Semua Bab The Dove of The Lost Lands: Bab 21 - Bab 30
49 Bab
Kabanata 20
Kaarawan at Halik"The King and Queen of Koroteya has arrived!"Narinig kong malakas na anunsyo ni Harrion sa lahat na nasa loob ng bulwagan. Musika na nagmumula sa mga biyolin ang namayani sa aking pandinig nang mabuksan ang malaking pintuan patungo sa bulwagan kung saan ngayon idinaraos ang kaarawan ng Hari.Mga bago, hindi pamilyar at mapanuring tingin ang iginawad ng lahat sa akin nang ako'y tuluyang humalo sa bilang nila kasama ang malamig na Hari. Alam kong malaki ang aking gagampanin sa mga oras na ito."Good evening, Your Majesty and Your Highness." Halos sabay nilang bati sa akin.Mabuti na lang ay napag-aralan ko kahit papaano ang kanilang pananalita kahit ito'y panimula pa lang. Kaya't may naiintindihan ako.Ngumiti ako sa kanila habang tipid na tumango lamang ang Hari.
Baca selengkapnya
Kabanata 21
Mag-usapBlangko. Pagkalito. Pagkagulat. Iyon ang agad na bumalot sa akin nang gawin ng malamig na Hari ang hindi inaasahan. Nanlalaki ang mga matang maramdaman ko ang paglikot ng labi nito sa aking labi. Parang nauuhaw.Sa labis na kabiglaan sa aming sitwasyon ay halos hindi na ako nakapag-isip ng tama. Natauhan na lamang ako nang mas pinalalim ng Hari ang pag-angkin sa aking labi kaya't mariin ko siyang tinulak gamit ang buo kong lakas.At ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang itsura niya. Namumula ang buong mukha at leeg. Namumungay ang mga mata at tila may senswal sa kung paano niya ako titigan.Naglakas-loob akong harapin ang malamig na Hari kahit pa may kaunting kiliti ang naiwan sa aking labi mula sa ginawa niya."Ano bang nangyayari sa'yo, Kamahalan? Bakit mo ba ginagawa 'to?"Ngunit tila bingi ang Hari.
Baca selengkapnya
Kabanata 22
MuliNaiwan akong mag-isa sa silid. Tumanggi ako sa kagustuhan ng Hari na mag-usap kami. Wala akong pakealam kung magalit man siya sa akin pero sa ngayon ay hindi ko kayang harapin siya. Kahit makita man lang ang mukha niya ay baka manginig muli ako sa takot at baka hindi lamang punyal ang maitutok ko't makasugat sa kanya.Napapikit ako at napatakip ng mukha ko. Bumabadha na naman ang mga luha. Hindi ko pa makontrol ang sariling emosyon. Para kasing awtomatikong nagbalik ako sa nakaraang halos dumikit na sa pagkatao ko.Dapat nga ay pinapangatawanan ko ang aking pangako, ang aking desisyon, ang aking mithiin. Ngunit heto ako ngayon. Mahina pa rin ako. Gusto kong pangaralan ang sarili sa pagiging ganito ko.Hindi ba't nangako kang magiging malakas ka, Yonahara? Ano itong ipinapakita mo?Parang pinatotohanan ko ang sinabi ng
Baca selengkapnya
Kabanata 23
Kiliti, halina at bihag Sa tana ng buhay ko'y hindi ko inisip kung ano ang pakiramdam ng isang pisikal na intimasyon. Sa totoo'y wala akong nalalaman tungkol doon. Ang tanging kagustuhan ko lamang ay matigil na ang bawat dahas at kamunduhan na minsan ay hindi lang masarap sa pakiramdam. Ito rin ay nakakapanakit. Nagiging ganid at marami ang nagiging biktima sa mali nitong paraan. Ang ganoong paraan at pagtatangka noon sa akin ay dumikit na yata sa aking isip at pagkatao. Ang takot ay madaling bumabalot sa tuwing may ganoong pagkakataon. Minsan ko na nga ring naisip kung ano ba ang mayroon sa isang intimasyon? Gaano ba ito kaakit-akit sa iba? Paano niyon nagagawang ibahin ang isang tao? Anong pakiramdam? Iyon ba ay takot? O totoo nga kaya ang sabi-sabi'y labis iyong nakakahalina? 
Baca selengkapnya
Kabanata 24
DahilanHalos hindi ako pinatulog ng senaryong iyon. Nararamdaman ko pa rin ang bawat haplos, dampi, kiliti at halina na ibinigay ng labi ng malamig na Hari. Nakalimutan ko na nga kung paano ako nakabalik sa aking silid.Ilang ulit na rin akong naglumikot sa aking kama subalit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hanggang sa dumating ang madaling araw, 'dun lang ako tuluyang nakatulog.Nasa hapag kainan ako, mag-isang kumakain. Si Dera ang siyang nagsisilbi ng aking pagkain at ng inumin. May iilang nakabantay din na kawal sa bawat sulok. Nagsasalin ng tsaa si Dera nang mapansing hanggang ngayon ay hindi pa rin pumaparito ang Hari o kahit makisalo man lang sa hapag."Mahal na Reyna, hanggang ngayon pa ba'y hindi pa rin kayo nagkakausap ng mahal na Hari?"Natigil ang ginagawang paghihiwa sa nilutong karne nang magtanong si Dera. Saglit k
Baca selengkapnya
Kabanata 25
ParaanNapapikit ako nang dumaan sandali ang ihip ng hangin, nanginig ako ng kaunti dahil doon. Ang lampara naman sa loob ng silid ang nagbibigay ng konting liwanag sa gabing tahimik at sa buwan na ngayon ay nababalitan ng makapal na ulap.Pagmulat ay pinagmasdan ko naman ang labas ng palasyo mula sa terasang kinatatayuan ko. Sa kabila ng katahimikan, parang nadidinig ko ang bawat bulong, tinig at galaw ng ilan. O baka dahil nasanay lamang ang aking pandinig sa mga ingay sa labas mula pa noon.Mga ingay na hindi ko nanaising marinig muli. Mga ingay na may bahid ng dahas at kamunduan. Na sa pagitan ng pagmamakaawa, pagtangis at tuwa ng mga ganid... iyon din ang ingay na nagiging musika ng sindak sa tuwing kumakagat ang dilim."Siya kaya... kumusta na ang pakiramdam niya? Nahihirapan pa ba siya?" nausal ko sa 'di inaasahang sandali ng aking pag-iisip.
