All Chapters of Heartless Tears: Chapter 21 - Chapter 30
62 Chapters
HT - 21
Natapos ang unang linggo ng klase namin pero hanggang ngayon 'di pa rin kami nagpapansinan ni Xerxes. Maging iyong uwian nu'ng wednesday ay hindi ko siya napansin. Nakita ko ang iba niyang classmates na nagsisibabaan niya pero siya at si Edel ay hindi ko nakita. Matamlay akong umuwi nang araw na iyon at ng sumunod na araw. Hindi ko alam kung ano na nangyayari sa aming dalawa pero galit ako sa kanya. Mamayang hapon gagawi rito si Tiny sa amin. Sinabi ko kasi nu'n isang araw na nakausap ko si Griffin at tuwang-tuwa ang bruha kong bestfriend sa sinabi ko sa kanya. Kung katabi ko lang siya nu'n puro palo na ang aking braso. Napabuga ako nang mahina at tinitignan itong sinusulat ko. May assignment kasi kami sa English at tungkol sa essay kung sino ang nagpapaligaya sa amin. Wala akong maisulat dahil ang nagpapaligaya sa akin ay hindi ko na masyadong nakakasama at siya na ang nagpapalungkot sa akin. Binaba ko ang pen sa table ko. Sumandal sa gaming chair
Read more
HT - 22
"Ayos lang tayo, 'di ba?" Nakatingin lang ako kay Xerxes na magtanong ito sa akin. Nandito kami ngayon sa dulo ng hallway ng department namin. Blankong nakatingin ako sa kanya. Hindi ako nagsasalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayos lang tayo? Maayos pa ba talaga? O, may iisa ng bibitaw sa ating dalawa?"Ali?" tawag niya sa pangalan ko pero 'di pa rin ako nagsasalita sa tanong niya sa akin. Narinig namin ang bell na hudyat na next subject na para sa amin. "Sige, una na ako sayo, Xerxes." mahinang sabi ko sa kanya.Tumalikod na ako sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. "Hihintayin kita mamayang uwian, babe! Sabay tayong umuwi!" pahabol niyang sabi sa akin pero 'di ako nagsalita. Naglakad lang ako sa pasilyo nila. Napa-angat ako at nakita ko si Edel na malungkot na nakatingin sa akin. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Nakita ko sa aking peripheral vision na lalapitan niya ako, kaya agad akong tumakbo par
Read more
HT - 23
"M-mommy..." mahinang tawag ko kay Mommy. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking straps na bag at isang kamay ko ay hawak ang aking dibdib na tumatambol na nang husto. "Ma'am! Si Alistair!" Narinig ko ang sigaw ni ate Jossie pero masyado na akong mahina para lumapit pa sa kanya. Kaya sa ilang hakbang ko papunta sa kanya ay siyang pagbuwal ko sa aking kinatatayuan. Ang huli kong naalala ay ang mukha ni mommy at ni ate Jossie na nag-aalala sa akin. Nagising ako sa aking k'warto. Akala ko na naman magigising na naman ako sa puting k'warto na palagi kong nakikita kapag nawawalan ako nang malay-tao. Napa-upo ako sa aking kama at tinignan ang dingding ng aking k'warto. Hindi ako nakapasok ngayon. "Princess..." Nawala ang atensyon ko sa dingding ng marinig ko ang boses ni mommy. Nakita ko siyang nakatayo roon sa pintuan habang may hawak na tray. "Gising na pala ang princess namin. Anong nararamdaman mo, Ali?" pag-aalalang tanong niya sa akin
Read more
HT - 24
Friday. Nang makapasok ulit ako sa campus. Tatlong araw akong absent dahil niyon ang bilin ni doc sa akin.Dinagdagan na naman ang dosage na iniinom kong gamot. Pumunta kami nu'ng thursday sa family doctor namin at sinabi niya sa aking alagaan at i-maintain sa tamang oras ang pag-inom ko ng gamot. May lumiliit na raw na bukol sa kaliwang dibdib at mabuti na lang daw 'di raw nahahawa ang isa ko pang dibdib. "Thank you, daddy, sa paghatid!" saad ko kay daddy at hinalikan siya sa kanyang pisngi. "Take care, darling, okay? Nand'yan iyong excuse letter mo, ha?!" paalala niyang wika sa akin kaya tumango ako sa kanya. "Huwag mong kakalimutan ang gamot mo."Tumango ulit ako sa kanya, "opo, daddy! Ingat po kayo!" sabi ko sa kanya at kumaway. Nang makita kong malayo na ang sasakyan ni daddy, saka ako pumasok sa gate ng campus. Wala naman nagbago sa dalawang araw na hindi ko pagpasok. Gano'n pa rin ang buong paligid ng Carter's University.Kinakabahan ako.
