Lahat ng Kabanata ng The Silent Billionaire : Kabanata 31 - Kabanata 40
71 Kabanata
Chapter 30
Isang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Lucas sa canada. Naging maayos naman ang takbo ng pamumuhay ni Leah kasama ang anak na si Lyca sa canada, masayang nagtatrabaho ang dalaga sa hospital na pinapasukan nito at si Laica ay maayos na inaalagaan ng yaya nito at ang bodyguards sa condo ni Lucas. Ngunit si Leah na minsan ay nakakaramdam ng pagkahilo ay binabaliwala lang nito, ngunit ang ipinagtataka niya ay lumagpas na ng kalendaryo ang schedule ng buwanang dalaw niya ay hindi parin siya dinadatnan, kaya nung araw na iyon ay bumili siya ng pregnancy test para makompirma sa sarili kung nagdadalang tao ba siya o hindi, limang pregnancy test ang kanyang binili bago siya umuwi ng condo. Dahil kinabukasan ay day off naman niya sa kanyang trabaho ay pinag pabukas na lang niya ang paggamit ng pregnancy test na kadalasan ay sa umaga ginagawa, ngunit pu pwede naman kahit anong oras. "Nak' inaantok kana ba?" Tanong ko sa aking anak habang nasa kama kami. Ako ay abala sa pa
Magbasa pa
Chapter 31
"Mommy, kailan po babalik si daddy?" Ilang beses na nagtatanong kay Leah ang anak nito. Nananatiling tikom ng kanyang bibig dahil wala siyang makuhang sagot para sa anak. Dahil mismong siya ay hindi alam kong ano ang isasagot sa bata na nangungulila na sa ama nito. "Anak, gusto mo bang pumasyal?" Iyon na lamang ang tanging nabanggit niya sa kanyang anak."Ayoko po mommy, gusto ko po kasi kasama si daddy. Daddy told me that i need to stay here until daddy came back." Hindi siya makapaniwala na ganun ang isasagot sa kanya ng bata. Batid na niya sa sarili na masunurin ang bata pero ang hintayin ang ama nito na matagal ng hindi nakabalik sa piling ng bata ay parang pina paasa nito ang bata. Tahimik na lamang siya na pinag handa ng makakain ang bata habang nanunuod ito ng cartoon movie at nakaupo sa couch.Matapos niyang maibigay ang meryenda ng bata ay nagpaalam muna siya sa bata na lalabas muna siya para mang grocery, inaya pa nga niya ulit ang bata ngunit ayaw nitong sumama, kaya na
Magbasa pa
Chapter 32
"Bernadette, pasensya ka na sa amin ng anak ko ha?" Saad niya sa kasamahan niya sa trabaho ng makarating na sila sa bahay ng dalaga. Si Bernadette ay nakilala lang niya sa mismong trabaho nila bilang nurse, mabait na katrabaho at naging kaibigan niya, paminsan ay mahilig lang ito mang asar sa kanya o kaya makisali sa mga chismosa na mga kasamahan niya ngunit pagdating sa mga seryosong problema ay bukas palad itong tumutulong sa mga nangangailangan. Dahil aniya ng dalaga, malayo sila sa pilipinas at sino-sino pa ba ang magtutulungan kundi sila sila din na mga pilipino."Ano kaba Leah, ok lang yun noh. Halika baby pasok ka sa munting tahanan ni tita dedit." Sambit nito saka inaalalayan ang bata na makapasok sa inuupahan na maliit lang na bahay na sakto ng pang tatlong tao. Noon ay may kasama siya dito na pinsan niya ngunit umiwi na ito ng pilipinas kaya siya na lang ang natira."Bakit ka kasi naglayas kay mr.pogi?" Tanong pa nito na ikinatahimik niya. Wala siyang maisasagot sa kaibig
Magbasa pa
Chapter 33
