Raine Athena Villanueva is living her life as a normal person. Pero hindi gaya ng ibang dalaga, parating okupado ang oras ni Raine. Hanggang sa isang gabi, nagkaroon ng Team Building ang kompanyang pinagtrabahuan niya. Doon nangyari ang isang kapalaran na kayang magpabago ng buhay niya. Sa kalagitnaan ng gabi, habang tulog ang karamihan ay nagising si Raine. Noong una ay hindi niya pa maintindihan ang sarili dahil pakiramdam niya ay may mali sa kanyang katawan. Laking gulat nalang niya nang magmulat siya ng mata, doon niya nasaksihan ang isang kagimbal - gimbal na katotohanan. Aksidenteng nakasama niya sa pagtulog ang may - ari ng kompanyang pinasukan niya. Masyadong mabilis ang nangyari. Tutulungan lang niya sana ito pero hindi niya inaasahan na mauuwi sila sa gano'n. Alam niyang lasing ito at wala sa huwisyo nang may mangyaring sa kanila. Kaya gumawa siya ng isang desisyon. She decide to slipped it. Umalis siya nang kwarto at napanggap na parang walang nangyari. Pero matapos ang kalahating buwan, habang abala siya sa ginagawang trabaho ay tinawagan siya mismo ng kanilang CEO. Pinapunta siya nito sa opisina at hindi sinabi kung ano ang dahilan. Lito man ang isip, napilitan ang dalaga na magpunta. Pagkapasok niya palang sa opisina nito ay mabilis nitong sinabi ang sadya nito. "Marry me." Nagpakasal sila at nagustuhan siya ng pamilya ng lalaki. Pero kung gusto siya ng pamilya nito ang kabaliktaran naman ito sa mismong asawa niya. Dahil hindi siya nito gusto, at kinamumuhian siya nito.
View MoreNAPAKO ANG PANINGIN NI CRASSUS sa hawak na diary. Gamit ang kanan n hintuturo ay hinaplos niya ito. Nakasulat ang pangalan nito sa front cover ng diary. Maging ang address kung saan ito nakatira ay nakalathala rin sa pabalat.Kinain siya ng kyuryosidad nang mabasa niya ang pangalan. Ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalan na ito.Binuklat niya ito at binasa kung ano ang nakasulat.'Tatlong taon ang nakararaan ay may nakilala ako na isang babae, at dahil sa awra nito ay mahihimbing ko siya sa isang anghel. Puro, maliwanag, na kung sinuman man ang makakasaluha nito ay matatangay sa kaliwanagan nito.Mapilantik at makapal ang pilik - mata nito. Sing liwanag naman ng araw ang ngiti nito. Na bawat pagsilay nito ng kasiyahan ay naghahatid ito ng isang mainit na pakiramdam. Bawat tinig nito ay parang isang musika sa tainga ang boses nito. Nakakahipnotismo, animo'y hinihili ka upang mahulog ka sa bitag nito.Nagpakilala ako sa kanya. Iyong galak ko sa mga oras na iyon ay hindi
NAKATAKDA ANG PAGSUSULIT ng Economic Law sa araw ng sabado. Simula alas siyete ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang durasyon ng naturang exam. Nang makarating si Raine sa examination room ay hinanap niya ang kanyang pwesto. Pineprepara niya kaagad ang kanyang mga kailangan para wala siyang maging problema. Ang huli nalang niya kailangan ay ang kanyang ID. Binuksan niya ang compartment ng kanyang bag kung saan niya sinuksok ang kanyang ID. Napaawang ang kanyang bibig. Nang makita na wala roon ang kanyang pakay ay mabilis niyang hinalungkat ang iba pang parte ng bag. Napatda siya nang hindi niya ito mahanap.Natakpan niya ang kanyang bibig. Wala sa bag ang kanyang ID. Kung ganoon ay naiwan ito sa bahay. Ang masama pa ay nakalimutan niya kung saan niya ito nalapag.Naipatong niya ang kanyang siko sa mesa. Kinagat niya ang kuko. Saka niya inaalala kung saan niya nailagay ang kanyang ID.Pumalatak siya. Hindi pa naman siya makapag - exam kung wala ang kanyang ID. Mahalaga iyon dah
