All Chapters of My Mute Billionaire Husband: Chapter 21 - Chapter 30
53 Chapters
Kabanata 20
TUMALIKOD ako. Hindi kaya ng utak ko na isipin ang mga susunod na mangyayari kapag hindi ko pa nakita ng nakadilat si Allen.Natatakot ako."Thara—" pinutol ko kaagad ang balak sanang sabihin ni Luis. Nasa likuran ko siya."P-Please, puntahan natin s-siya…" bulong ko, sinisigurado na maririnig niya iyon.Imposible mang pumayag ang kaibigan ko sa gusto ko, kailangan ko pa rin subukan. Wala na akong magagawa kapag hindi ako nagmakaawa. Masyado ng mabilis ang oras. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Allen.Siguro, iniiwasan ko lang iyong salitang may nangyari na nga talagang masama sa lalaking iyon, pero kasi, ayoko ring isipin ng matagal ang mga nangyayari na ngayon kay Allen.Baka may mas bibigat pa na balitang sasabihin sa akin si Damaris tungkol sa kalagayan niya. Ayokong mabasa o marinig iyon mismo kay Damaris. Gusto kong ako mismo ang makakita. At pinapanalangin ko, na sana, hindi pa huli ang lahat.Gusto kong makita ngayon si Allen ng harapan. Iyong walang galos o
Read more
Kabanata 21
DALI-DALI akong sumakay sa sasakyan ni Stephen nang makita kong siya pala ang may ari ng sasakyan na biglang prumeno sa gilid namin ni Luis.Napayuko ako. Pikit mata kong nakagat ang pang ibabang labi ko dahil sa takot na nararamdaman ko.Ramdam ko pa rin ang galit sa mga mata ni Stephen simula nong makapasok ako sa kotse niya. Umiwas lang ako ng tingin ng magtanong na siya ng ilang beses kung ano na ang nangyari kay Luis. Alam kong nakita niya iyong ginawa sa akin ng kaibigan niya."Why the fck, Thara? Bakit niya 'yon ginawa? Heck!" isang malakas na dabog sa manubela ang ginawa niya. Nakayuko pa rin ako habang pilit na huwag idilat ang mga mata.Hindi ko lubos maisip na magagawa ng isang Luis Holmes na dati kong taga pagtanggol ang mga bagay na iyon sa akin. Hindi ko na siya kilala."G-Gusto ko siyang makita…" bulong ko sa sarili ko. Isang tao lang ang makakapagpawala ng takot na nararamdaman ko ngayon sa sarili ko.Allen.TUMAYO KAAGAD ako. Nakita kong tipid na ngumiti sa akin ang
Read more
Kabanata 22
"PASOK na tayo?" agad akong napaharap sa biglang bumulong na kung sino sa may tainga ko. Nang makaharap sa taong gumawa noon, kaagad na rumihistro sa mukha ko ang pinagsama samang emosyon na kanina ko pa pilit na pinipigilan.Nakaalis na si Trisha at iyong kambal pala ng Lolo nila Allen. Nagtataka man kung bakit ganoon nalang ang reaksyon kanina ng dalawa, si Trisha at itong nurse, mas nangingibabaw pa rin sa akin ang pagsisisi sa sarili kung bakit sumama pa ako kay Luis habang hindi man lang napansin na sumusunod na pala sa amin noon si Allen.Tipid akong umiling sa nurse na pilit pa din na hinahawakan ang pulso ko. Gusto na niya akong pumasok sa loob ng kuwarto kung nasaan nagpapahinga sa pagkakaaksidente si Allen. Ngunit, nagmatigas ako. Iling at atras lang sa kanya ang pinapakita ko para tumigil na siya sa pamimilit sa akin.Natatakot akong may makaalam sa mga nararamdaman ko."Hali ka na." Umiling ako sa pamimilit uli ng nurse."M-Mauna ka na. Mamaya nalang ako.." mahinang salays
