Semua Bab STILL, LOVING YOU: Bab 31 - Bab 40
71 Bab
Chapter 31 Salarin
THIRD PERSON POV: NAPAPANGUSO ako habang may hawak na beer at nakamata sa tanawin. Nandidito ako sa balcony ng unit at napapaisip sa mga bagay-bagay. Sa mga nangyayari ngayon kay Bhelle ay kinukurot ang puso ko at inuusig ako ng kunsensya ko. Si Tyrone lang naman ang gusto kong saktan at durugin pero. . . hindi ko naman lubos akalain na magkukrus ulit ang landas nila ni Bhelle at ngayo'y pinagbabayad niya ito sa kasalanang hindi naman nito ginawa."I'm sorry, Bhelle. It's not my intention to hurt you." Napatungga ako sa beer ko na mapait napangiti na inaalala ang nakaraan. *****ISA akong kilalang modelo ng bansa. Sa amin kasing magkakapatid nila Zach at Zoey ay ako lang ang pumasok sa mundo ng showbiz. Aminado akong kilala akong babaero o womanizer ng bansa. Wala akong nagiging girlfriend pero papalit-palit ako ng babaeng ka-fling. Masisisi niyo ba ako na patulan sila kung sila na mismo ang lumalapit sa akin. Sumasamba at kusang nagbababa ng salawal para sa akin. Mga kapwa ko mod
Baca selengkapnya
Chapter 32 Tanner
TYRONE:PABALING-BALING ako sa kama ko na hindi makatulog. Ito ang unang beses na hindi ko inangkin si Bhelle mula noong kinuha ko siya at dinala dito. Kita kasing sobrang tamlay niya na tila may karamdaman ito ngayon kaya pinagpahinga ko na muna. Naaawa din naman ako sa kanya kahit nagmamatigas ako. Sa tuwing naghahari ang awa ko para sa kanya ay iniisip ko na lamang ang dahilan kung bakit ako namumuhi sa kanya. Doon ay unti-unting naglalahong parang bula ang awa ko at napapalitan ng inis at galit.Napaupo ako ng kama na sumandal sa headboard. Pasado alas-onse na rin ng gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Imposible namang nasasanay na akong makatalik ito ng ilang oras kaya hinahanap iyon ng katawan ko at hindi makatulog ngayon. Bumangon ako ng kama na maingat lumabas ng silid. Nagtungo ako ng kusina at uminom ng malamig na tubig. Akmang babalik na ako ng kwarto ko nang mahagip ng paningin ko si Bhelle na nasa balcony. Maingat ang bawat yabag kong lumapit sa may pinto na na
Baca selengkapnya
Chapter 33 Confrontation
TYRONE:BUONG magdamag akong hindi nakatulog. Pinagmamasdan si Bhelle na nahihimbing sa tabi ko. Ngayon ko lang kasi ulit ito natitigan ng maigi habang nahihimbing. Nitong mga nakaraang buwan ay pinipigilan ko ang sariling silipin ito kapag nahihimbing na siya. Nagkukulong ako ng silid at sa maghapon naman ay nasa opisina lang ako..Ang laki na nga ng ibinagsak ng katawan niya. Kahit ang mukha nito ay lumiit. Malalim ang mga mata at humumpak ang pisngi. Namumutla na rin ito na halos mawalan ng kulay ang mukha. Kahit nahihimbing na siya ay kitang-kita ang lungkot, pagod at stressed dito. Na ako ang may gawa.Napapaisip kasi ako sa mga sinaad nito kagabi. Lalo na ang pagbanggit nitong. . . may anak kami. Hindi malabong mangyari ang bagay na 'yon. Dahil plano ko naman talaga siyang buntisin na noon. Kaya nga ni minsan ay hindi ako gumamit ng protection sa tuwing inaangkin ko siya. At hindi din siya gumagamit ng birth control pills noon kaya hindi malabong nagkaanak nga kami. Pero bakit?
