Semua Bab BEAUTIFUL ASSASSIN: Bab 41 - Bab 50
84 Bab
Chapter 41
Shanra"Sa wakas may bagong batch na naman tayo ng mga organ na idi-deliver sa ating mga customer," narinig ko ang masayang boses na sabi ni Mr. Soriano sa tatlong doktor na matagumpay na nakuha ang mga mahahalagang organs sa loob ng katawan nang tatlong biktima nila. At ako ang magiging pang-apat nilang biktima sa araw na ito. Hindi ko matanggap na sa ganitong klaseng paraan lamang ako mamamatay. Ngunit paano ko naman sila mapipigilan? "It's your turn, Shanra," kausap niya sa akin nang lumapit siya sa aking tabi."Hayop ka, Soriano! Kahit patay na ako ay paghihigantihan pa rin kita," nagtatagis ang mga ngipin na sabi ko sa kanya. Ngunit tinawanan lamang niya ako."I don't believe in vengeful ghost, Shanra. Dahil kung totoo iyan ay marami na sana ang nakapaghiganti sa akin na mga taong namatay dito sa loob ng aking laboratory. But until now, wala namang naghihiganti sa akin," sagot nito na nagkibit lamang ng mga balikat.'Sir, ready na kami to operate this one," sabi ng babaeng doktor
Baca selengkapnya
Chapter 42
ShanraNagising ako sa loob ng ospital at binabantayan ni Craig. I didn't die. Hindi nagtagumpay si Soriano na mapatahimik ako. Kaya magtago na sila dahil maniningil ako sa oras na makalabas ako rito sa ospital."Shanra! Thanks God you're already awake," natutuwang reaksiyon ni Craig nang makita niyang gising na ako. Agad niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit."S-Sandali lang, C-Craig. Hindi ako makahinga," reklamo ko habang itinutulak ko siya palayo sa akin. Agad naman niya akong binitawan nang mapansin niya na halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. "I'm sorry. Masayang-masaya lamang ako na nagising ka na. Alam mo ba kung hindi kita agad nadala rito sa ospital ay tiyak na hindi ka na magigising?"Tumango ako sa sinabi niya. "Yes. I know. Tinurukan ako ng doktor bago sana ako operahan. Tinurukan niya ako ng pampa-high na gamot at may halong lason. Kaya malaki ang utang-na-loob ko sa'yo, Craig. Thank you for saving my life," sinserong pasasala
Baca selengkapnya
Chapter 43
ShanraHalos hindi umalis si Craig sa tabi ko habang nasa ospital ako at nagpapagaling. Tatlong araw lang naman ang inilagi ko sa ospital pagkatapos pinauwi na agad ako ng doktor nang makitang wala namang problema na sa akin. Hindi pumayag si Craig na hindi niya ako maihatid hanggang sa bahay ko. Ang sabi niya ay ihahatid lamang niya ako sa bahay ko ngunit hindi naman siya umalis pagkahatid sa akin. Hanggang sa gumabi na at matutulog na ako ay talagang wala siyang balak na umalis sa bahay ko."Bakit hindi ka pa umaalis? Akala ko ba ay ihahatid mo lang ako hanggang dito sa bahay ko?" nanunuksong tanong ko kay Craig nang sumunod siya sa akin papasok sa aking kuwarto."Nag-aalala ako sa'yo kaya nagdesisyon ako na manatili na muna rito sa bahay mo," mabilis na sagot ni Craig. Kahit naman kaya ko na ang sarili ko ay tinulungan pa rin niya ako na makahiga sa aking kama. "Bakit? Ayaw mo ba na nandito ako sa bahay mo?" tila nagtatampo ang boses na sabi niya sa akin."Of course not. Siyempre,
Baca selengkapnya
Chapter 44
ShanraNakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nakumbinsi ko si Craig na kaya ko nang kumilos na mag-isa sa bahay ko kaya hindi na niya ako kailangan pang samahan sa bahay ko. May trabaho rin siya na dapat niyang asikasuhin ngunit hindi niya maharap dahil sa akin. Kailangan din niyang hanapin at hulihin si Silent Assassin dahil pinag-iinitan umano ito ng superior nito dahil hindi nito mahuli-huli si Silent Assassin, which is me. Naaawa man ako kay Craig ngunit wala akong magawa para tulungan siya. Alangan namang isuko ko ang aking sarili sa kanya para lamang matuwa sa kanya ang kanyang superior. Kapag patuloy siyang i-pressure ng kanyang superior ay talagang ia-assassinate ko rin ng libre ang taong nangpi-pressure sa kanya.Pagkaalis ni Craig sa bahay ko ay agad akong naligo at nagbihis. Balak kong magpunta sa BAS headquarter para makibalita. Ilang araw na kasi akong walang natatanggap na balita dahil ang cellphone ko ay naiwan sa loob ng aking kotse na naka-park sa gilid ng gate sa
Baca selengkapnya
Chapter 45
ShanraMaaga pa ang gabi ngunit napakatahimik na ng paligid na para bang walang tao nang mga sandaling ito. Ngunit alam kong nasa loob ang doktor dahil nakita ko siyang umuwi kanina at kasama nitong umuwi ang anak nitong binata. Ang bahay na ito ay bahay ni Doktor Kevin Guzman, isa sa tatlong doktor na muntikan nang kumatay sa akin ng buhay. Siya ang doktor na nag-inject sa akin ng gamot para maging high ang aking pakiramdam at muntikan na akong mamatay. Kaya ngayong gabi ay oras na para siya naman ang turukan ko ng gamot. Mabilis lamang akong nakapasok sa kanyang bakuran dahil hindi naman mataas ang gate ng bahay nila. Nang pinihit ko ang door knob ay natuklasan kong naka-lock ang pintuan. Mabilis kong naalis ang pagkaka-lock ng door knob ngunit hindi ko pa rin mabuksan ang pintuan. I think, naka-double lock sa loob ang pintuan kaya hindi ko mabuksan. Hindi ko na pinilit pang mabuksan ang pintuan dahil kahit anong pilit ang gawin ko ay hindi ko ito mabubuksan pagkat nasa loob ang
Baca selengkapnya
Chapter 46
ShanraGaya ng nakagawian ko ay maaga akong nagising hindi lamang para mag-jogging kundi para bumili ng diyaryo. Mabilis talagang makasagap ng impormasyon ang mga reporter dahil umagang-umaga ay headlines kaagad ng iba't ibang diyaryo ang ginawang pag-assassinate ni Silent Assassin sa isa umanong huwarang doktor. Huwarang doktor? Napaismid ako sa nabasa kong pagkakakilala ng mga tao sa doktor na pinatay ko kagabi. Huwarang doktor pala ang pagkakakilala nila sa taong iyon. Walang kaalam-alam ang mga tao na isa palang tao na halang ang kaluluwa ang tinatawag nilang huwarang doktor.Dahil sa pagpatay ko kay Dr. Kevin Guzman ay nagkaroon ng iba't ibang opinyon ang mga tao. Sabi ng iba ay walang puso si Silent Assassin at kahit inosenteng tao ay pinapatay na niya ngayon. May nagsabi naman na dapat ng makialam ang mga taga-human rights para mahuli si Silent Assassin at nang matigil ang ginagawa nitong pagpatay. May ibang netizens naman na nagtatanggol kay Silent Assassin. Sabi ng ilan ay b
Baca selengkapnya
Chapter 47
Shanra"Ano ba ang pinaggagagawa mo, Shanra? Bakit nakita ko sa balita na may pinatay ka na hindi naman kasama sa mission mo?" galit na salubong sa akin ni Ninong Eddie pagkapasok ko sa loob ng opisina niya. Tinawagan niya kasi ako dahil magkakaroon daw kami ng emergency meeting. Hindi lang siya ang nasa loob ng kanyang opisina kundi pati na rin sina Denver, Henry, Tom at iba pang miyembro ng BAS. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung para saan ang meeting at tila nag-aalala si Ninong."Naningil lamang ako ng may utang sa akin, Ninong," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya. Naupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Tom at hindi ko pinansin ang galit sa mukha ni Ninong."Naniningil ka ng taong may utang sa'yo samantalang ang isa mong kasamahan ay nasa loob ngayon ng kulungan!" galit na sigaw niya sa akin. "Bakit ninong? Kasalanan ko ba kung bakit nahuli ang isang miyembro ng BAS? Ano ang connect ko sa kanya?" may inis na sa tono ng aking boses nang sagutin ko siya. Ano naman ang kin