Read more
Kabanata 23
ILANG SEGUNDO pa akong nagdalawang isip sa gustong kong gawin, ngunit, sa huli mas ginawa ko ang mas gusto kong mangyari sa sarili ko. Mabilis akong naglakad papunta sa kung saan nakapwesto at pilit na umaalis sa kama si Allen.Iyong lakad ko, naging takbo na dahil sa kaba na kanina pa bumabalot sa sistema ko. Kitang kita ko sa mukha niya ang hirap ng pagkakapwesto niya sa kama.Mabilis lang akong nakapunta kaagad sa harapan niya. Mabuti naman."D-Dahan dahan…" bulong ko at saka sinuportahan ang balikat niya. Naramdaman kong kaagad siya na napatingin sa akin. Hindi ko siya binalingan.Kinakabahan pa rin ako."A-Allen…" napaharap ako sa kanya nang maramdaman ko ang kamay niya na bigla nalang umiwas sa pagsuporta ko at saka nalang inilapat iyon sa gilid ng bewang ko. Naramdaman kong inilapit niya ako sa katawan niya.Dahil sa ginawa niyang iyon, diretso agad iyong paningin ko sa mga mata niya at saka ko nalang namalayan na dahan dahan na palang napunta iyong paingin ko sa mapula pula ni
Read more
Kabanata 24
NAGISING AKO ng ilang oras siguro sa kandungan lang ni Allen nakaupo matapos makaramdam ng antok. Nang, wala na kaming narinig pa na ingay galing kay Trisha, naramdaman ko nalang agad iyong nga mata ko na gusto ng pumikit.Hindi na ako nagreklamo pa ng itinigil na kaagad ni Allen iyong paghalik sa leeg at dibdib ko nang wala ng ingay ni Trisha sa labas. May kaunting panghihinayang man na naramdaman, ngunit pilit ko pa rin iyon na iwinawala sa isipan.Ngayon na nasa tabi ko si Allen, iisipin ko nalang na totoo itong ipinapakita niya sa akin. Ayoko mang maging tanga sa pinapakita niyang galaw kapag nar'yan si Trisha, ngunit, hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko pang alamin iyong totoong pakay niya sa akin at sa kasal na 'yon. Kaso, natatakot ako. Natatakot ako sa mararamdaman ko.Kita ng dalawang mata ko ang ngiti sa labi ni Allen kahit na nakapikit pa din iyong mga mata niya. Nakakandong ako sa kanya, posible namang masaya siya dahil nasa harapan niya ako, di ba?Masaya naman siguro siyang
Read more
Kabanata 25
"TAPOS KA na ba?" rinig kong tanong ni Damaris sa labas nitong banyo na pinagbibihisan ko. Tumango ako ng wala sa sarili.Ngayon lang ulit ako makakabisita. Marami akong mak-kwento sa kanya.Tipid akong napangiti nang maalala na naman iyong ngiti niya. Bata pa ako nong huli kong nasilayan iyon. Kinabukasan non, nalaman ko nalang na hindi ko na siya makikita pa. Hindi ko na masisilayan muli iyong ngiti niyang napakaganda. Siya iyong una kong naging sandalan. Siya iyong, unang una kong pinagkatiwalaan."Ano? Tapos na?" napabuga ako ng hangin at saka napayuko ng kaunti nang marinig na naman ang boses ni Damaris sa labas ng banyo. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nasa harapan ko lang bago pilit na napangiti.Miss na miss ko na siya.Lumabas ako ng banyo nang ilang ulit na kumukurap. Pilit kong pinipigilan ang paglabas ng mga luha ko sa mata."Woo, ganda! Parang ako." Nginitian ko lang ng tipid si Damaris matapos niya akong makitang suot itong binigay niyang dress sa akin.