Baca selengkapnya
Chapter 34 Cancer
BHELLE:MARIIN akong napapikit na umiikot na naman ang paligid ko. Lately ay napapansin kong madalas akong nanlalata at nahihilo. Palagi ding kumikirot ang ulo dala marahil ng stressed at puyat ko. Hindi naman ako makapag patingin sa doctor dahil bukod sa hindi ako pinapayagang lumabas ni Tyrone ay wala din akong magagamit na pera. Sa loob nga ng tatlong buwan ko dito ay ni hindi pa ako nakakalabas ng condo niya. Para akong preso na nakakulong dito sa unit at wala manlang ibang nakakausap. Kapag nandidito si Tyrone ay natataranta ako. Takot at pangamba ang nangingibabaw sa dibdib ko. Katulad na lamang ngayon. Nandidito siya at hindi pumasok ng opisina. Hindi tuloy ako mapakali at natataranta sa pagluluto. Tinanghali na kasi ako ng gising at hindi ko matandaan kung paanong sa silid niya ako natulog kagabi. Ang natatandaan ko lang ay uminom ako kagabi dahil hindi ako makatulog kakaisip ko kay Tanner.Miss na miss ko na ang anak ko. Gusto ko na siyang makita, makausap, mayakap at mahag
Baca selengkapnya
Chapter 35 Leaving
TYRONE:PALAKAD-LAKAD akong hinihintay ang tawag ng private investigator ko tungkol sa nabanggit ni Bhelle na anak namin. Kung totoo ngang may anak kami. . . walang rason para hindi ko 'yon kunin lalo na't kasama ko naman ang ina niya. Parang lulukso na nga ang puso ko palabas ng ribcage nito sa excitement na nadarama ko. Hindi na ako makapaghintay malaman ang katotohanan. Kung totoo ngang. . . may anak na kami ni Bhelle.Tiyak akong matutuwa siya na dadalhin ko dito sa syudad ang anak namin. Ngayon pa lang ay hindi na ako makapaghintay na makita ang mag-ina kong magkasama. "I promise you, sweetheart. I'll be better than before. Hindi ako magsasawang suyuin at ligawan ka. Hanggang pagtanda natin," pagkausap ko sa larawan ni Bhelle na naka-wallpaper sa cellphone ko.Nangilid ang luha ko na pinakatitigan ang maamo niyang mukha. Dahil sa galit ko sa kanya ay nagawa ko siyang durugin. Iniisip ko pa lang ang mga salitang binitawan ko sa kanya ay para akong sinasaksak sa puso.Mariin akong
Baca selengkapnya
Chapter 36 Finding her
TYRONE:MAINGAT kong inilapag si Tanner sa kama at mariing hinagkan ito sa noo. Kahit nalulungkot ako na hindi na namin naabutan si Bhelle dito sa unit ay masaya akong kasama ko na ang anak ko. Hindi ko pa alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na wala ang ina niya dito. Na nilayasan na ako. Umaasa pa naman ang anak kong makakasama na niya kami ng kanyang ina. Pero heto at mabibigo ko na naman siya.Naupo ako sa gilid nitong kama na sumandal ng headboard. Kinuha ang cellphone ko na pinanood sa surveillance camera ang mga kuha sa buong maghapon dito sa unit. Kunot ang noo ko na nakatutok sa screen ng cellphone ko. Napapalunok ako na sa wakas ay nahagip na ng camera si Bhelle pero. . . kaninang umaga pa ang kuhang iyon. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko na nagtungo ito ng pinto at may pinatuloy na bisita. Si Tito Cloud. Nagsuot ako ng earpiece at nilakasan ang volume para marinig ang usapan nilang dalawa. Kita kasing seryoso ang pinag-uusapan. Narinig kong sinabi ni Tito na pupun
Baca selengkapnya
Chapter 37 Missing him
BHELLE:NANGINGITI ako habang haplos ang umbok ng tyan ko. Nandidito ako ngayon sa balkonahe ng farm house ni Typhus kung saan ako ngayon nakatira. Nasa tatlong buwan na rin magmula noong umalis ako sa poder ni Tyrone. Matapos kong pamag-alaman ang karamdaman ko ay para akong nawalan ng pag-asang mabuhay pa. Iniisip ko na lamang ang mga anak ko na siyang nagsilbing lakas at inspiration ko para malagpasan ang pagsubok sa akin ng Diyos. Masaya ako na kaagad dininig ng Maykapal ang panalangin ko noon na sana ay makaya kong dalhin ang bigat na dala-dala ko. Si Typhus at Isabella ang naging tulay ko para makayanang magsimulang muli ng panibagong kabanata ng aking buhay.Noong lumabas ako ng hospital kasama ang Tito Cloud ni Tyrone at nagpahatid ako sa kinaroroonan ni Typhus. Hindi naman ito nagtanong pa kung bakit hindi sa unit ni Tyrone ako nagpahatid pauwi. Mabuti na lang at napaki-usapan ko itong hwag ng ipaalam pa kay Tyrone ang tungkol sa paghatid niya sa akin sa condo ni Typhus. Na
