Lahat ng Kabanata ng My Son's Father Has Amnesia : Kabanata 21 - Kabanata 30
41 Kabanata
Chapter 21
Patuloy sa tahimik na pag-iyak si Katya. Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha niya habang nasa loob sila ng kanyang anak sa taxi. "Mommy please, tama na po. Huwag ka na pong umiyak," pag-aalo nito sa kanya pero umiling siya.Hindi na niya kaya pang pigilan pa ang kanyang mga luha. Sobrang sakit ng loob niya sa mga salita na binitawan kanina ng ina ni Gio. Tinawag na nga siyang malandi, sinabihan pa siyang makati. Na kababae raw niyang tao, may anak pero siya pa raw ang may lakas ng loob na kumalantari sa anak nito. Ang mga katulad daw niya ang peste sa lipunan.Pinahamak pa raw niya ang buhay ni Gio.Hindi man lang siya nakapagsalita o naipagtanggol ang kanyang sarili dahil kulang na lang ay sipain siya ng ginang palabas sa kwarto ng binata. Sinubukan din ito ni Kaiser na pakalmahin pero sampal din ang inabot nito.Napigilan pa niya ang emosyon kanina pero ngayon ay hindi na niya kaya pang bumuhos ang mga ito.Nagkakamali ito. Aminado siyang pinahamak nga niya ang buhay ng anak nit
Magbasa pa
Chapter 22
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Katya. Ang daming bumabagabag sa isip niya kaya heto at dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Nagpasya na lang siyang bumangon at silipin ang anak sa kabilang silid. Napangiti siya nang makita na mahimbing ang tulog nito. Bumalik ulit siya sa kanyang kwarto at nagpasyang mag-empake na ng ilan sa kanilang mga gamit.Sa makawala ang plano niyang pag-alis nila ng anak. Akala niya ay makakapagsimula sila ng bagong buhay dito. Nanghihinayang siya. Madami na siyang nakilalang mga kaibigan dito. Maganda rin ang trabaho niya pero kung mapapahamak lang sila dito ay huwag na lalo na at sumali pa sa gulo ang mga magulang niya.Kinuha niya ang malalaking maleta at nagsimula nang ilagay ang ilan niyang niyang mga damit doon. Nasa kalagitnaan si Katya sa ginagawa nang biglang tumunog ang doorbell nila. Tumigil siya at kumunot ang kanyang noo. Malalim na ang gabi ah. Sino naman kaya ito? Baka si Juliet ulit. Ang kaibigan lang naman ang naiiis
Magbasa pa
Chapter 23
Pagkaalis ni Gio ay mabibilis ang mga hakbang na pumanhik sa itaas si Katya. Kulang na lang ay liparin na niya ang distansya mula sa sala hanggang sa kwarto niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kani-kanina lang. Bumalik na ang mga alaala ni Gio!Gustuhin man niya na harapin ang katotohanan pero hindi pa siya handa. Kapag mangyari iyon ay madami ang magbabago sa buhay nila ng anak niya. Kailangan muna niya ng panahon upang mag-isip at hindi niya iyon magagawa kapag pini-pressure siya ng binata. Nalilito siya kaya kailangan nila munang umalis pansamantala.Parang kidlat sa bilis ng mga galaw na ipinagpatuloy ni Katya ang pag-iimpake. Aalis sila ng anak sa madaling araw.Samantala, ang tatlumpong minuto na biyahe sana papunta sa bahay ni Kaiser ay naging sampong minuto na lang dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Gio. Mabuti na lang at wala ng gaanong sasakyan sa daan. Hindi na niya ipinark ng mabuti ang kanyang sasakyan at ibinalibag pa ang pintuan nun nang makarating sa
Magbasa pa
Chapter 24
