Share

CHAPTER 2- STRANGER'S COMFORT

KENYA GUIECO

Wala na naman ako sa huwisyong naglakad papasok sa FR. Galing palang ako sa Senior High Building dahil may session ako ro'n. 

Nagkasabay pa kami ni Rheanne sa hagdan, zsss! Tsaka ang masaklap? Sa office ni Jelo siya dumiretso.  Ang puso ko ngayon ay parang pinipiga na naman. 

"Pssst!" sitsit pa sa'kin ni Gab. Nagtatanong ko naman itong tiningnan. 

Nasa table ito ni Marciella kasama sina Crystal, Jeannie at Kenshane. Nasa isang sulok naman kasi ang lungga ni Marci kaya madalas tambayan ng mga haduf.

"Come here bebe," ani Crys. Lumapit naman ako kahit naguguluhan ako sa kanila. Para kasing may agenda na naman sila at ako ang main topic. 

"In science, what is cell means?" tanong pa sa'kin ni Shane. Napakamot naman ako sa noo.

"Basic unit of life?" patanong ko pang saad. 

Hindi ako Science teacher ah?

Napanganga naman sila at mataman na nakatingin sa akin. What's wrong with them ba?

"You used to answer that question with JELO. J-E-L-O. Dahil sabi mo nga, lahat ng part ng katawan mo ay ang meaning nun ay ang pangalan ng boyfriend mo," kaswal na saad ni Marci.

At doon palang nagising ang diwa ko. Alam ko na kung bakit iyon ang tanong nila. Or I must say, cliche question nila.

Napaupo na lang ako sa tabi ni Gab. Nakakadalawa na ang mga ito sa akin ha? Sigurado akong may alam na talaga ang mga ito. 

"Umamin ka nga my dear cousin," untag sa akin ni Shane.

"Ano na naman ba?" walang gana kong asik.  

"Wala na kayo ni Jelo, diba?" Natigilan naman ako. 

"B-akit?"

Zsss! Unfortunately, Kenya lagi lang namang pa-display ang dalawang iyon dito kaya naman napaghahalataan, idagdag pa ang ka emohan mo kaya ayan, bistado ka na.

"See? Wala na nga kayo and ang haduf na Rheanne na iyon ang ipinagpalit niya sa'yo diba? Gags! Ni wala nga iyon sa kalingkingan mo eh."

"Language Shane and lower your voice, baka may makarinig," saway na naman ni Marci.Sa aming lahat na taga GC ay siya ang pinaka matured mag-isip at kumilos habang ang kambal niya naman ang pinaka-childish.

Bukod kay Rheanne ay siya at si Percy lang din ang kasundo ko. Si Percy ay isang photographer naman kaya wala siya dito sa MHIS.

"Speak," dagdag pa nito. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para wag maluha.

"Yes, totoo. Wala na nga kami," matatag kong saad kahit pa tila ba pinupunit ng pinong-pino ang puso ko.

"I knew it!" sigaw ni Jeannie na laging naka-high pitch. Maagap naman na natakpan ni Gab ang bunganga niya.

"Damn, Jean. Huwag kang maingay diyan," asik ni Crys.

"Sorry na. Eh, si Rheanne ba?"

Unfortunately, yes.

"Hmmm," ani ko sabay singhap. Matinding katahimikan ang namayani sa pagitan namin.

"Tayo," utos sa'min ni Marci at nauna nang tumayo.

"Why?" Naguguluhang usisa samin.

"Sa labas tayo mag-usap, 'wag dito."

Kanya-kanya na kaming tayo at dumiretso sa may orchidarium ng school. Madalang lang ang napunta sa gawi na ito at tanging empleyado lang din ang pwedeng tumambay sa loob. May nga benches din kasi na pwedeng maupuan.

"Walang hiya ang best friend mo na iyon! Ang kapal ng mukha! Kaya ayaw kong nagkakaroon ng best friend eh!" ungot ni Shane.

Yes, nakakatawa mang isipin at hindi mo rin paniniwalaan pero walang best friend si Shane. Marami siyang kasundo like us pero ni isa sa amin ay walang nakakaalam ng mga secret at ka ek-ekan niya sa katawan dahil gano'n siya eh. Ayaw niyang magtiwala.

Sana nga, gano'n na lang din ang ugali ko dahil magpinsan namin kami. 

"Ako naman meron pero itong kambal ko lang naman tsaka ikaw Crys, 'wag mong gagawin sa akin 'yong ginawa si Rheanne dahil naku!" asik ni Gab.Mabilis na binatukan naman siya ng isa. 

