All Chapters of Carrying The Mafia Lord's Babies: Chapter 11 - Chapter 20
51 Chapters
CHAPTER 11: STRANGER
A STRANGER from the past would suddenly appear out of nowhere which indeed turned the world upside down. Maagang umalis si Dr. TJ dahil maraming mga patients sa klinika na magpapa-consult. Hindi na rin siya magpapahatid ng pagkain dahil mayro’n siyang lunch meeting kasama si Dra. Sophia. “Mama, nikati po puwet ko,” ungot ni Ravi. “Edi, kamot-kamot mo. Tamad mo naman, puwet mo naman ang nikati at hindi kay Mama,” sita ni Hunter. “Steya nayang kamot-kamot ng puwet mo po, Tuya Wavi,” masayang suhestiyon ni Stella Diana habang nakangiti na ikinalabas ng kaniyang mga dimples sa magkabilaang pisngi. Mayro’n din siyang hawak na Butter Cookies. Suot-suot niya ang kaniyang backless dress at mayro’n din siyang korona. Hindi naman nawawala iyon sa ayos ni Stella Diana dahil gusto niyang maging prinsesa. “Aw! Pwit! Nikati tayaga puwet ko, eh. Feeying ko, nikagat ng ant ang puwet ko kasi sweet,” bulalas ni Ravi. Tumawa naman si Hunter. “Ha? Paano naman naging sweet puwet mo, Wavi? Nag-e-eat b
Read more
CHAPTER 12: PRETEND
PRETEND to hide the secrets of the truth. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakahawak sa baso. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-si-sink in sa akin na na-track ni Orion Dio del Sole alias Don Apollo ang aking kinalalagyan at ang mas masama pa ay nakita niya sina Hunter at Ravi. Alam kong naghihinala na siya pero mabuti na lang talaga ay dumating si Dr. TJ at iniligtas ako. Hindi ko na talaga kasi alam ang gagawin ko kanina. Mabuti na lang at maraming nag-cancel ng appointments sa kaniya at hindi rin siya mapakali kaya’t umuwi siya nang maaga. Mabuti na lang at dumating si Jossel at pinakisuyo muna ni Dr. TJ ang mga anak kong triplets sa kaniya para pakainin at bantayan. Nandito muna kami ngayon sa opisina ni Dr. TJ sa loob ng bahay. “Now, he already knew where you were, Kate. Halata naman sa kaniya na hindi siya basta-bastang lalaki. Gagawa at gagawa siya nang paraan para humanap ng tiyempo para mas lalong mapalapit sa inyo ng mga bata,” sambit ni Dr. TJ. Huminga ako nang
Read more
CHAPTER 13: HUSH
HUSH, don’t you dare spill what I said to you and run away, because you wouldn’t escape from me. Hanggang ngayon ay isa pa ring malaking palaisipan para sa akin ang paghalik at pagbabanta sa akin ni Orion. Talagang mayro’ng pinagmanahan ang mga anak kong triplets dahil ang kanilang ama ay sobrang matigas ang ulo. ‘Saang ulo naman kaya iyon, sa itaas ba o sa ibaba?’ Namula naman ang aking mukha at agad akong umiling-iling para itaboy ang napakabastos na iniisip ko na iyon. Wala akong pagnanasa kay Orion at dapat tumigil rin ako sa pag-iisip tungkol sa kaniya. Napatalon ako sa gulat nang hampasin ni Jossel ang aking puwet. “Hoy! Ano ang nangyayari sa iyo? Bakit para kang tangang iling nang iling d’yan? Tinatanong kita kung bagay ba sa akin na magsuot ng push-up bra para mas lalong ma-emphasized ang aking jogabells at ma-seduce ko si Dr. TJ tapos parang ayaw mo? Aba! Nambabakod ka na ba?” “Ha? Ahm. . . Pasensiya na’t mayro’n lang akong iniisip,” nahihiya kong paumanhin at ipinagpatu
Read more
CHAPTER 14: THREAT