Read more
HT - 25
"Ali! Babe?" Napahinto at napalingon ako ng may tumawag sa aking pangalan. Nakita ko sa tapat ng gate namin, ang nagtatakang mukha ni Xerxes.Bakit pupunta siya sa amin? Maayos na ba kami? Ay! Palaka! Ngayon nga pala namin pinagpasyahang mag-usap. Hindi kasi kami nagkasabay umuwi kahapon, sinundo ako ni daddy at siya ay may tinapos siya literary club nila. May pina-publish daw silang newspaper this month, ayon sa text niya kagabi. Tumakbo ito palapit sa akin at nang makalapit sa aking kinatatayuan ay napahawak siya sa kanyang tuhod. "S-saan... Saan ka pupunta, babe?" hinihingal na tanong niya sa akin. Tinitigan ko siya. "Sa may convenient store." tipid na sagot ko sa kanyang tanong. "A-anong gagawin mo roon?" tanong niya ulit sa akin. Umayos na siya sa kanyang pagkakatayo at nakatitig na siya sa akin. "Bibili ako. Inutusan kasi si ate Jossie na bumili pero nag-babanlaw pa siya, kaya ako na ang nag-suggest na ako na lang bibili. Wala naman
Read more
HT - 26
"Gizzy!" tawag ko sa babaeng nakatayo roon sa tapat ng gate ng subdivision. Naka-tokong pants ang suot niya at isang black shirt na may nakasulat na ‘Flavor of the Month’. Anong klaseng statement shirt 'yon?"Alistair!" sigaw nito sa akin nang makita ako. Pinapasok na rin siya sa wakas ng guard na naka-duty ngayon sa gate. "Hala! Siya iyong nagtanong sa akin tungkol sa'yo, Ali!" gulat na sabi niya sa akin at tinuro pa si Xerxes sa aking tabi. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ipapakilala si Xerxes sa kanya. Ang pakilala ko kasi sa kanya sa lalaking ito ay kapatid ng ball captain ng basketball team. "Ah, a-ano kasi... G-gizzy," nauutal at kinakabahan kong sabi sa kanya. "S-si Xerxes, boyfriend ko." mahinang sabi ko sa kanya.Hinihintay ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata pero ngiti lang ang mayro'n doon."Alam ko. Sinabi niya sa akin no'ng pumunta siya sa classroom natin at hinanap ka. Tinanong ko kasi siya kung kaano-ano ka niya. Sinabi ni
Read more
HT - 27
Napabaling ako sa phone kong umilaw at nakita ko roon ang isang message galing kay Xerxes."Are you asleep?" Basa ko sa text message na galing kay Xerxes. "Hindi pa naman. Bakit, Xerxes?" Reply ko sa kanya. Wala pang ilang segundo nakatanggap na ako ng video call kay Xerxes. Sinagot ko ito at bumungad sa akin ang basang buhok niya. "Hi, babe." malat na tawag niya sa akin. "Hi, Xerxes!" balik na tawag ko sa kanya habang inaayos ko itong bag ko para bukas. Nakita ko siyang pinapatuyo ang buhok niya. Mukhang bagong shower ang isang ito. "Katatapos mo lang maligo?" pagtatanong ko sa kanya. Nilagay niya ang towel sa kanyang batok at tumango siya sa akin. "Mm-hmm... Tinapos ko niyong Essay and reporting namin sa General Psychology para bukas." saad niya at pinagpatuloy ang pagpupunas niya."Reporting na kayo roon, Xerxes? Sino professor niyo sa General Psychology?" pagtatanong ko sa kanya.Iniwan ko ang phone kong nasa gitna ng
Read more
HT - 28