"Wow ha? Haduf ka Gab! Bakit? May boyfriend ka ba ha? Tsaka, hindi ko tipo 'yong mga tipo mong lalaki no!"

"Sabi ko nga wala. Buti na lang wala pa. Huwag na tayong mag-boyfriend. Masakit siguro 'yon, masakit ba Kenya?"

"Hindi," malamya kong saad.

"Hindi naman pala..."

"Dahil walang salitang pwedeng maglarawan sa nararamdaman ko. Walang taong makakapawi ng sakit, kahit kayo. Kaya please, nakikiusap ako, 'wag niyo na munang banggitin nang banggitin ang pangalan nila sa harap ko." Pinahid ko ang luhang nagsilandas na naman sa mukha ko.

Damn these tears! Nakaka-degrade!

Ayoko talagang umiyak sa harap nila eh pero damn! Kapag pinag-uusapan ang ganito ay mas nararamdaman ko ang sakit. 

"Hindi mo naman kailangan itago ang sakit na nararamdaman mo Kenya eh. Nandito naman kami. Hindi porke't pinagtaksilan ka ng isa mong kaibigan ay lahat na kami ay iyon ang gagawin. We're just here for you. Kung ayaw niya sa'yo, then let go. Hindi madali pero kayanin mo. Pinasok mo ang sarili mo sa ganitong sitwasyon kaya harapin mo ito. Huwag kang papatalo." Napa-angat ako ng tingin kay Marci na siyang nagsabi no'n.

Makahulugan ang titig na ibinigay ko sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin. I knew it. Kagaya ko may pinagdadaanan din siya. May 'best friend' issue rin siya pero magkaiba nga lang kami ng sitwasyon dahil hindi naman taksil ang kaibigan niya. Naiipit lang siya sa sitwasyon.

"Anong gagawin ko? Gusto kong makalimutan siya agad-agad. Tulungan niyo akong mawala agad ang sakit na dito sa dibdib ko. Gusto ko bukas ay wala na ito, please?" pakiusap ko sa kanila.Lahat sila ay napaiwas ng tingin sa akin. 

Diba? Walang makakatulong sa akin. Wala.

Gusto ko rin naman gawin ang lahat ng sinasabi nila eh. Gustong-gusto pero anong magagawa ko? Ayaw makinig ng puso ko. Na kahit na durog ma durog na siya pero pagmamay-ari pa rin siya ng taong dumurog sa kanya.

"I'm sorry cous pero I think ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo," ani Shane at hinaplos-haplos ang likod ko.

"Oo nga Enya. Sikapin mo na kalimutan siya." Napangiti ako nang mapait dahil sa sinabi ni Jean.

"Ginagawa ko na ang lahat eh. Pero paano? Araw-araw ko silang nakikita rito. Tsaka ni salitang 'sorry' nga wala akong narinig mula sa kanila eh kaya paano matatahimik ang isip at puso ko ha?" marahas na pinahid ko na naman ang luhang nagsisibagsak na naman. Napa-angat ako ng tingin ng may nag-abot sakin ng panyo.

Stranger.

"C-hairman," sabay-sabay naming usal. 

Napalunok pa ako nang mapansing sa akin lang siya nakatingin. Para bang sinasabi niyang alam na alam niya ang dahilan ng pag-iyak ko. 

"Why are you crying, Miss Guieco?" Walang emosyon ang mukha niyang saad. Nagkatinginan pa muna kaming lahat dahil sa tanong niya.

"Naapakan ko kasi siya C-hairman eh. Sa sandal ko ba naman na ito." Parang gusto kong dagukan si Jeannie dahil sa pinagsasabi nito.

Knowing this stranger and that.... Fine! Wildest night we shared,I know he knows the reason but he just doesn't know who and how.

"Ahh... Iyakin ka pala Miss Guieco ha?"

"Sinabi mo pa Chairman!" tumatango-tango pang saad ni Gab. Pasimple na lang akong napailing.

Akmang magsasalita na ako nang may pumasok na naman sa orchidarium. Napasinghap ako dahil sa dalawang taong nagtatawanan pa. Mukhang sayang-saya pa ang mga ito.

Kung balak niyo patayin ako sa sakit Jelo at Rheanne, malapit na kayong magtagumpay.

"I wanted to slap her very hard until she lost his breath," bulong pa ni Shane.

"I'm in. I'll take care of Jelo. They have no right to be happy and live in peace," dagdag naman ni Gabriella. 

"Shut your mouth up," saway sa kanila ni Marci sabay kurot sa tagiliran ng kakambal. 

Wala sa hulog na napakapit ako sa damit ng stranger na nasa tabi ko lang. Pakiramdam ko kasi ay matutumba ako kapag wala akong makapitan. 

