Semua Bab The Billionaires' Secret : Bab 21 - Bab 30
311 Bab
Chapter 21-Bintang
PINAGMASADAN ni Jenny si Amber habang tahimik itong nakaupo sa de gulong na upuan at kinakausap ito ng impostora niyang pinsan. Naroon sila ngayon sa harden at pinaaarawan ang ginang. "Tita, pasensya na at hindi ako magtatagal ngayon dito. May lakad po kasi kami ni Yazed." Kausap ni Jennelyn sa ina ni Yazed.Lihim na napaismid si Jennifer habang nakikinig lang sa kaniyang impostorang pinsan. Feel na feel nito ang papel bilang siya sa pamilya ni Yazed. Ilang araw na rin na wala si Edwin at alam niyang nagpunta ito sa ibang bansa. Kakatuwa lang dahil maging ang kaniyang tiyahin ay hindi niya nakikita."Je... nny..""Yes po, Tita, nandito ako. May gusto ka po bang sasabihin sa akin?" Malambing na kausap ni Jennelyn sa ginang.Idinaan na lang ni Amber sa pagkunot ng noo ang gustong sabihin sa kaharap. Mabait ang babaeng nagpakilalang si Jenny pero hindi niya maramdaman dito ang katauhan ng tunay na si Jenny. Sobra siyang nag-aalala na baka mahulog ang loob ng anak dito at hindi nito maki
Baca selengkapnya
Chapter 22
BAKAS sa mukha ni Amber ang pagkaaliw habang pinagmamasdan ang dalagang nasa kaniyang harapan. Walang duda na ito nga ang totoong Jenny. Proud niyang pinagmasdan ito dahil isa na itong ganap na dalaga at palaban. Hindi basta binababa ang sarili at marunong ipagtangol ang sarili.Mabilis na bumalik sa pormal ang mukha ni Jenny nang mapansin na nakatitig sa kaniya ang ginang. "Alam mo, ang pangit ng anak mo. Ang tanga niya dahil ang dali niyang malinlang ng fake na babaeng iyon!"Sa halip na magalit sa panlalait sa kaniyang anak ay lalo lamang naaliw si Amber sa dalaga. Ito ang kilala niyang Jenny, hindi mapagkunwari upang itago ang tunay na saloobin. Lalo lamang humaba ang nguso ni Jenny at nainis dahil pinagtatawanan siya ng ginang. Pero nang maalala ang sitwasyon nila ay bigla siyang sumeryuso. "Bakit hindi ka nagagalit?""Jen.. ny.." Malungkot na pinagmasdan ni Jenny ang mukha ng ginang. Naaawa siya dito dahil madalas lang nitong masambit ay ang kaniyang pangalan. Na miss niya big
Baca selengkapnya
Chapter 23-Paboritong pagkain
"ANO ang ginagawa mo dito?" sita ni Yazed kay James nang makita ito sa kanilang bakuran. Maaga siyang umuwi nang ibinalita kanina ng katulong na napansin nitong nahirapan huminga ang ina."Call of duty," plat ang tono na sagot ni James sa karibal niya kay Kailani. Kararating niya lang din at hindi pa sila nagkikita ng dalaga "Wala dito si Daddy ka—""Siya ang nagpapunta sa akin dito para maging personal driver ng iyong ina sa tuwing lalabas sila." Maangas na sagot ni James sa lalaki.Gumalaw ang panga ni Yazed dahil sa pagpigil ng emosyong nadarama. Tanging ang lalaki lang na ito ang naglalakas loob na putulin ang kaniyang pagsasalita nang walang pakundangan.Binaliwala lang ni James ang mapanuring tinging ipinukol sa kaniya ni Yazed. Mga tinging walang tiwala sa kaniya at hindi nagustohan ang kaniyang presensya doon. Ipinamulsa niya ang kaliwang kamay at ang isa ay hawak ang sigarilyo. "If you don't mind?" Itinaas niya ang may sindi ng sigarilyo.Pinukol ng masamang tingin ni Yazed
Baca selengkapnya
Chapter 24-Paninita