THREATS indicated deep fears. Halos matuod ako sa aking kinatatayuan nang narinig ko ang malamig na pagbabanta ni Orion kay Dra. Sophia habang nakahawak nang mahigpit sa kamay ni Dra. Sophia para hindi ako nito masaktan. “Who the f*ck do you think you were, ha? Bitawan mo nga akong buwiset ka! Kilala mo ba kung sino ako? Baka gusto mong pabagsakin kita at tignan lang natin kung saan pupulutin ang kayabangan mo!” asik ni Dra. Sophia.Hindi masyadong makalakad nang maayos si Dr. TJ na panay ang pagwasiwas ng mga kamay na parang kinakapkap kung saan ba siya pupunta. “F*ck! Don’t you dare hurt Sophia! Pumili ka ng kalaban at huwag kang pumatol sa babae! Ako ang kalabanin mong gago ka! Bitawan mo siya!”Panay ang pagpalag ni Dra. Sophia para makaalis siya mula sa pagkakahawak ni Orion ngunit wala namang nangyayari. “Ano ba! Bitawan mo nga ako! Teka nga, bakit mo ako pinagbabantaan, ha? Isa ka rin ba sa lalaking naging biktima ng babaeng oportunista na iyan? Sumagot ka kapag kinakausap kit
Read more
CHAPTER 15: MOMENT
LIFE WASN’T PERFECT, but it had perfect moments. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Bumaliktad ang lahat at alam na ng lahat ang katotohanan. Lutang na lutang pa rin ako sa nangyari. Ngunit wala naman akong magagawa lalo na’t gusto na ng mga anak kong triplets na sumama kay Orion dahil nararamdaman nilang gustong bumawi ng kanilang ama sa kanila. Si Dra. Sophia naman ay umalis na habang hiyang-hiya sa kaniyang ipinaggagawa. Takot na takot din siya habang panay ang paghingi ng tawad sa akin pati na rin sa aking mga anak na triplets. “Kate,” pagtawag sa akin ni Dr. TJ. Napalingon naman ako sa kaniya habang inaayos ko ang gamit namin nina Hunter, Ravi at Stella Diana at ipinapasok iyon sa loob ng travelling bag. Sinabihan ako ni Orion na aalis na kami. Aalma sana ako ngunit umiiyak sina Ravi at Stella Diana habang si Hunter naman ay tahimik lamang at nakikiramdam lang sa mga nangyayari. Medyo aloof pa siya at ayaw ko naman pilitin dahil kilala k
Read more
CHAPTER 16: REVELATION
THE REVELATION of the truth would definitely change everything. Sobrang nag-enjoy sina Hunter, Ravi at Stella Diana. Sa una ay medyo nahihiya pa si Hunter pero kalaunan ay nakikipagkulitan na siya kasama si Orion. Hindi ko napigilang ngumiti dahil nakikita kong nagkakaro’n ng mga pagkakataon sila na makasama ang kanilang ama. Sa buong durasyon na namasyal kami sa Hong Kong Disneyland ay masasabi kong napaka-magical lalo na’t daig ko pa ang bumalik mula sa aking pagkabata. Hindi ko naman kasi naranasan ang ganito at kuntento na rin ako sa mga simpleng bagay. Hanggang perya nga lang ang kaya ng aking budget at hindi ko rin aakalain na makararating ako nang walang kahirap-hirap sa Hong Kong Disneyland nang dahil kay Orion. Sadya talagang makapangyarihan si Orion at hindi basta-bastang tao. Binibili niya ang lahat ng mga gusto ng triplets at parang balewala sa kaniya iyon. Halos malula naman ako sa presyo sa tuwing nahahagip ng aking tingin ang price tag. Medyo na-i-intimidate nga ako
Read more
CHAPTER 17: LIVE TOGETHER
I’M NOT MARRIED TO HIM. He wasn’t my boyfriend too, but we would together from now on. Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako mula sa nalaman kong rebelasyon tungkol sa pagiging secret baby maker ko ni Orion, ang kaniyang totoong katauhan na isa siyang Mafia Lord ng Dio del Sole Clan at pati na rin ang paglipat namin ng tirahan sa kaniyang puder. Kung nasaan makakasama namin ang kaniyang asawa na si Venus. Marami pa akong gustong itanong sa kaniya ngunit sinugurado niya na siya na ang bahala sa lahat. Medyo natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga bata kapag nalaman nila ang tungkol sa asawa ng kanilang ama. Alam kong masyadong komplikado ang lahat pero alam kong kapag nasa wastong gulang na sila ay mas maiintindihan nila ang lahat. “Mama, ni-panaginip ko po si Ate Juice. Ni-iyak daw po siya,” pagkukuwento ni Ravi habang pinapakain ko sila ng kanilang meryenda. Kasalukuyan kasi kaming pauwi ng Pilipinas. Kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata sa mga anak kong triplets dahil a