"Are you okay, babe?" Nawala ang aking iniisip ng magtanong si Xerxes sa akin. Napatingin ako sa squid ball na nasa baso ko. Sasabihin ko ba kay Xerxes? Pero, nahihiwagaan talaga ako sa kinikilos ni Gizzy kanina. "Palamig?" alok niya sa akin. Sumipsip ako roon sa palamig niyang nasa plastic habang hawak niya iyon. "Ayos ka na? Uwi na tayo, dumidilim na." sabi niya ulit sa akin. Tumingin ako sa paligid namin, marami pa naman estudyante rito at hindi pa naman nag-da-dapit hapon. "May gagawin ka ba ngayon, Xerxes?" mahinang tanong ko sa kanya. Tinusok ko ang isang squid ball sa baso na hawak ko at sinubo ito nang buo. "Wala naman, babe. Do you have a problem?" nag-aalala niyang tanong sa akin.Nakita ko ang mga mata niyang nangungusap na nakatingin sa akin. "M-mayro'n..." mahinang sabi ko sa kanya. "Tungkol sa math namin, nahirapan ako kanina. Lima tuloy ang mali ko out of 15 items sa quiz kanina." sabi ko sa kanya ng totoo.
Read more
HT - 29
"Ang saya mo ngayon, Ali, ha?" Napatingin ako kay Gizzy ng magsalita siya sa aking tabi. Pinagdikit ko ang aking kamay at nilagay ko ang aking baba roon. "Masarap ang naging tulog ko kanina, Gizzy!" masayang sabi ko sa kanya. Wala kaming professor sa pangatlong subject namin kaya lumabas na kami sa classroom. "Maagang lunch break!" malakas na saad ni Gizzy sa akin at napasuntok pa siya hangin. "Saan mo balak pumunta after ng lunch break natin, Ali?" pagtatanong niya sa akin."Baka sa art club ako tumambay, Gizzy. Hindi ko pa tinatapos niyong dina-drawing ko, e. Ikaw, saan ka tatambay?" balik na tanong ko sa kanya. Nagtext sa akin si Xerxes kanina, nakatambay raw sila sa literary club. Hindi pa raw kasi tapos iyong article nila about sa first week ng class this year and need din nila i-interview-hin ang President ng council. "Sa dance studio na lang din. Kaysa naman tumambay ako sa classroom natin, paniguradong wala ring tao roon mamaya." tugon
Read more
HT - 30
Naging abala ako ng sumunod na araw. Tinapos ko ang drawing na ireregalo ko kay Xerxes. Kinuk'wento ko rin pala kay Gizzy ang tungkol sa narinig kong usapan no'ng isang araw. Iyong usapan ng dalawang lalaki, 'di ko sure kung multo niyon, ha? Pero, ba't kasi sila bigla nawala nu'ng tumingin ulit ano sa kanila."Rashad and Kendrick, Ali?" Tumango ako sa tanong niya sa akin.Lumingon ako sa paligid namin, abala naman ang mga kaklase ko sa kani-kanilang gawain. "Oo, iyon 'yong name na narinig ko kahapon, Gizzy. Mukhang may away na pupuntahan iyong dalawang narinig kong nag-uusap. Ang pinagtataka ko lang ba't napasama ang pangalan ng ex-captain ng basketball team." Napaisip kasi ako roon. Naalala ko ang sinabi ni Gizzy, iyong Rashad daw ang dating captain ng basketball team bago naging si kuya Zachary. Nakita kong nagtataka rin ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Hindi ko rin alam. Pero, ang rinig ko rati kay Rashad... Mabait na team captain niyon at '
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status