SA LOOB ng kompanya ng mga Garcia ay abala sina Yazed at Dexter sa discussion ukol sa mga proyekto. Samantalang si Jennelyn ay bakas sa mukha nito ang pagkainip habang nakikinig sa dalawa.Napasulyap si Dexter sa dalaga na ngayon ay kausap na ni Yazed. Gusto niyang matawa dahil mukhang hindi sa papeles ito interesado. Napatikhim siya nang sumandal ang ulo nito sa balikat ng kaibigan at ipinakitang pagod na ito gayong kakaumpisa lang naman nila.Para namang natauhan si Yazed at napatingin kay Jenny na nanatiling nakasandal ang ulo sa kaniyang balikat. Hindi niya napansin na wala sa kaniyang tinuturo dito ang atensyon nito. Tumikhim na rin siya upang kunin ang atensyon ng dalaga.Pasimpleng inayos ni Jennelyn ang sarili at tumuwid ng upo bago ngumiti kay Yazed. Gusto niya sanang tarayan si Dexter dahil mukhang asungot sa pagitan nila ng binata."Kumusta ang Tita mo? Hindi ko yata siya nakikita nang ilang araw na?" tanong ni Dexter sa dalaga upang hindi ito makaramdam ng pagkailang sa ka
Baca selengkapnya
Chapter 25-Pang-aakit sa abogado
"BAKIT hindi ka pumapasok sa loob?" bati ni Dexter sa personal nurse ng ina ni Yazed."Makakaisturbo lang ako sa dalawa kaya hintayin ko na lang matapos sila." Matabang na sagot ni Jenny za binatang abogado.Mataman na pinagmasdan ni Dexter ang dalaga. Mahamig sa tinig nito ang pagiging sarkastiko. Isa sa ipinagtataka niya ay sobrang kapal ng make-up nito kahit sa gabi. "Nagagandahan ka rin sa akin?" sita ni Jenny sa binata nang mapansin na nakatitig ito sa kaniyang mukha."Kailangan ba talagang naka make-up ka kahit nandito ka lang sa loob ng bahay?" hindi niya napigilang lumabas sa bibig ang kanina pang lamam ng kaniyang isipan."Pati ba ang hitsura ko ay kasama sa trabaho mo?" pabalang na sagot niya sa abogado at nainis sa pagiging mausisa nito.Napangisi si Dexter at lalong na intriga sa pagkatao ng dalaga. Sa halip na ma-offend sa pagtataray nito ay naaliw pa siya. "Alam mo, kung hindi ko lang narinig na galing ka sa trabahong nagbebenta ng laman, iisipin kong isa kang propisyo
Baca selengkapnya
Chapter 26-Bagong trabaho
PAGKAUWI galing bakasyon ay mainit ang ulo ni Edwin dahil sa mga sumbong ni Jennelyn sa kaniya. "Hindi maaaring bumalik ang lakas niya!"Napangisi si Jackie dahil sa nakikitang galit sa mukha ni Edwin. Nanlilisik ang mga mata nito at kung kaharap lang nila si Amber ay tiyak na nasakal na nito ito."Akala ko po ba kinuha mong tagapag-alaga ay siyang magpalala sa kalusugan niya? Pero kabaliktaran ang kaniyang ginagawa at kinakalaban pa niya ako. Obvious ding may gusto siya kay Yazed." Pagpapatuloy na pagsusumbong ni Jennelyn kay Edwin."Ako na ang bahala sa babaeng iyan at magtuturo ng leksyon! Ang trabahuhin mo ngayon ay masigurong mainum ni Amber ang gamot na ito!" Inabot ni Edwin sa dalaga ang isang banig ng tableta."Bakit si Jennelyn ang gagawa? Bakit hindi ang dep*ta mong babae?!" naiinis na sita ni Jackie kay Edwin."Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko siya babae at gusto ko ng malinis na trabaho? Walang dapat ibang makakakaalm sa bagay na ito kundi tayong tatlo lang
Baca selengkapnya
Chapter 27-Puot at pagkamuhi
PABALIBAG na isinara ni Edwin ang pinto pagkapasok sa loob ng silid ng asawa. Tamang naabutan niyang pinupunasan ni Kailani ang mukha ni Amber. Nilapitan niya ang mga ito at pahablot na inagaw ang hawak ng dalaga at itinapon iyon sa sahig.Inaasahan na ni Jenny ang hindi magandang gagawin ni Edwin pero hindi niya ini-expect na gawin nito iyon sa harap ng asawa nito. Bumalatay ang gulat sa kaniyang mukha nang hilahin nito ang kaniyang buhok at sinampal ng malakas ang kaliwa niyang pisngi."Uhmmmm... Ahhhhh Je...."Mabilis na pinandilatan ni Jenny ng mga mata ang ginang at umiling. Hindi nito maaring bangitin ang kaniyang pangalan sa harap ng ibang tao na wala ang kaniyang pinsan.Naikuyom ni Amber ang isang kamay at tumulo ang mga luha dahil wala siyang magawa para tulungan ang dalaga. Doble ang sakit na nadarama niya sa nakikita at naririnig na masasakit na salita mula kay Edwin. "Ang bilin ko sa iyo ay ang alagaan lang at bantayan ang asawa ko! At hindi kasama sa pinapatrabaho ko sa
