyom ang kamay ni Orion dahil tatlong araw na niyang hindi nakikita si Erin. Sumasakit ang ulo niya dahil pagkatapos ng isang problema ay may kasunod kaagad na problema. Matapos siyang tawagan ni James ay nakipagkita siya rito. Tinungo nila ang airport para imbestigahan kung may nakalusot na pasahero sa kahit na anong private plane. Nalaman nila na nagtungo sa bansa si Anna, ngunit ng araw na iyon ay pabalik na rin ito sa Berlin. Doon naghinala si James na may kinalaman ang babae sa pagkawala ni Erin. Inabot sila ng dose oras sa pag-imbestiga sa airport bago itinawag sa kanya ni Marco na nakuhanan ng isang surveillance footage si Erin sa South Harbor; isinakay ng cruise ang dalaga. Ngunit ang problema ay pribado ang cruise at hindi nila alam kung saan ang destinasyon niyon. Ang kailangan nilang malaman ni James ay kung saan dadaong ang cruise para doo
Magbasa pa
CHAPTER 74: Prostitution Cruise
Sa isang malawak na event hall dinala si Erin ng dalawang lalaki; ang tinawag na Boss Scar at ang nakakalbong lalaki. Maayos na sumunod si Erin at baka makakita siya ng telepono o kaya naman ay taong mahihingan niya ng tulong. Siguro naman ay mayroong mga bakasyunista sa lugar na iyon o kaya naman ay kahit na sino! Matapos manatili sa plain na silid, hindi siya makapaniwala na may maganda at malawak na event hall sa barko. Kung sa bagay ay tinawag iyon na cruise ng lalaking may pilat sa mukha. Ngunit namula ang kanyang pisngi matapos masilayan ang dalawang nagtatalik sa gilid. Panay ang ulos ng isang lalaki sa babaeng nakasuot ng pulang bestida. Humihingi ng saklolo ang kamay ng babae sa pader na sinusuportahan nito habang marahas na panay indayog ng lalaking nakasuot ng suit. Nanginig ang labi ni Erin na nag-iwas ng tingin sa dalawang nagtatalik. Wala naman pakialam ang ilan pang mga babae na nakakumpol sa mesa, tila sanay na sa ganoong eksena. Mayroon pang isang mesa n
Magbasa pa
CHAPTER 75: Redemption
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez
Magbasa pa
CHAPTER 76: Desperate
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Magbasa pa
CHAPTER 77: Rescue Mission
Limang taon ang nakaraan, nagkaroon nang maayos na usapan sina Erin at Orion; noong bodyguard niya pa ang lalaki. May ibinigay itong numero sa kanya na maaari niyang tawagan kapag nalagay siya sa alanganin.  Sasagutin iyon ni Orion nang “Kuokoa” na ibig sabihin ay rescue or rescue mission. Hindi niya akalain na gumagana pa rin hanggang sa kasalukuyan ang espesyal na numero nito. 
Magbasa pa
CHAPTER 78: Forces of Life and Death
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati
Magbasa pa
CHAPTER 79: Be Resilient
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
Magbasa pa
CHAPTER 80: Dreaming
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status