Kasalukuyang umiinom ng alak si Gio. Nilulunod niya ang sarili sa alak dahil hindi kayang iproseso ng isip niya ang lahat ng mga nangyari sa gabing ito. Alcohol lang ang kakampi niya sa mga oras na ito. Nangangati ang kanyang mga paa na bumalik ulit sa tinutuluyan ni Katya. Gustong-gusto niyang yakapin ang anak niya ng mahigpit. Gusto niyang ipadama dito kung gaano niya ito kamahal, kung gaano siya nagsisisi na hindi niya nasuportahan ang mga ito. Gusto niyang humingi ng tawad at tanggapin siya sa buhay nito bilang ama.Muli na namang nag-init ang ulo niya nang maalala kung sino ang nagmamay-ari ng penthouse na iyon. Pati si Ren ay naglihim sa kanya! Ang dalawang bugok na iyon! Kung hindi niya lang pinsan at kaibigan ang mga ito ay baka nasa sementeryo na ang dalawang gagong iyon!Nasa hideout siya. Ayaw muna niyang umuwi sa bahay o pumunta sa condo niya. Paniguradong bubungangain na naman siya ng kanyang ina. Gusto muna niyang mapag-isa at mag-isip.Muling naglakbay ang isip niya sa
Magbasa pa
Chapter 25
"Hey, bakit hindi ka pa natutulog?"Nasa veranda si Gio, nakatingin sa langit at tulala. Kasalukuyan siyang humihithit ng sigarilyo nang marinig ang malamyos na boses ni Shannon sa kanyang likuran.Agad niyang pinatay ang sigarilyo at naglagay ng mentos sa kanyang bibig. "Hey."Niyakap siya ng dalaga mula sa likod at hinagkan ang kanyang pisngi."You're smoking. May problema ba?"Pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa bago sumagot. "Nothing. Stress lang sa trabaho," pagsisinungaling niya.Nasa condominium siya ni Shannon at dito niya naisipan na papalipasin ang magdamag. Ang buong araw niya ay ginugol sa bahay nila Katya upang maka-bonding ang anak. Wala man siyang tulog pero parang nasa langit naman ang pakiramdam niya.Masaya na sana ang buong araw niya nang maalala na kailangan pala niyang maghugas ng kanyang kamay sa kanyang nobya. Nakokonsensya siya sa nagawang pagtataksil dito. It was not intentional but there's no denying it that he cheated and he felt really bad.Napakabait
Magbasa pa
Chapter 26
"I can tie na my own shoes, mommy. Hindi na po ako bata."Kinuha ni Connor ang sapatos na hawak ni Katya at siya na ang naglagay nun sa paa. Naaaliw na pinanuod niya ang anak. Hindi pa bumabalik si Danica kaya hands on na muna siya ngayon sa anak. Sabi pa nito ay baka hindi na raw ito payagan ng mga magulang na bumalik sa pagtatrabaho sa kanya. Personal pa siyang pumunta sa bahay ng mga ito upang humingi ng dispensa sa nangyari sa anak ng mga ito. Mababait naman ang mga magulang ni Danica pero hindi niya masisisi ang mga ito kung hindi na nga bumalik pa ang dalaga.Muling humarap si Katya sa salamin at pinasadahan ang suot na simpleng dress.Kinakabahan siya. Maya-maya lang ay darating na si Gio upang sunduin sila. Ngayong gabi ang napag-usapan na pagpunta nila sa bahay ng mga Allesandro para sa family dinner. Hindi na siya nagtanong pa ng ibang detalye dahil lalo lang siyang kakabahan. Basta ang sigurado niya ay kasama ang mama at lolo nito."Mommy, you look really pretty in your dre
Magbasa pa
Chapter 27
Bago pa magsimula ang hapunan at bumalik ang mama ni Gio ay ngpaalam muna saglit si Katya sa mga kasama niya sa hapag. Hinila niya ang anak palabas ng kusina. Nag-aalala kasi siya dahil wala na itong kaimik-imik. "Katya." Pigil sa kanya ni Gio.Nilingon niya ang binata. "Don't worry. Hindi kami aalis. Kailangan lang naming lumanghap ng sariwang hangin."Tahimik na pinanuod ng tatlo ang pag-alis ng mag-ina. Napabuntong hininga si Gio pagkatapos."What's with Tita? You didn't tell her the real reason? Na si Rossi ang may kasalanan ng lahat?" si Shannon."No. I tried pero galit na galit siya at ayaw niyang makinig," mababa ang boses na wika ni Gio."Kakausapin ko mamaya si Venus. Hindi naman tama na ganun ang mga sinabi niya. Pinahiya niya ang mag-ina. Kita mo ang apo ko? Nawalan na ng sigla," anang Gramps niya.Napansin nga rin niya iyon. They didn't deserve those words from his mother. Alam niyang nasaktan si Katya. Gusto niya sanang sundan ang mga ito pero mas makakabuti na muna na b