Baca selengkapnya
Kabanata 26
LunasMatapos ang usapang iyon ay tumulong ako sa kanila. Patago akong tumutulong sa paghahanap ng manggagamot. Kasama ko si Yura sa tuwing may lakad kami at sina Harrion at Seron naman ay naghahanap din ng lunas na maaaring makatulong sa Hari.Sa tuwing papasok si Harrion, hindi nawawala ang nararamdamang kaba sa tuwing naririnig namin ang nahihirapang ingay ng Hari. Naririnig din namin ang kaluskos ng kadena na nakagapos sa Hari na siya ring mismo ang may gawa. Ikinulong niya ang sarili sa pangamba na may magawa siyang hindi tama at hindi makontrol pa ang drogang inilagay sa inumin niya na ngayo'y kumakalat sa sistema niya.Isang gabi muli ang dumaan. Bumisita ako sa ilalim at sekretong tagpuan namin sa Palasyo. Natigil ang paglalakad ko ng marinig ang hinaing ng Hari. Sina Seron at Yura ay nababahala rin. Kadena at ang ilang pagbubuntong-hininga nito ng malalim ang aming naririni
Baca selengkapnya
Kabanata 27
PaghulmaHindi ko lubos maisip kung anong klaseng paraan at lunas ang aking gagawin upang gumaling ang Hari. Ni hindi man lamang ako sinabihan ni Senyora Valleri ang tungkol sa pagsasanay niya sa akin. Sabi pa niya'y depende na iyon sa aking gagawin ang kagalingan ng Hari. May sinabi pa siyang iba pero wala rin naman akong maintindihan.Nasa isang paliguan ako. Sa ngayon ay si Yura ang naghihintay sa akin sa labas. Akala ko'y silid ng Hari at ang opisina lang ang mayroon sa ilalim ng palasyo. Hindi ko aakalaing may paliguan din dito at nagkokonektado rin ang bawat pasilyo patungo sa labas ng palasyo.Maihahalintulad din pala ito sa palasyo ng Asyreum. Mula naman sa paliguan na aking kinaroroonan ay may malaking bintana. Tanaw mula rito ang bilog na buwan na tumatagos ang liwanag hanggang sa tubig na aking paliguan.Nang matapos ako ay kaagad na dinaluhan ako ni
Baca selengkapnya
Kabanata 28
Hamon ng Dalawang LeonAbot langit ang aking kaba. Hindi lubos na sigurado ang magiging kahihinatnan ng aking gagawin. Narinig ko na lamang ang pagsarado ng pinto sa aking likuran. At mas lalo lamang nadagdagan ang nararamdamang kaba dahil sa katahimikan.Nilibot ko ang paningin. Kumpara sa unang beses na pumarito ako'y mas maaliwalas, elegante ang loob ng silid. Napakahalimuyak ang amoy marahil ay nagmula sa mga kandilang nakasindi. Mayroong manipis na gintong kurtina rin ang nakasabit sa bawat bintana.Hindi rin nakatakas sa mga mata ang parehong kurtina ngunit napapalibutan naman niyon ang malaking kama ng Hari. At mukhang hindi lang ang paligid ng silid-hari ang nakahanda.Natuon ang tingin ko sa marahang ingay ng tubig. Maingat at mabagal naman akong naglakad patungo roon pero pinigilan ko rin ang sarili nang marinig din ang malalalim na hininga ng Hari.
Baca selengkapnya
Kabanata 29
Panimula ng SiningMinsan ay may mga katanungan ako. Nagsimula iyon nang dumating ako rito sa Koroteya. Mga tanong na baka sakaling sa isang tao lamang ako ang maaring makahanap ng sagot.Hindi ko maipagkakailang nagkaroon ng mga bagong emosyon ang umusbong sa akin nang makilala ko ang Hari. Kung dati'y takot, hindi ko aasahang maliban doon ay magagawa kong makaramdam pa ng panibagong emosyon. Ang mainis at maging matapang.At sa sandaling ito'y may higit pa. Hindi lang kiliti at halina, dahil sa kanlungan ng Hari, may emosyong 'di kayang bigyan ng paliwanag. Sa pagitan ng paghahamon at pangungutya habang ako'y nasa kanyang bisig, tila ako'y nasasailalim sa hipnotismong may dalang init na nakakapagpatunaw.Mula sa kanyang mga matang deretsong nakatingin hanggang sa aking paningin, pababa sa lalamunan at sa aking kaibuturan ramdam ang sensasyong minsang ipinaramd
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12345
DMCA.com Protection Status