"Hindi gaanong maganda ang pagkakakilala namin ng Papa Horace mo, dear." Kinausap ako ni Mama Serena nang tanungin ko kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Papa at kung paano sila nagkakilala ni Papa Horace sa unang pagkakataon. Hindi ko na lang pinansin si Rezoir na umiling lang sa tabi ko. "Ang una kong pagkikita kay Horace ay medyo glitchy at nakakatawa, sweety." Ngumiti siya sa akin, isang ngiti na nagpapaalala sa nakaraan na alam ko kung saan nagsimula. Nagsimula siyang magkwento. Ang dahilan ay ang nagpapabago sa isang tao, na noong una ay hindi naniniwala. Paano mo masasabi na ang salitang 'dahilan' ay maaaring magbago ng isang tao? Nang marinig ko iyon mula sa isang estranghero, hindi ko ito sineryoso. Pero kapag may nangyaring trahedya, at naalala ko ang mga salitang iyon, baka totoo. Maaaring baguhin ng mga dahilan ang mga tao. "Sigurado ka, Serena? Kamusta ang pag-aaral mo?" nag-aalalang wika ng pinsan kong si Erman.Hindi na ako nagulat sa tanong nito, I made
"Malapit lang ang karagatan sa mansyon, sweetheart," pangako ni Lolo ng pagtitipid. Wala naman siyang dinagdag sa iba pero baka gusto niyang magkaroon ng idea. And for the past month, nasanay na ang katawan ko sa malamig na agos ng karagatan. Nakatulong man ito sa akin, pinapakalma nito ang utak ko sa tuwing naririnig ko ang alon ng dagat. Agad akong sinalubong ni Loreto at ibinalot sa katawan ko ang tuwalya. May extra siya na ginamit niya sa pagpupunas ng buhok ko. "Where's mine, Loreto? Don't say Serena is the only one you get a towel?" Benito. "Nagdala ka?" Nakangiting tanong ni Loreto sabay balik kay Benito. Inaasar na naman nila ako kaya inalis ko agad ang kamay ni Loreto sa buhok ko at kinuha ang tuwalya sa kamay niya. "Here," binigay ko kay Benito. "You can have this," umiling siya at tumawa. "No Serena. Bahala ka na, tapos na ako sa pagpupunas." habang ngumuso kay Erman na pumunta sa mansyon para kunin, nakalimutan niya ng dalhin. Umupo agad ako sa tela na sadyang nilagay
Parehong circle of friends, dahil magkakilala rin ang tropa nina Loreto, Benito, at Erman. Sa ilang linggo ng pamamalagi ko dito, si Honesty lang ang napagkasunduan ko. "Okay lang. Medyo pagod lang ako," sabi ko kay Ricky. Ibinagsak niya ang hawak niyang alak bago bumaling sa akin, hindi naman mahigpit si lolo at hindi kami araw-araw gumagawa ng ganitong party. Sa weekends minsan, it is also timed on a day na wala akong klase. "College ka na kaya dapat matuto kang uminom ngayon." Sabi ng mga pinsan ko. Hindi naman ako umiinom ng alak, pero dahil gusto ko ring maging malapit sa kanila. Pumayag naman ako pero nasobrahan ko, kaya hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ko inaway ang panganay ng Hillarcas. Pumunta muna kami sa bistro, tapos nangyari. "Nasa school ba? Stress?" Napabalik ako sa realidad ng tanong ni Ricky. Umiling ako bilang sagot, hindi naman ako stressed pero ngayon siguro oo. Lalo na kung mabangis na tigre ang tingin ni Hillarcang sa akin, ano nga ulit ang pangalan ni
PROLOGUE “Are you kidding me?” natatawa na ani Dalea. Sinubukan ko siyang hawakan pero agad niya akong itinulak, sapat para mailayo ako sa kanya. Nagmamakaawa akong napatingin kay Nashe ngunit tulad kay Dalea ay sarado rin ang kanyang tenga. Tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng dumapo ang mga palad ni Dalea sa mga pisngi niya. Sa taong napili ng puso ko, taong minahal ko na hindi dapat. “Seriously Rezoir?” mapang uyam na ani Dalea. “Hindi ka lang pala manloloko, gago ka nga talagang totoo!” Nasa akin pa rin ang tingin niya kahit sa harap nito ay ang pinsan kong si Dalea na nagpupuyos sa galit. Pagod na pagod ang mukha niya, marahil pagod na pagod na sa mga nangyayari sa aming dalawa. Umiwas ako ng tingin, umiyak ako sa sariling palad. Sa totoo lang mas matatanggap ko pa kung bumitaw na siya. Mas makakaya ko kung sasabihin niyang tama na. Kasi kung ako ang tatanungin, hindi ko ‘yon magagawa. Kung sasabihin na niya ngayon ang mga salitang ‘yon sa akin mismo, tatanggapin ko. Hindi dahi
