Share

Chapter 3 Swimming Pool

"Hey' who are you..?" 

Mabilis na tanung niya sa lalaking palabas na ng kanyang silid ng sandaling iyon. At tila binaliwala lamang nito ang kanyang winika. 

Inis siyang kumilos ng maisip niyang bakit pa siya kailangan buhatin ng lalaking ito, kung pwede naman siya nitong gisingin na lamang mula sa kanyang pagkakahimbing. 

Tila nadagdagan pa ang kanyang pagkainis ng makitang nakapatong din ang kanyang mga binti sa isang malaki at malambot na unan, at wala narin ang kanyang sapatos sa kanyang mga paa..

Hay sinu ba ang lalaking iyon, masyadong pakialamero feeling at home at ang lakas ng loob na hawakan pa ako..!! Iritang turan niya sa kanyang sarili, sanay kasi siyang walang ibang lalaki ang nakakapasok sa kanyang silid na iyon maliban sa kanyang Ama na si Don Mariano pangungusap sa kanyang isipan. 

Mabilis siyang tumayo at excited na hinawi ang kurtina ng kanyang kwarto dahilan upang mabilis na pumasok ang sikat ng araw na bahagyang inaagaw na ng dilim sa kabundukan, wala parin iyong pagbabago at napaka sarap paring pagmasdan. Agad pa niyang binuksan ang salamin ng kanyang bintana upang langhapin ang sariwang simoy ng hangin,. Maya mayay naisipan niyang igawi ang kanyang paningin sa ibaba na tapat ng kanyang kwarto dahil naroroon ang isang napakagandang garden na puno ng ibat ibang uri ng mga halaman at bulaklak may roon din itong Jacuzzi at kubong pahingahan kung saan iyon ang pinaka paburito niyang lugar sa bahay nilang iyon. Dahil maraming alaala ang nakapinta sa lugar na iyon habang kasama pa niya ang isa sa mahalagang tao sa kanyang buhay, at iyon ay ang kanyang Ina. 

Ngunit biglang napawi ang excitement sa kanyang isipan ng muli ay matanaw nanaman niya ang lalaking naghatid sa kanya sa kanyang silid. Muliy naging palaisipan pa sa kanyang mga mata ang matipunong katawan nito gusto niyang isipan kilala niya ito kahit na napakalayo nito sa lalaking kanyang iniisip. 

"Zairyl Come down...!" Pakaway na wika ng kanyang Ama ng makita siya nito mula sa balkunahe ng kanyang kwarto habang kausap nito ang lalaking iyon. 

Napangiti naman siya sa Ama habang napagpasyahan  narin niya ang bumama mula sa kanyang silid. 

"Surprise.....!!!!! "  

Mabilis na wika ni Claire at ng  ilan pa niyang kaklase sa kolehiyo three years ago ang nakalipas.

Naghanda pala ang mga ito ng isang surpresa para sa kanyang pagbabalik. 

"Welcome back Claire.... " Turan pa ng isa sa mga ito.  Tila hindi naman siya makapaniwala dahil  hindi niya inaasahan iyon ang buong akala niya ay pagkatapos nilang makapagtapos ng kolehiyo ay marahil busy na ang mga ito sa kani_kanilang journey sa buhay kaya hindi narin niya ibinalita sa mga ito na siya ay babalik na ng Pilipinas maliban kay Claire na kanyang matalik na kaibigan kaya hindi pwede na hindi niya ipapaalam dito na siya ay uuwi, marahil ay ito rin ang nagkwento sa iba nilang kaklase na siya ay babalik na mula sa states. 

Habang masaya ang lahat at ang ibay nagtatawanan at may ilan namang nagkukwentuhan  ay muling sumagi sa kanyang isipan ang kanyang Ama kaya pa simple  niyang tinungo ang Hardin. 

"Hi Dad.." Agad na bati niya sa matanda, Ngunit napalingalinga pa siya ng mapansing wala na doon ang misteryosong lalaki na sa tingin niyay gustong kilatisin ng kanyang mga mata. 

"Why are you here...? Let's eat with my friends..." Paanyaya niya sa Ama habang bahagya pa niya itong inakbayan sa leeg.

"Later I will...." In I enjoy ko pa ang preskong simoy ng hangin.." Sambit pa nito sa kanya habang bahagyang hinaplos ang kanyang buhok. 

"I miss you Dad.. " Paglalambing pa niyang wika sa kanyang Ama. 

"Narito na po ang wine na ipinakukuha ninyo Don Mariano." Pamilyar na boses na biglang umusbong mula sa kanilang likuran na naging dahilan ng pag uumpisa ng kalabugan sa kanyang dibdib, dahil kung nalilinlang man ng anyo nito ang kanyang paningin ay tila hindi ang kanyang pandinig at nakasisiguro siya na kilala niya ang tinig na iyon. 

"Halika samahan muna rin kami, at ipagdidiwang natin  ang pagbabalik ng aking unica ija."  Ngakangiting Sagot ng kanyang Ama na bahagya pa siyang sinulyapan. 

At walang sigundong  nanlaki ang kanyang mga mata ng matiyak niya ang kanyang kutob dahil sa pagharap ng lalaki ng malapitan sa kanya ay mas tumindi pa ang lalabugan sa kanyang dibdib ng makita niyang ito nga ang lalaking kanyang tinutukoy ang kanilang Janitor sa university noon. Ngunit malayong malayo sa  anyo nito noon, kung noon kasi ay tila basurero ito niya kung  iturin dahil tila hindi ito naliligo at  may pagkagusgusin  ang balinkinitan nitong katawan Ngayoy  nagmistula na itong gym structure dahil sa putok putok nitong mga muscles na bumabakat sa suot nitong manipis na kamiseta at tila para na rin itong nagpa Velo dahil hindi lang ito pumuti kunti naging kaakit akit ang kinis at  tindig ng pangangatawan nito. 