UMIIGTING ANG PANGA NI CRASSUS HABANG hawak ang kanyang telepono na nasa kanang tainga niya. Ang kanyang pagkadismaya ay hindi niya mapangalanan dahil sa kanyang nalaman. Kung ganoon ang matagal - tagal na rin pala siya nito pinaikot. "Sir?" Pagpukaw ni Jimmy sa kabilang linya. "Sir?"Napabuntonghininga siya. "Yes, is that all?""Y- yes, Sir.""Okay." Ibibaba niya ang telepono at itinapon ito sa la mesa. Naisuklay niya ang kanyang mga palad sa kanyang buhok.Kung pagbabasehan ang mga kilos ni Raine nitong nakaraan ay ito lang talaga ang sadya nito sa kanya. Ang kanyang pera. Sa dinami - dami ng problema nito ay mukha wala na itong mapagpipilian kung hindi tanggapin ang offer niya.Nagdududa na siya rati sa iniasal nito. Alam naman niya na pera talaga ang habol nito noong una pero hindi niya maipaliwanag ang kanyang sarili. Parang sinampal siya ng katotohanan para magising siya sa sitwasyon ngayon. Na wala itong nararamdaman sa kanya. Hindi niya alam kung nagbulag - bulagan lang ba s
NAPUKAW ANG ATENSIYON NI CRASSUS dahil sa inilahad ni Athelios. Kung ganoon ay may hinanakit pala ito sa kapatid nito. Hindi nga lang ito pinansin ng asawa niya. Kung siya nga naman ang nasa estado ni Raine ay natitiyak din niyang mas masahol pa ang matatamo nito. Ginagamit nitong sangkalan ang sarili nitong kapatid para makaahon ito sa kahirapan. Para malaman pa niya ang mga plano nito ay sumakay siya sa pakulo nito. "Alam mo kasi, Sir o Kuya, naintindihan ko naman kung bakit mas pinili ninyong manahimik. Pero hindi ko matatanggap ang ginawa ng Ate ko. Isipin mo, nag - iisang kapatid niya ako pero noong nakaraang ko lang nalaman na kasal na siya." Umiling - iling pa ito. "Tapos siya, sa mansion na siya nakatira. Eh ako?" Tinuro pa nito ang sarili. "Ni hindi man lang niya ako binigyan ng desenteng tirahan. Paano nalang kung malalaman ng tao na kapatid ako ng asawa mo? Di masisira ang reputasyon mo." Tumango - tango pa siya. May point naman ito kahit papaano pero alam niya ang ga
PARA MAIWASAN ANG GALIT NI CRASSUS ay mabilis na ibinaling ni Raine ang kanyang paningin sa libro. Sa buong hapon na klase ay hindi niya ito binigyan pansin. Iniwasan din niya na magtagpo ang kanilang mga mata para hindi ito makahanap ng paraan na lumapit pa sa kanya. Nang matapos ang kanilang klase ay mabilis din siyang lumabas ng silid para iwasan ito.Pagkababa ni Raine sa building ay nakita siya ni Manang Lena. "Napagod ka ba, Ma'am Raine?" Ngumiti pa ito nang nagmano siya.Umiling naman siya. "Hindi naman po. Isang klase lang po iyon," magalang niyang sagot dito. "Tara na po."Hindi sa pagiging walang modo pero pinili niyang mauna na pumasok sa kotse. Gusto lang niyang iwasan si Mr. Xhun. Ang hindi alam ni Raine ay nakamatyag na ito sa likod nila. Kumunot ang noo ni Mr. Xhun nang makitang may kasama na Ginang si Raine. Naguguluhan na siya. Noong huli ay sinabi ni Raine ang relasyon nito kay Mr. Almonte. Nang tanungin naman niya ang kapatid nito ay taliwas naman sa sinabi ni R
HABANG TINATAHAK NI RAINE ANG PASILYO NG IKATLONG PALAPAG ay naaninag niya si Sasha sa malayuan. Ipit ang librong dala sa kanyang dibdib ay nilapitan niya ito para kausapin."Sasha?"Napatigil ito. Papasok na sana ito sa classroom. Nag - angat ito ng paningin at lumingon sa kanya. Nakita niyang natigilan ito. Mayamaya pa ay hindi na ito mapakali. Hindi rin ito makatingin sa kanya ng diretso."R-Raine?" Pagtawag nito sa kanyang pangalan. "H-hi." Mabagal nitong iniangat ang kanang kamay nito.Huminto siya sa harap nito. Napakurap siya nang bigla itong dumistansiya sa kanya. " Ayos ka lang ba?" Pinagmasdan niya ito. Maputla ang mukha nito na para bang nakakita ito ng multo. Pansin din niya na parang may pasa ito sa gilid ng labi nito ngunit hindi lang klaro. Saka mo lang ito mapapansin kung titigan mo ito ng malapitan. "H-ha?" Umiling ito kaya kumunot ang kanyang noo. "E-eh, o-oo. Oo, ayos lang ako." Napahawak ito sa shoulder bag nito. "Ano, Raine, sorry sa nangyari noong nakaraan," un
