Share

CHAPTER 17

Nagising na lamang ako nang makaramdam ako ng pagtapik sa aking kanang balikat. Nang tignan ko iyon ay nakita kong iyon ang Aling nakaupo sa aking likuran kanina. 

"Eneng, gising ka na at nandito na tayo." Salubong na sabi niya sa akin.

Nag-unat muna ako ng aking katawan bago ako tumayo para harapin ang Aling gumising sa akin. 

"Nay, nasaan na ho tayo?" Tanong ko sa kanya ng makatayo na ako. Hindi ko kase alam kung anong lugar na ito o kung anong parte na ba ito ng Maynila.

"Nasa Pasay na tayo, eneng." Maikling sagot niya sa akin na hindi ko naman makuha kung nasaang parte na ba kami.

"Pasay ho?" Muling tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing malaman kung anong parte na ba kami ng Maynila.

"Dito na tumitigil ang mga bus na galing sa mga probinsiya o lugar kung saan sila pumaparada, at dito rin sumasakay pauwi. Pero hindi naman lahat. Teka ng

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status