Baca selengkapnya
Chapter 48
ShanraLihim kong hinihiling na sana ay wala na sa loob ng presinto si Craig kung saan nakakulong si Juni. Ipinag-utos sa amin ni Ninong na patayin ang lahat ng mga pulis na nasa loob ng presinto na madaratnan namin. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan habang hinihintay ang oras ng aming pagsalakay. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kaba sa mangyayaring laban sa pagitan ng BAS assassins at mga pulis. Ayokong magkaharap kami ni Craig at ayokong mapahamak siya ng dahil sa akin."Relax, Shanra. Hindi ba tinawagan mo na si Craig para mailayo siya sa presinto? Kaya natitiyak ko na wala na siya ngayon sa loob ng presinto na iyan," kausap sa akin ni Tom habang nakatingin sa police station na balak naming salakayin. Ang iba naming mga kasamahan ay nakapuwesto na rin. May nagpapanggap na basurero na namumulot ng basura sa basurahan, may nagpapanggap na bagong tindero ng sigarilyo na malapit sa police station, mayroon din nagbebenta ng balot at kung ano-ano pang disguises para lamang makal
Baca selengkapnya
Chapter 49
ShanraHindi ako nakagalaw nang marinig ko ang mapanganib at matigas na boses ni Craig sa aking tagiliran. Kapag gumalaw ako ay natitiyak ko na babarilin niya ako. Kaya kong maiwasan ang kanyang baril ngunit kailangan ko siyang saktan. Naisip kong turukan na lamang siya ng aking karayom na may pampatulog. Mas maganda ang ganoon kaysa ang makipagsabayan siya sa aking mga kasamahan. Hindi ko sinasabi na matatalo si Craig ngunit mas mabuti na iyong naninigurado. Nag-iisa lamang siya na may kakayahang lumaban sa amin samantalang marami kaming mga assassin at sanay pang pumatay ng tao ang mga kasamahan ko."Itaas mo ang mga kamay mo," matigas ang boses na utos sa akin ni Craig. Dahan-dahan kong itinaas ang aking mga kamay. Kailangang makahanap ako ng timing para maturukan ko siya ng aking karayom."Silent Assassin!" malakas ang boses na sigaw ni Tom hindi kalayuan kay Craig. Nang lumingon siya ay sinamantala ko ang pagkakataon. Maliksing nahawakan ko ang baril niya kasabay ng pagsuntok ko
Baca selengkapnya
Chapter 50
ShanraKatatapos ko pa lamang gamutin ang aking sugat nang marinig ko pagtunog ng doorbell mula sa labas ng gate. Nagmamadaling iniligpit ko ang mga ginamit ko at itinapon sa basurahan ang duguang mga bulak. Inayos ko muna ang aking sarili bago ako naglakad palabas sa pintuan para pagbuksan ang taong nasa labas ng gate na walang iba kundi si Craig. Siya lang naman ang pumupunta sa bahay ko kaya natitiyak ko na siya ang nasa labas ng gate at siyang nag-doorbell kahit na hindi ko pa man siya nakikita. Napangiti ako nang makitang tama ang akung hinala. Nagmamadaling lumabas ako sa pintuan para pagbuksan siya ngunit hinayaan ko lamang na nakabukas ang pintuan ng bahay ko para hindi ko na kailangan pa ng aking hininga para mabuksan ang pintuan.Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate ay agad akong sinalubong ni Craig ng mahigpit na yakap. Nahuhulaan ko kung ano ang dahilan kung bakit ganito ang kanyang ikinikilos. Tiyak na nalulungkot siya dahil marami sa mga kasamahan niyang pulis ang namatay
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status