Baca selengkapnya
Chapter 38 Suitor
BHELLE:NAALIMPUNGATAN ako na marinig ang pagtawag sa akin ni Bella mula sa may pinto. Pupungas-pungas akong napababa ng kama at tinungo itong pinagbuksan."Bella?" inaantok kong saad."Shhh."Sinenyasan naman ako nitong hwag maingay at pumasok na ng silid na tila may tinataguan. Napalunok akong tuluyang nagising ang inaantok kong diwa. Inakay ako nito sa paanan ng kama ko na panay ang sulyap sa may pinto. Nakalarawan sa kanyang mukha ang pangamba."Nandito si Tyrone," bulong nitong ikinamilog ng mga mata ko!"Ano!?" "Shhh, hindi ko alam kung anong nangyayari pero kanina. . . nagpanggap siyang siya si Typhus. Sasama ako sa kanya sa syudad. Okay ka lang bang maiwan dito?" saad nito na halos pabulong.Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa kaalamang nandidito si Tyrone! Baka mamaya niya'n ay alam na rin niyang nandidito lang ako! "Uhm, o-oo, okay lang, Bella. Sige na, sumama ka na sa kanya," sagot ko na pilit pinatatag ang boses kong nanginginig."Sige, tatawagan kita. Hindi na rin kasi ak
Baca selengkapnya
Chapter 39 Longing
TYRONE:LUMIPAS ang mga araw na wala pa ring nagbabago sa pag-iimbestiga ko kung nasaan na si Bhelle. Hindi mapalagay ang loob ko at konti na lang ay matutuluyan na akong masiraan ng bait. Ayon sa kinausap kong doctor ni Bhelle ay may leukemia ito. At habang tumatagal na napapabayaan ito ay palala nang palala ang sakit niya. Buntis pa naman siya at sa kalagayan niya ngayon ay wala namang ibang makakatulong sa kanya.Paulit-ulit ko ng pinapapunta ang private investigator ko sa bahay nila Bhelle para manmananan kung nandoon ito o kaya ay magawi ito doon pero maski anino ni Bhelle ay hindi nagagawi doon. Ang sabi naman ni Tito Cloudy ay nagpahatid si Bhelle kay Typhus. Kinausap ko na si Typhus tungkol kay Bhelle pero ang sabi nito ay kinumusta lang ni Bhelle si Isabella at umalis din kaagad.Para na akong mababaliw sa kakahanap dito. Sobrang nag-aalala ako sa kalagayan nito ngayon lalo na't buntis ito. Si Zayn naman ay wala ding kaalam-alam. Maging ito kasi ay pinapabantayan ko. Pero sa
Baca selengkapnya
Chapter 40 Chance
BHELLE:NANGINGITI ako habang hinahaplos si baby habang nakatambay dito sa may balkonahe ng bahay. Kakagising ko pa lang at nagbibilad sa papasikat na araw. Habang lumilipas ang mga araw ay palaki naman ng palaki ang umbok ng tyan ko. Mas lumalakas na rin ang pagsipa nito mula sa loob.Regular pa rin naman akong dinadalalaw ng OB gyn doctor namin ni Isabella kahit wala dito si Typhus. Natatawagan ko rin ito sa tuwing kailangan ko ang tulong nito. Kahit nga ang mga katulong ni Typhus dito ay napakagalang pa rin nilang inaasikaso ako ng maayos kahit wala na dito ang mga amo nila. "Ma'am Bhelle?" Napalingon ako sa may pinto na tinawag ako ni Manang Louisa. Ngumiti akong tumayo na mabungaran ko nga ito."Bakit po, Manang?" nakangiting tanong ko."Uhm, may bisita po kayo sa baba, Ma'am." Nanunudyong saad nito na impit pang napapairit.Natawa naman ako sa reaction nito na lumapit na rin dito habang hinihimas si baby. Ang kati niya kasi sa tyan at gustong-gusto ni baby na kinakamot ko ito
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234568
DMCA.com Protection Status