All Chapters of The Billionaire's Fake Wife (Billionaires Book Series): Chapter 1 - Chapter 5
5 Chapters
Chapter 1
Chapter 1Winter Lyn POVNaiirita kong hinubad ang suot na apron pagpasok sa locker room. Bwesit talaga! Gigil kong pagmumura sa isipan. Padabog ko rin binuksan ang locker ko para kunin ang mga gamit. Hanggang ngayon ay pumapanting pa rin sa tainga ko ang galit na boses ng boss ko. "You're fired!" paulit-ulit na panunumbalik sa isipan ko ang binitiwan nitong salita.Kung alam ko lang na matatanggal pa rin pala ako sa trabaho'y binanatan ko na lang pala ang manyak na 'yon! Walang tigil pa rin ang isipan ko sa pagmamaktol hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napalingon ako. Pumasok si Liz, na katulad ko ay waitress din.Malungkot ang mukha niya at halata ang simpatya sa akin. Muli ko na lang ibinaling ang atensyon sa inaayos kong mga gamit."Winy," sambit niya sa palayaw ko sa malungkot na boses, saka nilapitan ako."Masama bang ipagtanggol ang sarili?" saad ko sa basag na boses. Pinipigilan ko lang talaga na hindi maiyak pero ang totoo ay gusto kong umiyak nang umiya
Read more
Chapter 2
James Ethan Cromwell POV"For the past three years we succeeded in launching the C.C AI processor. And the revenue almost reaches beyond our imagination." I paused when I received a round of applause from the Board of Directors and employees from Cromwell's Corporation. "And I'm still counting for more," pagtatapos niya, saka itinaas ang hawak na champagne glass. "Cheers for our success and enjoy the party!" "Cheers!" masiglang usal ng lahat.Bumaba na ako sa stage at dumeretso sa main exit ng venue. Binati ko na naman ang lahat bago ako nag-speech sa stage. Kailangan ko na talagang bumalik sa VIP suite ng hotel na ito dahil may kailangan pa akong i-review na files para sa conference meeting bukas.Nagkaroon lang ng event ang kompanya ngayong araw na ito bilang selebrasyon sa produktong matagumpay na nailunsad ng kompanya, at hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito sa market place.I owned this hotel that's why my VIP suite is in the highest floor. I immediately threw my suit jac
Read more
Chapter 3
Winter POV"Po?!" Gusto ko na lang na bumukas ang lupa at lamunin ako.Kaloka! Paano nito nalaman na fake lahat ng mga school credentials ko? Bwesit na gumawa 'yon! Ang mahal pa naman ng bayad ko at tiwala ako sa sinabi nito na hindi talaga ako mabibisto dahil marami ng nagpapagawa sa kaniya. Na scam yata ako. Na tampal ko ang noo dahil sa hiya.Harap-harapan pang sinabi sa akin na fake ang mga documents ko. Mas lalo tuloy akong nahiya at natakot. Mukha pa namang kakatay ng tao si Mr. Cromwell na titig na titig sa akin ngayon. Napakagat-labi na lang ako. Nagulat nga ako dahil hindi ko inakala na ito ang mag-i-interview sa kanila ngayon. Gwapo nga talaga ito sa personal kaysa sa internet, kaya lang ay nakakatakot at parang hindi marunong ngumiti. Ibinagsak nito ang folder sa harapan ko kaya bahagya akong napatalon sa kinauupuan. "Why?" Why na naman? Wala na ba itong matinong itatanong sa akin?Napalunok na lang ako. "Sir, I really need the job. Kahit ano po ang trabaho handa ko
Read more
Chapter 4
Winter Lyn POV"Best, congrats!" pigil ang sayang bati sa akin ni Tonet nang makasalubong ko sa lobby.Pilit naman akong ngumiti sa kaniya. Kaagad naman niyang ikinawit ang mga kamay sa braso ko. "Bakit parang nagba-blush ka?" puna niya. I cleared my throat. Pakiramdam ko biglang nag-dry ang lalamunan ko sa pagiging observant nito. Hindi ako nakaimik. Parang teenager na hinaplos ko ang kabilang pisngi."Asos!" palatak niya sabay kurot sa tagiliran ko."Aray naman!" Inirapan ko siya, saka kumawala sa pagkakahawak nito.Nanunukso ang ngiti niya at muling ikinawit ang dalawang kamay sa braso ko. "Alam ko na, best... Alam kong pogi si Sir George at bata pa," tila kinikilig na usal nito. "Marami kayang nagkakagusto sa kaniya."Napailing na lang ako, pero nakahinga na rin ng maluwang dahil sa maling akala nito. "Para naman 'yong bakla," bulong ko ngunit narinig niya pa rin. Pabalang niya akong itinulak. "Oy, hindi, ah!"Pinigilan kong hindi matawa. Ako naman ngayon ang nakayapos sa bra
Read more
Chapter 5
Winter Lyn Hera POVWala akong dalang gamit dahil iyon naman ang napagkasunduan sa kontrata nang i-review ito ni George sa akin, dahilan niya ay provided na raw lahat ng mga gamit ko. Mapakla akong natawa at napailing na rin. Ang mayayaman nga naman, kung magsayang ng pera mapagbigyan lang ang gusto ay wagas. Sinuri ko ang malawak na sala. May tatlong picture frame na nakalagay sa vanity na katabi ng TV. Humakbang ako palapit doon at namamanghang napatitig sa picture. Ang galing mag-photoshop ng photographer dahil nagawa nitong itabi sa akin si Mr. Cromwell. Nang kinuhanan ako ng litrato ay ako lang naman mag-isa.I scoffed.Iba nga naman ang nagagawa ng technology ngayon. Napailing na lang ako.Umakyat na ako sa taas para puntahan ang magiging silid namin ni Mr. Cromwell. Nakasaad sa files na binigay sa akin ni George na iisang silid lang kami ni Mr. Cromwell. Binuksan ko ang master's bedroom at ganoon na lang ang pagkamangha ko sa sobrang ganda at lawak ng silid. Times three an
Read more
DMCA.com Protection Status