TUMAAS ANG KILAY NI CRASSUS sa sinabi ni Raine. Ang ibig nitong sabihin, coincidence na nag - exist sa totoong buhay ang inimbento nito na pangalan?"I hate liars, Raine. So you'd better tell me the truth!""Nagsasabi naman talaga ako ng totoo." Nakita niyang bumuntonghininga ito. "Kung nagtataka ka kung bakit madalas kami magkita ay dahil may isa pa akong rason. Siya ang anak ng boss ng kapatid ko, si Athelios." Kumurap ito ng isang beses. "Nagtatrabaho bilang driver ang kapatid ko sa pamilya nila. Kapag may training class kami ay si Athelios ang naghahatid - sundo kay Mr. Xhun. Natatandaan mo pa ba iyong may nangyaring hindi maganda sa akin?""Which one?"Yumuko ito saglit. Mayamaya pa ay bumalik ito sa pagtitig sa kanya. "Noong first day ng klase namin, doon nalaman ni Athelios na isa ako sa tinuruan ni Mr. Xhun. Matagal ng may masamang balak ang kapatid ko. Gusto niya akong ipagkasundo sa anak ng amo niya pero hindi ako pumayag. Doon lang niya nakompirma na nagkita na kami nang in
KAHIT NAKAPASOK NA SI RAINE SA LAMBO na pagmamay - ari ni Crassus ay pulang - pula pa rin ang kanyang mukha. Ramdam niya ang panginginit nito. "Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa'tin?"Napahawak ng mahigpit si Raine sa kanyang bag. Bahagya siyang yumuko roon para matago ang kalahati ng kanyang ulo. Kung kanina ay sing pula ng kamatis ang kanyang mukha, ngayon ay parang tinakasan naman ito ng kulay. "Raine."Dahan - dahan siyang nag - angat ng mukha. "Hmmm."Tumaas ang kilay nito. "Tinatanong kita," ani pa nito. "Bakit hindi mo sinabi sa kanya na mag - asawa tayo?""S-sorry." Sinubsob niya ulit ang kanyang mukha sa bag. "Pero kasi hindi ba sabi mo, bawal ipagkalat ang tungkol sa kasal natin?"Ito na siguro ang tamang oras para sabihin dito ang totoo."Tch. Pero hindi siya kasali." Napailing ito. "You just feel embarrassed. Just admit it. You can't say that you're married?" He smirked. Or you're afraid that it will block his desire way to pursue you?" Crassus said sarcastic
NAKITA NI RAINE ang mga butil ng ulan na pumapatak sa ulo nito. Bumagal sa kanya ang lahat. Maging ang pagpatak ng tubig sa likod nito ay iba ang epekto sa kanya.Nang mapansin niyang kamuntik ng tumama ang bagpack sa ulo nito ay nagising siya sa katotohanan. Napailing siya.Tinignan niya ito. "Ayaw mo talagang magtakip?" pagsegunda pa niya nang hindi ito sumagot sa una niyang tanong. "Paano kung magkasakit ka?"Bahagyang kumunot ang noo nito. Lumingon ito sa kanya. "Papasok din naman tayo sa kotse. Malapit lang din naman ang lalakaran natin. Hindi naman tayo masyadong mababasa," pangatuwiran pa nito."Kahit na," untag pa ni Raine. Hindi ito kumibo. Wala siyang magawa kung hindi hayaan nalang ito.Dumaan ang ilang minuto ay narating nila ang parking lot. Kaagad na binaba ni Raine ang hawak na bagpack.Napaayos siya ng tayo nang makita niya sa gilid ng kanyang mata na nauna ng naglalakad si Crassus. Sinundan na naman niya ito.Nakapamulsa pa rin ito at hindi man lang ito nagpunas ng
Chapter 1 SA KALAGITNAAN NG GABI, habang tulog ang karamihan sa mga tao ay naalimpungatan si Raine mula sa kanyang paghimbing. Kumilos siya para mag – iba ng posisyon. Hindi pa siya nangangalahati mula sa kanyang pagkilos ay natigilan na siya. Napakunot ang kanyang kilay. Ramdam niyang may masakit. Parang nasugatan siya. Pakiramdam pa niya ay kay bigat ng kanyang katawan. Hindi niya mapangalanan ng diretso. Sa sobrang sakit niyon ay hindi niya alam kung alin ang uunahin. Pagmulat niya ng mata ay isang pamilyar na lalaki ang kanyang nakaharap. Kaagad naglaro sa utak niya nangyari. Namilog ang kanyang mata. Hindi siya makapaniwala. Ang lalaking nakasama at nakatabi niya sa pagtulog ay walang iba kung hindi si Crassus Adam Almonte. Ang CEO ng kompanyang pinasukan niya.Nayanig ang kanyang buong sistema. Kung ganoon ay naibigay niya ang kanyang sarili sa … Napapikit siya sabay buntonghininga. First time niya iyon, at wala siya ibang nararamdaman kung hindi masakit. Hindi lang niya...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments