"Hey' who are you..?" Mabilis na tanung niya sa lalaking palabas na ng kanyang silid ng sandaling iyon. At tila binaliwala lamang nito ang kanyang winika. Inis siyang kumilos ng maisip niyang bakit pa siya kailangan buhatin ng lalaking ito, kung pwede naman siya nitong gisingin na lamang mula sa kanyang pagkakahimbing. Tila nadagdagan pa ang kanyang pagkainis ng makitang nakapatong din ang kanyang mga binti sa isang malaki at malambot na unan, at wala narin ang kanyang sapatos sa kanyang mga paa.. Hay sinu ba ang lalaking iyon, masyadong pakialamero feeling at home at ang lakas ng loob na hawakan pa ako..!! Iritang turan niya sa kanyang sarili, sanay kasi siyang walang ibang lalaki ang nakakapasok sa kanyang silid na iyon maliban sa kanyang Ama na si Don Mariano pangungusap sa kanyang isipan. Mabilis siyang tumayo at excited na hinawi ang kurtina ng kanyang kwarto dahilan upang mabilis na pumasok ang sikat ng araw na bahagyang inaagaw na ng dilim sa kabundukan, wala parin iyon
Read more