Nagdesisyon si Lucas na puntahan ang hospital kung saan nagtatrabaho si Leah. "Pumapasok pa ba si Leah?" Blangko ang mukha na nagtanong siya sa mataba na nurse na nakita niya noon na kinakausap ng dalaga."Naka maternity leave po siya sir." Sagot naman sa kanya ng nurse."Bigyan mo ako ng address nung babaeng nurse na kausap niya rin nung nakaraang nagpunta ako rito." Aniya."Nako sir bawal po kasi baka po malagot ako." "Ako bahala sayo, just give the address. Madali.!" Marahas niyang utos sa nurse. Patagong kumuha ng papel ang matabang nurse at may kung anong sinulat roon saka ibinigay ito sa kanya na hindi nakikita ng sino man na nasa paligid. Nang basahin niya ang laman ng kaperasong papel ay madali itong lumabas ng ospital matapos mag pasalamat sa nurse.Sakay ng kanyang kotse ay mabilis na pinaandar ito ng kanyang inuupahang driver sa canada. Hindi siya komportable na magmaneho ng sasakyan sa ibang bansa kompara sa pilipinas na ayaw niyang may magma maniho para sa kanya.Pagka
Magbasa pa
Chapter 34
Natapos ang araw na nagkasundo si Leah at Lucas sa usapan na bago manganak si Leah ay ibibigay nito kay Lucas si Laica. At sa oras na gumaling na si Leah matapos manganak ay maghihiraman sila sa bata ng tig isang linggo. HANGGANG sa dumating ang araw na manganganak na si Leah, si Bernadette ang umalalay sa dalaga. Kambal na lalaki ang ipinanganak ni Leah, alam niya na mahihirapan siyang alagaan ang dalawang supling ng iniluwal niya kaya kinausap niya ang kanyang ina para mapunta ito sa canada at matulungan siya sa pag aalaga sa kambal na si Aikeen at Flynn habang nagtatrabaho siya."Ang ko cute naman ng mga apo ko, nakakagigil." Gigil na sambit ng ina ni Leah ng araw na naka uwi na sila sa apartment ni Bernadette na siyang tumutulong sa dalaga."Anak, hindi mo naman sinabi sa akin na buntis ka pala. Edi sana hindi na kita pinayagan na umalis, yan tuloy nahihirapan ka." Saad ng kanyang ina."Okay lang naman po ako dito mama, kaya wala kang dapat na alalahanin." Aniya habang nagpapaded
Magbasa pa
Chapter 35
"What do you want to buy anak?" Tanong niya sa bata ng naglalakad na sila pa punta sa sasakyan."Bili mo si Mommy ng food Daddy, alam kung hungry na siya." Bigla siyang natahimik sa sinabi ng kanyang anak.Hindi na siya nagsalita hanggang sa nakasakay na sila sa sasakyan at nagpahatid muna sila sa driver sa supermarket para bumili ng mga grocery na babaunin ni Laica pag uwi sa bahay ni Leah. "Mommy.!" Sambit ni Laica ng makita ang ina nito na nakaupo sa sofa at binabantayan ang kambal na nasa sari sariling higaan. "Hi my princess, i miss you baby." Aniya bago nag yakapan ng mahigpit at hinalik halikan pa ni Leah ang anak dahil sa pagka-sabik nitong makasama."Oh iho, nandyan ka pala. Tamang tama at magha hapunan na, tapos narin ako mag luto." Saad ni Melissa ng makita si Lucas na nakatayo lang sa gilid habang pinagmamasdan ang dalawang supling na mahimbing matutulog. "Hindi ho ako magtatagal, hinatid ko lang po si Laica." Sagot niya sa ginang."Masamang tunggi sa grasya iho." Aning
Magbasa pa
Chapter 36
Awang awa si Lucas kay Monica, dahil sa natuklasan nila. Alam niya ng marami siyang naging kasalanan sa dalaga pero ibang usapan ang pekeng kasal nila, hindi niya alam kong paano nangyari iyon. Umuwi ng pilipinas si Lucas dahil may mga importante siyang meeting sa kompanya niya. "Pre," sambit ni Sammy ng pumasok ito sa loob ng opisina ni Lucas. Kakatapos lang ng meeting nila kanina at naghahanda si Lucas dahil may kikitain siyang client na gustong mag invest sa kompanya niya."Oh pre, sorry hindi na kita nakausap kanina." saad niya, na nilingon lang ang kaibigan dahil abala siya sa pag aayos ng mga dokumento at nilalagay sa bag kasama ng laptop."Aalis kana ba?" saad ni Sammy."May kailangan kaba?" tanong naman niya sa kaibigan."Pre, may sasabihin sana ako," aning sambit ni Sammy na parang natatakot sa kaibigan."Oh, sabihin mo na at malalate na ako. May meeting pa ako with mr. Baltazar," saad ni Lucas bago humarap sa kaibigan at ipina-mulsa ang dalawang palad."Pre, tungkol sa ka
