Share

Chapter 11

KASALUKUYANG kumakain si Anicka nang tumunog ang cellphone niya.

Si Albert.

"Hi, baby. Sabay tayong mag-lunch." bungad agad nito pagsagot niya ng tawag.

Bahagya siyang nangiwi sa sinabi nito.

"Ahm... nandito kami ngayon sa Trining's."

Hindi niya alam kung magandang ideya ba na papuntahin niya roon si Albert lalo at kanina niya pa nararamdaman ang pailalim na tingin ni Tyron na tila binabantayan ang lahat ng kilos niya.

"Ahh... d'yan ka maglu-lunch?" tanong nitong muli.

"Baka dito na nga kami abutin ng lunch. Hindi yata magbubukas now ang WAAK, eh." sagot niya rito.

Nang matapos ipakilala ni Mr. Santos si Tyron kanina ay umalis na rin agad ang binata. Ngunit nagbilin ito na magtungo silang lahat sa Trining's at nagpahanda umano ito ng makakain doon para sa kanilang lahat.

Nais daw nito na nakapalagayang loob ang mga empleyado bago magsimula ng trabaho.

"Ahh... bakit? At ano naman ang ginagawa mo d'yan kung hindi na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status