Okay, double meaning 'yon, alam ko.

Ramdam ko ang titig ng dalawang tao sa akin. Jelo and this stranger beside me. Parang gusto kong magkunwaring nahimatay. Parang nahihirapan din kasi akong huminga.

"Oh? Chairman? You're here pala with these beautiful lecturers. May agenda ba kayo? Labas muna kami..."

"Ah, no. I just saw them here, Dean Jelo. By the way, is this girl you're with is your three years girlfriend?"

Sa isip ko ay napapamura ako nang sunod-sunod  Parang gusto kong itulak ang taong ito dahil sa tanong niyang iyon.

Ako iyon, kung alam mo lang Chairman.

Nawindang talaga ang buong sistema ko at alam kong gano'n din ang nararamdaman ng mga kasamahan ko. Tiningnan nila ako na para bang nagtatanong kung kaya ko pa ba o kung ayos lang ba ako.

Pilit naman na ngiti ang ibinigay ko sa kanila.Nakita ko ring napayuko na si Rheanne.

"Ah, h-indi. By the way, this is Rheanne Pierre. MHIS lecturer also."

Bakit ayaw mong ipakilala sa amin ang bago mong girlfriend, Jelo?

"H-ello Mr. Chairman," bati niya pa.

"Ah, I see. Akala ko kasi siya iyong nababanggit mo sa akin noon. By the way, where is she? I wanna meet her." Hindi niya man lang tinapunan ng pansin si Rheanne tapos ang seryoso niya pa kung magsalita.

I doubt kung ang stranger nga ba na ito ang nakilala ko nang gabing iyon. Pero hindi ako nagkakamali eh. Tirik na ang araw ng maghiwalay kami.

"I'm sorry for what happened..."

"Forget it stranger. Wala kang dapat ihingi ng sorry dahil in the first place, ginusto ko iyon, ginusto natin pareho. So, let's close this case. Hindi naman na tayo magkikita eh."

Iyon ang huling usapan pa namin. Kaya sigurado akong siya nga ito. 

"Nakekelerke ne etey he?" bulong ni Crys dahil halata namang mas umiigting ang tensiyon sa pagitan namin.

Hindi lang nakakaloka, nakakasira pa ng sistema.

Napabitiw ako sa damit ng Chairman dahil alam kong napadaku ang tingin ni Marci ro'n. Umakto na lang ako na parang wala akong ginawa.

"Ehem. Excuse us po Chairman and D-ean. Tapos na kasi ng break namin eh. May pasok na kami," singit ko bago pa magkabistuhan.

"Oo nga pala! Naku! May assessment ako sa mga stupidents ko ngayon."

"Same here Gab. Tara na." Nauna na ang magkaibigang Gab at Crystal.

"Ako din pala Dean. Alis na ako," paalam din ni Rheanne.

"Sure. Sabay na tayo Miss Pierre. Chairman, mauna na kami ha?"

Mga haduf! Zsss!

"Tara na Kenya," yaya sa akin ni Marciella. Tumango naman ako at sumunod na. 

"Miss Guieco." Awtomatik na napalingon ako sa chairman.

"C-hairman?"

"Paiwan ka muna."

"Ah? S-ige ho."

"Mauna na ako Ken."  Tumango na lang ako kay Marci at pinanuod ito habang palabas ng Orchidarium. 

Napadapo ang tingin ko sa Chairman na nakatitig lang din sa akin."W-hat is it Chairman?"

Narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya pagkuwa'y lumapit sa akin. Malapit na malapit at niyakap ako.

Nagulat pa ako pero nakabawi naman agad. I know that he knows what I feel. Pero sa sinabi ko na hindi niya alam kung sino ang dahilan.

"C-hairman? May problema ka ba?" baling kong tanong sa kanya.

"Silly," aniya tsaka hinaplos-haplos ang buhok ko. "Forget about him," dagdag niya pa.

"I c-an't."

"You should Miss Guieco."

"How?" Hindi siya nakaimik.

Lahat sila sinasabing kalimutan ko na siya. Pero paulit-ulit ko rin na itatanong ang paano? Ginagawa ko na naman nga ang lahat pero hindi eh.

Mahal ko talaga siya. He was my first love and I thought will be my last. I created my prologue with him but I lost him before I'd reached the epilogue. And worst? Kung sino pa yong taong dumating nang nasa climax na kami ay siya pa 'yong taong makakasama niya hanggang wakas. 

"I'm sorry but I think only you know how," aniya saka tumalikod sa akin.

"Stranger!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya. 

"What Miss Wild?"

"Help me." Mukhang natigilan naman siya.

"How?"

"Meet me at DM Bar this night."

"Sure." Naglakad ako papuntang gawi niya. Nang matapat ako sa kanya ay binigyan ko siya ng isang nagpapasalamat ng ngiti.

I still love Jelo. Baka nga taon pa bago ko siya magawang kalimutan. But I think... I need my stranger too. I need him... para makalimot.

Kagaya nang napag-usapan namin ay nagkita nga kami sa  DM Bar. Mabuti naman at sinipot niya naman ako.

"Kuya pogi, isha pa," ani ko sa bartender.

"No, 'wag mo na siyang bigyan. Lasing na siya."

"Stranger hindi pa ako lasing,okay Kita ko pa nga ang kagwapohan mo eh. Tsaka I am good at bed..." Tinakpan niya ag bunganga ko para pigilan ang kung anumang sasabihin ko. Inalis niya lang ang kamay niya nang ako na mismo ang kumalas nun. 

Tumayo ako at pagiwang-giwang na nakisiksik sa mga haduf na nagsasayawan. Ginaya-gaya ko lang ang mga step ng katabi ko.

Tumatalon-talon at iwinawagayway ang mga kamay nila. Iyong usual lang na ginagawa kapag nasa disco-han.

Napapitlag ako ng may kamay na pumulupot sa bewang ko.

"Hi Miss, mag-isa ka lang?" Pilit ko na kinalas ang kamay nitong mukhang asong lalaki na feeling close sa'kin pero mas malakas siya dahil nga siguro ay lasing na ako.

Fine, tama si Dailann, lasing na nga ako.

"Mishter, may kasama ako. Kaya bitawan mo ako." Kung nasa katinuan lang ako ngayon ay baka bali-bali na ang buto nito sa akin. I'm an agent, an elite agent.

"Bitawan mo siya, bro." Malamig ang tono ni Dail tsaka hinila ako papalapit sa kanya, nasubsob na nga ang mukha ko sa dibdib niya.

"Relax, okay? Wala naman akong gagawin sa girlfriend mo eh. It's just that, she's kinda hot and attractive..." Agad na lumipad ang suntok niya sa mukha nang lalaki at mabilis na binuhat ako at inilabas sa bar.

"Hey, put me down bro," asik ko.

"Bro...what?"

"Just kidding."

"Alam mo, ikaw napaka-wild mo kapag lasing. Kawawa ang magiging asawa mo."

"Kawawa ka gano'n?" Natigil naman siya sa paglalakad. Tumawa ako.

"Kidding again. Kawawa pala si Jel."

"Jel who?"

"Iyong gago kong ex pero mahal na mahal ko pa rin. Funny, right? Yeah, right."Isinakay niya ako sa kotse niya at pumasok na rin siya.

"Gago naman pala bakit 'di mo kalimutan?"

"Kinakalimutan na nga, ikaw lang ang nagpaalala sa kanya."

"Ako pa talaga?" Hindi na ako umimik at isinandal na lang ang ulo ko sa upuan.

Lahat naman nagagandahan sakin, lahat naaakit sa'kin, pero bakit si Jelo ay hindi? Gaano ba talaga kahalaga ang makuha ang virginity ko for him? 

Bakit may gano'ng mga lalaki? Iyong purity lang ng mga babae ang gusto nilang makuha and kapag nakuha na nila, iiwanan na din naman nila.

"Address?" tanong niya. Hindi ako umimik. Pareho kaming malalagot kay Kuya Ashmer kung magkataon.

Narinig ko na lang ang kanyang buntong-hininga. Siguro ay sumasakit din ang ulo niya dahil sa katigasan ng ulo ko. Sa kanya lang naman ako komportableng maging ganito eh dahil baka sinapak ako ng mga natitira ko pang kaibigan kung magkataon.

Huminto ang sasakyan sa isang pamilyar na lugar. Sa Condo niya.Binuhat niya ulit ako.

"Hey, kaya kong maglakad, put me down."

"Okay," aniya at inilapag na ako. Ipinulupot ko ang kamay ko sa braso niya at sabay na kaming naglakad. Feeling ko ay nasa zigzag road kami eh.

"Stranger."

"Hmmm?"

"Talaga bang trip ng may-ari ng building na ito na gawing zigzag ang hallway?"

"Zigzag what? Silly cat, ikaw lang naman ang gumawa ng zigzag road na sinasabi mo eh." Bumukas ang elevator at sumampa na kami.

"Ohh, siya ulit? Iba na 'yan Dailann."