Magbasa pa
Chapter 37
KASALUKUYAN ng nasa airport si Lucas at hinihintay ang oras ng kanyang flight patungong Canada. Kahit naka private plane ay panay ang tingin niya sa kanyang orasan sa kamay at panay ang silip sa salamin na dingding na natatanaw lang ang eroplano sa labas, maya maya lang ay lumapit na sa kanya ang isang lalaking nakaitim saka siya tumayo at naglakad habang bitbit ang attache case. Ilang minuto lang ang lumipas ay lumapit sa kanya ang stewardess at binigyan siya ng maiinom habang naka upo na siya sa loob ng eroplano, saka siya nagpasalamat na may ngiti sa labi. Inayos ang sarili at nagsuot ng setbuilt, maya maya lang ay nararamdaman niya ang paggalaw ng eroplano hudyat na umandar na ito. Habang nasa himpapawid ay nakaramdam siya ng antok, kaya nilagay niya sa kanyang leeg ang neck pillow at ipinilig ang ulo saka pumikit."Welcome back sir," saad sa kanya ng lalaking nakanitim na siyang driver niya dito sa Canada at kinuha mula sa kanya ang kanyang dala dalang maleta."Thank you," sa
Magbasa pa
Chapter 38
"Troy!" tawag ni Leah sa binata na abala sa pakikipaglaro sa kambal."Ohh," aniya na hindi nililingon ang binata."Kailangan kita rito, tawagin mo muna si Bernadette, siya muna bahala sa kambal!" sambit ni Leah na may pasigaw.Nasa isang resort sila at ginaganap ang isang taon na kaarawan ng kambal, isang malawak na swimming pool na pambata at pangmatanda ang nasa harapan nila habang abala si Leah sa pagiihaw ng lempo at hotdog para sa mga bata."Ano maitutulong ko?" aniya ng lumapit ito kay Leah na nakangiti."Paki naman nito, nakalimutan yata ni mama na lagyan ng mga stick." ibinigay ni Leah ang mga hotdog na nakalagay sa tray."Okay yan lang pala eh, akala ko naman kung ano na!" aniya na kinuha ang sinasabi at inilapag sa lamesa saka inumpisahan ng tuhugin ang hotdog gamit ang barbeque stick.Sa 'di kalayuan ay pasimpli lang na tinitigan-tignan ni Lucas ang dalawa na magkasamang nag iihaw ng pagkain, habang siya ay nagbabantay kay Laica na tuwang tuwa na naliligo sa swimming pool n
Magbasa pa
Chapter 39
"Leah, pwede ba tayong mag usap?" sambit ni Lucas ng makita niya na nag iisa si Leah na nakatayo sa dalampasigan at tahimik habang hinahampas ng maliit na alon ang kanyang paa.Isa itong resort na may swimming pool at sa di kalayuan ay dalampasigan at matatanaw ang malawak na dagat. "L-Lucas?" gulat niyang turan ng makita ang binata na nasa tabi na niya at blangko ang mukha na nakatitig sa kanya."Siya ba ang ama ng kambal mong anak?" tanong nito sa dalaga na ikina hagalpak ng tawa ni Leah."Si Troy? ama ng kambal? hahaha," tawa nito at napapahampas pa sa sarili niyang hita habang tumatawang malakas."May nakakatawa ba?" tanong naman ng binata dahil wala naman nakakatawa sa tanong niya."Ikaw, natatawa ako sayo!" aniya at hindi parin maawat sa kakatawa.Mayamaya ay biglang dumating si Troy at medyo nakainom na ito dahil nakipag inuman ito sa mga ka trabaho ni Leah na palaban sa inuman.Nag over night sila sa resort, naglalakad lakad lang si Leah sa dalampasigan, habang tulog na ang m
Magbasa pa
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status