Napalunok pa siya na  parang may biglang nagbarang kung anu sa kanyang lalamunan. 

"Why he is here..? " taas kilay na tanung niya sa kanyang Ama na  bahagyang iniiwas ang kanyang tingin sa lalaki, hindi kasi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganun nalang ang tindi ng kabang kanyang nararamdaman. 

Agad na inabot ng matanda ang wine na dala ng lalaking si Tom at  naglagay sa tatlong kopitang  naroroon, At inabot sa kanya ang isa at ang isa namay salalaking si Tom.  

"Have a sit  Tom..."  Turan pa ng kanyang Ama sa lalaking kanyang kaharap habang tila hiyang Hiya naman ang bitana habang kaharap siya. 

"By the way, did you remember this guy..? " 

Turan ng kanyang Ama sa kanya, at napatango naman siya. 

"This is Teacher Tom Walter, right' at dahil sa tagal na niya sa paninilbihan sa ating eskwelalan noon pa mang tinulungan ko siya ay nagustuhan ko ang kanyang didikasyon at pagpupursige at pagsisikap para makapagtapos. Patuloy na pagpapaliwanag ng matanda,. "At ngayong ikaw ay naririto nang muli sa Pilipinas nais ko sanang siya na ang maging Driver at Body guard mo. "

Halos maluwa pa niya ang bagong lunok na alak dahil sa kanyang narinig na sinambit ng kanyang Ama. 

"But why...?" pairap na Turan pa niya,. "Marami naman diyan  na pwedeng Ihired from agency... ?" 

Hindi naman maiwasan ng lalaking si Tom ang lalong mahiya dahil sa kanyang narinig mula sa bigbig ng dalaga, kahit na inaasahan na niya ang pagiging matapobre at pagkamaldita nitong attitude  noon paman. 

"Hey excuse me po.. " Don Mariano maari po ba naming hiramin si Zai..?" Mabilis na bulalas ni Claire bago paman makapagsalitang muli ang matandang si Don Mariano. 

Ngunit Pabulong naman itong pinasalamatan ng dalaga, dahil nangsandaling iyon ay tila  gusto na niyang himatayin sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.. 

"Hi Sir Tom.." Napakindat pa si Claire ng tapunan ng tingin ang lalaki na bahagyang ikinatawa ng matandang si Don Mariano.

"Okey Sige..' Walang problema I talk later." Sambit pa ng matandang si Don Mariano sa anak na si Zairyl. 

At agad namang tumayo ang dalaga upang  magtungo sa kanyang mga kaibigan na nasa di kalayuan.. 

"Napaka kwela talaga ni Claire,." natatawang turan ng matanda habang sinusundan ng tingin ang dalawa. 

Nagkakatuwaan ang lahat niyang mga kaibigan ng maisipan niyang bisitahin ang kanyang cellphone  malamang Nagmensahe na ang isa pang special na tao sa kanyang puso, Halos  mag iisang taon narin kasi ng makilala niya ang kauna unahang nagpatibok ng kanyang puso si Erl Montemayor tulad niya ay isa rin itong pilipino ngunit maspinili ng mga magulang nito ang manirahan sa states at doon na rin nagtapos ng pagaaral ang lalaki, Dahil maraming negosyong pinapatakbo ang mga magulang nito doon, tulad ng pass food restaurant at casino at ilang Company doon sa madaling salita ay may masasabi din ito sa buhay  tulad nila.  At napagkasunduan nila na makalipas ang ilang buwan ay susunod ito sakanya sa paguwi sa Pilipinas upang personal na makilala ang kanyang Ama kaya naman ay Plano din niyang banggitin  ito sa kanyang Amang si Don Mariano.  

At hindi nga siya nagkamali dahil may tatlong nakakakilig na mensahe na ito sa kanya na agad na ikinatuwa niya at nagbigay ngiti sa kanyang mala hugis pusong labi. 

Rereplayan na sana niya ito ng biglang humagis ang kanyang cellphone, Sanhi ng pagkadulas niya sa gilid ng  Jacuzzi area. 

Napatili pa siya na agad na ikinaalarma ng kanyang body guard na si Tom. Halos lumipad kasi ito ng makitang  babagsak ang ulo niya sa matigas na bakal na kanto ng lamesitang nasa gilid ng Swimming pool, pakiramdam niyay tumalsik ang kanyang kaluluwa  ng isiping baka mabagok siya sa kanyang pagbagsak ngunit hindi ng yari yon dahil nahablot na siya ng lalaking si Tom bago pa man siya mabagok sa matigas na bagay at sa halip ay sa swimming pool silang dalawa nahulog.

"Be Careful Zai..!" Hihimatayin ako sayo,.! " turan ni Don Marianong alalang alala sa dalaga. 

Muli namang namuhay ang kaba sa kanyang dibdib ng maramdaman niya ang kamay ng lalaking mahigpit na nakahawak sa kanyang braso mula sa kanyang likuran at ang isa namay nakapulupot sa kanyang bewang,dahilan upang maramdaman niya ang matigas nitong katawan. 

"Bitawan mo nga ako..!" Paasik pa niyang wika sa lalaki  Naagad namang kumawala mula sa pagkakapulupot nito sa kanya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status