"Shut up, bro! Makikitulog lang ako rito dahil hindi ako pwedeng umuwi sa amin ng ganito dahil mapapagalitan ako. Ang dumi ng utak mo ah!" sermon ko sa lalaking nakita na ko rin dito noon.Mukhang nganga naman ito sa pinagsasabi ko.

"Okay Miss, wala naman akong iniisip..."

"Liar go to hell, of course meron kang iniisip like magse-sex kami nitong si Dail." Pinaikot ko ang mata ko. Saktong bumukas ang elevator.

Tinawanan at tinapik sa braso niya pa ang lalaking haduf bago ako inalalayang lumabas. Tinahak namin ang unit niya.

Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Tayo pa bang mga pinoy? Napaka-advance mag-isip eh. Makakita lang dalawang opposite sex na magkasama lalo na kapag gabi ay iba agad ang iniisip.

Porke't lagi mong kasama ang jowa mo ay iisipin na nilang hindi ka na virgin. Kapag nagmukmok ka sa bahay niyo ng ilang linggo at tumaba ka sasabihing buntis ka na. Kapag marami kang alam patungkol sa sex issue sasabihing expert ka sa gano'ng gawain. 

Hello? Kaya nga may sex education na diba? Pinag-aaralan na iyon at hindi mo kailangan ng so-called experience para makabisa ang lahat ng kilos o galaw sa bagay na iyon.

Moderno na tayo ngayon, lamang ang may alam, chos!

Pero ito ang masaklap sa lahat,  kapag naman naging matino ka, kilos Maria Clara sasabihing santa-santita ka lang, nasa ilalim ang kulo, pabebe, painosente, outdated, OA o kung ano-ano pang panlalait.

Iyong totoo? Saan pa tayo lulugar sa bansang ito na puno ng mapanghusgang tao? Kung nakakayaman lang ang panghuhusga, aba't baka hindi na tayo napabilang sa mahihirap na bansa. Baka tayo pa ang nangunguna sa listahan ng pagiging mayaman.

"Ano ulit itinawag mo sa'kin?"

Tsaka uso rin 'yong kung kailan nagninilay ka, tsaka naman may biglang e-extra. Haduf.

"Stranger."

"Hindi, 'yong isa pa."

"Meron ba?" maang-maangan ko pa.

Marami ring pretender. Pero mas mabuting ikaw na mismo ang humusga sa sarili mo 'wag lang yong ibang tao.

"Hmmm."

"Why?"

Trending din 'yong tanong ang isaagot sa tanong din, asan na ang logic sa mundong ibabaw? Loading na lang yata ang meron. 

"Wala," malamya niyang saad.

"Crazy," asik ko at pasalampak na umupo sa sofa niya."Mag-isa ka lang dito?" dagdag tanong ko kahit obvious naman na ang sagot.

"Yes."

"Mukha ng," bulong ko pa at ipinikit ko ang mga mata ko. 

"Sa kwarto..."

"Dito na ako. Kasya naman ako rito."

"Malamig dito..."

"Bigyan mo na lang ako ng kumot."

Ayoko sa kwarto niya 'no? Mahirap nang maulit ang pagkakasala ng ginawa namin ng gabing iyon.  Napasinghap ako ng umangat na lang bigla ang katawan ko. Malamang dahil binuhat niya ako.

Dahan-dahan niya akong inilapag sa kama. Hindi ko na nagawang umalma pa. 

"Dito ka, doon ako sa sofa," aniya pa. Napadilat naman ako.

"No Chairman Mhinn, nakakahiya naman..."

"Doon ka basta ikakama muna kita." Napalunok naman ako.

"Fine," sumusukong saad ko.

"Doon na ako sa sofa?"

"Ikama mo muna ako," pabiro kong saad. 

"Wild Miss," natatawang saad niya.

Well, nagbibiro lang naman ako. Bakit? Bawal na din bang gawing biro ang bagay na iyon ha? May batas na bang gano'n? Ang alam ko ay wala.

"Tabi na tayo rito, malapad naman itong kama mo. Tsaka hindi naman kita hahalayin eh."

Dinotdot niya ang noo ko at humiga sa tabi ko paharap sa'kin.

"Ganyan ka rin ba magsalita sa ex mo?"

Hindi, sa'yo lang. Ang tino ko nga kapag siya ang kaharap ko eh. Feeling Maria Clara,  zsss!

Pain can change anyone else. Pwedeng change for the better, pwedeng worse, in my case mukhang sa pangalawa ako napunta. I admit it. 

"Let's sleep," iba ko sa usapan. Ayoko munang maging malungkot ngayon. 

"Okay."

At ipinikit ko na ang mata ko. Bago pa ako nilamon ng antok, isang mukha ang gumuhit sa isipan ko.

Jelo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status