Read more
CHAPTER 18: THE MAFIA LORD'S ORDER 
DON’T YOU DARE to messed up and oppose the Mafia Lord’s order or else blood and death would be next. Hindi ako mapakali sa totoo lang habang pinapatulog ang mga anak kong triplets sa kama. Masaya sila at napagod sa kalalaro pati na rin sa pakikipagkulitan kay Orion habang si Venus na panay ang pagmamasid. Sa tuwing babaling ako ng tingin sa kaniya ay kitang-kita ko ang iritasyon at galit do’n ngunit hindi naman niya ako sinasaktan. Ang ganda-ganda at ang lawak ng silid na ito at sumisigaw talaga ang karangyaan. Huminga ako nang malalim dahil talagang hindi ko na mapipigilan ang tadhana. Ang mga anak kong triplets ay ang mga anak ng Mafia Lord. Hindi ko alam kung ano ba iyon pero pakiramdam ko ay kamatayan ang nakakabit sa kapangyarihang iyon. Hinihiling ko na lang talaga na kapag nasa wastong edad na sina Hunter, Ravi at Stella Diana ay hindi sila malagay sa peligro dahil hindi ko kakayanin oras na mayro’ng mangyaring masama sa kanila. Dahan-dahan akong umalis sa ibabaw ng kama at
Read more
CHAPTER 19: WAR
AT THE END OF THE WAR, there would be blood and death. Tahimik ngunit matalim ang tingin ni Venus sa amin ng mga triplets na inaasikaso ni Orion. Nahihiya nga ako dahil imbes na siya ang bigyang pansin ni Orion ay kami pa ng mga bata ang pinaglalaanan niya ng oras. Pagkatapos no’ng aking nasaksihan sa silid ni Orion ay nalaman ko rin ang hinanakit ni Venus. Mayro’n naman talaga siyang karapatan na magalit sa akin lalo na’t bigla na lang akong sumulpot sa buhay nila at sinira ko pa ang kanilang pagsasama. Mayro’n din naman na nagkakatuluyan sa arranged marriage kagaya ng mga napapanood ko na palabas at babasahin sa mga romance novels. Matutunan din naman ni Orion na mahalin pabalik si Venus. Ngunit nang nagkaro’n na ng resulta ang DNA tests results ay nagbago ang lahat. Ang bilis makuha ang resulta lalo na’t mayaman si Orion at puro mga eksperto ang kaniyang mga kinuha para dito. Naalala ko kung paano mamutla at magunaw ang mundo ni Venus nang nakita niya ang mga resulta at iisa
Read more
CHAPTER 20: NOISY
PEOPLE who made no noise were indeed dangerous. Gulat na gulat ako nang biglang tumakbo papunta sa aking harapan si Jossel. Lalabas kasi ako para pumunta sa playground o hindi kaya sa training ground sa labas dahil paniguradong dinala ni Orion ang mga bata ro’n. Ngunit hindi ko inakalang masosorpresa ako sa biglang pagdating ni Jossel. Patalon-talon siya habang yakap-yakap ako. “Grabe! Hindi ko kaya ang katahimikan at kalungkutan sa lungga ni Dr. TJ. Miss na miss ko kayo ng mga tiyanak, Kate! Happy na happy na akong makarating dito. Nang inalok agad ako ng poging tumuhog sa iyo ay nagpakipot muna ako ng one minute bago ako pumayag,” bulalas ni Jossel. Hindi ko napigilang ngumiti dahil talagang tinototoo ni Orion ang kaniyang pangako kina Hunter, Ravi at Stella Diana na dalhin si Jossel dito. Lagi kasing ikinukuwento ng mga bata na miss na miss na nila si Jossel. “Sobrang nagulat ako nang biglang sinundo ako ng mga poging men in black sa bahay ni Dr. TJ at inabutan ako ng high-tec
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status