Read more
Kabanata 26
"WHERE ARE YOU?" napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko sa phone ko ang malakas na boses ni Daddy."Papunta na ho ako d'yan. Huwag na kayong sumigaw pa," sinabi ko at saka napabuga ng hangin.Papunta na akong Fe resort. Naglalakad lang ako kasi bawal na raw ang taxi na pumasok sa malaking gate papuntang mga resort."Marami na bang tao d'yan, Die?" tanong ko nang maramdaman ang pagkatahimik niya.Isang linggo na pala ang nakakalipas. Ngunit, ni isang beses, hindi ko pa rin binalak na tingnan man lang ang lagay niya sa hospital na 'yon. Hindi na ako bumalik pa. Nagpaalam ako kay Faxon at nagpasalamat sa paghatid niya sa akin sa mga magulang ko. Alam kong sasabihin ni Faxon ang lagay ko kay Allen kaya hindi na ako nabahala pa sa mga mangyayari."Bilisan mo." Natigilan ako at saka inalis sa tainga ko ang phone ko. Tiningnan ko iyon at nalamang pinatay na pala ni Daddy ang tawag.Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko."Hey.." napahinto ako sa paglalakad. May bigla nalang kasing pu
Read more
Kabanata 27
NAIWAS KO agad iyong paningin ko sa lalaking katabi ko lang nang maramdaman ko ang ginagawa niya. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko na naman ang kamay niya na ngayon ay nasa gilid ng bewang ko humahaplos.Kanina niya pa 'to walang sawang ginagawa. Gusto ko na sana siyang patigilan dahil sa mga taong napapatingin na sa pagkakadikit ng katawan namin, ngunit, parang ayaw sumunod ng katawan ko sa gusto ng isip ko na mangyari, e."A-Allen?" tawag ko sa lalaking nasa harapan pa rin ng gate ang paningin. Madaming tao na nakaharap sa gate nitong Fe, at mukhang naghihintay rin sila kagaya namin na mabuksan ito."A-Allen, hoy.." isang mabilis na sulyap lang ang ginawa niya sa akin at saka binalik na naman ang paningin sa harapan ng gate."A-Allen.." nag uumpisa na akong makaramdam ng inis sa sarili ko.Bakit ba kasi ako sumunod sa gusto ni Luis? Naku naman.Tinigil ko na lamang ang panghihingi ng atensyon sa katabi ko. Gusto ko sana siyang kausapin, ngunit mukhang siya na m
Read more
Kabanata 28
AKALA KO lang pala talaga. Inis kong binalingan ang babae na kanina pa kwento ng kwento sa harap pero iyong paa niya ay kanina pa dinudumog iyong mga paa ko.Akala ko pa naman mabait 'tong gagang 'to.Hindi niya siguro naramdaman iyong pagtitig ko sa kanya kaya patuloy pa rin siya sa pagk-kwento sa mga tao sa lamesa kung paano naging puti iyong lipstick niyang kulay red."So, how are you, Al? Kumusta ang negosyo mo? Maayos ba ang takbo?" mabilis na sulyap lang ang ginawa ko sa matandang babae na malapit lang sa inuupuan ni Allen. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtango ni Allen ng isang beses sa tanong ng matanda. Sa pagkain lang ang atensyon niya na para bang hindi importante iyong tanong o iyong matanda.Napatikhim ako nang tumahimik ang kapaligiran.Napalinga linga ako para tingnan ang mga mukha ng tao na narito sa kainan."G-Good. Sana naman…maayos na sa 'yo iyong—" natigil sa pagsasalita ang matanda."Let's not talk about business. Maiba naman tayo. Sa ibang tao naman tayo
Read more
Kabanata 29
IPINASOK ako ni Allen sa sasakyan niya matapos kaming makalabas sa resort. Marami kaming tao kaninang nadadaanan na panay ang tingin sa amin ngunit dahil sa mabigat pa rin iyong nararamdaman ko sa mga narinig kanina sa kainan, hindi ko na pinansin pa iyong mga mata nilang naguguluhan habang nakamasid sa aming dalawa ni Allen.Nang tuluyan ng makapasok sa sasakyan ni Allen, napayuko ako ilang beses na napalunok. Kanina pa ako pinagpapawisan. Hindi ako mapakali.Nilingon ko si Allen. "A-Allen.." mahinang tawag ko sa kanya. Sumisinghap pa rin ako na para bang nangangailangan pa ng hangin para makapagsalita ng maayos.Agad akong nakaramdam ng saya at kaba dahil sa mabilis na pagbaling ni Allen sa akin matapos ko siyang tawagin. Nakita kong napatingin siya sa mga mata ko pababa sa ilong at labi ko. Hindi ko mapigilang hindi makagat iyong pang ibaba kong labi dahil sa mga mata niyang titig na titig pa rin sa labi ko."I-Ilang araw na kaming sa hotel lang nags-stay. Baka hindi mo alam kaya…u
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status