Share

Chapter 5

Sabay sina Tarcy at Cris umalis ng bahay para bumalik sa kanilang opisina. Kailangan nilang mag research at kumuha ng mga kakailanganin nila. Pagdating nila sa opisina agad nilang tinungo ang computer at nag type ng kailangan nilang malaman.

"Tarcy, ano kaya kung puntahan ko si ninong?" Baling niya sa kaibigan na busy din sa ginagawa.

"Para saan naman?"

"Itatanong ko lang yung tungkol sa mission nila Alexander dito, yung buong detalye." Naka pangalumbaba niyang sagot dito.

"Hindi niya yun ibibigay sayo dahil alam ‘nun masisira mo lang ang plano. Ang mabuting gawin natin ay i-cover ang mission once tapos na ito para tayo ang mag lalabas ng balita." Mahaba nitong litanya sa kanya. May point ito malamang hindi ibigay ng ninong niya ang detalye ng misyon. Masyadong delikado.

Matapos magawa ang lahat ay sabay na rin silang tumayo ni Tarcy para umuwi. Bago pa man sila makalabas ng opisina ay tinawag na siya ni Marco.

"Cris sandali!" Habol nito.

"Bakit Marco, may kailangan ka ba?" Tanong niya rito.

"Invite sana kita for a dinner tonight, nag pa-reserve na ko sa restaurant sa bayan. Promise it will not take long. Ihahatid din kita pauwi." Nangungusap ang mga matang turan nito sa kanya.

Napatingin siya kay Tarcy at ng tumango ito ay bumaling siya kay Marco at ngumiti. Sumama siya dito papunta sa kotse nito.

"I'm happy na pinagbigyan mo ko Cris" ani Marco nang maka upo na sila sa table na pina reserved nito. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. Agad naman niya itong binawi at binaling sa menu ang atensyon. Habang hinihintay ang kanilang orders ay muling nag tanong sa kanya si Marco.

"Cris, napag isipan mo na ba yung sinabi ko sayo before?" Tumitig ito sa kanya at nag hintay ng sagot niya.

"Marco, Im sorry pero gaya pa rin noon hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo." Tapat niyang sinabi dito. Ayaw niya itong paasahin pa. Bagaman alam niya na magiging maganda ang buhay niya sa binata. Hindi niya talaga kasi kayang suklian ang damdamin nito. Tumalim ng bahagya ang tingin nito sa kanya pero dagli rin itong napalitan ng malamlam na tingin.

"Ano ba ang ayaw mo sa akin Cris? Sabihin mo lang at babaguhin ko para sayo." Madamdamin nitong turan sa kanya. Napayuko siya at bumuntong hiniga bago ito hinarap. Hinawakan niya ang kamay nito at tiningnan siya ng deretso sa mata.

"Walang mali sa'yo Marco, kaya lang kasi alam mo naman diba na may pangarap ako. Saka ang bata ko pa para mag asawa. Bente tres lang ako. Marami pa akong gustong marating. I'm sorry Marco."

Yumuko ito sandali at ng mag angat ito ng ulo ay ngumiti ito sa kanya. "Don't worry Cris I won't rush things on you. I understand now na hindi ka pa ready. I'll wait."

Napangiwi siya ng marinig ito kay Marco. Ang slow naman nito!

Nang dumating ang mga orders nila ay magana siyang kumain. Gutom na gutom kasi siya dahil hindi siya naka pag lunch knina. Sa sobrang abala niya sa pagkain ay hindi niya tuloy napansin ang dalawang pares ng matang naka tingin sa kanila. Partikular sa kanya.

"Boyfriend niya kaya yan Alex?" Bulong ni Lucas sa kanya. Pumunta sila dito sa restaurant para hintayin yung apat na inutusan niyang kumuha ng mga gamit at sasakyan na gagamitin nila sa misyon. Napakuyom ang kamao niya ng makita niyang hawak ni Cris ang kamay ng lalakeng kasama nito. Parang gusto niyang manuntok! lalo na at ngiting ngiti pa itong Crisanta na to habang kausap ang lalake.

"Hindi sila bagay!" Mariing tugon niya.

"At sinong bagay? Kayo? Common man kapag nag papansin sayo si Cris iniignora mo lang. Pakunwari ka pa!" Pang bubuska nito sa kanya.

Gustong gusto na niyang sapakin itong si Lucas kung di lang nasa mataong lugar sila.

Napabaling naman ang tingin ni Cris ng pumasok sina Max sa restaurant, hindi siya napansin ng mga ito dahil bahagyang kubli ang table nila.  Sinundan niya ng tingin ang mga ito at nagulat pa siya ng makita sina Alexander at Lucas na nasa dulong mesa! Matalim na nakatitig sa kanya si Alexander. Para itong leon na handang manakmal. Ano na naman kaya ang nagawa niya? sa taranta ay mabilis na niyang inubos ang juice at tumingin kay Marco.

"Marco mabuti pa ihatid mo na ko, gumagabi na eh." Tumayo na ito at inalalayan siyang mag lakad patungo sa pinto. Parang may nag uutos sa kanya na lingunin ang table nila Alex at syempre ginawa niya nga. Hindi niya napansin na may kasunod silang waiter.

"Ay sorry kuya, naku Sorry po" nabunggo niya ang waiter na may dalang mga juice at tumapon iyon sa kalapit na customer. Hindi niya alam kung sino sa kanila ang uunahin niyang punasan!

Ano ba naman Crisanta! Saway niya pa sa sarili.

"Ano ba yan Miss bakit kasi lingon ka ng lingon!" Iritableng angal ng lalake sa kanya. Nabuhos kasi sa panot nitong ulo ang juice.

"I'll pay the damages you don't have to shout at her!" Si Marco habang inaayos ang damit niyang nabasa na rin ng juice. Akma nitong pupunasan ang tumapon na juice sa bandang dibdib niya ng may humawak sa kamay nito. Sabay pa silang napatingin ni Marco sa may ari ng kamay.

"Don't touch that kung ayaw mong baliin ko ang mga buto mo sa kamay!" Galit na turan nito Alexander kay Marco.

"Teka! Sino ka ba ha? Bakit ang yabang mo ha?" Galit na asik ni Marco kay Alexander.

Mag sasalita pa sana si Alexander ng bigla itong hilahin ni Cris palabas ng restaurant. Tumakbo siya ng tumakbo at walang pakialam sa mga nasasalubong niya sa daan.

Hindi niya alam kung gaano na kalayo ang itinakbo nila basta ang alam niya hila-hila niya si Alexander. Inilayo niya ito baka kasi makilala ito ng mga tao at mabulilyaso ang misyon nila.

"Hey stop! saan mo ba ako balak dalhin?" amuse na tanong nito  habang nakatingin sa kanyan, samantalang siya naman ay halos humalik na sa semento sa sobrang hapo. Ngayon niya lang ito nakitang nakangiti sa kanya. Ewan niya pero parang biglang sumakit ang tyan niya papunta sa dibdib niya.

"Inilayo lang kita doon baka kasi mag-away kayo ni Marco at makilala ka ng mga tao at makaapekto pa yun sa mission nyo." Hinihingal niyang paliwanag dito.

"Hay grabe hiningal ako doon! Akala ko kakapusin na ko ng hininga!" Natatawang dugtong niya.

"Sino siya?" Seryosong tanong nito.

"Huh? Sino?"Balik tanong niya dito.

"Yung Marco, ano mo siya?" Ulit nito.

"Ah si Marco, siya ang editor namin ni Tarcy, bale boss namin." Balewalang tugon niya sabay pagpag sa damit niyang basa pa rin ng juice.

"Boyfriend mo?" Dito na niya tiningnan ang lalake.

 "Hindi. Pero matagal na siyang nanliligaw." Nakita niyang tumalim ang tingin nito. Nagseselos ba ito? Naku Crisanta wag kang umasa baka ma-hopia ka lang!

Iimik pa sana si Alex ng bumusina sa kanila ang isang bagong bago na Monteros sports. Nang ibaba ng driver ang bintana nakilala niyang si Lucas ito. Sumilip siya sa loob at nakita niya sina Rigo, Max, Art at Rom. Pinasakay na siya ni Alex sa loob at pumuwesto ito sa tabi niya. Hindi maiwasang mag dikit ang kanilang mga braso at parang may mumunting kuryenteng dumadaloy sa pagitan nila. Napalunok siya ng pag lingon niya ay nakatingin ito sa kanya. Kaagad siyang nag baba ng tingin at nilaro laro ang mga daliri niya.

"Ang tahimik nyo naman yata masyado Alex?" Biro ni Art sa kanila.

"Shhh wag kayo maingay may dumaang anghel." Natatawang turan naman ni Max.

Panay ang tukso ng mga kasama ni Alexander sa kanila. Pero ang lalake ay nanatiling tahimik at seryoso ang mukha.

Ano kayang iniisip niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status