CHAPTER 01 DE FERRER Ang sabi sa akin ni papa namatay raw si mama nung isilang ako nito, nakakalungkot man na lumaki akong walang kalinga ng isang ina. Hindi naman nagkulang si papa, siya na ang tumayo bilang isang aking ama’t ina. Kaya kahit ma pagtripan minsan sa paaralan, lahat ng ‘yon nakaya kong lagpasan. Ayokong makita ni papa na mahina ako, ang sabi niya ako ang kalakasan niya kaya kung magiging mahina ako mawawala rin ang lakas niya. Kaya naman patuloy akong nagiging matatag. Lumuluwas kami sa Manila kapag death anniversary ni mama. Manila ang lugar kung saan ipinanganak ang aking ina, lugar na kinalakihan niya at lugar rin kung saan siya inilibing. Siya lang naman ang binibisita namin dahil walang kamag anak si mama na nakatira sa Maynila, ‘yon ang sinabi ni mama kay papa. Nakakapagtaka man at naguguluhan hindi na ako nagtanong kay papa, sapat na ang pagbisita sa kanya kahit isang beses sa isang taon. Ngunit sa pagkakataong ‘to hindi ko kasama si papa, naiwan ito sa haciend
CHAPTER 2 BABAE HINDI ko namalayan na nahulog pala ang purse ko, akmang aabutin ko na ito ng may ibang kamay ang nauna. Napatitig pa ako sa braso nito, halata ang mga nagpuputokang ugat nito sa braso. Natigilan nga lang ako at napabalik sa huwisyo sa pagtikhim nito, agad kong inabot ang purse ko sa kamay niya at tinignan siya para magpasalamat. “T-Thank you.” ‘yon nga lang ay nautal. Nautal sa kaba…isa na ‘yong rason pero nautal ako sa paraan ng pagkakatitig niya. Hindi dahil sa namamangha ako sa mata niyang katulad sa ulap, mariin ang pagkakatitig nito sa akin na parang may bagyong darating sa dilim. Sa pagkakaalala ko ngayon ko lang siya nakita, pero sa paraan ng pagkatitig niya sa akin ay kakabahan ka talaga ng husto na aakalain mong nagkasala ka sa kanya. Oo, ganun ang ipinaparamdam nito sa titig niya! Kaya napayuko pa ako ng wala sa oras nung nagpasalamat ako sa kanya. Agad ko siyang tinalikuran at napaayos sa pagkakaupo. Kaya pala halata ko kanina sa tinig nung flight atten
CHAPTER 3 WEIRDO Tulad ng sabi ni nanay Roda ay hindi ako nito hinayaang bumiyahe. Kaya naman hapon na ako bumiyahe, madilim na nung nakarating na ko sa Maynila. Tapos na rin ang visitor hours kaya ang pagtawag sa mga pinsan ko na lang ang nagsilbing update ko sa hospital, kung ganun ay bukas ko pa makikita ang papa. Si Lucas ang nagbabantay kay papa, nung na sa biyahe ay sinabi nitong sa unit na niya ako dumeretso. Sinabi rin nito ang password ng kanyang unit kaya madali lang akong nakapasok, habang ang dalawa kong pinsan naman ay dumalaw lang sa hospital. Busy rin kasi sila, kaya mabuti na lamang at kahit busy rin si Lucas tulad nila ay napagpasyahan nitong manatili sa tabi ng papa, kaya kahit papaano ay naibsan ang aking pangamba. “Hindi ko nga alam kung bakit hindi ikaw ang tinawagan ng hospital which is understandable naman dahil na sa malayo ka nga, kung sa mga ganitong emergency talaga maghahanap talaga sila ng kamag anak na malapit,” tinanong ko kung may ideya ba siya sa mg
CHAPTER 04 TRABAHO I rolled my eyes, how stupid of you Azeria! Dapat kasi sa gabi ka na lang pumunta dito para sulit, hindi ‘yong makaka-encounter ka pa ng may saltik! “Pinapatay mo na ba ako diyan sa isip mo?” Napalunok ako, hindi dahil sa na gwapuhan ako sa kanya. Oo! Inaamin kong gwapo siya, pero napalunok ako kasi hindi pa siya bumababa. Prente pa itong na ka upo habang nakahalukipkip, isang maling galaw lang niya hulog agad! “Pwede bang bumaba ka para magkausap tayo ng tama.” “Bakit mo naman naisip na gusto kong makipag usap sa’yo ng tama?” taas kilay na sabi nito. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, napabuga ako ng hangin. Ngayon lang ako na ka tagpo ng ganitong tao, hinga ng malalim Azeria! Inhale, exhale kung hindi mo habaan ang pasensya mo sa lalaking ‘to, baka mawala na siya sa listahan na naninirahan sa mundong ‘to! Natigilan ako sa ginawang inhale at exhale session nung may napagtanto, pinakatitigan ko siya. Relax na relax ang mukha nito na parang walang naalala