Baca selengkapnya
Chapter 28-Katigasan ng puso
Mabilis na bumalik ng opisina si Edwin nang wala na sa paningin ang anak.Napapiksi si Jenny mula sa kinaupuan nang biglang bumukas ang pintuan. Mabuti na lang at naitago na niya ang cellphone na gamit kanina. "Bakit hindi mo pa inaayos iyang mukha mo?" Nandidilat ang mga mata na singhal ni Edwin sa dalaga."Nabitawan ko po at natapon kaya hindi ko na ginamit." Pagdadahilan ni Jenny sa matanda."Punyeta, ginagalit mo ba talaga ako, ha?!""Boss, huwag!" Maagap na nahawakan ni James ang kamay ng matanda bago pa iyon makalapat sa makinis na mukha ng kaibigan. Dali-dali siyang sumunod kanina dito nang mapansin na galit ito.Galit na nilingon ni Edwin ang mapangahas na taong humahawak sa kaniyang brasong nanatiling nakaangat sa ere."Huminahon po kayo, Boss. Nasa paligid lang ang anak mo at si Jenny. Huwag niyo na dagdagan ang pasa niya sa mukha dahil tiyak na mahalata na iyan." Paliwanag ni James dito upang hindi maghinala sa kaniyang biglaang pagsulpot. Biglang huminahon si Edwin at da
Baca selengkapnya
Chapter 29-babala
Muling bumalik sa silid ng ina si Yazed at naabutan niya doon si Jenny na tahimik lang nakaupo sa tabi ng ina. Nagbabasa ito ng libro tungkol sa negosyo. Ang ina ay nanatiling tulog na ipinagtataka niya."Nariyan ka na pala." Magiliw na bati ni Jennelyn sa binata. Kung nasa ibang sitwasyon lang siya ay kanina pa niya naitapon ang libro na hawak lang naman niya. Wala siyang hilig magbasa lalo na at wala siyang naiintindihan sa librong iyon. Isa pa niyang ikinainis ay halatang nagtutulog-tulogan lamang ang ginang at ayaw siyang kausap.Ngumiti si Yazed sa dalaga at lumapit dito. "Pasensya na kung natagalan ako ng pagbalik. Sana ay hindi ka nainip.""Huwag mo ng isipin iyan. Hindi ko nga namalayan na kanina pa pala ako dito mag-isang nakaupo dahil nalibang ako sa binabasa kong libro." Pagsisinungaling ni Jennelyn kay Yazed.Lalong lumawak ang ngiting sumilay sa labi ni Yazed. Natutuwa siya dahil pursigido ang dalaga na matuto agad sa pamamalakad sa negosyo."Sigurado akong naririnig ka n
Baca selengkapnya
Chapter 30-Pagkapikon
"Hindi po pwede ang gusto ninyo, Tito Edwin. May proseso tayong dapat sundin bago maipasa kay Jenny ang lahat ng ari-ariang naiwan ng mag-asawang Garcia." Lihim na nagpupuyos ang kalooban ni Edwin sa galit dahil sa hindi pagsang-ayon ng abogado sa kaniyang suhestyon. Gusto niya sanang ipagkatiwala na lang nito kay Jackie ang desisyon sa iba pang ari-arian. At bilang abogado ay pipirma ito, patunay na si Jennelyn nga ang tunay na tagapagmana ng mga Garcia."Matagal pong nawala si Jenny at hindi natin nasundan ang kaniyang paglaki. May sinusunod po akong tagubilin ng aking ama bago pa siya namatay. Bilang ikalawang taong nangangalaga sa interest ng tagapagmana, tungkolin kong mapasakamay ito sa tamang tao.""Ano ang ibig mong sabihin? Sa tono ng iyong pananalita ay mukhang pinagdududahan mo ang pagkatao ng inaanak ko?" may bahid ng galit ang tono ni Edwin at hindi nagugustohan ang takbo ng pag-uusap nila ng abogado.Tahimik lang nakikinig si Yazed at hinihimay ang mga bagay na pinupunt
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
32
DMCA.com Protection Status