Magbasa pa
Chapter 28
"Yuri naman! Bakit hindi ka man lang nagsaing? Anong kakainin natin nito?" himutok ni Rossi sa kapatid. Pagod siyang umuwi galing trabaho, gutom na gutom at gusto nang kumain pero heto ang naabutan niya. Nakadekwatro ang kapatid niya habang nakasalang ang paborito nitong telenobela sa TV! Ang masaklap pa doon ay hindi man lang ito nagluto ng kanin!"I'm tired. Kagagaling ko nga lang din sa school. Madami kaming ginawang activities ngayon. Hinihintay nga kita upang may magluto eh," sagot naman nito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.Napadaing si Rossi at inis na nagmartsa papunta ng kusina. Kung nagkataon lang talaga na lalaki ang kapatid niya ay kanina pa niya ito sinakal-sakal ng magtanda.Hinubad niya ang coat at basta na lang na inihagis sa kung saan. Ganun din ang ginawa niya sa long sleeve polo niya. Pupulutin na lang niya iyon mamaya.Gutom na gutom na ang pakiramdam niya at kahit na panis na pagkain ay sisimutin niya talaga.Ngunit pagbukas ni Rossi ng imbakan nila ng
Magbasa pa
Chapter 29
"Bakit may black eye ka?"Kanina pa iyon gustong tanungin ni Katya. Bukod sa nangingitim na kaliwang mata ni Gio ay mapula rin ang magkabilang pisngi nito. Normal naman ang mukha nito kanina ngunit nang bumalik ito upang ihatid silang dalawa ni Connor ay ganito na. Parang binugbog ng sanggano."It's nothing. Nadapa lang ako. Madilim kasi kaya hindi ko nakita yung bato sa daanan ko kanina," tipid nitong sagot at ayaw din na tumingin sa kanya.Hindi na niya pa ito muling tinanong dahil mukhang ayaw ni Gio na pag-usapan pa ito. Hinaplos niya ang buhok ng anak. Nakakandong ito sa kanya at mahimbing na natutulog. Gabi na rin kasi at medyo natagalan si Gio kaya dinalaw na ito ng antok."Okay ka lang? Bakit bigla mo na lang inaya si Connor na umuwi? Kinausap ka ba kanina ni mama?" tanong ni Gio at bahagyang sumulyap sa kanya.Bumaling si Katya sa labas ng bintana at pinanuod ang mga nadadaanan nila. Mabigat pa rin ang dibdib niya sa mga sinabi ng ina nito kanina. Mabuti na lang at kumalma na
Magbasa pa
Chapter 30
"Dude, please. Tulungan mo ako! Ayaw kong makulong! Hindi pwede ang gwapo at macho sa kulungan! Mamamatay ako doon!" Natatawang tiningnan ni Kaiser ang kaibigang si Rossi. Umagang-umaga ay nandito ito sa bahay niya upang humingi ng tulong na kausapin ang Auntie Venus niya na huwag nang ituloy pa ang demanda nito.Hindi alam ni Kaiser kung matutuwa siya na alam na nito ang totoong nangyari. Knowing his Auntie, talagang tototohanin nito ang sinabi ngunit bukod pa doon ay natitiyak niya na nakahingi na rin ito ng tawad kay Katya. Ganun talaga ang Auntie niya. Matindi ito kapag magalit pero kung ito ang may mali ay hindi ito mangingimi na magpakababa para hingin ang kapatawaran ng taong nagawan nito ng masama."Here. Magkape ka muna. Kailangan mong kumalma," aniya at ibinigay dito ang tinimpla."Hindi ko kailangan ng kape! Ang kailangan ko ay tulungan mo ako na kumbinsihin si Tita. Kai, hindi ako pwedeng makulong! Mamatay si Yuri kapag wala ako sa bahay!" himutok nito at pinukpok pa ang
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status